You are on page 1of 4

Ibong Adarna Script:

Mga Karakter:

(Pangalan) bilang Don Juan

(Pangalan) bilang Haring Fernando

(Pangalan) bilang Matandang leproso

(Pangalan) bilang Reyna Valeriana

*green dapat bg para ma-edit(basta yung pwede patungan ng pic).

Narrator/s:

Gabrielle: Sa kay tagal ng paghihintay ni Don Juan na umabot na ng tatlong mahabang taon.

Danielle: Lumala na ang sakit ng Haring mahal at lumapit dito'y nagpaalam.

Don Juan: Ama ko'y iyong pakinggan, ako'y nagpapaalam, upang hanapin ang lunas sa sakit
mong, tila walang kataposan.

Haring Fernando: Bunsong anak kong Don Juan.

Gabrielle: Ang sagot ng haring mahal.

Haring Fernando: Sa aking sakit na ito, ako'y nangangaba, ng ika'y mawalay sa aking paningin,
marahil ako'y kunin ng kamatayang umaali-aligid na lamang.

Don Juan: O, ama kong minamahal.

Danielle: muling samo ni Don Juan.

Don Juan: Kay lungkot isipin na ako'y kailangan umalis, ako'y mas namimighating ika'y
panoorin, na naghihirap sa malubha ninyong sakit.

Narrator/s:

Gabrielle: Sa mga salitang binitawan ng kaniyang mahal na anak, ang hari'y biglang natigilan sa
kagulatan.

Danielle: Na tiyak na magtatanan ang prinsipeng si Don Juan.

Gabrielle: Kaya tinik man sa puso ang hiling ng kaniyang bunsong anak.

Danielle: Ang ama'y di kumibo, wala na siyang nagawa at luha na lamang ang tumulo.
Gabrielle: Si Don Juan ay nag-makaawa sa haring may bagong dusa.

Don Juan: Bendisyon mo, aking mahal na ama, ang dala kong sandata.

Gabrielle: Natapos ang bendisyon iginawad na ang luha'y nalalaglag. Gayundin ang inang Reyna
Valeriana. Kalungkuta'y 'di masukat.

Reyna: O, anak kong minamahal. Ika'y magiingat, sa iyong paglalakbay. Bumalik ng walang
pinsala at nandito kami'y naghihintay.

Don Juan: Tiyak na aking gagawin, mahal na ina.

Danielle: Di gumamit ng kabayo sa paglalakbay na ito. Matibay ang paniniwala di hamak


magpakababa.

Gabrielle: Baon ay limang tinapay ito kaya ay tatagal. Ngunit para kay Don Juan, ang kagutoman
ay hindi nakakapatay.

Danielle: Habang kaniyang binabagtas ang malalawak na kagubatan, sa kalooban nakalimbag


ang Birheng Inang mahal.

Gabrielle: Hinihinging patnubayan ang ulilang paglalakbay, hirap nawa'y matagalan ang pag-ibig
sa magulang.

Danielle: Tuwing maka-isang buwan ng paglalakbay, saka lang naisipang kainin ang isang
tinapay. Gutom ay di alumna lakas nama'y walang pinagkaiba, walang hindi binabata mahanap
lang ang Adarna.

*Maglalakad yung aarte as Don Juan. Kunwari pagod na.

Gabrielle: Inabot ng apat na buwan ang haba ng paglakad. Sinapit ding maginhawa, lumuhod na't
tumawag sa Birheng Maria.

Don Juan: Ako'y iyong kahabagan, birheng kalinis-linisan. Nang akin ding matagalan itong
matarik na daan. *nasa prayer position yung kamay.

Danielle: Nang sa Birhe'y makatawag, ay sandaling namanatag, lubusang nagpasalamat, sa


Diyos, Haring mataas.

Gabrielle: Sa baong limang tinapay ang natira'y isa nalang. Landas na sasalungahin inakyat nang
walang lagim. Doo'y kaniyang natagpuan isang matandang sugatan.

Danielle: Ang matanda ay leproso, sugatan na't parang lumpo. Halos gumapang sa damo't kung
dumaing...Diyos ko!
Matandang leproso: Maginoo maawa ka, kung may baon kayong dala paki at ibigay ninyo
nalang saakin. Parang habag na ng Diyos ng tulungan na ang may lunos. Kung sa sakit ko'y
matubos ako nama'y maglilingkod

Gabrielle: Sagot nitong si Don Juan.

Don Juan: Ako nga po ay may taglay natirang isang tinapay, na baon sa paglalakbay.

Danielle: Sa kaniyang bulsa ito'y dinukot ang tinapay na dala. Iniabot nang masaya sa matandang
nagdurusa.

Gabrielle: Sa sobrang tuwa ng matanda kay Don Juan, halos ito'y kaniyang yakapin sa ganda ng
kalooban.

Matandang leproso: Ako'y nagpapasalamat sainyo maginoo. Kung maaari nais ko pong
magtanong. Ano po ang iyong pakay? Ako po ay pagtapatan baka kayo'y matulungan.

Don Juan: Ama ko po'y nakaratay sa malubhang karamdaman, ang dito po'y aking hanap ang
magpapagaling sa sakit niyang walang hanggan. Ibong Adarna nga lamang ang mabisang
kagamutan. Bukod dito'y may isa pa ngayon po'y tatlong taon na, ang kapatid kong sila Don
Pedro at Don Diego nawawala't di pa rin nakikita.

Matandang leproso: Aba, naku, O don Juan!

Danielle: Ang sabi ng matanda sa lumpay.

Matandang leproso: Matinding kahirapan ang iyong pagdaraanan. Ngayon ang bilin ko ay itanim
sa puso mo. Mag-ingat kang totoo, at nang di ka maging bato. Sa pook na natatanaw ay may
kahoy kang daratnan dikit ay di ano lamang kawili-wiling titigan. Doo'y huwag kang titigil at sa
ganda'y mahumaling sapagkat ang mararating ang buhay mo ay magmaliw.

Sa ibaba'y tumanaw ka may bahay na makikita, ang naroong tao'y siyang magtutura sa Adarna.
Itong tinapay na iyong binigay dalhin mo't mabaon sa daan, malayo ang paroroonan.

Gabrielle: Ang prinsipe'y di kumibo ngunit nasaktan ang puso. Marahil siya'y itong binibiro.

Don Juan: Maginoo, bakit po ba't iya'y ibabalik mo pa gayong naibigay ko na? Ugali ko mula
pagkabata na magmalimos sa kawawa, bawiin pa'y di magagawa.

Danielle: Sa pagpilit ng ibigay ang limos niyang tinapay sa pagtanggi ni Don Juan, Ito'y umalis
at tumuloy na sa mahaba niya pang ilalakbay.

You might also like