You are on page 1of 7

Ang Panalangin at Epekto nito sa Pag-alis ng Pagsubok

Ni Shaykh Mansur As Saq-ub

: ‫الخطبة األولى‬

‫السر وأخفى ويكشف الضر‬


ّ ‫ يعلم‬,‫ ادلطّلع على مكنون الصدور واخلفيات‬,‫احلمد هلل العامل بالبواطن واجلليات‬
‫وأشهد أن ال إلو إال اهلل وحده ال شريك لو شهدت لو بالربوبية‬. ‫ اهلل ال إلو إال ىو لو األمساء احلسىن‬,‫والبلوى‬

ً‫وأشهد أن حممدا‬. ‫ واتصف سبحانو بأكمل الصفات‬,‫ وأذعن لو باأللوىية خالصة ادلخلوقات‬,‫مجيع ادلوجودات‬

‫ وعلى‬,‫ اللهم صل وسلم عليو وعلى أصحابو أىل السرائر الصافيات‬,‫عبده ورسولو أفضل الرسل وسيد الربيات‬

.‫التابعني ومن تبعهم بإحسان إىل يوم الدين‬

Sa panahon na magkapatong-patong ang mga problema, at nakasara ang

lahat ng mga pinto, walang tatakbuhan ang isang Alipin at walang kakalinga sa

kanya maliban sa Allah. Meron pa bang iba maliban sa Allah? Meron pa bang iba

maliban sa Allah ang siyang aalis ng mga kalungkutan at mga sakuna? Meron pa

bang iba maliban sa Allah ang siyang tutugon sa mga panalangin at tutulong sa may

mga kalungkutan?

Sinuman ang makita niya ang pagpapabago ng Allah sa mga bagay-bagay at

pagkontrol sa mga nilikha ay kanyang malalaman at siya’y makakasiguro na walang

pinakamalakas na tunay maliban sa Allah, at walang may kakayahan maliban sa

Kanya at walang panginoon maliban sa Kanya. At walang pinagkaiba sa isang

pinuno at kanyang tagasunod, sa isang mayaman at mahirap; lahat sila’y

nangangailangan sa Allah ‫ ﷻ‬.

Isang lalaki ang nagsumikap upang makarating sa ministro ng isang pinuno

upang humigi ng tulong sa kanyang pangangailangan. Nang siya’y makarating sa

kanya, tinulungan siyang makarating sa pinuno ngunit tumanggi ang pinuno na

tulungan siya at kanyang sinabi na ang kanyang pangangailangan ay walang may

kakayahan nito maliban sa Sultan. Ang lalaki ay nagsumikap hanggang siya’y

2
nakalapit sa Sultan. At nang siya’y pumasok kanyang natagpuan ang Sultan na

nakataas ang kanyang mga kamay at siya’y nananalangin sa Allah. Dahil dito’y

sinisi ng lalaki ang kanyang sarili at kanyang sinabi: “nasaan ba ako mula sa Kanya

na Siyang hinihingian ng Sultan samantalang Siya’y sa akin ay napakalapit at hindi

na kinakailangan pa ng tagapamagitan.”

Oo, tunay na ang pinto tungo sa Allah ay hindi na nangangailangan pa ng

mga tagapamagitan bagkus ito ay bukas para sa lahat ng humihingi sa Kanya. Ilan

ba sa mga tao ang pinagod siya ng problema at hindi siya pinakilos ng sakit at hindi

nakayanan ng mga doktor na siya’y gamutin at hindi nakayanan ng mga tao na

alisin sa kanya ang kanyang prolema. Ngunit kanyang itinaas ang kanyang mga

kamay sa Allah, na Siyang magsasabi lamang sa isang bagay na “Maging at

Mangyari nga”, at dahil dito siya ay gumaling mula sa sakit at nawala ang kanyang

problema.

