You are on page 1of 10

“Ibong Adarna”

Isinulat ni: Eizzle Joie Felix


Itinanghal ng ika-7 Baitang Copernicus
PANIMULA:
(Papasok ang lahat. 45 segundong sayaw)
Fernando: Tama na! Juan, aking anak! Huwag!!!
Valeriana: Anong nangyayari sa’yo mahal kong hari! May masama ka bang
nararamdaman? / Tawagin ang albularyo!
Albularyo: Dahil ito sa panaginip ng mahal na hari, isang panaginip na babago sa
kanyang kalagayan.
Valeriana: at sino naman ang kailangan?
Albularyo: Hindi sino, kundi ano?! Ang ibong adarna!!!
Voice Over: At ditto nagumpisa ang istorya ng ibong Adarna
Juan: Aking mga kapatid, ako na lang ang kukuha sa adarna kung walang may
gustong magboluntaryo.
Diego: Hindi! Ako na lang ang kukuha!
Juan: At sa anong rason naman?
Diego: Aba’y ako lang naman ang pinakamagiting sa ating tatlo! At pinakagwapo-
Pedro: Mga inutil! Ako na ang kukuha dahil ako ang panganay! Gusto kong may
mapatunayan ako sa aking ama. / Ako’y maglalakbay na, paalam!

KABANATA 1: Paglalakbay ni Pedro


Pedro: Sandali lang, paano ko naman makukuha ang ibong adarna?
Habang nag iisip si Pedro kung paano niya makukuha ang ibong Adarna,
biglang:
Pulubi: Tulungan niyo po ako
Pedro: Ano ba! Ako nama’y ginulat mo!
Pulubi: Pasensya na po, Ano po ba ang intensyon niyo at nakarating kayo sa lugar
na ito?
Pedro: Hinahanap ko ang isang ibon na tinatawag nilang Adarna, saan ko ba ito
matatagpuan?
Pulubi: Ah, makikita niyo po ito sa bundok ng Tabor.
Pedro: Maraming Salamat sa pagtulong mo, ngunit huwag kang umasa na may
maibibigay akong kapalit.
Nagsimula na muling naglakbay si Don Pedro. Nang narating na niya ang
bundok ng Tabor, may nakita siyang isang puno na kakaiba sa lahat ng puno
sa paligid.

Pedro: Tamang-tama, pwede na siguro akong magpahinga rito.


Ngunit habang nagpapahinga si Don Pedro ay biglang lumabas ang ibong
Adarna at nagsimula ng kumanta.
Adarna: *sings*
Pedro: Ang ibong Adarna! *papikit na ang mata* hay, matutulog muna ako.
KABANATA 2: Paglalakbay ni Diego

Fernando: Mahal kong reyna, ano na kaya ang balita kay Pedro?
Valeriana: Wala pa rin akong natatanggap mahal kong hari.
Diego: Ama, ina, aba! Ang pinakamagiting at pinakagwapo niyong anak nalang
ang pupunta
Valeriana: Kahit kalian talaga’y palabiro pa din aking anak. O siya, hanapin mo na
ang iyong kapatid.
Diego: Teka, paano ko nga pala makukuha ang ibon?
Habang nag iisip si Don Diego ay may lumapit sa kanyang isang pulubi.
Pulubi: Tulungan niyo po ako
Diego: Ano ba! Ako’y iyong ginulat!
Pulubi: Ano po ba ang intensyon niyo at nakarating kayo sa lugar na ito?
Diego: Hinahanap ko ang isang ibon na tinatawag nilang Adarna, saan ko ba ito
matatagpuan?
Pulubi: Ah, makikita niyo ito sa bundok ng Tabor.
Diego: Maraming Salamat sa pagtulong niyo, ngunit huwag kang umasa na may
maibibigay akong kapalit.
Nagsimula na muling naglakbay si Don Diego. Nang narating na niya ang
bundok ng Tabor, may nakita siyang isang puno na kakaiba sa lahat ng puno
sa paligid.
Diego: Napakaganda naman ng lugar na ito, o siya, ako’y magpapahinga muna
upang kagwapuhan ko’y manatili pa.
Ngunit habang nagpapahinga si Don Diego ay biglang lumabas ang ibong
Adarna at nagsimula ng kumanta. *nagging bato si Diego*

