Professional Documents
Culture Documents
Ibong Adarna28
Ibong Adarna28
Juan: Magandang araw sa iyo, O marilag na prinsesa. Don Juan ang aking pangalan.
Juana: Magandang araw rin sa iyo, ginoo. Ako'y manghang-mangha at ikaw ay narito.
Ang aking ngalan ay Donya Juana.
Juan: Sadyang ang tadhana ang nagdala sa akin dito upang ika'y makita.
(lumuhod at hinalikan ang kamay ni Donya Juana, ngunit si Donya Juana ay hindi
ngumingiti, ang mukha nito'y nababalot ng galit)
Juan: Kung walang pagmamahal na ika'y nadarama, kitilin mo na lamang ang aking
buhay. Ano pa ang halaga nito kung ikaw ay hindi rin tang makakamtan? Tinahak ang
balong kasindak-sindak upang ika'y masilayan lamang. Ngunit, ngayo'y ikaw ay
nasilayan, sawi pa rin ang aking buhay.
Juana: (hinipo ang mukha ni Juan) Tanggapin mo ang aking puso. Kapag ito'y naglaho,
patunay na ikaw ay nagtaksil sa pangako.
Juan: O, aking prinsesa. Ako'y kailanman hindi magtataksil. Panahon ang siyang
magsasaysay.
Juana: Ngunit, ngayon. Saan kita itatago laban sa Higanteng malupit na nagbabantay sa
akin? Kapag ika'y makita nito, tiyak na kamatayan ang ang iyong aabutin.
Juan: Aking mahal, ang matakot ay hindi bagay sa iyo. Hayaan mong labanan ko ang
Higante upang makamtan mo ang iyong kalayaang inaasam.
Higante: Juana!! Amo'y ibang tao! May ibang taong naparito! Nasaan ang taong iyon?!
Higante: Kung sinuswerte ka nga naman, (tawa) hindi ko na kailangan pang mamundok
upang makahanap ng makakain, gayong may kusang lumapit.
Higante: Kung ikaw man ay kilabot sa iyong kaharian. Dito ay hindi kaya ikaw ay
magiging aking pagkain!
Juana: Sandali, Juan. Hindi ko maiiwan ang aking kapatid na si Leonora. Nandoon siya
sa loob ng palasyo at bantay niya'y isang serpyente. Ang aking hiling ay sana siya ay
iyong iligtas din.
Juana: Ngunit, ako'y natatakot. Baka ikaw ay masawi at ako'y maiiwang mag-isa.
1
Juan: Humihingi ako ng kapatawaran sa aking kapangahasan. Ang ngalan ko'y Juan.
Juan: Hindi gaanong masaklap mamatay kung ito'y sa iyong harap lamang.
Leonora: Nagbibiro ka ba? Hindi kita kailangang mamatay sa aking harapan. Umalis ka
na at manghinayang sa makikitil mong buhay.
Juan: Ano ba ang iyong ikinagagalit? Kung ako man ay marahil na nagkasala, ito lang ay
dahil sa pagsinta. Kaya't susundin ko kahit ano man inyong iuutos ngunit ang umalis sa
iyong paningin ay hindi ko magagawa. Dahil kapag ako'y lumayo sa iyo ng titig, ang
hininga ko ay tiyak na mapapatid. Sa gipit kong kalagayan, ikaw na Prinsesang mahal
ang magbigay ng hatol. Ikaw ba'y sasama sa aking paalis sa lugar na ito o hahayaan ang
aking kamatayan sa iyong harapan?
Leonora: (nilapitan si Juan) Hindi rin ako nakatiis. Don Juan, hindi ko nais na ika'y
habagin, kung sa iyo man ay nagalit, pagsubok lamang iyon ng pag-ibig.
Juan: Naiintindihan ko, aking prinsesa. (nagtitigan sila with LOVE! Then hug!) (biglang
dumating ang serpyente with 7 heads)
Serpyente: Leonora, bakit ikaw ay may taong ikinaila sa akin?! Ikaw, tao! Ang buhay mo
ay aking kikitilin!
Juan: (binunot ang espada) Hindi, ang buhay mo serpyente ay aking kikitilin!
