Professional Documents
Culture Documents
Filipino Quarter 4 Week 7-8
Filipino Quarter 4 Week 7-8
1. Don Pedro
"Mabuti pang hindi hamak si Don Juan", kanyang saad
"at sa ama nating liyag May maringal na haharap."
Paliwanag: Naisip niya na mali ang kanyang ginawa at wala siyang mukha na iharap sa kanyang ama
dahil hindi siya nakahuli ng ibong adarna at matutuklasan rin ang kanyang masamang ginawa.
2. Don Juan
Paliwanag: Kahit na siya ay inapi at nagawan ng mali ay handa siyang magpatawad dahil mahal pa rin
niya ang kanyang mga kapatid at gusto pa rin niya itong makasama.
3. Haring Fernando
"Sa araw na kayo'y muling magkasala kahit munti patawarin kayo'y hindi sinuman nga ang humingi."
Paliwanag: Sa oras na sila ay magkasalang muli, kahit na ito ay napakaliit na kasalanan, ay hinding
hindi na sila bibigyan na pagkakataon na patawarin kahit sino man sa kanila ang humingi nito.
4. Don Juan
Bago mitak ang umaga si Don Jua' y umalis na, wika'y "Ito ang maganda matatago ang maysala."
Ipaliwanag: Ang ibig sabihin nito ay malalaman nila kung sino ang kumuha sa ibong adarna sa hawla
sa pamamagitan ng kanyang pag-alis.
ASSIMILATION:
1.Ang isang kahinaan ni don juan na di natin dapat tularan ay ang Pag bibigay ng pangako ngunit
hindi tutuparin sapagkat gaya ni donya leonora ito ay umasa din na tutuparin ang pangako sa kanya
ngutit si donya maria ang pinili
2. Ang pagiging matapang niya kahit ano ang kanyang hahamakin ay gagawin niya ito’y lahat at
ginampanan niya ang pagiging panganay na kapatid.