KABANATA 3: Ang paglalakbay ni Juan


Fernando: Ano na kaya ang nangyari sa aking mga anak, si Juan na lamang ang
natitira. Ngunit hindi ko kayang papuntahin ang aking bunsong anak sa lugar na
iyon
Juan: Wag kang magalala aking ama, ako na ang maglalakbay. Kayang kaya koi
to.
Valeriana: Baka ikaw ay mapahamak aking anak, hindi ako mapapakali kung ang
aking bunsong anak ay hindi na rin magbalik.
Juan: Ina, paano na ang lunas para sa karamdaman ng amang hari? Paano na kung
may masamang nangyari sa aking mga kapatid? Kaya aking ina, ako’y payagan
niyo na.
Valeriana: Kung iyan ang gusto mo, hindi na kita mapipigilan pa. Dalhin mo ang
tinapay na ito. Mag ingat ka aking anak!
Juan: Maraming Salamat aking ina!
Sinimulan na ni Juan ang kanyang paglalakbay. Habang naglalakbay siya ay
may isang pulubing lumapit sa kanya
Pulubi: Ang iyong tinapay, maaari mo bang ibigay sakin? Ano ba ang intensyon
mo at nakarating ka sa lugar na ito?
Juan: Heto, sayo na. Hinahanap ko po ang ibong tinatawag nilang Adarna
Pulubi:Ang Adarna ay matatagpuan sa Bundok Tabor.
Juan: Saang parte ng bundok ng Tabor?
Pulubi: Sa Piedras Platas. Makinig ka, wag ka munang pumunta sa Piedras Platas
pumunta ka muna sa bundok at kumatok ka sa bahay ng ermitanyo.
Juan: Ngunit bakit kailangan kong pumunta sa bahay ng isang ermitanyo?
Pulubi: Humingi ka ng tulong sa iyong misyon at huwag kang hihimlay sa isang
puno na kakaiba ang anyo
Juan: Ang iyong utos ay masusunod, Maraming Salamat sa tulong mo.
Nagsimula na muling maglakbay si Don Juan. Nang may nakita na itong
bahay ay sinubukan nitong kumatok
Juan: May tao po ba dito?
Pulubi: Ano ang iyong pangalan magiting na ginoo? Ano ang pakay mo sa
pagpunta dito?
Juan: Ako po si Don Juan, prinsipe ng kahariang Berbanya , maaari ba akong
humingi ng tulong mula sa inyo?
Pulubi: Ang paghingi sa aking tulong ay walang problema basta’t ang aking mga
kasunduan ay isagawa.
Juan: Huwag kang mag alala, ang iyong mga kasunduan ay aking isasagawa.
Pulubi: Kung gayon ay tuwing kakanta ang ibong adarna ay kailangan mong
sugatan ang iyong palad at patakan ng katas ng dayap ang sugat upang hindi ka
makatulog / kailangan mo ring umiwas kung ang ibon ay dudumi pagkatapos
nitong umawit.
Juan: Anong maaaring mangyari sa’kin kung di ako iiwas?
Pulubi: Ikaw ay magiging bato. At kapag nahuli mo na, kailangan mo itong talian
ng gintong sintas na ibibigay ko
Juan: Maraming Salamat sa tulong mo. Ang iyong mga kasunduan ay aking
isasagawa.
Pulubi: Bago ko makalimutan, may nangyaring hindi maganda sa iyong mga
kapatid, sila’y naging bato. Ngayon, bibigyan kita ng tubig na galing sa ilog
(ibibigay ang tubig) at buhusan mo sila nito upang makabalik sila sa dati nilang
anyo.
Juan: Maraming Salamat po. Ang iyong mga payo ay aking sususndin.
Pulubi: Walang anuman, basta magingat kayo sa inyong paglalakbay
Sinunod ni Don Juan ang mga payo ng ermitanyo kaya naman nagtagumpay
itong mahuli ang ibong adarna at maibalik sa dating anyo ang kanyang mga
kapatid. Ngunit hindi pumayag si Don Pedro na umuwi sa Berbanya ng
talunan.