Si Ayub Alayhis- Salam, dumatal sa kanya ang matinding sakit, at nawala sa

kanya ang kanyang kalusugan, kayamanan at anak. At nang tumagal sa kanya ang

pagsubok kanyang itinaas ang kanyang mga kamay at kanyang sinabi:

]38 :‫ﱩ ﭟ ﭠ ﭡ ﭢ ﭣ ﭤ ﭥ ﭦ ﭧ ﭨ ﭩ ﭪ ﱨ [األنبياء‬

{At (Banggitin) si Ayyub nang siya ay manawagan sa kanyang Panginoon:

‚katotohanan ang karamdaman ay dumapo sa akin, at Ikaw ( O Allah ) ang

pinaka-Mahabagin sa lahat ng mahabagin‛}

Dahil dito ay siya’y pinagaling ng Allah pagkatapos na kanyang akalain na ang

kamatayan ay mas malapit sa kanya.

At sino ba ang makakalimot sa Sugo ng Allah na si Yunos nang siya’y nasa

ilalim ng kadiliman sa loob ng tiyan ng balyena sa ikalaliman ng karagatan at siya’y

nasa matinding paghihirap? At siya’y nanalangin sa Kanya na Siyang nakakarinig

ng mga nakatagong tunog;

3
‫ﱩﮎﮏﮐﮑﮒﮓﮔﮕﮖﮗﮘﮙﮚﮛﮜﮝﮞﮟﮠﮡﮢ‬

]38 :‫ﮣ ﮤ ﮥ ﱨ [األنبياء‬

{At [banggitin] ang Dhun-Nun [si Jonas], nang siya ay lumisang napopoot, at nag-

akalang hindi Namin itatakda *ang anuman+ sa kanya! Nguni’t siya ay nanalangin

sa loob ng kadiliman *ng dagat na nagsabing+: ‚Walang ibang diyos maliban sa

Iyo. Luwalhati sa Iyo. Katotohanan, ako ay napabilang mula sa [hanay ng] mga

mapaggawa ng kamalian.‛}

Tunay na ito ang panalangin na siyang kaluluwa ng pagsamba, siyang

minamahal ng Pinakamaawain at siyang takbuhan ng isang mananampalataya. Sino

ba ang hindi mangailangan sa Allah? Sino ba ang hindi mangailangan sa Kanya na

Siyang Pinakamayaman? At sino ba ang hindi mangailangan sa Kanya na kung saan

nasa Kanyang mga kamay ang pagkalutas ng mga pangangailangan?

O ikaw na siyang umaasa sa isang nilikha, kapag ikaw ay humingi sa kanya

at iyo itong inulit tunay na siya’y magsasawa, magagalit at hindi tutugon. Ngunit

tunay na ang Allah ay magagalit kapag hindi ka humingi sa Kanya at hindi

magsasara ang kanyang mga pintuan.

At ang nilikha kapag humingi ka sa kanya ay mahihiya ka, ngunit ang Allah

ay Siyang mahihiya kapag itinaas ng isang Alipin ang kanyang mga kamay sa

Kanya na kanya itong ibabalik nang walang laman.

Tunay na ang nilikha kapag ika’y humingi sa kanya, tiyak na ikaw ay

humihingi sa isang mahirap katulad mo rin na nangangailangan sa kanyang

Panginoon. At ang kayaman niya’y mauubos ngunit ang kayaman ng Allah ay

mananatili at hindi mauubos. Nababagay ba sa isang Alipin na kanyang katukin ang

lahat ng pinto at kanyang kakalimutan ang pinto na hindi nagsasara?

Tingnan natin ang ating kalagayan! Tayo’y tumutungo sa isang nilikha na

kung saan bubuksan niya ang kanyang pinto isang araw at kanya namang itong

isasara buong taon. Samantalang ating kinalimutan ang Tagapaglikha na ang

Kanyang kayamanan ay hindi maglalaho, at ang Kanyang pagbigay ay walang

4
hangganan, at ang Kanyang pinto ay hindi magsasara. At Kanyang inuutos sa

Kanyang Alipin na humingi sa Kanya. Ano ba ang kalagayan ng mga pusong ito na

nakalimot sa Kanya na Siyang nakakaalam ng mga hindi nakikita?

