You are on page 1of 9

GROUP 2 SCRIPT

Marlie:
Magandang araw sainyo! Ako’y isa sa mamamayan ng Cahariang Berbanya, usap usapan na
dito sa amin ang nangyari sa hari, marami ang naguguluhan kung bakit nagdulot ng malubhang
karamdaman ang masamang panaginip ng hari. Nagsimula na ring maglakbay ang dalawang prinsipe
ngunit ngayo’y nagtataka na ang mga tao kung bakit hindi pa rin sila bumabalik. Satin lang to ha,
ngunit ako’y may agam-agam sa kahihinatnan ni Don Juan ngayon at nagpaalam na siya sa hari na
maglakbay at hanapin ang lunas sa sakit ng kanyang ama.

Tatlong taon na ang nakalipas, ngunit hindi pa din bumabalik ang dalawang prinsipe. Sinubukan
kong hulaan kung ano ang kinahinatnan nila, at ang resulta ay naging bato na sila, ngunit hindi pa ito
alam ng hari at ng mamamayan sa Caharian. Dahil sa matagal na paghihintay, nagpaalam na ang
pangatlong prinsipe na si Don Juan, upang hanapin ang Ibong Adarna, pati na din ang kanyang mga
kapatid.

Jexel:
Ama, nais ko sanang magpaalam sainyo upang hanapin ang ibong nagtataglay ng lunas sainyong
karamdaman, mahirap para samin ni ina na makita kayong pilit na nilalabanan ang inyong sakit.

Mario:
Anak, hindi pwede, natatakot ako na baka magkatotoo ang aking panaginip, ayaw ko na pati ikaw ay
mawawala sa aming tabi.

Jexel:
Ngunit ama, ako na lamang ang natitira niyong pag-asa, mas pipiliin ko na mapahamak para mapabuti
ang inyong kalagayan.

Alia:
Mahal, pagbigyan mona sya, para na rin ito sa iyong ikabubuti, malay mo, siya pala ang makakakuha
ng lunas sa inyong sakit. Ayaw mo ba na ika’y gumaling?

Mario:
Ayaw

Alia:
Aba

Mario:
Biro lamang, siya, ano pa nga bang magagawa ko, pareho na kayong sang-ayon sa desisyon nyo,
pinapayagan na kitang maglakbay upang hanapin ang lunas sa aking karamdaman. Ngayon, ikaw ay
aking binabasbasan, sana ay gabayan ka ng Panginoon sa iyong paglalakbay.

Jexel:
Maraming salamat, ama.

Marlie:
Nagsimula ng maglakbay si Don Juan, ngunit hindi sya katulad ng kanyang mga kapatid, hindi
siya gumamit ng kabayo sa paglalakbay, at limang pirasong tinapay lamang ang dala nito, inabot siya
ng limang buwan upang makarating sa Bundok ng Tabor. Sa ‘di inaasahan, may nakita siyang
matandang leproso.

Anntrixy:
Iho, saan ka papatungo? baka naman ako’y makahihingi saiyo ng kahit isang pirasong tinapay lamang,
ako’y sobrang gutom na gutom na.
Jexel:
Nako, hinahanap ko po ang puno na pinagpapahingahan ng ibong adarna, iyo na rin po itong aking
pagkain, ito nalang po ang natitira saking baon ngunit mas mainam na kayo na po ang kumain nito.

Anntrixy:
Nakakahiya naman iho, sige saiyo nalang, ayos nako dito.

Jexel:
Nako wag na po, marami napo akong nakain, mas kailangan nyo po ito sa ngayon.

Anntrixy:
Maraming maraming salamat iho, hulog ka ng langit sa akin, maraming salamat nadin sa tinapay na
ito. Bilang kapalit, may ipapayo ako saiyo na maaaring makatulong sa iyong misyon.

Jexel:
Ano po yun?

Anntrixy:
Sa puno ng Piedras Platas namamalagi ang Ibong Adarna. Kapag ikaw ay nakarating na doon, ito’y
iwasan mo ng tingin, dun ka muna tumuloy sa bahay na iyong makikita, may isang Ermitanyo ang
namamalagi doon, baka matutulungan ka rin niya sa iyong layunin.

Jexel:
Ganun po ba? Sige po, ako’y tutuloy na, maraming salamat po.

Anntrixy:
Walang anuman iho, iyo na rin itong tinapay na ibinigay mo sa akin, mas kakailanganin mo pa ito sa
iyong paglalakbay.

Jexel:
Nako, wag na po, inyo na po yan, ayos pa po ako.

Anntrixy:
Ganun ba, siya, maraming salamat ulit ha.