KABANATA 4: PAGBABALIK SA BERBANYA


Pedro: May plano ako / aking kapatid
Diego: Ano iyon, Pedro?
Pedro: Patayin natin si Juan, Diego/ ang mapatay siya’y parang ang tagumpay na
pinapangarap ko *coughs* ang ibig kong sabihin ay natin ay matamo
Diego: Ano?! Ngunit kapatid natin si Juan / ang patayin siya’y isang kasalanang
pagsisisihan natin. *nagiisp* ngunit tama ka, sa pagsapit ng gabi, doon natin
aatakihin si Juan
(bubogbugin si Juan) (may sayaw)
Pedro: Aking ama, kami’y nakabalik na at dala-dala namin ang lunas para sa iyong
karamdaman
Fernando: Mabuti naman at nakabalik na kayo, ngunit nasaan ang bunso niyong
kapatid na si Juan?!
Diego: Hindi namin alam ama, sapagkat si Juan ay hindi nakita
Fernando: Ano?!
Valeriana: Nasaan na ba ang pinakamamahal kong bunsong anak? At ayaw
kumanta ng ibon.
Pedro: Bakit kaya ayaw kumanta ng Ibong Adarna?
Diego: Parang may kailangan ito, ngunit ano?
(papasok si juan)
Valeriana:
Bunso kong Anak!
Adarna: (sing)
Si Don Juan ang tunay na naghirap para mahuli at makuha ako
Adarna: (sing)
At wala sa kanila ang mga bagay na hinahanap ko, kaya sila’y nabigo at naging
bato
Adarna: (sing)
Pagkatapos matulungan ni Don Juan ang kanyang mga kapatid at naging
normal muli, siya’y sinaktan at pinagtaksilan nila
Adarna: (sing)
Kaya Mahal na Hari, Ang ginawa ng dalawa ay isang bagay na kanilang
pagsisisihan kaya ang dalawa ay dapat na maparusahan at si Don Juan ay
pasalamatan
Fernando: Wala na akong nararamdamang masakit / Maraming Salamat!
At kayong dalawa, dapat kayong maparusahan! Ang ginawa niyong pagtataksil ay
isang bagay na diko matatanggap!
Juan: Huwag po ama, ang aking dalawang kapatid ay may nagawang masama
ngunit sila’y mga kapatid ko parin kaya patawarin niyo po sila.
Fernando: Kayong tatlo ang magbabantay sa Ibong Adarna. Inaasahan kong
gagampanan niyo ng mabuti ang aking ipinaguutos.
Pedro: Diego! Palayaain natin ang ibong adarna / para magalit sa kanya ang haring
ama
At pinalaya nga ng dalawa ang ibon

Juan: (nagulat) Nasaan na ang ibong adarna?


Fernando: Nasaan na ang ibong adarna?! Si Don Juan?!/// Diego! Pedro!
Hanapin niyo ang ibong adarna pati na rin si Juan.
(naglakbay para hanapin si juan)
Pedro: O, Juan, ikaw pala ang nandyan
KABANATA 5: Pagpapakilala kina Donya Juana at Leonora
Juan: Oo, Pedro sapagkat kanina ko pa pinagmamasdan ang balon na ito, ang
balon na ito ay kakaiba, hindi ko alam sa inyo ngunit kailangan kong bumaba.
Diego: Ako’y mas matanda sa iyo kaya nararapat lamang na ako ang bumaba sa
balon.
Pedro: Wala ka ring karapatan sapagkat ako ang panganay nasa akin ang katwiran
ngunit parang malalim ang balong ito
Diego: Kung gayon, Juan. Ikaw ang siyang mauna kami’y maghihintay dito at aasa
sa ibabahagi mong balita

Juan: O, hiwaga / ito’y sa enkantong gawa!


