You are on page 1of 5

Daniel 6

Katapatan sa soberenya ng DIos


Tayo ay nagpapatuloy sa ating serye ng aklat ni Daniel na kung saan patuloy na itinuturo sa atin
ang soberenya ng Dios. Ngayon ay nasa kabanata 6 na po tayo. Marahil, marami sa ating ang
pamilyar na sa istorya sa Daniel 6. Isa ito sa pinakasikat na Bible story, “Si Daniel sa kulungan ng
Leon”. Ngunit ngayong umaga, tingnan natin ang kabanatang ito ng Bibliya, na higit sa isang
kuwentong pambata, ito ay tunay na pangyayari sa kasaysayan. Makikita din natin na ito higit pa
sa kuwento ng katapatan ni Daniel sa Dios. Ang ating focus today ay ang full acceptance ni Daniel
ng sovereignty of God. Let’s open our hearts this morning to this truth, the sovereignty of God.
Do we live like God is sovereign? Hindi ko po tinatanong kung naniniwala tayong God is
sovereign, but are we living like God is sovereign? May impact ba ang katotohanang ito sa atin?
May epekto ba sa atin ito katulad ng kay Daniel na nagbigay sa kanya ng katagumpayan sa
matinding pagsubok, a matter of life and death situation? Maaaring hindi kasing tindi ng hinarap
ni Daniel ang ating sitwasyon, but still, we all do face trials, we all have lion or den in our life.
Itong kabanatang 6 ng Daniel ay patuloy na magtuturo at magpapaunawa sa atin ng soberenya ng
Dios na makikita natin sa buhay ni Daniel.
Walang pamahalaan ng tao o gobyerno, pinuno, pangyayari, sitwasyon, pandemya o krisis
sa labas ng soberenya o makapangyarihang pamamahala ng ating Dios. Kaya naman
karapat-dapat Siyang sampalatayanan at buong katapatang paglingkuran.
Kung matatandaan po ninyo nung nakaraang linggo sa pagbabahagi ng ating Pastor sa Kabanata 5.
Ang naghahari nuon ay si Belshazaar. Sa pagtatapos ng Kabanata 5, mababasa natin “Nang gabi
ring iyon, pinatay si Belshazar na hari ng mga taga-Babilonia. 31At si Darius na taga-Media ang
pumalit sa kanya, na noon ay 62 taong gulang na.”
Kaya sa kabanatang 6 panibagong hari ang ating makikilala. At ang Babiloniya ay napasakamay na
ng dinastiyang Medo-Persian. Mababasa natin sa Daniel 6:1-4
1
Pumili si Haring Darius ng 120 gobernador para mamahala sa kanyang buong
kaharian. 2Ang mga gobernador na itoʼy nasa ilalim ng pamamahala ng tatlong
administrador, at isa sa kanila ay si Daniel. Ginawa ito para hindi mahirapan sa
pamamahala ang hari. 3Si Daniel ang natatangi sa kanilang lahat dahil sa kanyang
pambihirang kakayahan, kaya binalak ng hari na siya ang gawing tagapamahala ng buong
kaharian. 4Dahil dito, ang dalawa pang kasama niyang administrador at mga gobernador ay
naghanap ng kamalian sa pamamahala ni Daniel para paratangan siya. Pero wala silang
makita, dahil si Daniel ay tapat sa kanyang tungkulin at maaasahan. 
Sa pag-aayos ni Haring Darius sa pamahalaan, nagtalaga siya ng 120 gobernador sa kanyang
buong kaharian at ang 120 na iyon ay nasa ilalim naman ng 3 admistrador…at hindi lang isa si
Daniel sa napiling tatlo ngunit siya ay natatangi sa kanilang lahat dahil sa kanyang pambihirang
kakayahan. Wow! Para mas maunawaan po natin, si Daniel ng panahong ito po ay nasa 80+ na.
Ilang hari na din po ang kanyang napaglingkuran sa paganong bayan. Pero makikita natin hindi
lang siya nagsurvive kundi umunlad pa sya dahil nirecognize niya Ang soberenya ng Dios. At kahit
sa kabila ng kanyang edad, patuloy siyang naglilingkod with excellence.
Si Daniel, lubos niyang nauunawaan ang soberenya/ pamamahala ng Dios sa sanlibutan, batid niya
na ang Dios ang nagluluklok ng hari at nagbababa dito. Kaya naman naglingkod si Daniel ng buong
husay at tapat sa pamahalaan para sa kalwahatian ng Dios.
Alam ni Daniel na sakop ng soberenya ng Diyos ang lahat ng pamahalaan ng tao, maging ang
bawat pinuno ng gobyerno gaano man kabuti o kasama.
Hindi pari/ pastor si Daniel, siya ay kabilang sa opisyal ng gobyerno, at dahil nga sa pambihirang
kahusayan niya at galing, nais siyang ipromote ng hari sa pinakamataas na posisyon. Kaya marami
ang naiinggit at nagplano na siya ay pabagsakin sa paghahanap ng ikasisira niya. Pero grabe di ba?
Walang nakitang kamalian sa paglilingkod/ pagtatrabaho ni Daniel. Imagine, sabihin na natin
almost 50 years na naglilingkod si Daniel sa pamahalaan ng Babylonia. Isang lugar ng mga pagano.
Pero naglingkod siya duon ng tapat. Bakit? Kasi nagtatapat siya hindi sa tao, kundi sa Dios na
pinakamakapangyarihang namamahala sa sanlibutan.
Ibinibigay niya ang best niya hindi para sa tao, kundi para sa Dios. Kumusta ba tayo sa ating mga
pinagtatrabahuhan. Binibigay ba natin ang best natin? Tapat ba tayo sa ating trabaho?
Alam ni Daniel na kahit na nasa lugar siya ng mga pagano, at kahit na may masamang plano
sa kanya ang mga tao sa paligid, mananaig pa din ang soberenya ng Dios.
Sa pagpapatuloy ng pangyayari, dahil wala silang makitang kamalian kay Daniel.. ano ang kanilang
gagamiting istratehiya para maibagsak siya?
Daniel 6:5-12
5
Kaya sinabi nila, “Wala tayong maipaparatang sa kanya maliban kung hahanap tayo ng
kasalanan na may kaugnayan sa Kautusan ng kanyang Dios.”
6
Kaya pumunta sila sa hari at sinabi, “Mahal na Hari! 7Kaming mga administrador, mayor,
gobernador, tagapayo, at mga komisyoner ng inyong kaharian ay nagkasundong hilingin sa
inyo na gumawa ng kautusan na sa loob ng 30 araw ay walang mananalangin sa sinumang
dios o tao maliban sa inyo. At dapat itong sundin, dahil ang sinumang susuway sa utos na
ito ay itatapon sa kulungan ng mga leon. 8Kaya Mahal na Hari, magpalabas na po kayo ng
ganoong kautusan. Ipasulat nʼyo po at lagdaan para hindi na mabago o mapawalang-bisa
ayon sa kautusan ng ating kahariang Media at Persia.”
Pumayag si Haring Darius, kaya nilagdaan niya ang kautusang iyon. 10Nang malaman ni
9