Marlie:
Nagpatuloy sa paglalakbay si Don Juan hanggang sa narating na nya ang puno ng Piedras Platas.
Katulad ng sinabi ng matandang leproso, tumuloy muna siya sa isang bahay na malapit sa puno, dito
ay nakita niya ang Ermitanyong nabanggit ng matandang leproso sakanya.

Xyza:
Tuloy ka muna dito iho

Jexel:
Sige po

Xyza:
Anong sadya mo at napadpad ka dito sa puno ng Piedras Platas?

Jexel:
Kailangan ko pong mahuli ang Ibong Adarna, ang nagtataglay ng lunas sa sakit ng aking amang hari.

Xyza:
Nako iho, mahirap ang misyon mo na iyan, pitong beses umaawit at nagpapalit ng kulay ang Ibong
Adarna. Sa sobrang lambing ng pag-awit nito ay tiyak na aantukin ka, delikado pag ika’y nakatulog.

Jexel:
Bakit po?

Xyza:
Madali kang mapapatakan ng ipot ng ibon kapag ika’y nakatulog, at pag napatakan ka, ika’y magiging
bato.

Jexel:
Ganun po ba? Sa tingin ko’y hindi ko kakayanin na mahuli ang ibon kung ganyan pala siya kahirap.

Xyza:
Kakayanin mo yan, kung natatakot ka, ibig sabihin lang nun, supot ka pa, sa tingin ko nama’y tuli kana.
HAHAHA.

Jexel:
Grabe naman po kayo sa’kin, naglabas lang ng saloobin eh.

Xyza:
Heto, bibigyan kita ng mga payo para sa iyong misyon.

Jexel:
Ano-ano po yun?

Xyza:
Heto ang dayap at labaha, kada pagkanta ng ibon, kailangan mong sugatan ang iyong palad,
pagkatapos ay pigaan mo ng dayap. Dahil sa sobrang hapdi nito, hindi kana aantukin. Heto din pala
ang gintong sintas, ito’y gamitin mo sa paghuli ng Ibong Adarna.

Jexel:
Paano ko po mahuhuli ang Ibon?

Xyza:
Hayaan mo itong kumanta ng pitong beses, kapag ito’y natapos na, tsaka siya tutulog. Kapag ito’y
nakatulog na, doon mo siya talian gamit ang gintong sintas. Bumalik ka kapag nahuli mo na ang Ibon.

Jexel:
Sige po, ako’y tutuloy na. Maraming salamat po.

Xyza:
Walang anuman iho.

Marlie:
Bumalik sa puno si Don Juan, dito ay nakita na nya ang Ibong Adarna. Nagsimula na itong kumanta, at
tulad ng inaasahan, inantok si Don Juan dahil sa awit ng ibon. Gayunman, hindi niya nalimutan ang
payo ng Ermitanyo, hiniwa niya ang kanyang palad at pinigaan ng dayap kada pagkanta ng ibon.