Magandang binibini / wag muna kayong umalis
Juana: Sino ka / Bakit ka napadpad sa lugar na ito?
Juan: Ako si Don Juan, Nanggaling sa Berbanya, maaari bang malaman ang iyong
pangalan at ang tawag sa napakagandang lugar na ito?
Juana: Ako si Donya Juana, Prinsesa ng kahariang Armenia, tawag sa lugar na
iyong tinatanong
Juan: Ako’y nabibighani sa iyong kagandahan. (higante magpaparamdam)
Juana: Magtago ka na lamang / Wag na wag kang lalabas
Juan: Anong ibig mong sabihin magandang binibini
Higante: (parang nagugutom) May Naamoy ako!!! Ang sarap!
Juan: Sino ka?!
(starts the fight, dance) Tara na!
Juana: Ngunit tayo ba ay aalis na? / Hindi ba natin maisasama ang kapatid kong si
Leonora?
Naglakbay ulit si Don Juan para hanapin si Leonora.
Leonora:
(shocked to see juan)
Juan: Binibining napakaganda kayo ba si Donya Leonora?
Leonora: Oo, ano bang pakay mo dito? at ano ang pangalan mo?
Juan: Ako nga pala si Don Juan, Nasabi sa akin ng iyong kapatid ang tungkol
sa’yo. teka, isang serpyente, binabantayan ka?
(serpyente, nagparamdam, dance)
Serpyente: Ssssssinno ka? Hinding hindi mo makukuha ssssi Leonora, hinding
hindi mo sko sss-matatalo
Kahit anong gawin ni juan, mukhang hindi niya kayang mapatay ang
serpyente.
Leonora: Tuwing mapuputol mo ang isang ulo ng serpyente, ibuhos mo ito
Binigyan ng balsamo ni Leonora si don Juan at sa huli napatay rin ni don
Juanang pitong ulong serpyente.
Leonora: Salamat, Juan, Maari na ba tayong umalis?
Juan: Oo, magandang binibini
Juan: Aking mga kapatid, tignan niyo! May mga nailigtas ako. Si Donya Juana
at Leonora, nagmula sa kaharian ng armenia
Juana: Kapatid ko! Leonora!
Diego: Mahal kong mga binibini, ako pala si Don Diego
Pedro: Ngunit bakit laging si don juan ang bida at ngayon nakapagligtas siya ng
dalawang magagandang dalaga, hindi ako papayag na kunin niya ang lahat ng
atensyon. Ako’y gagawa ng paraan.
At nang nakalimutan ni Leonora ang kanyang singsing sa baba
Juan: Huwag kang mag-alala Leonora, kukunin ko ang singsing mo
Leonora: Don Juan, ang singsing ko ay pabayaan na, baka mapahamak ka pa
Juan: Ang singsing mo’y dapat kunin kaya ako’y hintayin
At sa kanyang lakbay pababa pinutol ni don pedro ang lupid ng balon
upang hindi na siya bumalik.
Pedro: Patawarin mo ako kapatid / sa aking muling pagtataksil
Umalis na sila pero:
Leonora: Anong ginawa mo?! / Lobo, iligtas mo ang minamahal ko
Pedro: O minamahal kong Leonora / si Juan ay kalimutan mo na / sapagkat
ako’y nandito / si Don Pedro, ang tunay na nagmamahal sa’yo

At sa pagbalik nila sa berbanya:


Fernando: Nasaan na ang bunso kong anak na si Juan? / At sino sila?
Pedro: Hindi pa namin nakita si Juan, mahal kong haring ama / ngunit mayroon
naman kaming nakitang mga prinsesang ubod ng ganda
Tinanong ng dalawang prinsipe ang dalawang prinsesa sa pagiisang dibdib
sa isang kasal

Diego: O, minamahal kong Juana / tinatanggap mo ba akong maging asawa?


Juana: Oo! / Papakasalan kita Diego!
Pedro: Donya Leonora na aking minamahal / tatanggapin mo ba ako bilang
iyong kabiyak?
Leonora: Mahal na hari, pasensya na po / ngunit di ko pa kayang magpakasal
kay Don Pedro / meron po akong pinangako sa aking ina at ibang Ginoo ang
iniibig ko
Pedro: Kalimutan mo na si Juan, Leonora / sapagkat ang aking kapatid ay hindi
na babalik pa. Ako ang nandito! Don Pedro, maglilingkod ng totoo sa iyo
Leonora: Pedro, ano ba ang hindi mo maintindihan hindi pa ako pwedeng
magpakasal sa iyo sa loob ng pitong taon at dahil sa hihintayin ko pa si Don
Juan na siyang tunay na minamahal ko.
Pedro: Ano pa ang kailangan mo / ako’y naririto naman. Huwag ka nang
maghanap ng taong wala sa tabi mo, ako nalang.
Leonora: Tatlong taon, pedro! Tatlong taon! Hindi ko kayang maikasal sa hindi
iniibig? / O, Juan, aking mahal, nasaan ka na ba?
Diego: Aking kapatid, anong nangyayari?
Pedro: Diego, hindi ako tanggap ni Leonora, nakakainis talaga si Juan, dapat ay
meron akong gawin!
Diego: Huminahon ka kapatid, baling araw ay maiisip din ni Leonora na
kawalan ka niya. Bakit ba kasi di kayo nagmana sa akin? Na habulin ng mga
binibini
Pedro: (tatawa) palabiro ka talaga, diego
Juan: Ibong Adarna / Andyan ka lang pala / kaytagal na din nung huli kitang
nakita
Ibong adarna: (sing) Don Juan may kailangan kang malaman / ang dalawang
taksil na kapatid mo ang nagpalaya saakin. Alam kong mahal mo si Leonora /
ngunit may isang prinsesa na mas maganda sa kanya / At ang pangalan ay
maria blanca / ang prinsesa ay mahahanap mo sa kaharian ng reyno de los
cristales

