You are on page 1of 51

IBONG

ADARNA
Scene I (Panalangin)

LIGHTS IN

Don Juan:

Oh Birheng kaibig-ibig Malimit na makagawa

Ina naming nasa langit, ng hakbang na pasaliwa

liwanagin yaring isip ang tumpak kong ninanasa

nang sa layon, di malihis kung mayari ay pahidwa

Ako’y isang hamak lamang Kaya Inang kadakilaan

taong lupa ang katawan ako’y inyong patnubayan

mahina ang kaisipan nang mawasto sa salaysay

at maulap ang pananaw nitong kakathang buhay

Labis yaring pangangamba At sa tanang nariritong

na lumayag na mag-isa nalilimping maginoo,

baka kung mapalaot na kahilinga’y dinggin ninyo

ang mamangka’y di makaya buhay na aawitin ko

LIGHTS OFF

Scene II (Lunas sa Karamdaman ng Hari)

LIGHTS OFF

Haring Fernando:*PAPASOK, HIHIGA KUNWARI NATUTULOG (BANGUNGOT)*

Tatlong Prinsipe:*PAPASOK*

NOTE:
 Ifofocus ang ilaw kina Haring Fernando, Don Pedro, Don Juan at
Don Diego (hiwalay)
Don Pedro at Don Diego:*BUBUGBUGIN SI DON JUAN*

Haring Fernando:

Anak!Anak!Don Juan!

*Tatayo(mukhang nag-aalala di mapakali)* Don Juan!!!!!!!!!

Lalabas

LIGHTS OFF

PAPASOK REYNA VALERIANA AT DON FERNANDO:

Don Fernando:*HIHIGA*

Donya Valeriana:*PUNTA SA PWESTO*

LIGHTS ON

Donya Valeriana:

Asawa anong nangyari sayo? Ang laki ng pinagbago mo

Guwardiya! ipatawag ang aking mga anak!

1, 2, 3

PAPASOK: TATLONG PRINSIPE

Don Diego:

Mahal kong ina, nabalitaan namin ang nangyari kay ama. Ano ba ang
nagging puno’t dulo nito?

Donya Valeriana: Ako rin ako hindi ko alam

Don Pedro:

Nasaan na ba ang manggagamot na aking pinatawag? Na saan na ba siya?

Don Juan:

Nandito na siya

*MGA PRINSIPE PUPUNTA SA IBANG POSISYON O TATABI*


Mangagamot:

Ang tanging makakapagpagaling lamang sa kaniya ay ang pag-awit ng Ibong


Adarna na mahahanap sa puno ng Piedras Platas sa bundok Tabor.

Don Pedro:

Mahal na ina kung ako’y inyong pahihintulutan, ako na mismo ang huhuli
sa ibong adarna para sa lunas sa karamdaman ng ating amang hari.

Donya Valeriana:

Para sa ikaliligtas ng hari, ika’y aking pinahihintulutan sana’y


gabayan ka ng inang birhen.

LIGHTS Off

Scene III(Paglalakbay ni Don Pedro)

LIGHTS ON

PAPASOK Don Pedro:

Halos tatlong buwan na akong naglalakbay, ang aking kabayo’y namatay.


Nasaan na ba ang bundok Tabor na tinatawag?!Nasaan na ba?!!!

Ano ang daanang iyon? Ngayon ko lang nakita iyon, baka ito na nga. Ito
na nga siguro ang landas patungong bundok tabor. Sa wakas matatagpuan ko
na rin ang ibong adarna

*LALABAS NG PATAKBO*

LIGHTS Off

PAPASOK Don Pedro:

LIGHTS ON

Ito na nga ang puno ng Piedras Platas! Kumikinang sa sobrang ganda! Ay!
nasaan nga pala ang ibong adarna?

*PARANG PAGOD NA PAGOD*

Makaupo at makapagpahinga nga muna…

*KUNWARI MAY BINIBILANG NA MGA IBONG LUMILIPAD*


Bakit ganoon? Napakaganda at maayos naman ang punong ito ngunit ni isang
ibon ay walang dumadapo. Napakalungkot naman. Aanuhin mo ang kagandahan
kung sa iyong paligid ay wala lumalapit sa iyo…

*HIHIKAB AT MAG-UUNAT-UNAT*

*BIGLANG NAKATULOG*

NOTE:
 Ifofocus ang ilaw kay Saguit

LIGHTS OFF

PAPASOK ANG IBONG ADARNA:

LIGHTS ON

*AAWIT*

Don Pedro:

*NAKARAMDAM NG ANTOK, TULUYAN NG NAKATULOG*

IBONG ADARNA: *INIPUTAN ANG PRINSIPE*

LIGHTS OFF

Scene IV (Ikalawang Paglalakbay)

Donya Valeriana:

LIGHTS ON

*PARANG MAY MALALIM NA INIISIP*

Ilang buwan na ang nakakalipas ngunit hindi pa bumabalik ang aking anak
na si Don Pedro. At hanggang ngayon ay di-pa gumagaling ang amang hari.

Dapat ay ipagpatuloy ang paghahanap sa Ibong Adarna.

Guwardiya! ipatawag ang aking anak na si Don Diego, sabihin gusto ko


siyang makausap

OPTIONAL: *SA BACKSTAGE MAY MAGSASABING “Masusunod kamahalan”*


Don Diego:

Magandang araw aking ina ako raw po ay inyong pinapatawag at gusting


makausap, bakit po?

Donya Valeriana:

Anak alam naman nating ang iyong kapatid na si Don Pedro ay di pa rin
nakakabalik mula sa kaniyang paglalakbay at ang karamdaman ng amang hari
ay lumalala na. Kaya aking napagpasiyahan na ikaw ay atasang hanapin ang
ibong adarna. Tinatanggap mo ba?

Don Diego:

Opo ina, aking tinatanggap ng bukal sa puso. Para sa aking kapatid at


amang may sakit. Ako ang huhuli sa ibong adarna.