Leonora: Don Juan, narito ang mabagsik na balsamo. Sa bawat ulong mapuputol, ibuhos
mo ito upang ito'y hindi na muling mabuhay pa.
Serpyente: Di ko kayo huhumpayan hanggang hindi mamamatay ang ulo ko, iisa man
ako'y magtatagumpay!
Juan: Aking prinsesa, tapos na ang iyong pagdurusa. Halika at tayo'y umalis na.
(lumabas na sina Juan, Juana at Leonora sa baton)
Juan: Aking mga kapatid na Pedro at Diego, sila ang magkapatid na sina Juana at
Leonora, mga prinsesa ng kaharian sa loob ng baton.
Pedro: lkinagagalak namin kayong makilala, Donya Juana at Donya Leonora. (sabay
haliksa kamay)
Leonora: Naku!
Leonora: O, Juan. Ang akin dyamanteng singing na pamana pa ng aking ina ay naiwan
sa palasyo.
2
Juan: Kung gayon ay dapat ko itong balikan. Maghintay kayo dito at kukunin ko ang
naiwan. Leonora: Salamat, giliw ko. Juan: (tinalian ang sarili) (Ngunit habang bumababa
si Juan ay bigla na lamang pinutol ni Pedro ang lubid.)
Leonora: JUAN!!!! Lapastangan! Kapatid mo iyon! Bakit mo pinutol ang lubid? !big mo
ba ang kanyang kamatayan?
Pedro: Oo! Kung ito rin lamang ang paraan upang ika'y mapasaakin rin lamang.
Leonora: (kinakausap ang lobo) Puntahan mo si Don Juan. Kung siya man ay nasaktan,
gamutin mo ang kanyang mga sugat. Sabihin mong hindi ko kagustuhang iwan siya dito
sa baton. Kami ay pinilit lamang ng kanyang mga taksil na kapatid.
Pedro: Ikinalulungkot namin pero hindi po namin matagpuan si Juan. Ilang bundok at
burol ang aming nilakbay ngunit wala kaming Juang nasumpungan at sa aming
kapaguran, ito ang aming natagpuan. Sila ay ang magkapatid na prinsesang sa kaharian
sa loob ng isang baton nakatira. Ang ngalan nila ay Donya Juana at Donya Leonora.
Napagdesisyunan naming iuwi ang mga prinsesa nang aming mapangasawa at
mapabilang sa Berbanya.
Hari: O, sa Diyos, pasalamat kayong lubos. Sino sa kanila ang ibig mong pakasalan, aking
anak na si Pedro?
Pedro: Kung ako po'y tatanungin, si Leonora ang sa akin at ang kay Diego ay kay Donya
Juanang butihin.
Leonora: (lumuhod at napaiyak) Ako po'y di sumusuway ngunit may isa lamang akong
kahilingin at ito ay iliban muna ang kasal. Mula po kasi noong ako'y maulila sa aking
ama't ina, pitongtaon kung panata ng mamuhay na mag-isa. Sana po'y mahintay ninyong
matapos ko muna ang aking panata bago pakasalan ang prinsipe ng berbanya.
Hari: Kung iyan ang iyong kagustuhan, Donya Leonora. Ikaw naman, Donya Juana, sa
anak kong pangalawa, ang kasal ninyo ay ihahanda na pati na ang gagawing pista.
(natutulogsi Juan)
Juan: Tanda, ako po'y inyong kaawaan. Kung meron man po kayong dalang pagkain
diyan, maaari niyo ba akong limusan?
Matanda: Heto, ginoo. Kahit ito'y durog durog lamang na tinapay, tiyak na ika'y
mabubusog. Heto rin ang tubig at pulot-pukyutan upang ika'y masiyahan.
3
Juan: Salamat sa pagkain. Hindi man ako ngayon makaganti pero tiyak na sa tayo'y
magkita muli, baka makatulong ako sa huli. Ngunit, pasensya na po sa kawalan ng
paggalang, may isa pa po akong kahilingan. Nais ko pong malaman kung saan ang daan
patungo sa de los Cristal. Ako po ay tatlong taon nang naglalakbay ngunit ito ay hindi
ko pa rin matagpuan.
