You are on page 1of 4

Pamagat: Ibong Adarna: Ang Paghahanap sa Ibong Adarna

Tauhan: Haring Fernando, Don Pedro, Don Diego, Don Juan

Tagpuan: Berbanya, Bundok Tabor, Puno ng Piedras Platas

Nung nalaman ng mga magkapatid na may sakit ang kanilang ama ginawa nila
ang lahat para lang magamot ang kanilang ama.

Haring Fernando: Nakausap ko na ang doctor at nalaman ko na ang nagiisang


gamot para saaking sakit ay ang huni ng ibong adarna.

Don Pedro: Saan po ito matatagpuan?

Haring Fernando: Ito ay matatagpuan sa Bundok Tabor siya ay matatagpuan


sa Puno ng Piedras Platas.

Don Pedro: Ama, Bilang nakakatanda ako na ang kukuha sa ibong adarna

Haring Fernando: Hindi maaari, Napaka delikado ng gagawin mo anak. Hindi


kita papayagang umalis

Hindi nakinig si Don Pedro sa kanyang ama at tumuloy pa din siya.

Ilang araw na ang nakalipas at hindi pa din nakakauwi si Don Pedro

Don Diego: Ama, ilang araw na ang nakalipas at hindi pa din nauwi si Don
Pedro. Ama pwede ba ako naman ang maghanap sa ibong adarna at habang
ginagawa ko iyon ay baka mahanap ko na din si Don Pedro.

Hindi na hinintay ni Don Diego ang Oo ng kanyang ama at tumuloy na sa


kanyang paglakbay.

Don Juan: Ama gusto kong sumama kay Don Diego, para kung may mangyari
sakanya ay nandun ako para matulungan sya.

Haring Fernando: Sige basta lumapit ka lang sa kuya mo para walang


mangyari sa iyo.
Don Juan: Maraming Salamat po Ama

Hindi napansin ni Don Juan na umalis na si Don Diego kaya kailangan nya
maglakbay magisa

Nakarating na si Don Juan sa tuktok ng Bundok Tabor at doon may nakita


syang Ermitanyo.

Ermitany: Magandang Umaga Ginoo! Gusto mo ba ng impormasyon para sa


ibong adarna?

Don Juan: Magandang Umaga po!? Paano mo po nalaman na nandito ako para
sa ibong adarna?

Ermitanyo: Ikaw ay nasa Bundok Tabor, Ibong adarna lang ang pinupuntahan
ng mga tao dito.

Don Juan: Ah… Ganun po ba? Tama po kayo ang Ibong Adarna po ang pinunta
ko dito.

Don Juan: Pwede po ba magtanong? May nakita po ba kayong dalawang lalaki


na pumunta dito?

Ermitanyo: Oo meron, Bakit? Kilala mo sila?

Don Juan: Opo mga kapatid ko po sila

Ermitanyo: Sige na pumunta ka na sa Puno, Baka maabutan mo pa mga


kapatid mo

Ermitanyo: Ito kunin mo to pagkain at mga gamit para hindi marinig yung
huni ng ibon. Sabi nila nakakaantok daw yun at gagawin ka nyang bato.

Matapos marinig ni Don Juan ang sinabi ng Ermitanyo, Humalo yung kaba ni
Don Juan sa kanyang katawan

Don Juan: Maraming Salamat po sa tulong nyo

Ermitanyo:Sige….sige.…Magiingat ka
Pumunta na si Don Juan sa Puno kung saan matatagpuan ang ibong adarna,
bago sya pumasok ginamit na ni Don Juan ang ibinigay ng Ermitanyo.

Nung pumasok si Don Juan nakita agad niya ng ibong adarna at nakita din nya
ang mga kapatid nya na naging bato. Dahan-Dahan syang lumapit sa Ibong
Adarna at itinali nya ang paa nya at saka nya ito idinala sa Ermitanyo at
inilagay na ito sa hawla.

Bago umalis si Don Juan para bumalik sa Berbanya binuhusan ng Ermitanyo


sina Don Pedro at Don Diego ng Tubig para hindi na sila maging bato. Umalis
na si Don Juan kasama ang ibong adarna para magamot na ang kanyang Ama

Ipinaliwanag ni Ermitanyo ang lahat ng nangyari sa kapatid ni Don Juan

Don Pedro: Ano! Nakuha na nya ang ibong adarna!

Don Diego: Kailan po umalis si Don Juan?

Ermitanyo: Hindi pa sya nakakalayo, siguro kani-kanina lang sya umalis

Don Diego: Ibig sabihin hindi pa siya nakakalayo, Tara Don Pedro baka
mahabol pa natin sya

Don Pedro: Tara

Don Diego: Maraming salamat po sa pagtulong saamin pero kailangan na po


naming umalis

Dali-dali umalis ang mag-kapatid, at biglang uminit ang ulo ni Don Pedro

Don Juan: Malapit lapit na tayo Ibong Adarna, at malapit na ding magamot ang
aking ama

Naabutan nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan, nakita nila na may hawak
syang hawla at ang nasa loob ay ang Ibong Adarna.

Nung nakita nila si Don Juan pinagtulungan siya ng dalawa nyang kapatid
upang masolo nila ang pagiging hari

Don Pedro: Tara Don Diego umalis na tayo baka may makakita pa satin
Nakabalik na sila sa Berbanya, habang naiwan si Don Juan

Don Pedro at Don Diego: Ama!

Haring Fernando: Mga Anak! Nagbabalik na kayo, Salamat sa diyos

Haring Fernando: Nasaan si Don Juan?

Naging malungkot ang mukha ng dalawa

Don Pedro: Hindi po naming alam Ama, Hindi po naming sya nakita sa Bundok
Tabor. Si Don Diego lang po ang nakita ko nung nakuha ko ang ibong adarna

Nakita ng isang matanda si Don Juan na sugat-sugat. Ginamot ng uugod-ugod


na matanda si Don Juan. At nang malakas na si Don Juan iinuloy niya ang
kanyang pag-uwi sa Berbanya. Nakaabot sya at nakita nyang hindi pa
magaling ang kanyang ama

Don Pedro: Ibon kumanta ka na

Ilang bases sinabi ni Don Pedro sa ibon na kumanta na pero hindi nya ito
sinusunod nang Makita ng ibong adarna si Don Juan bigla nalang siya
kumanta.

Haring Fernando: Anak! Sobrang saya ko na nagbabalik ka na. Saan ka


pumunta sabi ng mga kapatid mo na hindi ka daw nila nakita sa bundok tabor

Habang kumakanta ang Ibong Adarna unti-unting gumagaling ang Hari.

Ipinaliwanang ni Don Juan ang lahat sa kanyang ama nagulat ang Hari sa
naririnig nya at nagulat din sya sa ginawa nina Don Pedro at ni Don Diego kay
Don Juan. Itinanghal na Hari si Don Juan matapos ang pangyayaring yon.

Haring Fernando: Ipatapon yang dalawang yan (Don Pedro at Don Diego)

Don Juan: Ama wag na mga kapatid ko sila may ginawa man sila saakin pero
kapatid ko pa din sila.

You might also like