LIGHTS OFF

PAPASOK DON DIEGO:

LIGHTS ON

*MAY DALA-DALANG PAGKAIN (NAKALAGAY SA PARANG SAKO)*

Nararamdamang kong malapit na akong makarating sa puno ng Piedras Platas


at tuluyan na nga mahuli ang ibong adarna pagkatapos ng limang buwan.
Ang kailangan ko na lang gawin ay akyatin ang matarik na bundok na iyon,
ang bundok Tabor.

LALABAS

LIGHTS OFF

LIGHTS ON

PAPASOK DON DIEGO:

*PARANG PAGOD NA PAGOD*

Ang aking kaluluwa ay parang mahihiwalay sa aking katawan dahil sa


sobrang kapaguran.

*TUMINGIN SA PALIGID (NAGTATAKA)*


Nasaan na ba ako? Ano bang lugar na ito? Ay, teka ito na nga ang bundok
Tabor!

*TITINGIN SA PALIGID AT BIGLANG TITIG SA ISANG PUNO*

Ang ganda ng punong iyon ang mga daho’t sangay kumikintab at pati’y ugat
ay ginto. Baka ito na nga puno ng Piedras Platas. Ito na nga iyon…

*LUMAPIT (MAY NAKITANG BATO)*

Ano ang malaking batong ito? Ay maka-upo at makapagpahinga muna.

NOTE:
 Ifofocus ang ilaw kay Lugay

Maggagabi na ngunit ni walang ibong dumadapo. Ano bang laking hiwaga,


punong ganda’y di sapala di makaakit sa madla! Subalit di ako aalis dito
at hihintayin ang ibong adarna upang aking mahuli.

PAPASOK ANG IBONG ADARNA:

*DAHAN-DAHAN ANG GALAW*

*DON DIEGO NAGULAT*

Ayun na nga ang ibon adarna! Ikaw ngayo’y pasasaan at di sa akin ng


kamay!

*AAWIT AG IBONG ADARNA*

*SI DON DIEGO AY PARANG NAANT0K*

*NATUMBA SA PUNO NG PIEDRAS PLATAS, NAIPUTAN NG IBONG ADARNA*

LIGHTS OFF

Scene V (ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI DON JUAN)

LIGHTS ON

PAPASOK DON FERNANDO:

*NAGLALAKAD NG IKA-IKA*
PAPASOK Don Juan:

*LALAPIT KAY DON FERNANDO*

Don Fernando:

*NATUMBA*

Don Juan:

Ama! Ayos ka lang po?

Don Fernando:

Ang totoo anak ang aking karamdaman ay lumalala na, baka ilang buwan na
lang ang kakayanin ng aking katawan.

Don Juan:

*PARANG MAIIYAK*

Ilang taon na ang nakakalipas ng umalis ang aking mga kapatid ngunit
kahit anino nila’y walang dumating. Ama ko’y inyong tulutan ang bunso
mo’y magpaalam ako ang hahanap naman ng iyo pong kagamutan.

Don Fernando:

Bunsong anak kong Don Juan, ang sagot ng haring mahal”kung ikaw pa’y
mawawalay ay lalo kong ikakamatay.

Don Juan:

Kung di niyo mamasain, ay masakit bilang sa anak ay nakikitang


nahihirapan ang kaniya mga magulang. Kaya ako po’y muling nagsusumaso sa
inyo na ako’y inyong tulutan.

Don Fernando:

*IIYAK*

Ika’y aking pinahihintulutan aking bunsong anak.

Don Juan:

Bendisyon mo aking ama babaunin kong sandata.

Don Fernando:

*HAHAWAKAN ANG ULO NI DON JUAN*


Ika’y sana’y gabayan ng Inang Birhen sa iyong paglalakbay na gagawin.

Don Juan:

Aking limang tinapay babaunin ngunit ang kagutuman sa akin ay di


magiging kamatayan. Kaya aking ama huwag kang mag-alala at paki sabi sa
ina’y makakabalik ang kaniyang anak…

LIGHTS OFF

PAPASOK DON JUAN:

* PAGOD NA PAGOD, BIGLANG MATATAPILOK*

Hindi, hindi ako susuko ang aking mga paa’y patuloy na maglalakbay para
mahanap ang aking mga kapatid at ang lunas sa karamdaman ng aking amang
hari.

*TATAYO, MAG-SISIGN OF THE CROSS, LULUHOD*

Ako’y iyong kahabagan, Birheng kalinis-linisan, nang aking ding


matagalan itong matarik na daan. Ang aking apat na buwang paglalakbay di
mapunta sa wala lang…

LIGHTS OFF

Scene VI(Paglalakbay ni Don Juan sa Gubat)

LIGHTS ON

PAPASOK Don Juan:

PAPASOK MATANDANG LALAKI RODRIGO:*PAPASOK NG PAGGAPANG*

*MAGLALAKAD, TAS BIGLANG MAY MAKIKITANG MATANDANG LALAKI*

Don Juan:

Ayos ka lang ho ba? *PAPAUPUIN ANG MATANDA*

Matandang lalaki: I

ho, pwede bang makahingi kahit kaunting pagkain lang.

Don Juan: Ito poi sang tinapay

Matandang lalaki:

Maraming salamat iho.


Don Juan:

Kung maaari po ba ako’y magtatanong, ang aking ama ngayon ay nakaratay


sa malubhang karamdaman, ibong adarna lamang ang mabisang kagamutan. At
ang aking mga kapatid ay nawawala. May alam po ba kayo kung sino ang
maaaring makatulong sa akin.

Matandang lalaki:

Iho ang aking bilin ay itanim sa puso; mag-ingat kang totoo at nang di
ka maging bato.

Sa pook na natatanaw ay may kahoy kang daratnan. Doo’y huwag kang


titigil sapagkat ang buhay mo’y magmamaliw. Sa ibaba’y tumanaw ka’t may
bahay na makikita ang naroroong tao’y siyang magtuturo sa Adarna.

Iho kunin mo itong tinapay na iyong binigay dahil mahaba pa ang iyong
paglalakbay.

Don Juan:

Maginoo, bakit po ba’y iya’y isasauli mo pa gayong naibigay na?

Matandang lalaki:

Sa iyo na ito iho.

