Professional Documents
Culture Documents
Narrator : Noong unang panahon, mayroong isang kaharian na tinatawag na Berbanya. Ang
namumuno doon ay isang hari na hinahangaan ng lahat. Dahil sa angking
kahusayan, at magandang pamamalakad sa Berbanya. Ngunit, Isang araw,
nagkasakit ito.
Narrator: Isang araw, mahimbing na natutulog si Don Fernando. Napanaginipan niya ang
kanyang bunsong anak na si Don Juan. Di umano, ito'y itinulak sa malalim na
balon ng dalawang tampalasan. Itoy ikanalungkot ng Hari.
Narrator: Nagpatawag sila ng manggagamot upang tukuyin kung ano nga ba ang sakit ng hari.
Haring Fernando: (nakahiga at nanghihina ngunit gising) [darating ang isang alipin]
Alipin: (yuyuko) Narito na po ang manggagamot. (aatras at yuyuko ulit bago umalis)
Manggagamot: (yuyuko muna sa reyna at mga prinsipe bago lumapit sa hari.) ang sakit ng hari
ay mabigat at maselan.
Mangagamot : Ikinalulungkot ko pong sabihin sa inyo mahal na reyna, ngunit nasa kritikal na
kondisyon na ang sakit ng hari.
Mangagamot : Ang sakit ng hari ay dulot ng isang masamang panaginip, dahilan upang
malungkot at mag-alala.
Mangagamot: Ang maaring lunas ay ang awit ng isang mahiwagang ibon, ang Ibong Adarna.
Haring Fernando : Mga anak ko, Nanghihina na ako. Maari niyo bang hulihin ang ibon para sa
akin?
Don Pedro : Amang Hari at Inang Reyna, bilang panganay sa tatlong magkakapatid, nais ko po
ang inyong bendisyon upang maglakbay hanapin at kunin ang ibon at dalhin sa
amang hari.
Narrator : at iyon nga ang nangyari. Naglakbay si Don Pedro papuntang bundok Tabor. At nang
marating niya itong bundok.
Reyna: Ilang buwan na ang nakalilipas. Wala pa ring balita sa aking panganay na si Pedro. Ano
na kaya ang kanyang sinapit?.
Diego: Huwag kang mag-alala, aking Ina. Bilang pangalawang anak ay susundan at hahanapin
ko ang aking kapatid na si Pedro, gayundin ang Ibong Adarna.
Don Juan: Amang Hari at Inang Reyna, tatlong taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin
nakakabalik ang aking mga kapatid. Pahintulutan po ninyo na sumunod at hanapin
ang Ibong Adarna.
Hari: O, aking bunsong anak, kung ikaw ay mawawala sa aking tabi at paningin at tiyak kong
ikakamatay.
Don Juan : Kahit po ako'y pigilan nyo, at kahit anong mangyari ako'y lilisan pa rin upang
hanapin ang Ibong Adarna.
Hari: Wala na talaga akong magagawa kung ang desisyon mo ay buo na.
Matanda: Maawa po kayo sa akin, Ginoo. Kung may pagkain kayo riyan ay pwede ko bang
mahingi?. Pangako ko sa iyo na papalitan ko ng kahit ano ang iyong maibibigay.
Matanda: Maraming salamat, Ginoo. Pagpalain ka sana. Maaari ko bang itanong kung ano ang
inyong pakay sa inyong paglalakbay baka may maitutulong ako,.
Don Juan: Ako po ay naglalakbay papunta sa kinaroroonan ng Ibong Adarna. Kunkunin kopo at
dadalhin ito sa aking ama namay malubhang sakit. .
Don Juan: Ang pangalan ko po ay Juan, ang misyon kopo ay kunin ang Ibong Adarna at dalhin
sa aking haring ama na may malubhang sakit. Awit ng ibon ang
makapagpapagaling sa kanya.
Ermitanyo: Kung gayon, Ginoong Juan, ika'y makinig sa aking sasabihin. Ang Ibong Adarna ay
may kahiwagaang taglay kaya't hindi pa it nadadakip ninuman. Naninirahan ito sa
isang punong-kahoy na makinang na kung tawagin ay Piedras Platas. Tuwing hatinggabi
dumadating at namamahinga ang Adarna mula sa kanyang paglipad sa iba't ibang lugar.
