You are on page 1of 3

Panimula : (PAGBATI)

1. Magandang hapon po sa inyong lahat aking mga tagapakinig, ngayong


hapon na ito kayo ay makakapakinig ng isang makatotohanang kwento na
naisulat sa Biblya na kung saan kayo ay mapupulot na magandang aral at
maaring ninyong isabuhay ang aral na inyong mapupulot. Ngunit bago ko
ito umpisahan may mga iilang tanong lamang ako at inyong masasagot sa
inyong mga sarili pagkatapos ninyong marinig ang aking kwento.

Mga Tanong:

1. Makakabuti ba sa atin na sundin ang utos ng ating mga magulang ?


2. Pag ba kayo ay nabigyan ng pagkakataon na makasama sa isang party
gagayahin mo ba ang mga ginagawa nila katulad ng pag inom ng alak,
kumain ng mga pagkain na hindi maganda sa iyong kalusugan at pag
sayaw ?

SIMULA : ( KWENTO )

2. Ngayon uumpisahan ko na ang aking kwento at maari ninyong masagot


ang mga tanong na iyan sa inying mga sarili pagkatapos ninyong marinig ang
kwento. Handa nabang makinig ang lahat?

3. Isang araw ang Lugar ng babilonia na pinag haharian ni Haring


Nebuchadnezzar ay sinugod at sinakop ang lugar ng Jerusalem, kinuha nila
ang ilan sa mga pinakamatalino at pinakamalakas na kabataang lalaki mula
sa kanilang mga pamilya sa Jerusalem at dinala ang mga ito sa Babilonia
upang maglingkod sa hari na si Haring Nebuchadenzzar. ( Daniel 1:1–4 )
4. Kabilang sa mga kabataang lalaki si Daniel at kasama niya ang kanyang
mga kaibigan, ang mga kabataan na kanilang kinuha ay pinili upang
maglingkod sa konseho ni Haring Nebuchadnezzar at pati na sakanyang mga
pantas. ( Daniel 1:4-6 )
5. Nagpadala ang Hari ng pagkain at alak sa mga batang lalaki ngunit si
Daniel at ang kaniyang mga kaibigan ay hindi kinain ang pagkain at hindi
ininom ang alak na ibinigay ng hari sapagkat alam nila na ito ay labag sa
kautusan ng Diyos. ( Daniel 1:5-8 )

6. Natakot ang alipin ng hari para sa kanyang buhay. kaya Inaalagaan


niya si Daniel at ang kanyang mga kaibigan, dahil naisip niya na kung
tatanggihan nila ang pagkain ng hari at hindi nila ito kakainin , sila ay
manghihina kumpara sa iba pang mga kabataang lalaki na kinain ang
pagkain na ibinigay ng hari. At kapag iyon ay nangyari magagalit ang hari sa
alapin na ito at siya ay ipapapatay. ( Daniel 1: 9-10 )

7. Subalit si Daniel ay nagtiwala sa Diyos at sinunod niya ang mga utos


ng Diyos . Kaya Hiniling ni Daniel sa alipin na bigyan sila ng tubig at mga
butil sa loob ng 10 araw at pagkatapos ay ihambing ang kanilang kalusugan
sa kalusugan ng iba pang mga kabataang lalaki na kumain sa pagkain na
ibinigay ng hari, at pumayag ang alipin. ( Daniel 1: 11-14 )

8. Pag lipas ng 10 sampung araw, naging mas malusog sina Daniel at ang
kanyang mga kaibigan kaysa sa lahat ng iba pang kabataang lalaki. Sapagkat
sinunod ni Daniel at ng kanyang mga kaibigan ang mga utos ng Diyos, at
biniyayaan sila ng Diyos, sila ay naging pinakamatatalinong lalaki sa
konseho ng hari. At pagkaraan ng mga araw sila ay pinadala sa konseho ni
Haring Nebuchadnezzar at napagalaman ng hari na walang kasing tulad ang
talino ni Daniel at ng kaniyang ,mga kaibigan.

You might also like