AALIS ANG MATANDA

LIGHTS OFF

Scene VII (Sa bahay ng Ermitanyo)

LIGHTS ON

PAPASOK Don Juan:

Aking bibilisan para makarating agad sa aking paroroonan.

*LALABAS*

LIGHTS OFF
LIGHTS ON

PAPASOK Don Juan: *TITINGIN SA PALIGID*

Ayun na yata ang bahay na sinasabi ng matandang lalaki.

*LALAPIT SA BAAY*

PAPASOK Ermitanyo LAPATING:

Iho, anong kailangan mo?

Don Juan:

Ako po’y si prinsipe Don Juan mula sa kaharian ng Berbanya. Maaari ko po


ba kayong makausap?

Ermitanyo:

Ahh, oo naman, tayo’y muna pumasok sa aking tirahan.

Don Juan:

Maraming salamat po.

1, 2, 3

Ermitanyo:

Ikaw ba’y kumain na?

Don Juan:

Hindi pa po…

Ermitanyo:

Oh ito ang mga pagkain na aking naihanda sana’y magustuhan mo kahit


simple lang.

Don Juan:*NAGULAT*

Ito’y isang talinhagang kay hirap na maunawa! Hindi kaya baga ito ay sa
Diyos na sekreto? Anaki’y si Jesucristo ang banal na ermitanyo!

Ermitanyo:

Ano pala ang dahilan kung bakit ako’y gusto mong makausap?
Don Juan:

Ama ko po’y may sakit katawa’y datay sa banig. Labis akong nag-aalala
baka ang aking ama’y di na masisilayan ng araw. Kaya kailangan ko
mahanap at mahuli ang ibong adarna.

Ermitanyo:

Don Juan,iyang hanap mo’y paghihirapan ng totoo ang adarna ay may


engkanto na wala pang tumatalo.

Don Juan:

Ako po’y inyong tulungan…

Ermitanyo:

Ika’y aking tutulungan, ang ibong ito’y kung dumating ay hatinggabi na.
May pitong awit na maganda at pito ring beses ang pagpapalit ng balahibo
nito. Upang iyong labanan ang iyong antok na mararamdaman, narito ang
labaha’t pitong dayap.

*IBIBIGAY*

Bawat kantang pakikinggan ang palad mo’y sugatan, saka agad mong pigaan
ang dayap ang hiwang laman. Isang paalala matapos ang pintong kanta ay
kinaugalian na ng ibong adarna ang magbawas. Ilagang mapatakan kung
hindi ay panghabang buhay ka ng magiging bato katulad ng nangyari sa mga
kapatid mo. At baka makalimutan ko dalhin mo rin itong gintong sintas
itali mo sa ibong iyon.

Don Juan:

Maraming salamat po.

Ermitanyo:

Humayo ka na sa gabing malalim dahil ito na ang oras ng pagdating ng


Adarna.

LIGHTS OFF
Scene VIII (Ang paghuli sa ibong adarna)

LIGHTS ON

PAPASOK Don Juan:

Narito na ako sa lugar kung nasaan ang puno ng Piedras Platas,


ang kailangan ko na lang gawin ay hintayin ang ibong adarna.

PAPASOK IBONG ADARNA: *PAGOD NA PAGOD*

Don Juan:

Ayan na siya!hmmm tila’y hapong-hapo yata siya…

Ibong Adarna: *MAG-UUMPISA NG UMAWIT*

Don Juan:*KUNWARI HINIWA ANG KAMAY, PIPIGAAN NG DAYAP*

Aray!!!!!!!

Ibong Adarna:*PATULOY PA RIN SA PAGKANTA*

Don Juan: *KUNWARI HINIWA ANG KAMAY, PIPIGAAN NG DAYAP*

Ibong Adarna: *MAG-UUMPISA NG MAGBAWAS*

Don Juan: *INIWASAN ITO*

Ibong Adarna: *NAKATULOG*

Don Juan: *AGAD NIYA GINAPOS, BINUHAT PAPUNTA SA BAHAY NG


ERMITANYO*

LALABAS

LIGHTS OFF

Scene IX (Pagligtas sa mga Kapatid)

LIGHTS ON

PAPASOK Don Juan at ang Ermitanyo:

Ito na po ang ibong adarna.


Ermitanyo:

Magaling Don Juan nagawa mo nga, salamat at sinunod mo ang aking mga
bilin sa iyo. Maibibigay mo na sa wakas ang lunas sa karamdaman ng ama
mo.

Don Juan:

Oo nga po, pero ang aking mga kapatid ay mga bato pa rin.

Ermitanyo:

Ay! Oo nga pala, kunin mo iyong banga magmadali ka at may iiutos ako sa
iyo. Punuuin mo ng tubig iyan at dalawang bato’y buhusan.

Don Juan:

Uhhmmm, bago po ako lumisan gusto ko pang magpasalamat sa inyo. Maraming


salamat sa lahat ng ginawa niyong tulong sa akin.

Ermitanyo:

Wala anumann iho *MAGYAYAKAPAN*

Ika’y humayo na at pagpalain ng inang birhen. Hanggang sa muling


pagkikita…

*KAKAWAY*

Don Juan: *AALIS NANG MABILIS*

LALABAS

LIGHTS OFF

PAPASOK Don Juan:

*BUBUHOS ANG TUBIG SA MGA BATO, ANG MGA KAPATID AY NAGBALIK SA DAING
ANYO*

Don Pedro:

Sa wakas nakabalik na ako, parang isang panaginip na matagal ang


nangyari sa akin.

Don Diego:

Salamat Juan at niligtas mo kami.


Don Pedro:

Oo nga Juan, maraming salamat

*MAGYAYAKAPAN*

Don Juan: Halika at maglakbay na tayo pabalik ng Berbanya. At maihandog


na ang lunas sa karamdaman ng amang hari natin.