Bago ito tuluyang maidlip at pitong awit na maganda ang kanyang aawitin. Kapag narinig
mo itong awitin ay tiyak na ikaw ay aantukin. Upang malabanan ang antok, heto at dalhin
mo ang labaha' pitong dayap. Sa bawat awit nito, ang iyong palad ay hiwaan at agad
mong pigaan ng dayap. Pagkatapos ng pitong awitin, ang Adarna ay magbabawas kaya ito
ay iyong ilagan upang ika'y hind imaging bato tulad ng ibang mga sumubok bihagin ang
ibong Adarna. Kaya ngayon, ikaw ay pumanhik na't lumalalim na ang gabi.
Juan: Salamat sa inyong bigay na labaha't pitong dayap gayundin sa inyong babala.
Tiyak na sa pagbabalik, Ibong Adarna ay akin nang nahuli.
Juan: Nabihag ko nga ang Ibong Adarna! Pero papano ang aking mga kapatid?
Ermitanyo: Heto ang banga, Punuin mo ito ng tubig at ibuhos sa dalawang bato upang bumalik bilang
tao ang iyong mga kapatid.
Diego: Salamat, bunsong kapatid na Juan! Sa iyo ay utang ko ang aking buhay!
Pedro: Nasaan na ang mahiwagang Ibon, Juan? Nagtagumapay ka ba sa paghuli sa kanya kaya't
hindi kami ngayon bato? Tayo na't humayo papuntang Berbanya upang mabigyan
lunas ang amang hari.
Ermitanyo: Ginoong Juan, kunin mo itong hawla at ang adarna at kayo'y magmadali at baka
kung napano na inyong amang hari.
Juan: Salamat sa inyong naging tulong. Kung inyong mararapatin ay bendisyon ninyo ay
hihingin sa aking pag-alis.
Ermitanyo : Kung iyan ang iyong kagustuhan. Ikaw ay aking benibendisyunan na maging
mapayapa at malayo sa panganib ang inyong paglalakbay pabalik sa Berbanya.
Pedro: Aking kapatid na Don Diego, kailangan nating makuha ang Adarna mula kay Juan.
Diego: Ngunit utang natin sa kanya ang ating buhay. Kung hindi dahil kay Juan ay baka naging
bata na tayo habambuhay.
Pedro: Gugustuhin mo bang mapahiya sa harap ng amang hari kapag nalaman niyang si
Juan ang nag-isang nakahuli ng bong Adarna at tayong nakakatanda ay nabigo? Mag-isip ka
Diego, kahihiyan ito na kakalat sa buong kaharian.
Pedro: Kaya ngayon dapat nating patayin si Don Juan upang hindi na siya makatuntong pa sa
Berbanya!
Pedro: Kung ayaw mo ay ako ang gagawa. Huwag mo akong pipigilan at baka pati ikaw ay
isama ko sa kanya. At pagdating sa Berbanya, ika'y manahimik sa nakita!
Reyna: Mahal ko! Mahal ko! Andito na ang ating mga anak, Maligayang pagbabalik!
Reyna: Aking mahal, ika'y huminahon. Makakasama sa iyo ang sobrang pag-aalala.
Ito nga ba ang Ibong Adarna iyong sinadya? Kung ito nga ay aba! Kay pangit pala. Sabi ng
manggagamot, ito ay mayroong pitong balahibong likha ng engkanto.
Don Juan: Inang birhen, ako po'y nananalangin. Ngayon pong ramdam ko na ang malapit kong
kamatayan, ang hangad ko lamang ay ang kaginhawaan ng pakiramdam ng aking
ama.
Sana'y siya ay mabuhay pa ng mahaba at maligaya. Siguro po ay naging mabut naman ako, hindi
man sa pagsusumbat ngunit ang kabutihan ng kalagayan ng aking mga magulang
ay ang aking tanging hiling. At sana po'y patawarin ng
Diyos ang aking mga kapatid na siyang nagtaksil. Ah, kay ganda ng langit. Bituin ay maririkit.
