You are on page 1of 1

Ang buhay ay isang walang hanggang proseso.

Ito ay puno ng mga hakbang na kailangan nating tahakin,


mga hakbang na minsan ay madaling akyatin ngunit kadalasan ay mahirap abutin. Ang mga hakbang na
ito ay ang ating mga pagsubok sa buhay, gaya nalang sa pagkamit ng ninanais nating tagumpay,
maraming pagsubok ang ating madadaanan, mga pagsubok na maaring magtulak sa atin sa ating
kabigoan. Subalit, tatagan natin ang ating sarili at tayo'y magtiwala sa proseso na ating tinatahak
ngayon, dahil sa pagtitiwala, ang mga hamon ng buhay ay magiging daan sa pagtuklas o pag-akyat sa
mga hagdanan ng ating tagumpay.

"Tiwala" isang salita na minsan ay kay hirap isabuhay. Isang salita na kung minsan ay ating binabalewala.
Isang salita na minsan ay hindi natin magawa-gawa. Subalit, ang hindi natin alam, ito ay
makapangyarihan kahit na isang salita lang ito.

Gawin nating halibawa si Thomas Edison, ang taong nag diskubre sa mga bumbilyang umiilaw sa ating
mga tahanan ngayon. Bago pa niya makamit ang tagumpay sa pagbuo ng mga bumbilyang ito ay
dumaan muna siya sa mga 10,000 (sampung libo't) mahigit na mga pagsubok. Ang pagsubok na ito, ayon
sa kanya ay hindi pagkabigo subalit mga pamamaraan na nagtulak sa kanya palapit sa kaniyang
tagumpay. Nagtiwala siya sa kanyang proseso kaya ito ay naging hakbang niya sa paggawa ng gumagana
niyang imbensyon. Sa gayon, ay tularan natin si Edison, huwag tayong matakot na sumubok, huwag
tayong matakot na madapa, at huwag tayong matakot mabigo dahil ang lahat ng ito ay mga hakbang
lamang, mga hakbang na magreresulta sa isang aral, paalala, o kaya sa hinahangad nating pangarap.

Sa kabuuan, ating tandaan na sa panahon ng pagsubok at paghihirap, tiwala sa sarili at sa proseso ang
ating kailangan upang maging matagumpay sa hinahangad na hangarin. Ang buhay ay isang napakataas
na daan, malayo pa man ang ating lalakarin, malayo na rin naman ang nalakad natin. Kaya ay patuloy
lang at magtiwala. Padayon!

You might also like