LALABAS

LIGHTS OFF

Scene X (Ang Pagtataksil)

LIGHTS ON

PAPASOK ANG TATLONG PRINSIPE AT ANG IBONG ADARNA:

Don Juan:

Magpahinga muna tayo dito. *NILAPAG ANG IBONG ADARNA, UMUPO, HIHIKAB,
BIGLANG MAKAKATULOG*

Don Pedro:

Hindi pwedeng makuha ni Juan ang karangalan. Lagi na lang siyang


magaling. Lagi na lang siyang pinapaboran ni ama, porket siya ang bunso.
May plano ako para tayo naman ang mapansin at bigyang karangalan ng
amang hari.

*IBINULONG SI DON PEDRO ANG KANYANG PLANO KAY DON DIEGO*

Don Pedro at Don Diego: *NAGTAWANAN NANG TAHIMIK*

Don Diego:*HINILA SI DON JUAN, TINULAK NANG MALAKAS*

Don Pedro at Don Diego:*PINAGTATADYAKAN AT PINAGSASAPAK-SAPAK SI


DON JUAN*

Don Pedro: Bilis kunin mo na ang ibon at umalis na tayo dito.


TAKBUHAN PALABAS
NOTE:
 Ifofocus ang ilaw kay Gatin

1, 2, 3 LIGHTS OFF
Scene XI (Pagbabalik sa Kaharian ng Berbanya)
LIGHTS OFF
PAPASOK ANG REYNA AT ANG HARI:

LIGHTS ON

Donya Valeriana:
Asawa na saan na kaya ang tatlong prinsipeng anak natin? Ako talaga’y
nag-aalala na…

Don Fernando:*MAY UBO, MASAMA ANG PAKIRAMDAM*


Huwag kang mag-alala mahal, alam kong hindi sila pababayaan ng Inang
Birhen…

Don Pedro at Don Diego:


Ama! Ang Adarna’y dala naming!

Don Diego:
Kami mismong magkapatid ang siyang nakahuli!

Donya Valeriana:
Buti na lang nakabalik na kayo.
*DON PEDRO AT DON DIEGO LUMAPIT SA INA, NAGYAKAPAN*

Don Pedro:
Kami’y masaya at muli naming kayong nahagkan at nakita ni Diego

Don Fernando:
Asan si Don Juan?

Don Pedro: Hindi po namin siya nakita.

Don Diego:
Kahit sa aming pagbalik po sa Berbanya ay miske anino ay di naming
nasilayan…

Donya Valeriana:
Baka pabalik na rin ang bunso nating anak asawa, kaya huwag ka ng mag-
alala…

Don Fernando: *NOD*


Tayo’y muna maghanda ng isang piging para sa inyo pagbabalik. Tayo na…

LALABAS
NOTE:
 Ifofocus ang ilaw kay Salonga

1, 2, 3

Scene XII (Nagtampo ang Ibong Adarna)


LIGHTS OFF
IPAPASOK ANG IBONG ADARNA:
LIGHTS ON

PAPASOK Don Fernando:*TINITIGNAN ANG IBONG ADARNA*


Bakit ang ibong adarna sinasabing anong ganda, ngayo’y ayaw nang kumanta
nalulugo’t pumangit pa! Guwardya ipatawag ang aking mga anak!
1, 2, 3

PAPASOK Don Pedro at Don Diego:


Don Pedro:
Ano po yun ama?

Don Fernando:
Ito ba ang Adarna? Kung ito nga’y ano baga pagkapangit pala niya!

Don Diego:
Sabi raw po ng manggagamot na itong ibong ito ay may pitong balahibo
pawang likhang engkantado. Kung ito raw ay kakanta ang may sakit ay
giginhawa po.

Don Fernando:
Giginhawa! Giginhawa ako! Tignan mo nga ang itsurang yan parang mas una
pangmamatay sa akin yan.
*WALKOUT*

Don Pedro:
Itong ibong kasi ayaw kumanta! *BINATO*

DALAWANG PRINSIPE LALABAS

NOTE:
 Ifofocus ang ilaw kay Salonga

1, 2, 3

Ibong Adarna:*AAWIT NG MALUNGKOT MAIKLI LANG (PAIYAK NA)*

1, 2, 3
LIGHTS OFF

Scene XIII (Si Don Juan)


LIGHTS OFF
PAPASOK Don Juan:*NAKAHIGA SA SAHIG, GUMAGAPANG*
Tubig! Kailangan ko ng maiinom! Tulong! Tulongan niyo akooo!*PAUTAL-
UTAL*

Ama!!*PAUTAL-UTAL, GUMAGAPANG, LULUHOD*


Oh, Birheng inang marilag tanggulan ng nasa hirap, kahabagan di man
dapat ang aliping kapos palad. Kung wala nang kahirapan humaba pa yaring
buhay loobin mo. Inang Mahal, ang ama ko’y mabuhay!

*PARANG IIYAK*
NOTE:
 Ifofocus ang ilaw kay Gatin

1, 2, 3

PAPASOK Matanda Gaorano:

Matanda: Naku! Iho,

Don Juan: *NAHIMATAY*

Matanda:
Anong nangyari sayo? Sumama ka sa akin at ika’y aking gagamutin.
*BUBUHATIN SI DON JUAN*

LALABAS
LIGHTS OFF

LIGHTS OFF
PAPASOK ang Matanda at si Don Juan:

Matanda:
Oh prinsipe, pagtiisin ang madla mong kahirapan di na maglalaong
araw ang ginhawa ay kakamtan.

Don Juan:
Maraming salamat po…

LIGHTS OFF
LIGHTS ON
Don Juan: *TUMAYO (PARANG NAGULAT)*
Aba! Ang galling tila diyos ang matanda! Kung hindi man totoo
himala ng diyos ito…

Utang ko sa inyong habag ang buhay kong di nautas, ano kaya ang
marapat iganti ng abang palad?

Matanda:
Kawanggawa’y hindi ganoon kung di iya’y isang layon ang damaya’y
walang gugol… Prinsipe, di ko hangad tapusin ang pag-uusap ngunit
iyong isahagap ang ama mong nililiyag.

Kaya nga magmadali ka ng pag-uwi sa Berbanya, ikaw ang lagi na


inaalala ng iyong ama’t ina.