Matanda: Aba, ako'y wala ring alam tungkol riyan ngunit may alam akong taong
makakatulong sa iyo na magtuturo kung nasaan ang de los Cristal. Mula rito, tandaan
mong nasa ikapitong hanay na bundok ang hahanapin mong Ermitanyo. Heto,
kapirasong baro ay iyong ipakita sa kanya kapag kayo'y nagksalubong. Kaya ngayon ay
humayo ka na at malayo pa ang iyong lalakbayin.
Ermitanyo: Lumayo ka sa aking tabi. Sa katagalan ng aking pag-iisa, wala pang taong
naparito kaya siguro ay ikaw ay engkanto.
Juan: Huwag po kayong mag-alala. Totoong tao po akong ipinadala rig matanda. Heto,
ang barong ito ang katibayan.
Juan: Marangal na ermitanyo, tinutunton ko pong pilit ang Reyno delos Cristales.
Ermitanyo: Wala akong alam sa hanap mong kaharian. Maging ang sakop kong mga
hayop ay di rin nakakaalam. Baka ang kapatid ko ay may alam. Sa ikapitong bundok na
iyan, may matanda kang madaratnan. Itong baro ko ay iyong dalhin upang maging
katibayan. Heto, ang Olikornyo at iyong sakyan. Ika'y ihahatid niyan patungo sa iyong
dapat patuguhan.
Ermitanyo: Sino ka at ano ang iyong pakay? Matagal na akong walang nakikitang tao
rito.
Juan: Ako po'y ipinadala ng iyong kapatid upang masagot ang aking hiling na
katanungan. Heto, ang kanyang kapirasong baro para katibayan na ako'y nagsasabi
ng katotohanan.
Ermitanyo: Ito nga ay sa aking kapatid. Ngayon, ano ang iyong katanungan?
Agila: Panginoon naming mahal, sana po ako'y iyong mapatawad. Hindi ko hangad na
suwayin ang tunog ng kampana ngunit ako po ay nanggaling sa napakalayong
4
lupain. Paglipad ko man ay binilisan, ngunit ako ay huli na sa kalahatan nang dahil
sa sobrang kalayuan ng aking pinanggalingan.
Ermitanyo: Kung gayon, ngayon din ay sabihin mo ang pangalan ng lupaing iyong
pinanggalingan.
Ermitanyo: Ito'y isang hiwaga! Don Juan, narinig mo na ang balita ng Agila, kaya ngayon
ay ikaw ay humanda na. Agila, ikaw ay maghanda rin sapagkat ikaw ang magdadala kay
Agila: Tayo'y narito na, mahal na prinsipe. Dito na kita iiwanan. Ikaw ay mangubli sa
dito ay darating na tiyak ang hanap mong prinsesa. Ngayon, ako ay magpapaalam na.
Ang loob mo ay tibayan at ang bilin ko'y tandaan nang matiyak ang iyong tagumpay.
Maria: Alam kong may tao riyan. Kaya kung ayaw mong ipatawag ko pa ang aking ama
ay magpakita ka na lamang.
Juan: (goes out from hiding) Ako sana'y patawarin sa pagtatagong nagawa. Ako'y
natulala lamang sa iyong taglay na kagandahan, o mahal na prinsesa. Kung ako man
ay may nagawang mas malalang kasalanan, kahit anong kaparusahan ay tatanggapin
sapagkat ako, sa iyo ay may pagsinta.
Maria: Galit ko'y nag-aapoy dahil sa iyong pagpasok dito ng walang pahintulot.
Juan: Galit mo man kung nag-aapoy, ganoon rin ang puso ko para sa iyo. (grabs the princess
hand and put it on his chest to feel his beating heart)
Maria: Batid at nadarama ko ang iyong sensiridad kaya ang galit ko ay nawala at natunaw na parang
bula.
Juan: (knelt down) O, aking prinsesa. Ako si Prinsipe Juan, anak ng Berbanya at hindi ko mawari
kung ako ba ay makakabalik sa kaharian ng aking mga magulang. Ang inyong kaharian ay aking
nilakbay ng ilang taon pa upang ikaw lamang ay masilayan.
Maria: Turnayo ka, Don Juan. Tanggapin mo ang aking kanang kamay. Ito ay tanda ng
pagsinta kong panghabambuhay. Sa ating pagmamahalan, maglihim ay kataksilan.