O, Inang mapagmahal, kung ako ngayo'y iyong makikita, tangis at paghihinagpis
ang tiyak mong madarama dahil ang aking katawan at bugbog na at puno ng sugat
at pasa. May pag-asa pa kaya akong ika'y makita?
Sino ang mag-aakala na ganito ang kahihinatnan ng iyong bunsong anak na anak mo rin ang may
gawa? Aking amang magiliw sa anak, kumusta na ang iyong kalagayan? Dalangin
ko kay Bathala na ika'y gumaling na at sana'y madatnan kitang masayang-masaya
na. Narivan na ang long Adarna. Kahit hindi man ako ang may dala ay sana ika'y
nasa ayos na.
Reyna: Aking Mahal na Hari, tingnan mo ang Ibong Adarna at nag-iba na ng anyo.
(Ibon Adarna ay lumapit kay Don Juan at yinakap ito ng mahigpit at ipinaliwanag sa amang hari ang
ginawa ng dalawa.)
Hari : Pedro, Diego! Totoo ba ang sinasabi ng Ibong Adarna? Sumagot kayo!
Hari : Ipatapon ang dalawang ito at bawian ng lahat ng karapatan. Hindi mapapantayan ng kapatawaran
ang ginawa ninyong pagtataksil sa inyong kapatid, sarili niyong dugo't laman! Dapat
kayo'y hindi na pamarisan! Umalis na kayo at ayaw ko na kayong makita pa.
Don Juan : O, aking amang ginigiliw, ang kanilang ginawa ay tapos na at ngayon ako'y buhay pa. Wala rin
ngang pagbabago sa samahan naming tatlo. Normal lamang na pag-aaway iyong ng
magkakapatid. Sila ay aking minamahal karugtong ng aking buhay. Sila rin po ay mga anak
ninyo, sana po'y sila'y kaawaan.
Hari : Tama ka, aking bunso. Sila nga ay aking mga anak kaya't kakalimutan ko ang hatol na ito, kapalitng
pangakong hindi na uulitin pa ang kanilang ginawa. Ngunit, magkasala silang muli ay hindi
ko na papatawarin at kamatayan ang magiging kapalit. Nagkakaintindihan ba tayo?!
Pedro: Hindi ko ito matatanggap! Maghihiganti ako sa kahiyaang ibinigay ni Juan sa atin! Ngayong aliw
na aliw ang amang hari sa Adarna, ito ang mabisang gamitin upang hatulan si Juan.
Diego: Don Pedro, ngunit hindi ka ba natatakot sa maaaring mangyari kapag nalaman ito ng amang hari?
Pedro: Bakit ako matatakot? Ang isang magiting na Don ay hindi dapat matakot kaya ikaw ay sumunod
na lamang sa aking, iuutos. Gisingin mo si Juan at siya ang ipagbantay mo sa Ibong
Adarna. Pagdating dito ay iwan mo siyang mag-isa ay huwag mo siyang halinhan. Kapag
ito'y nakatulog na, ang Adarna ay ating pakakawalan.
Diego: Juan! Ikaw na ang magbabantay sa Adana. Hintayin mo na lamang si Pedro a halinhinan ka
pagkatapos.
Juan: (inaantok sa pagbabantay at tuluyan a itong nakatulog, Habang sina Pedro at Diego ay
pinakawalan a ang Adarna!)
Juan: Nasaan na ang Ibong Adarna? Hindi kaya ako'y nilinlang ulit ng aking mga kapatid? Hindi ba sila
natatakot sa maaaring gawin ng amang hari kapag nalaman ang kasamaang nagawa nila
sa akin? Ngunit ako ay may pagkukulang rin, kaya ngayon, ang dapat kong gawin ay
magtago na lamang upang mapagtakan ang nagawang kasalanan ng aking mga kapatid.
Hari: Pedro, Diego, Juan! Nasaan ang Adarna?! Bakit wala ito sa kanyang hawla?!