Don Juan:*LUMAPIT AT NIYAKAP ANG MATANDA*


Maraming salamat po…

Matanda:
Walang anuman

Don Juan at ang Matanda:*NAGKAMAYAN*


LIGHTS OFF
LALABAS

Scene XIV (Bumalik si Don Juan sa Berbanya)


LIGHTS OFF
PAPASOK Reyna Valeriana, Dalawang Prinsipe at ibong adarna

LIGHTS ON
PAPASOK Don Juan:

Reyna Valeriana: Juan anak! Salamat naman at nakauwi ka na.


*MAGYAYAKAPAN*
Don Juan:
Mahal kong ina
Don Pedro at Don Diego: *MAGUGULAT*
Don Pedro:
Patay, lagot na tayo… Diego
PAPASOK Don Fernando: *PUPUNTAHAN SI DON JUAN AT YAYAKAPIN*
Ang bunso kong anak ay nakabalik na rin sa wakas.
Ibong Adarna: *MAG-UUMPISANG UMAWIT*
*NAGBALIK SA DATING ANYO*
Aba, Haring Don Fernando,
monarka ng buong reyno
si Don Juan pong bunso mo
kaharap na’t narito
LAHAT MALIBAN KAY DON JUAN:
YAN ANG TUNAY NA ANYO NG IBONG ADARNA!!!!
Ibong Adarna:
Ang iyo pong bunsong anak Yaong anak mong dalawa
nagtiis ng madlang hirap, inutusang nangauna,
kamatayan ay hinamak kabiguan ang nakuha
sa utos mo ay tumupad kapwa nagging bato sila.

*NAGPALIT NG ANYO*

Sa kasawiang tinamo Sila nga’y binusan lamang


ni Don Diego’t ni Don Pedro nitong tubig na malinaw
kung hindi po sa bunso mo, nang mabasa’y nangabuhay
habang araw silang bato. mga bato’y nagsigalaw

*NAGPALIT NG ANYO*
Ang nagturong nitong tubig Sinalok sa isang ilog
ay ermitanyong mabait, sa libis ng isang bundok,
nahabag sa kahihibik sa linaw ay parang bubog
ng bunso mong iniibig mabisa ang dalang gamut

*NAGPALIT NG ANYO*

Kasayahan nang matapos Hari, inyo pong alamin


ermitanyo ay pumasok si Don Jua’y nagtiis ding
sa kwartong kalugod-lugod palad niya ay hiwain
at kumuha po ng gamut. nang gabing ako’y hulihin.
*NAGPALIT NG ANYO*

Pitong malalim na sugat Dusang ito ay tiniis


pinigaan pa ng dayap, dahilan sa kaniyang nais
nang humapdi o kay antak na ang taglay ninyong sakit
lama’y parang nginangatngat. ay huwag na sanang lumawig.

*NAGPALIT NG ANYO*

Ang matanda ay nahabag Sa parang nang matagpuan


sa daing ng iyong anak, ang anyo ay tila bangkay,
kaya kahit anong hirap buong suyong pinagyaman
ang pinsipe ay hinanap. ginamot ang karamdaman.

*NAGPALIT NG ANYO*
Sa himala po ng langit Tuluyan nang umuwi na
matapos ang ilang saglit rito sa Reynong Berbanya
si Don Jua’y nakatindig nasa kayo ay makita
malakas na’t walang sakit buhay pa rin at masigla.

*NAGPALIT NG ANYO*

Ang sinapit ni Don Jua’y Kaya rin nga namalas mo


dinamdam ko, Haring mahal, ako nga’y lulugo - lugo
kaya po gayon na lamang ni kumain ay ayoko
yaring dusa’t kalumbayan pagkanta’y di ko ginusto.
*NAGPALIT NG ANYO*

Pagkat di pa dumarating Yamang ngayo’y natalos mo


ang may-ari po sa akin, ang matapat at ang lilo,
ayoko sa mga taksil kay Don Juan, O hari ko,
na anak mong masasakim ipamana itong reyno.
Scene XV (Pinatawad ng Hari ang Nagkasala)
LIGHTS OFF
PAPASOK Don Fernando, Tatlong Prinsipe at ang Ibon Adarna

LIGHTS ON
Don Fernando:
Bilang isang amang nagpupuyos sa galit na nararamdaman aking
pinarurusahan ang dalawang kong anak na nagkasala; Don Pedro at Don
Diego. Iipatapon kayong dalawa at bawiwian ng lahat ng karapatan.
Don Pedro at Don Diego: *NAGMAMAKAAWA*
Don Pedro:
Huwag po ama! Huwag po ama!
Don Diego:
Kami po ay nagsisi sa aming ginawang kataksilan sa aming nakababatang
kapatid.
Don Pedro at Don Diego:
Nagmamakaawa po kami ama!
Don Juan: *PUPUNTA KAY DON FERNANDO, NAGMAMAKAAWA*
Oh, ama kong ginigiliw, ang puso mong mahabagin sa kanila’y buksan mo
rin. Malaki man nagawa nilang kasalanan sila’y akin pa ring mga kapatid.
Sila’y aking tunay na minamahal, kaya ama kung di niyo mamasain
sana’y sila inyong patawarin.

Don Fernando: *MEDYO NAGALIT, TAS BIGLANG KUMALMA*


Kayo ngayon ay lalaya, sa pangakong magtatanda. Sa araw na kayo’y
muling magkasala kahit munti patawarin ko’y hindi sinuman nga ang
humingi! Magkasala’y minsan lang, pag-umuli’y kamatayan!
*WALKOUT*

DON PEDRO AT DON DIEGO: *YAYAKAPIN SI DON JUAN*

Don Pedro:
Maraming salamat Juan

Don Diego:
Masisigurado kong di na mauulit.
LIGHTS OFF
LABAS

Scene XVI (Pangalawang Kataksilan)


LIGHTS OFF
PAPASOK Tatlong Prinsipe:

LIGHTS ON
Don Juan:
Tayo’y inatasan ni ama na bantayan ang adarna tig-tatatlong oras.
Halika na kayo!