5
Juan: (kisses the princess right hand and stands)
Maria: Aking mahal na prinsipe, marami na ang naghangad ng aking kamay mula sa
aking ama ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nagtagumpay, ngunit dahil batid
Juan: Bati ko ay magandang hapon sa Hari kong panginoon. Ako si Prinsipe Juan ng
Salermo: Kung iyan ang ating pag-uusapan, halika ka at pumanhiksa loob ng palasyo.
Salermo: Pwes, ngayon din ay kumuha ka ng trigo at itanim sa lupa. Kailangang bukas
na bukas rin ay may gawa nang tinapay mula sa iyong itinanim na trigo.
Salermo: Hindi ito maaari. Pitong kahilingan ko ay walang hirap niyang nagawa. Anong
klaseng prinsipe ito? Mula sa isang gabing paggawa ng tinapay patungo sa pagpapaamo
ng aking kabayo, nakakamangha man pero hindi ko kayang ibigay sa kanya ang isa sa
aking mga anak lalunglalo na si Maria. Ngunit, sa araw ng pagpili, hindi rin niya
malalaman kung sino sa tatlo ang aking Maria.
Salermo: Nang dahil sa iyong tapat na pagsunod sa aking mga kahilingan, ikaw,
Prinsipe Juan, ay aking pinapayagang pumili sa aking tatlong anak upang gawing asawa.
Ngunit ang kanilang kamay lamang ang iyong makikita mula sa mga pinto. Kapag
nakapili ka na, kahit sino man ang iyong napili, ay papayagan kong kayo ay ikasal na.
Juan: (naglalakad-lakad sa mga pinto) Mahal na hari, narito ang aking prinsesang iniibig.
Salermo: Hindi! Hindi ako makakapayag. Kunin mo na ang lahat sa akin, huwag lang ang
anak kong si Maria!
6
Juan: (tumakbo habang hawak si Maria)
Salermo: (hinawakan si Maria) O, aking bunsong prinsesa, huwag mong iwan ang iyong ama.
Pabayaan mo na ang prinsipeng estrangherong iyan, dumito ka sa tabi ng iyong ama.
Maria: (iwinaksi ang kamay ng ama at itinulak ito) Hindi, ama! Magulang man kita ngunit mahal
ko si Juan. Ako sana'y patawarin.
Salermo: (Umiiyak) Maria!!! Isinusumpa kita! Ang iyong minamahal na si Don Juan ay tiyak na
malilimutan ka kapag dumating na siya sa Berbanya! Siya'y ikakasal sa unang babaing kanyang
makikita sa kaharian ng Berbanya at ikaw ay habambuhay na mag-iisa!! (faints/dies)
Juan: Aking prinsesa, ikaw muna ay aking iiwan, pangako ako'y babalik agad. Haharapin
ko lamang ang galit ng aking ama ng mag-isa.
Leonora: (hugs) O, aking Juan! Hindi nga ako namamalik-mata. Ikaw nga itong aking
nakikita.
pitong taong pagbabanal upang maiwasang ikasal kay don Pedrong taksil. Ang totoong
Hari: (tiningnan si Pedro at Diego with anger; nagyuko lang ang ulo ang dalawa) Leonora,
sinuman kina Don Pedro at Don Juan, ikaw na ang bahala kung kanino ka
Juan: Ngunit, ama. Tunay nga ang sinasabi ni Leonora pero sana ang parusa ay ipataw
na lamang pagkatapos na ng kasal.
Hari: Itigil muna ang kasalan. May dumarating na emperatris. (grand entrance
ni Maria)
7
Maria: Naakit po akong tumigil at dumalo sa kasalan. Ngunit, parang ako ay nahuli
na ng dating.
Reyna: Emperatris na marilag, hindi pa huli ang iyong hangad sapagkat ang kasal ay
itinigil para ikaw ay matanaw. Tradisyon na ng kaharian na parangalan muna ang bisita
bago ang sarili.
Maria: Ganoon po ba? Kung ganun ay mayroon akong regalo sa inyong mga taga-Palasyo.
Isang palabas na bagay sa kasalang magaganap.
Hari: Emperatris, ipakita ang palabas. Ako’y sadyang nasisiyahan nang dahil sa iyong
bigay na regalo.