Liann:
Oh makisig na binata
Ano ang iyong sinadya
Dito sa’king nilalagyan
Na akin ding pahingahan
~~~~~~~~
Ako ba ang iyong pakay
Matapos iyong paglakbay
Kung oo, wag susubukan
Na ako’y iyong talian
~~~~~~~~
Ramdam ko ang iyong pakay
Sa isip mo’y tumutulay
Payo ng matanda’y gabay
Na nakatulong ng tunay
~~~~~~~~

Jexel:
Okay confirmed, hindi ka sintunado.

Marlie:
Pagtapos kumanta ng ibon, agad tinalian ni Don Juan ang Ibong Adarna dahil alam niya na ito’y tulog
na. Matapos na mahuli, bumalik si Don Juan sa lugar ng ikalawang ermitanyong nagbigay ng payo
sakanya.

Xyza:
Napakahusay! Nahuli mo ang ibon gamit ang aking mga payo *sabay palakpak* ngayon ay sigurado
nakong tuli kana.

Jexel:
Aba, salamat po pala dahil nakatulong po ng malaki ang inyong mga paalala.

Xyza:
Heto, ilagay mo muna dito sa tabi ang ibon at sumalok ka ng tubig gamit itong banga at ibuhos mo sa
dalawang malaking bato na nakahimlay sa puno.

Jexel:
Bakit po?

Xyza:
Dahil iyon ang iyong mga nakatatandang kapatid, napatakan sila ng ipot ng ibon kaya naging bato,
diba ang hihina nila. Mabuti na lamang at hindi ka natulad sakanila.

Jexel:
Nako, sige po

Marlie:
Pagkatapos sumalok ng tubig ni Don Juan, agad siyang bumalik sa puno at ibinuhos ang tubig sa
dalawang malalaking bato. Agad na nanumbalik ang buhay at dating anyo nina Don Pedro at Don
Diego.

Jexel:
Aking mga kapatid! Maraming salamat sa Panginoon at sa ermitanyo dahil kayo’y nabuhay na muli.

Anntrixy:
Maraming salamat din sayo, hindi na kami mabubuhay muli kung hindi ka dumating.

Harlmel:
Oo nga, grabe, #HeroOfTheDay.

Jexel:
Tara na, nahuli ko na ang ibong umipot sainyo, HAHAHAHAHA.

Anntrixy:
Grabe ha, porket hindi naiputan.

Jexel:
Hindi naman talaga ako naiputan.
Harlmel:
Ops, tama na yan, tara na’t bumalik sa caharian, miss ko na yung higaan ko dun.

Jexel:
Mabuti pa nga, tara na.

Marlie:
Nakuha na muli ni Don Juan ang ibon sa ermitanyo, pagkatapos ay naglakbay na sila pabalik sa
cahariang berbanya, ngunit habang naglalakad, nakaramdam nanaman ng inggit si Don Pedro. Dito
namuo ang unang pagtataksil ng magkapatid kay Don Juan.

Anntrixy:
Ano ba yan, si Don Juan nanaman ang bida, sawa na ako maging pangalawang tauhan, kainis.

Harlmel:
Ano ka ba, pasalamat ka nga at niligtas pa tayo ni Don Juan, kung hindi pa siya dumating, malamang
nasa impyerno na tayo.

Anntrixy:
May naiisip akong plano, ano sasama ka ba?

Harlmel:
Ano naman yun?

Anntrixy:
Tara, agawin natin ang ibon kay Don Juan.

Harlmel:
Paano?

Anntrixy:
Edi papatayin natin si Don Juan.

Harlmel:
Aba maawa ka naman, niligtas na nga tayo e.

Anntrixy:
Dapat ako ang maging bida dito.

Harlmel:
Magmumukha kapang kontrabida diyan sa plano mo.

Anntrixy:
Hala, sige wag nalang.

Harlmel:
Kung gusto mo makuha yung ibon, bugbugin mo nalang, pero wag mo siyang tutuluyan.

Anntrixy:
Sige, sabi mo eh.

Marlie:
Mula sa likod, inatake ni Don Pedro si Don Juan, ang bunso’y napatumba, sumunod nading
tadiyakan ni Don Diego si Don Juan.

Anntrixy:
Wala ka pala eh.
Harlmel:
Ikaw ang sisisihin ko kapag napahamak tayo dahil dito.

Anntrixy:
Manahimik ka nga, mapapahamak lang tayo kapag ito’y nalaman na ng hari, kaya dapat hindi ito
kumalat. Oh, kunin mo na ang ibon at tayo’y tutuloy na.

Harlmel:
Pano si Don Juan?

Anntrixy:
Bahala na siya diyan.

Harlmel:
Ang sama talaga oh, pero sige. Tara na.

Marlie:
Lumisan ang dalawang magkapatid, habang si Don Juan ay bagsak ang katawan, puno ng pasa
ang kanyang katawan.

Nakabalik na sa Cahariang Berbanya sina Don Pedro at Don Diego, dala-dala ang Ibong Adarna,
inaasahan nilang gagaling na agad ang amang hari. Ngunit iba ang nangyari.

Anntrixy:
Ama! Ina! Nakabalik na kami!

Alia:
Don Pedro?? Don Diego? Kayo ba yan aking mga anak? Ito na ba ang Ibong Adarna??

Harlmel:
Ina, kami to, hindi pa kami patay, tsaka oo, yan na yung Ibong Adarnang hinuli-

Anntrixy:
Ko! Oo ama, ako ang humuli sa Ibong Adarna, hehe.

Mario:
Hmm, mahusay, ngunit nasaan si Don Juan??

Anntrixy:
Grabe ama, kami yung nandito oh, ngunit si Don Juan ay namatay dahil sa sobrang pagkagutom.

Mario:
Tunay ba iyang sinasabi mo, aking anak??

Anntrixy:
Oo naman ama, ako pa magsisinungaling, sus, imposible.

Harlmel:
Sinungaling ka talaga

Anntrixy:
Manahimik ka diyan

Mario:
Nawa’y nasa maayos na lugar na ang aking mahusay na anak, sana’y hindi ko na lamang siya
pinayagan kung siya lang din naman ang mawawala sa atin.
Alia:
Mahal, ayaw mo bang kasama na natin ang iba pa nating anak?

Mario:
Hindi naman sa ganun mahal, ngunit iba lang talaga kapag buo tayo bilang pamilya, sana’y umisip
nalang tayo ng ibang paraan sa paghuli ng Ibong Adarna.

Alia:
Tutal naman at nabanggit mona rin ang ibon, bakit parang hindi siya ganun kaganda tulad ng sinasabi
ng ibang tao?

Mario:
Parang yung ibon pa ang nakipagsapalaran ah, anak bakit ganito na ang Ibong Adarna?

Anntrixy:
Hindi ko din po alam ama, kanina’y maayos pa yan eh.

Mario:
Sa tingin ko’y hindi pa ako gagaling. Kailangan pa siguro nating maghintay.

Anntrixy:
Ama, huwag kayong susuko, laban lang.

Mario:
Tama ka diyan anak.

Alia:
Tara sa ating hapag-kainan, kailangan nating igunita ang pagbabalik ng ating mga prinsipe.

Marlie:
Habang sila ay nagsasaya sa kaharian, nasa kagubatan pa rin si Don Juan, sugatan siya at halos hindi
na makabangon. Siya ay nagdasal sa Panginoon.

Jexel:
Amang Diyos, patawarin niyo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. Ako po’y
inyong gabayan dito sa aking kinahaharap na suliranin.

Xyza:
Iho, narinig ko ang iyong dasal, ika’y huwag tumayo upang magamot kita.

Jexel:
Kayo po ba yung nakita ko kanina sa lugar na malapit sa puno ng Piedras Platas?

Xyza:
Pinagsasabi mo iho, babago ka pa nga lamang sa aking paningin.

Jexel:
Ngunit-

Xyza:
Tama na ang pagsasalita, gagamutin muna kita.

Marlie:
Matapos gamutin, nagpasalamat na si Don Juan sa matanda at lumisan papuntang Cahariang
Berbanya.
Jexel:
Maraming salamat po ulit, ako po’y tutuloy na.

Xyza:
Walang anuman iho, mag iingat ka ha.

Marlie:
Nagpatuloy si Don Juan hanggang sa makarating na siya sa kanilang kaharian. Nagulat ang lahat ng
makita nilang buhay pa si Don Juan matapos kumalat ang balitang wala na siya.

Jexel:
Eyy, nakabalik nako ama at ina!

Mario:
Don Juan aking anak!

Marlie:
Bago pa makatayo ang hari ay biglang bumalik ang makulay na anyo ng Ibong Adarna at ito’y kumanta
na.

Liann:
Oh aming mahal na hari
Inyong panganay nagtaksil
Don Juan syang nakahuli
Panganay naging suwail
~~~~~~~~
Ngayon ay inyong nalaman
Ang sadyang katotohanan
Maging hari si Don Juan
Ang akin pong kahilingan