Don Diego: *KINALABIT SI DON PEDRO*


Ahh sige susunod ako
Don Pedro:
Ay! Susunod kami Juan

Do Juan:
Ahh sige ako’y mauuna
*LALABAS*

Don Pedro: *GALIT NA GALIT*


Pabida talaga ang Juang iyon lagi na lang talaga siya ang
pinapaboran ni ama.
Hmmmm, magtatanda rin iyon sa aking planong gagawin.

Don Diego:
Ano na naman iyang plano mo?

Don Pedro:
Tayo’y magsabay sa pagtatanod sa Adarna’t magsabay ring
mamahinga.

Don Diego:
Iyang gagawin natin ay isang pagkakasala na naman Pedro.
Diba tayo ay nangako kay Ama at Juan ni hindi na muling uulit pa.

Don Pedro:
Pagkakasala, ang pagkakaroon ng paboritong anak sa magkakapatid
ay isa ring malaking kasalanan. Dapat ang iyong pagmamahal ay
para sa lahat hindi lang sa isa. Tignan mo tayo ha! Parang di
tayo anak ni ama! Gusto tayong ipatapon at alisan ng karapatan sa
kaharian.

Don Diego:
Tama ka nga Pedro… Hmmmm kung ngayon siguro ay baka nakatulog na
iyon si Don Juan…

Don Pedro:
Tama ka diyan, kaya ito ang gagawin mo gisingin mo si Juan
pagdating dito ay iwan at huwag na siyang halinhan…

Don Diego:
Paano naman siya?

Don Pedro:
Huwag kang mag-alala’t tatanod ng makalawa bukas tayo magkikita.
LIGHTS OFF
LALABAS

LIGHTS OFF
PAPASOK Don Juan at Ibong Adarna:
Don Juan: *NAKATULOG*
1, 2, 3, 4, 5, 6

PAPASOK Don Pedro at Don Diego:


Don Pedro: *PINAKAWALAN ANG ADARNA*
Don Diego: *SUMUNOD*
*PAGKATAPOS PAKAWALAN*
Don Pedro at Don Diego: *LALABAS AGAD*

Don Juan: *NAGISING BIGLA*


Oy! *TUMINGIN SA PALIGID*
Nasaan na ako, ay oo nga pala nagbabantay ako sa ibong adarna.
*HIHIKAB*
Ibong Adarna!!! *TITINGIN AT LALAPIT SA HAWLA*
*DISMAYADO*
Ako’y aalis na lang sa kaharian. Ito ang maganda natatago ang
maysala…
LALABAS
NOTE:
 Ifofocus ang ilaw sa Hawla

1, 2, 3

LIGHTS OFF
Scene XVII (Lumayo si Don Juan)
LIGHTS OFF
PAPASOK Don Fernando:

LIGHTS ON
Don Fernando: *TITINGIN AT PUPUNTAHAN ANG HAWLA*
*HABANG NAGLALAKAD*
Aba! Kamusta na kaya ang Ibong Adarna… Matignan nga
*LALAPIT*
Halaa!!!Na saan na ang adarna! Na saan na!!!
Guwardya! Ipatawag ang aking mga anak!

PAPASOK Don Pedro at Don Diego:


Don Pedro at Don Diego:
Magandang umaga, ama

Don Fernando:
Anong maganda sa umagang ito ha!
Na saan ang Ibong Adarna?!

Don Diego:
Ama ewan, ang nagbantay po ay si Don Juan…

Don Fernando:
Na saan di Juan?!

Don Pedro:
Ama, tinanong na rin po namin sa mga guwardiyang nasa kaharian,
hindi po nila malaman o mahagulgol kung na saan si Don Juan…

Don Fernando:
Hindi ito maaaring mangyari. Hanapin niyo si Don Juan. Hindi kayo
maaaring makabalik sa kaharian hanggat hindi niyo kasa-kasama si
Juan sa pag-uwi…

Don Pedro:
Kami’y aalis na po…
*LALABAS DON PEDRO AT DON DIEGO*
NOTE:
 Ifofocus ang ilaw kay Lebosada

1, 2, 3

LIGHTS OFF
Scene XVIII (Kaharian ng Armenya)
LIGHTS OFF
PAPASOK Don Pedro at Doen Diego:
Don Diego: *MAY HIYANG NARARAMDAMAN*
Kung makikita man natin si Juan ayoko,ayoko kausapin si Don Juan…

Don Pedro:
Ikaw sana’y huwag ganyan, ang loob mo a lakasan ang takot at
kahihi’y ipaglihim kay Don Juan…

Kung ibig mo ay huwag nang balikan ang ating ama, pabayaan ang
Berbanya’t dito na tayo tumira. Tumuklas ng kapalaran sa iba ng
kaharian.

Don Diego:*NAPAGMUNI*
Ako’y sumasang-ayon.

PAPASOK Don Juan: *DAHAN-DAHAN MAGLALAKAD*

Don Pedro:
Ayun si Don Juan, atin siyang kausapin.
*PATAKBO*
Don Juan!!!
*MAGYAYAKAPAN ANG TATLO*

Don Diego:
Kami, anya’y nagkasundong magliwaliw sa malayo

Don Pedro:
Ibig naming sumama ka nang mabuo ang ligaya, sa anumang maging
hangga tayong tatlo’y magkasama.

Don Diego:
Alam mo ba kung anong lugar ito Don Juan?
Don Pedro:
Hmmmm, oo nga ano ba ang lugar na ito?

Don Juan:
Ito ang kaharian ng Armenya. Isang pook na maganda maraming
punongkahoy at ibong lumilipad sa kalangitan. Para kang nasa
isang paraiso.

Don Pedro: *TITINGIN SA KALANGITAN*


Oo nga!

1, 2, 3, 4, 5
LIGHTS OFF

Scene XIX (Ang Balon)

LIGHTS OFF
PAPASOK Tatlong Prinsipe:

NOTE:
 Ang tatlong prinsipe ay may espada
Lights on
Don Diego:
Uy! Tignan niyo may balon doon. Tara ating puntahan
*TATAKBO PAPUNTA SA BALON*

Don Pedro:
Kakaiba, sa loob ay walang tubig ngunit may lubid sa ibabaw nito.

