You are on page 1of 4

Before Panimulang gawain:

Nais kong malaman ang iyong natutuhan sa kabanatang ito. Kung kaya’t sagutan ang
panimulang gawaing susubok sa iyong nalalaman.

Before Buod:
Malalim ba para sa iyo ang babasahin sa anyong patula? Upang mas lalo mong maintindihan
ang kabanatang ito, basahin ang buod at ito’y pagnilayan.

After Buod:
Batid kong naintindihan mo na ang ideya at aral na nakapaloob sa kabanatang ito. Kung kaya’t
narito ang mga gawain upang subukin ang iyong kaalaman.

Kabanata 12
Diyos nga’y di natutulog
at ang tao’y sinusubok,
ang salari’y sinusunog!
ang banal ay kinukupkop!

Buhay ang Diyos na siyang sumusubok sa sangkatauhan. Kung sino man ang nagkakasala ay
nagtitiis, ang mga mabubuti ay pinagpapala.

Maging isang katunayan


ang ganitong kasabihan,
ang pagdinig na mataman
pagdalangin ni Don Juan.
Ang kasabihang ito ay isang patunay dahil nadinig ang dalangin ni Don Juan.

Sa libis ng isang bundok


may matandang sa-sisipot
mahina’tuugod-ugod
sa prinsipe’y dumulog
Sa gilid ng bundok ay mayroong sumipot na isang matandang mahina at uugod-ugod. Siya’y
tumungo sa prinsipe.

Paglapit ay hinawakan
at tiningnan ang kalagayan,
saka kanyang dahan-dahan
inihiga nang mahusay
Kanyang tiningnan ang kalagayan ng prinsipe at ito’y maayos na hiniga.

Ang salanta at hamog


na katawan ay hinagod,
sugat at lamang nalasog
pinaglalagyan ng gamut
Hinagod niya ang parte ng katawan na hindi maigalaw at nalumpo. Gayundin, nilagyan niya ng
gamot ang mga sugat.

Samantalang ginagawa
ang magandang kawanggawa
kay Don Juan, ang matanda
ay masuyong nagsalita.

Oh prinsipe, pagtiisan
ang madla mong kahirapan
di na maglalaong araw
ang ginhawa ay kakamtan.”

Matapos ang kanyang pagtulong sa prinsipe, masuyong nagsalita ang matanda. Sinabi niya na
kalaunan ay matatapos na ang kanyang paghihirap at makakamtan niya rin ang ginhawa.

Parang isang panaginip


ang nangyari sa may sakit,
noon din ay nakatndig
dating lakasa ay nagbalik.
Tila panaginip na sa isang iglap, ang lakas ni Don Juan ay nanumbalik.

Ang sarili ay minalas,


bakas ma’y wala ang sugat
naayos ang butong linsad
hiya niya’y walang bawas
Nawala ang kanyang mga sugat, at naayos ang nabaling buto.

Di masukat ang paghanga


sa nakitang talinghaga
sa sarili ay nawika,
“Tila Diyos ang matanda.”

Kung hindi man totoo


himala ng Diyos ito na
pakita nga sa tao nang
ang loob ay magbago
Hindi masukat ang paghanga niya sa matanda at sinabing tila siya ang Diyos. Kung hindi man,
ang nangyari sa kanya ay himala na nais ipakita ng Diyos sa mga tao upang sila ay magbalik-
loob.

Saka sa makailang saglit


sa matanda ay lumapit
, yumapos nang buong higpit
at ang wikang nanangis.

“Utang ko sa inyong habag


ang buhay kong di nautas ,
ano kaya ang ganti ng abang palad?”
Lumapit si Don Juan sa matanda at mahigpit itong niyakap. Utang niya ang kanyang buhay
kaya tinanong niya ito kung ano ang maaaring maiganti.

Ang matanda ay tumugon


“Kawanggawa ay hindi
ganoon kung siya’y isang layon
ang damay’y walang gugol.
Ngunit sinabi ng matanda na ang pagtulong ay hindi ganoon. Ito ay isang hangarin at ang
pagdamay sa kapwa ay walang kapalit.

Saka iyang kawanggawa


na sa Diyos na tadhana
di puhunang magagawa
nang sa yama’y magpasasa.
Ang pagkakawanggawa na tinadhana ng Diyos ay walang kapalit at hindi maaaring gawing
puhunan at magpakasasa.

Huwag tayong mananagan


sa ugaling di-mainam
na kaya kung dumaramay
ay nang upang madamayan
Huwag magpaniwala sa ugaling hindi kanais-nais. Ang iba ay tumutulong ngunit mayroong
kapalit.

Lalong banal na tungkulin


na sa dusa’y tangkilikin;
sa mundo ang buhay natin
parang nagdaraang hangin
Ang buhay natin sa mundo ay maikli lamang kung kaya’t mahalagang piliin ang kabutihan.
Don Jua’y di ko hangad
tapusin ang pag-uusap,
ngunit iyong isahagap
ang ama mong nililiyag

Malaon ng naiinip
sa hindi mo pagbabalik
karamdama’y lumalawig
baka di na makatawid

Kaya nga magamadali


kang umuwi ng Berbanya ,
ikaw ang lagi pangarap
ng iyong ama”
Ayaw pa sanang tapusin ng matanda ang kanilang pag-uusap ngunit sinabi nito na kailangan na
niyang iligtas ang kanyang amang nasa peligro. Baka hindi na ito makapaghintay at mawalan
ng buhay. Sinabihan niya ang prinsipe na magmadali nang umuwi sa Berbanya sapagkat
hinihintay na siya ng kanyang ama.

Si Don Juan ay lumapit


yumakap nang buong higpit
gumagaralgal ang tinig
nagsalita’y nananangis

Ang dalawa ay nagkamay


bago sila naghiwalay
matanda’y siya sa kabundukan
sa Berbanya si Don Juan.

Niyakap siya nang mahigpit ni Don Juan habang ito ay umiiyak. Ang dalawa ay nagkamay
hanggang sa bumalik na ang matanda sa kabundukan at siya naman ay tumungo sa Berbanya.

You might also like