Tinawagan niya lahat ng hayop pero walang may alam kaya sinabi ng
ermitanyo kay don juan na ipakita sa isa pang ermitanyo.
Nang pumunta ni don juan sa ermitanyo, ipinakita niya ang baro at
tinanong kung saan ang Reyno de los Cristales
KABANATA 6: PAGPUNTA SA REYNO DELOS CRISTALES
Juan: Matutulungan mo ba ako?
Ermitanyo: Maghintay ka at tatanungin ko ang aking mga kaibigan
Tinawagan ng ermitanyo ang lahat ng ibon ngunit wala parin alam kundi
ang isang agila
Agila: Asahang sa ikaapat ng madaling araw bukas dito / darating na ang
prinsesang hinahanap mo
Nakarating si don juan sa Reyno de los cristales. Dinala ng Agila si Don
Juan sa paliguan ni Maria Blanca.
Isabela: Kailan kaya natin mahahanap ang tunay na pagibig, kapatid?
Maria: Ang pagibig na iyan ay hindi ko batid
Isabela: Ngunit gusto kong maramdaman ito, saan na kaya? Kalian
magpaparmdam?
Maria: (magugulat) At sino naman ang kumuha ng damit ko!
Isabela: Naku mahal kong kapatid, maaaring may nagnakaw sa iyong damit,
Maria: At sino naman?
Sa huli, dumating si don juan at siya’y nagpaliwanag.
Juan: Pasensya na mahal na prinsesa / dahil sa aking nagawa.
Maria: Di ko kayang magalit sa isang Ginoong kay giting na katulad mo. Ako’y
nahuhulog sa mga ngiting iyan.
Isabela: Mukhang ang kapatid ay nakahanap na ng lalaking tunay niyang
mamahalin.
Maria: Tumigil ka nga diyan aking kapatid
Isabela: O siya, ako’y aalis na.
Habang nag uusap ang dalawa, nalaman nila na umiibig na sila
Maria: Nakikita mo ba ang mga batong iyan / sila ang mga manliligaw kong
dating naparusahan.
Juan: At sino naman ang may kakagawan nito?
Maria: ang aking ama, hari ng kahariang ito / si Haring Selermo.
Nakita ni don juan ang hari
Salermo: Sa tingin mo ba ay karapat-dapat ka kay Maria? / patunayan mo sa
akin ang iyong halaga
Binigay ng hari si don juan ng mga impossibleng utos, at kung magawa ni
don juan, ipapakasal niya kay donya maria.
Maria: Don Juan, pakinggan mo / Ang kailangan mo lang gawin ay sumunod sa
utos ko.
 Sumunod ay pinakawalan ng hari ang labindalawang negrito mula sa
isang prasko at dapat sa pagsapit ng umaga, nariyan na ang mga
negrito sa prasko
 Ang bundok na mataas ay tibagin at patagin at ikalat ang mga trigo
 Patigilin ang pagputok ng mga kanyon
 Dapat iurong ni Juan ang bundok para masinghot ng hari ang
hangin sa umaga at patagin ito
 Ang bundok ay itabon sa gitna ng karagatan at gawing kastilyo, Ang
mga simboryo nito ay kailangang anyong bilog
 Nalaglag ng hari ang kanyang singsing sa kalagitnaan ng dagat.
Sinabihan niya si Don Juan na hanapin niya ito. Hinati ni don juan si
donya maria ng maraming piraso at ito ay nagging isda. Hinanap ni
donya maria ang singsing at tinapon, pero dahil tulog si don juan, di
niya kinuha, at nahulog ulit sa dagat. (UTOS, SAYAW)
Juan: Minamahal kong prinsesa, Ang mga utos ng inyong ama / mahirap at
hindi ko kaya.
(sings)
Dahil sa sama ng loob, hindi talaga ibig ni Haring Salermo na kunin ni
Don Juan si Donya Maria bilang asawa