Mario:
*boogsh nagulat* Mga sinungaling! Akala ko pa nama’y tunay ang inyong sinalaysay.

Anntrixy:
Ngunit ama, nagawa ko lamang iyon dahil sa sobrang inggit, si Don Juan lagi ang iyong paborito,
paano naman kami dito ni Don Diego.

Harlmel:
Huy ano ka diyan, ikaw lang naman ang naiinggit, dinamay mo pa ako.

Mario:
Dahil sa ginawa niyo, kayo’y aking pinapalayas na sa kahariang ito!

Anntrixy:
Ama naman-

Jexel:
Ama, hinihiling ko po sana na manatili sila dito sa ating kaharian, napatawad ko na po sila sa kanilang
mga kasalanan, sila’y tinatanggap ko muli bilang aking mga kapatid.

Mario:
Kung gayon, maaari kayong manatili dito sa Cahariang Berbanya, sana’y wala na ulit mangyaring
pagtataksil sa inyong magkakapatid.
Anntrixy:
Maraming salamat, ama at aking kapatid, ipinapangako ko na wala na ulit magaganap na pagtataksil
sa aming magkakapatid.

Jexel:
Walang anuman, sana nga ay panindigan mo yang pangako mo.

Anntrixy:
Syempre naman, ako pa

Harlmel:
Huy nakalimutan niyo nako

Jexel:
Paumanhin, masyado ka kasing tahimik.

Harlmel:
Ayos lang, mabait kasi ako kaya tahimik lang.

Jexel:
Sus

Harlmel:
Tunay naman ah

Marlie:
Ops, at dito po nagtatapos ang pagsasalaysay ng aking hula. Aba, parang magkakatotoo nga ang aking
hula, ayon sa ibang tao, nakabalik na daw sina Don Pedro at Don Diego, dala-dala ang Ibong Adarna!
Siya, diyan na kayo, magkita-kita nalang tayo sa susunod na bahagi ng kuwento. Paalam!

You might also like