Pedro: Ama, bakit kailangan pa naming hanapin ang taong taksil at sumuway ng iyong utos na bantayan
ang Adarna?
Hari: Tumahimik ka, Pedro! Ang utos ko ay hanapin niyo si Juan at ibalik sa Berbanya! Umalis na kayo sa
aking harapan!
Pedro: Huwag kang ganyan, Diego. Ang iyong takot at hiya ay dapat ilihim kay Juan. Lakasan mo ang
iyong loob. May naisip ako upang tayong mga kapatid niya ay makabawi man lang sa
kanya.
Pedro: Huwag na tayong bumalik sa Berbanya. Tayo'y sumama na kay Juan at makipagsapalaran sa ibang
kaharian.
Diego: lyan nga ay isang magandang ideya.
Pedro: Juan! (niyakap ang kapatid) (grouphugwithDiego) Kami ay nagkasundong lisanin ang Berbanya at
maglakbay sa malayo. Ibig sana naming imbitahan kang sumama sa aming paglalakbay?
Diego: Tingnan niyo isang balong marmol ay may mga gintong nakaukit!
Diego: Ako'y mas matanda sa iyo kaya ako muna ang mauunang bumaba. Tiyak na ang natatagong lihim
ng balon ay malalaman.
Pedro: Aba! Wala ka ring karapatan sapagkat ako ang panganay kaya ako ang may karapatang unang
sumubok.
Pedro: Maghintay muna kayo! Ako'y kinukulang pa ng hininga. Hindi ko natagalan ang loob ng balon.
Sindak at takot ang aking nadarama para akong sinasakal.
Pedro: Tumahimik ka Diego. Sige nga, ikaw nga ang sumubok at tingnan natin kung ika'w di matakot.
(tinalian si Diego at pumasok na ito sa balon)
Pedro: Maghintay muna kayo't Akoy kinukulang pa ng hininga. Hindi ko natagalan ang loo ng balon.
Sindak at takot ang aking nadarama para akong sinasakal.
Pedro: Tumahimik ka Diego. Sige nga, ikaw nga ang sumubok at tingnan natin kung ika'w di matakot.
(tinalian si Diego at pumasok na ito sa balon)
Diego: Ewan ko... Wala! Wala! Sa lalim na parang walang hangganan, ang takot ko ay umiral. Sa tingin ko
kung ako ay nagtagal pa doon, tiyak ang aking kamatayan.
Juan: Kung iyan in lamang ay ako na ang susubok. (tinalian ang sarili at pumasok sa sa balon)
Scene 21
Juan: O, hiwaga! Mala-engkanto nga ang balong to. Mayroong palasyong kumikinang sa loob nito.
Juan: Magandang araw sa iyo, O marilag na prinsesa. Don Juan ang aking pangalan.
Juana: Magandang araw rin sa iyo, ginoo. Ako'y manghang-mangha at ikaw ay narito. Ang aking 'ngalan
ay Donya Juana.
Juan: Sadyang ang tadhana ang nagdala sa akin dito upang ika'y makita.
(lumuhod at hinalikan ang kamay ni Donya Juana, ngunit si Donya Juana ay hindi ngumingiti, ang mukha
nito'y nababalot ng galit)
Juan: Kung walang pagmamahal na ika'y nadarama, kitilin mo na lamang ang aking buhay. Ano pa ang
halaga nito kung ikaw ay hindi rin lang makakamtan? Tinahak ang balong kasindak-sindak
upang ika'y masilayan lamang. Ngunit, ngayo'y ikaw ay nasilayan, sawi pa rin ang aking
buhay.
Juana: (hinipo ang mukha ni Juan) Tanggapin mo ang aking puso. Kapag ito' y naglaho, patunay na ikaw
ay nagtaksil sa pangako.
Juan: O, aking prinsesa. Ako'y kailanman hindi magtataksil. Panahon ang siyang magsasaysay
Juana: Ngunit, ngayon. Saan kita tatago laban sa Higanteng malupit na nagbabantay sa akin? Kapagika'y
makita nito, tiyak na kamatayan ang ang iyong aabutin.