Salermo: Hindi ako papayag na papakasalan ng prinsipe na iyan ang anak ko! /
Ako ay may plano / papupuntahin ko si don juan sa Inglatera upang mapaksal
kay Isabela / at kung susubukan man niyang tumanggi, ang kapalit ay ang
kamatayan niya.
At nalaman ni maria ang plano ng kanyang ama.
Maria: May narinig akong sinabi ng aking ama / dadalhin ka raw nila sa
inglatera / Naroon ang aking kapatid, si Isabela / makakasal ka sa kanya / Kung
ikaw ay di sasang ayon / maaring patayin ka doon.
Dahil dito, nagplano ang prinsipe at prinsesa na tumakas.
Juan: Maria! Tayo’y umalis na!
Salermo: Magsitigil kayo ngayon din! Maria!!!
Dahil sa mahika ni Donya Maria, nawalan na ng pag-asa si Haring
Salermo
Maria: Hindi mo ako mapipigilan ama!
At sinumpa niya sa Diyos na makakalimutan ni Don Juan si Maria.
Salermo: Sa sakling sumapit kayo sa kaharian ng berbanya / Ikaw doo’y
magdurusa / dahil sa nagawa mong kataksilan
KABANATA 7: ANG PAGDATING NI DONYA MARIA SA BERBANYA
Juan: Ikaw muna’y maiiwan minamahal kong prinsesa. Gusto ko munang
Makita ang aking ama dahil sa matagal naming hindi pagsasama
Maria: Ako’y iwan mo nalang, ayos lang ako rito
Juan: Huwag kang mag-alala maria / babalikan rin kita.
Maria: Don Juan, ipangako mo saakin / wag na wag mo akong kakalimutan
Juan: Maria, ako ay nangangako na babalik ako / at hindi kita ipagpapalit sa
kahit sinumang babae sa mundo. Pangako ko na ikaw lang ang babaeng aking
mamahalin
Leonora: O, Juan nag balik ka na! Ako’y naghintay ng kaytagal, kung alam mo
lang sana
Juan: (hugs Leonora, sees hari) Mahal kong haring ama! Kamusta na po kayo?
Fernando: Pag-iisang dibdib niyo / gagawin sa linggong ito / iyon ang pasiya ko
nang matapos na ang gulong ito.
Pedro: Hindi ako papayag (susuntukin si Juan at kukunin si Leonora)
Leonora: Pedro, ano ba?! Si Juan ang mahal ko, tanggapin mo na!
Si Maria naman ay naghihintay doon sa bayan.
Mamayan: Ikakasal na si Don Juan kay Donya Leonora! Tayo’y magdiwang
na!
Maria: Ang akala ko mahal ako ni Juan , tinulungan ko siya sa mga pagsubok
ng aking amang hari / siya ay magbabayad at ako’y maghihiganti !
KABANATA 8: ANG PAGPAPAKASAL
Ginamit ni Maria ang mahika niya at nagbihis Emperatris. Dumating ito
sa araw ng kasal sa nakasakay sa isang karosang sobrang ganda.
Bista 1: At sino naman kaya ang magandang binibini na ito? Ang ganda niya’y
kakaiba
Bisita 2: At masasabi ko na mas maganda pa siya kay donya Leonora. Sana siya
nalang ang maikasal kay Don Juan
Leonora: Sino ka at anong ginagawa mo sa kasal ko!?
Maria: Ako si Maria Blanca / Mahal na Hari, maari ba akong magpakita ng
kaunting pagtatanghal para sa pagiisang dibdib nina Don Juan at Donya
Leonora
Fernando: Sige, ang palabas mo ay ipakita / lalo sanang mapasaya ang mga
taong nanonood sa kasal ni Juan at Leonora.
Naglabas si Maria ng isang praskong may nilalaman na tubig at dalawang
negrito.
(SASAYAW)
Ang negrito ay nagpanggap na si Don Juan at ang negrita naman ay si
Maria, na may hawak na pamalo.