Isang araw pumasok si Hisham bin Abdul Malik sa Masjidul Haram at

kanyang natagpuan si Salem bin Abdullah. Sinabi ng Khalifa ( Hisham bin Abdul

Malik): “Humingi ka sa akin O Salem”. Sinabi ni Salem: “ Tunay na ako’y nahihiya

sa Allah na ako’y humingi liban sa Kanya habang ako’y nasa loob ng bahay Niya”.

At nang sila’y lumabas sa Masjidul Haram sinabi ng Khalifa: “ Ngayon Salem

humingi ka na”. Sumagot si Salem: “sa pangangailangan ba sa mundo o sa kabilang

buhay?”. Sabi ng Khalifa: “ Mula sa pangangailangan mo sa Mundo”. Sagot ni

Salem: “ Sumpa man sa Allah! Hindi ko hiningi ang Mundo sa Kanya na Siyang

nagmamay-ari nito, kaya’t bakit ko ito hingin sa sinumang hindi nagmamay-ari

nito?”

Kabilang sa kabutihan ng Allah; Kanyang bibigyan ng gantimpala ang

panalangin sa Kanya. Ang pagdarasal ay isang pagsamba na kung saan dahil dito’y

nadaragdagan ang mga gantimpala kahit pa ang panalangin na ito’y hindi natupad.

Nabanggit ng Propeta ‫ ﷺ‬sa isang Hadith:

‫ُ بِِإ ٍْْ أ َْو‬ ِ ِ ُّ ‫ف عْنو ِمن‬ ٍ ِ ِ ‫"ما علَى ْاألَر‬


ُ ‫السوء مثْلَ َها َما َملْ يَ ْد‬ َ ُ َ َ ‫صَر‬ َ َّ‫ض ُم ْسل ٌم يَ ْدعُو اللَّ َو بِ َد ْع َوة إَِّال آتَاهُ اللَّوُ إِي‬
َ ‫ أ َْو‬،‫اىا‬ ْ َ َ

َ َ‫ ق‬،‫ إِ َذ ْن نُكْثَِر‬: ‫ال َر ُج ٌل ِم َن الْ َق ْوِم‬


" ‫ " اللَّوُ أَ ْكثَ ُر‬: ‫ال‬ َ ‫ فَ َق‬،" ‫قَ ِط َيع ِة َرِح ٍم‬

‚Walang Muslim sa Mundo ang manalangin sa Allah ng isang panalangin

maliban na ito’y ibibigay sa kanya ng Allah, o ilalayo sa kanya ng Allah ang

kasamaan na kapantay ng kanyang panalangin hangga’t hindi siya nanalangin ng

pagkakasala, o pagputol ng ugnayang kamag-anak‛. Sinabi ng isang lalaki mula sa

mga tao( na nakikinig sa Propeta ‫) ﷺ‬: “Kung gayon ay aming paramihin( ang

aming panalangin)” Sinabi ng Propeta ‫ ﷺ‬: ‚ Ang Allah ay mas marami (ang

Kanyang kabutihan at pagtugon kaysa sa inyong mga panalangin)‛.

5
Kapag natupad ang iyong panalangin tunay na ito ang siyang hinahangad

mo, at kapag hindi naman ito natupad tunay na ito’y nireserba sa iyo ng Allah. Dahil

dito ay itaas mo ang iyong mga kamay. Tunay na walang napahamak sa sinumang

nanalangin sa Allah. Kaya’t nagtagumpay ang sinumang nabuksan sa kanya ang

pinto ng panalangin at maligaya sa kanyang pagsusumamo sa kanyang Panginoon,

at kanyang nakilala ang Allah sa panahon ng kaginhawaan kaya’t siya’y nakilala ng

Allah sa panahon ng pagsubok.