Daniel na lumagda ang hari, umuwi siya at pumunta sa kanyang silid na nasa itaas na
bahagi ng bahay, kung saan nakabukas ang bintana na nakaharap sa Jerusalem. Doon
lumuhod siya, nanalangin at nagpasalamat sa kanyang Dios, tatlong beses sa isang araw,
ayon sa kanyang nakaugalian. 11Pero sinusubaybayan pala siya ng mga opisyal na
kumakalaban sa kanya, at nakita nila siyang nananalangin at nagpupuri sa kanyang
Dios. 12Kaya pumunta sila sa hari at sinabi ang paglabag ni Daniel sa kautusan. Sinabi nila
sa hari, “Mahal na Hari, hindi baʼt lumagda kayo ng kautusan na sa loob ng 30 araw ay
walang mananalangin sa alin mang dios o tao maliban sa inyo? At ang sinumang lumabag sa
kautusang iyon ay ihuhulog sa kulungan ng mga leon?”
Sumagot ang hari, “Totoo iyon, at hindi na iyon mababago o mapapawalang-bisa ayon sa
kautusan ng ating kahariang Media at Persia.”

Kilalang-kilala ng mga inggiterong opisyal ang katapatan at debosyon ni Daniel sa Dios. At iyon
ang kanilang ginamit laban sa Kanya. At parang nagtagumpay nga sila ah… parang sinasabi nila,
“Oh db, hindi ikokompromiso ni Daniel ang kanyang pananampalataya sa kanyang Dios.”
Sa kabila ng kautusan at kaparusahan sa paglabag nito, si Daniel ay nagpatuloy sa kaniyang
lifestyle ng pananalangin. Wala tayong mababasang, nag-aalala o natakot siya, lumapit sa hari at
nakiusap. Bagkus nandun yung, confidence kay Daniel na ang soberenya ng Dios ay kayang
pamahalaan maging ang masamang plano ng kaaway. Kontrolado ng Dios ang lahat ng
bagay, maging ang masamang balak o paraan ng kaaway.

Tayo ay nakulong din sa pandemya, ipinagbawal man ng ating pamahalaan ang paglabas ng
bahay, pero hindi po ipinagbawal ang manalangin at sumamba, hindi ba? Pero, paano nga ba tayo
tumugon? Kinain ba tayo ng takot at pag-aalala o nagawa pa din nating kumalma dahil
nananampalataya tayo ang Dios ay may control?