Maria: Ako nga’y sagutin mo! Anong dimo maalala? Ang pagiibigan nating
dalawa?! Sagutin mo ako!
Juan: Hindi kita maalala! Anong hindi mo maintindihan?
Maria: Kung hindi mo ako kayang maalala, babasagin ko ang praskong ito at
manganganib ang buong kaharian ng reyno!
Juan: (naguguluhan) Maria? Maria? Maria!!! Aking tunay na mahala,
pasensya na sa kaslanang aking nagawa. /// Mahal kong haring ama / ngayon
aking hinihiling na pumayag ka sa kasal naming ni Maria
Leonora: Anong nangyayari?! Hindi ko maintindihan? Donya Maria? Ang
tunay na iniibig ni Don Juan?! Ako ang mahal ni Don Juan! Ako ang mahal
niya!
Maria: Ngunit mas malakas ang relasyon ko kay Don Juan! Siya ang unang
lalakeng ipinaglaban ang pagmamahalan namin sa aking ama! Ako ang karapat
dapat kay Juan!
Fernando: Ako’y naguguluhan na. Ang Marangal na Arsobispo ang siyang
dapat magdesisyon sa sitwasyong ito
Arsobispo: Si Leonora ang nauna at ang nararapat dahil sila ang naitakdang
maikasal sa araw na ito, si Leonora ang mahal ng prinsipe.
At dito nagalit si Maria. Ibinuhos niya ang tubig sa prasko at bumaha sa
buong kaharian. Nakiusap agad si Don Juan kay Maria (sayaw)
Juan: Maria na aking sinisinta / itigil mo na ang baha na ginagawa mo sa
berbanya / Ikaw lamang ang aking minamahal at gusto kong pakasalan / sa
pagitan niyong dalawa ni Leonora / ikaw ang aking pipiliin magpakailanman /
si Leonora ay kay don pedro na lamang.
Juan: Leonora, kunin mo na ngayon ang singsing na nasa akin / Sapagkat ako’y
ikakasal kay donya maria na tunay kong iibigin
Leonora: Don Juan?! Don Juan!!!!
Pedro: Leonora, ako ang tunay na umiibig sa iyo, ako nalang. Mahal na mahal
kita, Leonora
Leonora: Talaga, pedro? Matututunan ko ding mahalin ka. (yakapan)
Pinayagan na ng hari at arsobispo na ikasal si Don Juan at Maria habang
si Leonora naman ay ikakasal kay Don Pedro na may gusto sa kanya nang
tunay. Si Leonora ay napatahimik na lamang.
Fernando: Ikaw ngayon Juan ang aking pinipili bilang bagong hari ng ating
kaharian
Maria: Mawalang galang na po Mahal na hari sapagkat si juan ang magiging
bagong hari ng aking kaharian sa reyos de los cristales.
Juan: Mahal kong haring ama / ibigay mo na lamang ang kaharian ng berbanya
/ sa aking kapatid na si pedro
Pedro: Ako? Bakit ako?
Diego: Alangan naman ako? Ang pinakamagiting at pinakagwapong prinsipe
ng berbanya, Ako’y magpapakasal kay Donya Juana.
Pedro: Maraming Salamat kapatid, Pasensya sa mga nagawa kong hindi mabuti
sayo. Ang pagiging hari ay pagbubutihan ko
Juan: Alam ko kapatid, kaya kayo ni Diego ay magingat
Diego: Paalam kapatid! Hanggang sa muli nating pagkikita
Maria: Tayo’y magpaalam na
Juan: Paalam na Kaharian kong Berbanya! Mabuhay tayong lahat!

Natuwa ang mga tao sa reyno at nagkaroon ng pista para sa bagong hari at
reyna pagkatapos paglamayan sandali ni Maria ang nawalang pamilya.
Hinangaan ang dalawa at naging mapayapa ang kaharian ng reynos de lo
cristales.

All: mabuhay ang bagong hari at reyna!!

(sayaw)

You might also like