Don Diego:
Ni walang lumot sa paligid nito! Mahirap sabihing may nag-aangkin dahil
saan ka man tumingin wala kang makikitang bahay o tao man.
Don Diego:
Ano kaya ang hiwagang nababalot dito!
Don Juan:
Tama ka Don Diego, balong ito’y may hiwaga ang mabuting gawin kaya
lusungit nang malaman…
Don Diego:
Ako’y matanda sa iyo kaya marapat na ako ang mauna.
Don Pedro:
Wala ka ring karapatan dahil ako ang panganay sa magkakapatid kaya ako
na ang mauunang bumaba…
*PAPASOK SA BALON*
1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10
*AGAD BUMALIK*
Don Juan:
Narating mo ba ang hanggan? Bakit namumutla ang mukha mo?
OPTIONAL Don Diego:
*TATAWA*
Don Pedro:
Hintay muna, hintay muna kayo mapuputok ang aking dibdib. Hindi ko
kinaya ang dilim na bumalabal para akong sasakalin!
OPTIONAL Don Diego:
*TATAWA*

Don Diego:
Ako na ang susubok na baba…
*PAPASOK SA BALON*
1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10
*AGAD BUMALIK*
Don Diego: *NANGINGINIG SA SOBRANG TAKOT*
Napakalalim naman ng balong iyan
Don Juan:
Ako na ang susubok…
*PAPASOK AGAD SA BALON*
Don Pedro:
Kakayanin niya kaya?
Don Diego:
Sana
1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10
LIGHTS OFF
Scene XX (Si Prinsesa Juana)
LIGHTS ON
PAPASOK Don Juan:
Ang ganda naman dito. Oh hiwaga ito’y sa engkanto gawa!
PAPASOK Donya Juana Salamatin: *MAHINHIN KUG MAGLAKAD*

NOTE:
 Pupunta sa gitna (Salamatin)
Don Juan: *LALAPITAN SI DONYA JUANA*
Donya Juana:
Magandang araw ginoo. Parang ngayon lang kita nakita rito.

Don Juan: *PAUTAL-UTAL*


A a a , oo ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ito at ngayon lang ako
nakakita ng isang magandang dilag. Maaari bang malaman ang iyong
pangalan?
Donya Juana:
Ako si Prinsesa Juana. Ikaw, ano naman ang iyong pangalan ginoo?
Don Juan:
Ako si Prinsipe Don Juan mula sa kaharian ng Berbanya…
*MAGTITINGINAN ANG MGA MATA*
1, 2, 3
Don Juan: *BIGLANG LULUHOD*
Oh, marilag na prinsesa ang sa araw ay ligaya kabanguhan ng sampaga sa
yapak mo’y sumasamba…
Donya Juana:
Oh, Don Juan.
Don Juan: *HINAWAKAN ANG KAMAY*
Ako’y iyong kahabagan o, prinsesang minamahal, sa kung ito’y kasalanan
sa parusa’y nakalaan.
Donya Juana:
O, Prinsipe Don Juan, aaminin ko kahit ito ang una nating pagkikita ang
aking mga mata at puso ay iyong nabihag. Kahit gusto ko man sumama ay
hindi maaari.
Don Juan:
Bakit?
Donya Juana:
May higanteng nagbabantay sa akin. Kung datnan kag kaniig ko, galit niya
ay susubo nanganganib ang buhay mo baka ikaw ay matalo.
Don Juan:
Prinsesa kong minamahal ang matakot ay di-bagay, manghawak sa kapalaran
sa Diyos na kalooban.
LIGHTS OFF

NOTE:
 Hindi aalis sina Gatin (stay sa dating position)
Scene XXI (Ang Higante)
LIGHTS ON
PAPASOK Ang Higante Aguilar:
Higante: *PADABOG KUNG MAGLAKAD*
HAHAHAHAHA!!! Donya Juana! Amoy manusya, anya rito’y may tao kang iba!
Donya Juana: *TAKOT NA TAKOT*
Higante: *SISIGAW (KAHIT ANO)*
* BIGLANG TATAWA NANG MALAKAS*
Salamat nga’t narito na sa tiyan kong parang kweba ang ka tagal ko nang
pita ang tatlo man ay kulang pa HAHAAHAHA!!! Masarap ito!!!
Don Juan:
Kung ikaw ma’y kilabot sa pook mong nasasakop saying iring pamumundok
pag di kita nailugmok!
Higante:
Ayoko nang ingay – ingay! Lumaban ka kung lalaban! Kung hangad mong
mabuhay! Hangad kong ika’y mapatay!
*MAGLALABAN-LABAN*
*MABUBULAGTA ANG HIGANTE*
*PANALO SI DON JUAN*

NOTE:
 Umpisa pa lamang ay may espada na si Don Juan.
Don Juan at Donya Juana: *NAGYAKAPAN*
Don Juan:
Prinsesa kong nililiyag, kung ako man ay naghirap ikaw naman ay
katumbas. Kaya halika na at ang balon ay panawan, tayo na sa aming
kaharian.

Donya Juana:
O Don Juang aking sinta, kung tayo’y aalis maiiwan ang aking bunsong
kapatid na si Leonora.
Don Juan:
Tayo na at atin siyang sunduin.
Donya Juana:
Ngunit irog, may pangamba ang pagsundo sa kaniya, dahil may serpiyenteng
nakabantay kay Leonora. Kung ikaw ay aalis at ililigtas ang aking
kapatid baka ikaw ay mapahamak at tuluyan ka ng di makita.
Don Juan:
Huwag kag mag-alala sinta dahil ipinapangako kong ako’y babalik, babalik
para makasama kita. Laging nariyang ang Inang Birhen di niya ako
pababayaan.
*MAGYAYAKAPAN*
1, 2, 3, 4, 5
LIGHTS OFF
Scene XXII (Si Prinsesa Leonora)
LIGHTS OFF
PAPASOK Prinsesa Leonora:

LIGHTS ON:
PAPASOK Don Juan: *NAGLALAKAD*
Prinsesa Leonora: *NAGLALAKAD*
*NAGKATAMAAN, NAGTITIGAN*
Prinsesa Leonora:
O, pangahas sino k aba at ano ang iyong pita?

