You are on page 1of 4

Ibong Adarna Script:

Mga Karakter:
(Pangalan) bilang Don Juan
(Pangalan) bilang Haring Fernando
(Pangalan) bilang Matandang leproso
(Pangalan) bilang Reyna Valeriana
*green dapat bg para ma-edit(basta yung pwede patungan ng pic).

Narrator/s:

Danielle
Sa kay tagal ng paghihintay sa dalawang unang kapatid na umabot na ng tatlong taon ay hindi pa
nakababalik, ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana na si Don Juan ang
siya nang nag paalam upang sunod na maglakbay para hanapin ang Ibong Adarna. Ang lunas sa
sakit ng kanyang mahal na ama.
Siya’y lumapit at nagpaalam sa kanyang ama, na binalot ng lungkot sa pagkat baka ito rin ang
maging sanhi ng pagkamatay niya kung si Don Juan ay mawawala pa.

ISAIAH
Ayaw ni Haring Fernando na sumunod ang kanyang bunso, ngunit kung hindi raw papayagan, ay
tatakas nalang ito.
Kaya tinik man sa puso ang hiling ng kaniyang anak. Ang ama’y di kumibo, luha lamang ang
tumulo at siya’y wala nang nagawa.

SHAWN
“Bendisyon mo , aking mahal na ama, ang dala kong sandata.” Sagot ni Don Juan.

EUNA
Natapos ang bendisyon iginawad na ang luha’y nalalaglag. Gayundin ang inang Reyna
Valeriana. Kalungkuta’y ‘di masukat.

“O, anak kong minamahal. Ika’y magiingat, sa iyong paglalakbay. Bumalik ng walang pinsala at
nandito kami’y naghihintay.”

SHAWN
Don Juan: Tiyak na aking gagawin, mahal na ina.

GABRIELLE
Si Don Juan na ay naglakbay, kabayo ay hindi ginamit. Siya ay nag lakad at naghirap, upang ang
lunas kanyang makamit. Baon niya lamang ay limang tinapay baka nga ito ay ‘di tumagal.
Ngunit para kay Don Juan, ang kagutoman ay hindi nakamamatay.

DANIELLE
Habang kaniyang binabagtas ang malalawak na kagubatan, sa kalooban nakalimbag ang Birheng
Inang mahal. Humingi siya ng patnubay sa kaniyang ulilang paglalakbay, hirap nawa’y
matagalan ang pag-ibig sa magulang.

Tuwing maka-isang buwan ng paglalakbay, bumabawas siya ng isang tinapay.

JESSE
Inabot ng apat na buwan ang haba ng paglakad. Sinapit ding maginhawa, lumuhod na’t tumawag
sa Birheng Maria.

“ Ako’y iyong kahabagan, birheng kalinis-linisan. Nang akin ding matagalan itong matarik na
daan. “

EUNA
Sa baong limang tinapay ang natira’y isa nalang. Di nagtagal ay kaniyang natagpuan isang
matandang sugatan. Ang matanda ay leproso, sugatan na’t parang lumpo. Halos gumapang sa
damo’t kung dumaing…Diyos ko!

JESSE
“ Maginoo maawa ka, kung may baon kayong dala paki at ibigay ninyo nalang saakin. Parang
habag na ng Diyos ng tulungan na ang may lunos. Kung sa sakit ko’y matubos ako nama’y
maglilingkod” Tawag ng matanda

SHAWN
”Ako nga po ay may taglay natirang isang tinapay, na baon sa paglalakbay.” Ang sagot ni Don
Juan.
Walang pagaalinlangang niyang dinukot ang tinapay na dala at Inabot ito sa matandang
nagdurusa.

ISAIAH
Nagpasalamat ng lubos ang Magandang Leproso, Si Don Juan ay tinanong anong pakay niya
roon.

SHAWN
“ Ama ko po’y nakaratay sa malubhang karamdaman, at dito po’y aking hanap ang
magpapagaling sa sakit niyang walang hanggan. Ibong Adarna nga lamang ang mabisang
kagamutan. Bukod dito’y may isa pa ngayon po’y tatlong taon na, ang kapatid kong sila Don
Pedro at Don Diego nawawala’t di pa rin nakikita. “ kwento ni Don Juan

JESSE
“ Matinding kahirapan ang iyong pagdaraanan. Ngayon ang bilin ko ay itanim sa puso mo. Mag-
ingat kang totoo, upang hindi maging bato. Sa pook na natatanaw ay may puno kang daratnan.
Doo’y huwag tumigil at tumitig at sa ganda’y mahumaling sapagkat ang mararating ang buhay
mo ay magmamaliw. “

Sa ibaba’y tumanaw ka may bahay na makikita, Isang tao’y naroon, siya’y matuturo sa Adarna.
Payo ng matanda

ISAIAH
Nakinig sa Don Juan sa payo ng matanda, at ang tinapay na kanyang binigay, ibinabalik na muli
bigla. Sapagkat ang kanyang patutunguan ay malayo layo pa.

Ngunit ang prinsipe ay may pinaniniwalaan, na ang anumang ibinibigay ay ‘di na dapat pang
bawiin sapagkat ito ay naibigay na.

EUNA
Sila na ay nag hiwalay, at ang prinsipe ay tumuloy na sa paglalakbay.

You might also like