Isa sa kultura at kaugalian ng Medo-Persian yung kasabihan na “Utos ng Hari, hindi mababali”
Kahit ang mismong hari ay hindi mababago o mapapawalang-bisa ang kautusan na nalagdaan at
napagtibay na. Kaya no choice si Haring Darius, kahit gusto niyang mailigtas si Daniel, wala syang
magawa. Nastress na siya kakaisip ng paraan pero wala talaga. Kaya ang nasambit na lang niya sa
Daniel 6:16

“Iligtas ka nawa ng iyong Dios na patuloy mong pinaglilingkuran.”

Bigyang-diin natin ung salitang patuloy, nakita ng hari at ng buong bayan ang patuloy o
consistent na paglilingkod ni Daniel sa Dios. Isang hamon sa bawat isa sa atin. Ang magpatuloy sa
paglilingkod anuman ang ating kaharapin. Maganda man o hindi ang ating kalagayan. Masaya man
o malungkot, mahirap man o madali, tayo ay dapat na nagpapatuloy sa paglilingkod sa Dios.

Nakita dito na, maging ang hari man na itinuturing nilang makapangyarihan sa bayan ay walang
magawa para mailigtas si Daniel… pero makikita pa din na kalmado si Daniel, dahil sa patuloy
niyang paglilingkod sa Dios, kilala niya ang Dios, batid niya na, ang di kayang gawin ng tao o ng
hari man, ay kayang kayang gawin ng Dios, ng hari ng mga hari. Ang hindi kayang baguhin
ng tao ay kayang baguhin ng Dios.
Dahil ang Dios ay ang pinakamakapangyarihang namamahala sa lahat.

Sa buong gabi na nasa kulungan ng leon si Daniel, balisa si Haring Darius, hindi nakatulog, hindi
nakakain at ayaw magpaaliw. Pero kinaumagahan, nagalak siyang nung marinig ang tinig ni Daniel
at nang nailabas sya ay wala man lang nakitang galos sa kanyang katawan, bakit? Dahil nagtiwala
siya sa Diyos.

Masasabi natin na mas payapa pa ang gabi ni Daniel sa kulungan ng leon kesa sa hari sa
maganda niyang kwarto. Dahil kasama ni Daniel ang Dios na ang soberenya ay sumasaklaw sa
lahat ng kaniyang nilikha. At ang soberenya ng Dios ay nagbibigay ng pag-asa at kapayapaan sa
mga taong tumatanggap at tapat na naniniwala dito.

Batid ni Daniel ang parusa sa paglabag ng kautusan ng Hari pero batid niya din ang
kahihinatnan ng pagsuway sa Dios. At ang kanyang katapatan at pagsunod ay nagpakilala ng
kadakilaan ng soberenya ng Dios na kanyang patuloy na pinaglilingkuran.

Maaaring maitanong natin sa ating sarili, bakit pa hinayaan ng Dios na makabuo ng masamang
plano ang kaaway at maitapon si Daniel sa kulungan ng leon? Bakit kailangan pa natin makaranas
ng pandemya? Sovereign naman si Lord, bakit di na lang Niya pigilan na mangyari ang mga di
magandang sitwasyon?

Ang lahat ng ito ay pinahintulutang mangyari upang ang mensahe ng kadakilaan ng


kalwalhatian ng Dios ay maipahayag sa buong mundo.

Sa pagtatapos ng kabanatang 6, naglabas ng kautusan ang hari sa iba’t-ibang bansa, lahi at wika,
at ang kapansin-pansin sa kautusan na ito ay pinahintulot ng Dios ang lahat na mangyari kay
Daniel upang ang paganong hari ang magpahayag sa buong mundo ng mensahe ng kalwalhatian ng
Dios ng Israel.

Bakit pinahintulot na makaranas tayo ng pandemya o pagsubok? Upang marealize natin na ang
Dios ang pinakamakapangyarihan tagapamahala sa lahat, na ang Dios ay dios at tayo ay hindi.

Kung ganap nating tatanggapin at paniniwalaan sa ating puso ang soberanya ng Dios at
tayo ay mabubuhay sa katotohanan ito,
You will see that only God can turn
A mess into a message..
A test into a testimony..
A trial into a triumph..
A victim into a victory..
To proclaim the greatness of
HIS glory!

Ang ating pananampalataya at buong pagtanggap sa soberenya ng Dios ay sikapin nating


magresulta na maipahayag ang kadakilaan niya. Na kahit ano pang kulungan o leon ang
ating kaharapin sa ating paglilingkod ay buong tiwala at tapat tayong susunod dahil
nakatitiyak na sasamahan tayo ng Dios at Siya ang may control sa lahat ng bagay.

Let’s declare this

Ang Dios ng Israel, ang Dios ni Daniel ay Siya ring Dios natin ngayon na dapat
sampalatayanan, at buong katapatang paglingkuran sapagkat….
Siya ang buhay na Dios at nabubuhay magpakailanman.
Ang paghahari niya ay walang hanggan,
at walang makakapagbagsak nito.
27
Nagliligtas siya at gumagawa ng mga himala at kababalaghan sa langit at dito sa lupa.
Iniligtas niya ako mula sa _____________.”

You might also like