Don Juan:
Aba, palabas na ang Buwa, tala sa kalangitan hingi ko’y kapatawaran sa
aking kapangahasan.
Ikaw ay nasa matinding kapahamakan sa serpiyenteng umaaligid. Kaya ako’y
narito upang ika’y iligtas.
Prinsesa Leonora:
Ikaw ba ay nagbibiro o ako’y iyong niloloko. Ngayon mo pa lamang ako
nakita tapos ibubuwis mo ang iyong buhay. Hindi kita kailangan! Ni
makita sa harapan, umalis ka’t manghinayang sa makikitil mong buhay!
Don Juan:
Pinopoon kong prinsesa, kahit ako’y iyong pinapaalis o tulakin mo man ay
di ako matitinag ito’y dahil sa pagsinta ko sayo.
PAPASOK Serpiyente:
Don Juan at Prinsesa Leonora: *MATATAKOT*
Prinsesa Leonora:
Don Juan!!! Magtago ka!
Serpiyente:
psssss Leonora dito ay may amoy manusya may tao bang nakapasok?! psssss
Don Juan:
Oo, may tao at ako ang taong iyon. Ang buhay mo’y magwawakas na dito!
*ITUTUTOK ANG ESPADA*
Serpiyente:
Iyan pala ang hinahanap ko, magsisi ka ngayon sa iyong kapaslangan sa
pagpasok rito!!!
Don Juan at Serpiyente: *MAGLALABAN*
OPTIONAL:
Prinsesa Leonora:
Don Juan!!! Kunin mo ito at iyong ibuho sa kaniyang ulo!
Serpiyente:
Leonora!!!
*NANALO SI DON JUAN*
Prinsesa Leonora: *LUMAPIT AT NIYAKAP SI DON JUAN*
Don Juan:
O, marikit na prinsesa tapos na ang iyong dusa… Halika na aking giliw,
balong ito’y lisanin…
LALABAS
LIGHTS OFF
Scene XXIII (Ikatlong Pagtataksil)
LIGHTS OFF
PAPASOK Don Diego at Don Pedro:
Don Diego:
Nasaan na kaya si Don Juan? Baka kung anong nangyari sa kaniya.
PAPASOK Don Juan, Prinsesa Leonora, Donya Juana:
Don Pedro:
Ohh, nariyan na si Don Juan! Kapatid!!!
Don Juan:
Kuya!!!
Don Diego:
Musta na?
*MAGYAYAKAPAN*
Don Pedro:
Ang tagal mo doon sa loob ng balon ahh.
Don Juan:
Oo nga eh, ay ito pala ang mga kasama ko… *IPAPAKILALA*
Ito si Donya Juana. At ito naman si Prinsesa Leonora.
Don Pedro: *PAUTAL-UTAL*
*UNANG KAKAMAYAN SI PRINSESA LEONORA*
Ako nga pala si Prinsipe Don Pedro.
Donya Juana:
Ikinagagalak kitang makilala.
Don Diego:
Ako naman si Prinsipe Don Diego, ikinagagalak ko kayong makita.
*UNANG KAKAMAYAN SI DONYA JUANA*
Don Juan:
Tayo’y magtungo na sa kaharian ng Berbanya…
*DAHAN-DAHAN MAGLALAKAD*
Prinsesa Leonora:
Don Juan, aking mahal aking naiwan ang singsing na pamana ng aming ina
sa aking lamesa.
Don Juan:
Kung gayon, kayo rito ay maghintay balo’y aking babalikan.
Prinsesa Leonora:
Ika’y mag-iingat
Don Juan:
Oo aking mahal.
*LALABAS*
PAGKATAPOS LUMABAS:
Don Pedro:
Aming susundan si Juan, kayo’y maghintay rito. Don Diego, tara na!
*WALKOUT*
1, 2, 3
LIGHTS OFF
LALABAS LAHAT

LIGHTS ON:
Don Pedro:
Ayun ang balon! Bilis Diego ako’y iyong tulungan na putulin ang tali…
*PATAKBONG PUPUNTA SA BALON*
*PUPUTULIN ANG TALI*
Don Juan: *SISIGAW*
PAPASOK Donya Juana at Prinsesa Leonora:
Prinsesa Leonora:
Don Juan!!! Mahal ko!!!
Don Pedro at Don Diego: *TUMINGIN SA KANILA*
Donya Juana at Prinsesa Leonora: *TUMAKBO PAPUNTA SA BALON*
Don Pedro: *HINAWAKAN SI PRINSESA LEONORA*
Prinsesa Leonora: *NAGPIPIGLAS*
Don Diego: *PINIPIGILAN SI DONYA JUANA*
Donya Juana:
Leonora! Tigilan mo yan! Bitawan mo ako!!!
Don Pedro:
Prinsesa kong minamahal aanhin mo si Don Juan. Ako’y nama’y narito
umiibig din sayo.
Prinsesa Leonora:
Hindi kita mahal! Kahit kalian hinding-hindi kita mamahalin!!!
Don Pedro: *SASAMPALIN SI PRINSESA LEONORA*
Prinsesa Leonora: *MAHIHIMATAY*
Donya Juana:
Leonora!!!
1, 2, 3
LALABAS
LIGHTS OFF
LOBO scene (after scene 24 or 25 )

(Nakita ang sinapit ni don juan)

Leonora : Lobo, gamutin mo si don juan

Lobo : Awooooooo

(Pumunta sa balon ang lobo)

Lobo : Naabot ko na ang balon, bababa na ako!

(bumaba sa balon )

Lobo: ( lalapitan si don juan na nakahandusay )

Lobo : Don juan, gumising ka at gagamutin kita

( ginamot gamottt gamooott thennnnn magigisin si juan )

Lobo : Tara na at umalis dito don juan at ang lugar na ito ay


pawang puno nang kababalaghan

( umakyat sa balon )

Don juan : Salamat Lobo

Lobo L Walang anuman, para kay princesa Leonora ito, para narin
sa iyong kaligtasan

 End –

You might also like