:‫الخطبة الثانية‬

Kapag nais mong manalangin ay iyong gawin ito sa mga oras na tinatanggap

ang mga panalangin, at ika’y maging magalang sa iyong panalangin, at iyong

gawing gising ang iyong puso sa oras na ito. At ikaw ay lumayo sa mga paggawa ng

mga kasamaan at iyong gawing dalisay ang iyong mga kinakain. At iyo ring

pagbutihin ang iyong pag-aakala at pag-asa sa iyong Panginoon. At iyong uulit-

ulitin ang iyong panalangin at ito’y paramihin. Sinuman ang gawin niya ang mga

bagay na ito ay tunay na mas inaasahang tutugonan ang kanyang panalangin.

At huwag kang magmadali na matutupad ang iyong panalangin. Maaaring

ang pagkaantala ng iyong panalangin ay siyang nakakabuti sa iyo sa iyong relihiyon

at buhay sa mundo. Sinabi ng Propeta ‫ ﷺ‬:

"‫ب ِل‬ ِ ُ ‫ فَيَ ُق‬،‫َح ِد ُك ْم َما َملْ يَ ْع َج ْل‬ ِ ‫"يستَج‬


ْ ‫ت َريِّب فَلَ ْم يَ ْستَج‬
ُ ‫ قَ ْد َد َع ْو‬: ‫ول‬ َ ‫اب أل‬
ُ َ ُْ
{Sasagutin ( ang panalangin) ng isa sa inyo kapag hindi siya nagmadali at

kanyang sasabihin: ‘Tunay na ako’y nanalangin sa aking Panginoon ngunit hindi

naman Niya sinagot sa akin ( ang aking panalangin)’ }

Tunay na sinagot ng Allah pagkatapos ng ilang taon ang panalangin ni Musa at

Harun na Kanyang parusahan si Paraon, Kanyang sinabi:

]38 :‫ﱩ ﭑ ﭒ ﭓ ﭔ ﭕ ﭖ ﭗ ﭘ ﭙ ﭚ ﭛ ﭜ ﱨ [يونس‬

6
{ *Ang Allah ay+ nagsabi: ‚Katiyakan, ang panalangin ninyong dalawa ay

tinanggap.‛ Kaya, kayo ay kapwa manatili sa matuwid na landas at huwag kayong

sumunod sa landas ng mga hindi nakaaalam.}

At kapag hindi man sinagot ng Allah ang iyong panalangin ay iyong

alalahanin na tunay na ang Allah ay kaya Niyang sagutin ang iyong panalangin

ngunit maaaring ang pagsagot sa iyong panalangin ay makakasama sa iyo kaya’t

Kanya itong nilayo sa iyo. At maaaring ang Allah ay nais Niya ang kabutihan sa iyo

nang Kanyang inantala ang pagtugon dito upang maging mas marami ang iyong

pananalangin sa Kanya, at magiging patuloy ang iyong pagsusumamo sa Kanya, at

upang ika’y lumayo sa kasamaan at tumigil sa paggawa ng mga pagkakasala.

O mga Muslim! Tunay na ang kaawa-awa ay ang siyang hindi nananalangin

sa kanyang Panginoon. Tunay na ang kalangitaan kahit gaano pa man ito kataas ay

hindi ito magiging hadlang na makarating dito ang panalangin kahit pa ang

panalangin na ito’y nakatago at mahina. Tinanong si Imam Ahmad Rahimahullah;

“Gaano ba kalayo ang pagitan natin at ng kalangitan?” . Kanyang sinabi: “Isang

totoong panalangin”.

O ikaw na mayroong mga pangangailangan! Ika’y magsimula sa panalangin

at iyong alalahanin ang sinabi ng Panginoon ng kalangitan at kalupaan:

]26 :‫ﱩ ﯘ ﯙ ﯚ ﯛ ﯜ ﯝ ﯞ ﱨ [النمل‬

{Hindi ba Siya ang [tanging] tumutugon [sa panalangin] ng isang nagdadalamhati,

kapag siya ay nanawagan sa Kanya, at Siyang pumapawi ng kasamaan}

You might also like