You are on page 1of 3

CONSOLIDATION TOPIC 8

PAGSAKSI (WITNESSING)
Pagbabahagi ng iyong buhay sa iba

“Paano naman sila tatawag sakanya kung hindi sila sumasampalataya? Paano sila
sasampalataya kung wala pa silang napakinggan tungkol sakanya? Paano naman sila
makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila?” (Roma 10:14)

Iyong narinig ang patungkol kay Hesus sapagkat may nagsabi nito sa iyo. Ngayon, ikaw
ay mayroon nang pribilehiyo para ibahagi ang mabuting balita sa iba. Bilang tagasunod
ni Cristo Hesus, tayo ay isinugo para malaman ng iba ang patungkol kay Hesus at ang
buhay na kanyang inihandog.

“Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos
para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya, una'y sa mga Judio at gayundin sa mga
Griego.” (Roma 1:16)

Ipahayag sa sanlibutan ang patungkol kay Hesus! Mayroon tayong kamangha-


manghang Gawain na tinatawag “The Great Commission” o “Dakilang Atas” na ibinigay
ni Hesus sa lahat ng kanyang mga tagasunod bago Niya lisanin ang mundo upang
umakyat sa langit. Dahil dito, mayroon tayong pangitain na mag-akay ng kaluluwa at
magdisipulo.

“Kaya't habang kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng
bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y
laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.” Mateo 28:19-20

Tayo’y pinagkalooban ng pagkakataon upang maging pagpapala sa ibang tao, subalit


higit sa lahat sa mga miyembro ng ating pamilya. Kailangan nilang marinig ang
patungkol kay Hesus, at upang mangyari iyon, ang unang bagay na dapat nating gawin
ay ipanalangin sila. Pwedeng intensiyonal mo rin silang tulungan, pagpalain,
paglingkuran, pagpakitaan ng kabaitan upang mas magkaroon ka ng pagkakataon na
ibahagi ang iyong kwento sa kanila.
Ibahagi ang iyong kwento. Alam mo kung ano ang buhay na wala si Cristo, at ang
maranasan ang kaligtasan mula sa iyong dating buhay ang magpapa-alab ng iyong
naisin na magbabahagi sa ibang tao. Pagkatapos magkaroon ng koneksyon sa isang
tao, manalangin upang magkaroon ng pagkakataon na ibahagi kung ano ang ginawa ni
Cristo sa iyong buhay.

Ang pinakamainam na paraan para makapagbahagi sa tao ay ang sabihin ang iyong
sariling kwento, kung paano kumilos sa Hesus at binago ang iyong buhay. Maghanda
ng iyong sariling bersyon ng kwento patungkol sa iyong buhay pananampalataya,
simula sa pangit at malungkot na kwento ng iyong buhay hanggang sa maranasan mo
ang pagliligtas ni Hesus sa iyong buhay, isang kwentong maghahatid ng Mabuting
Balita. Ibahagi mo kung paanong isinulat muli at binago ng Diyos ang kwento ng iyong
buhay na ngayon ay naaayon na sa Kanyang plano.

Magtanong para sa kanilang gagawing pagpapasya at pangunahan sila sa panalangin.


Habang ikaw ay nagbabahagi sa tao, kumikilos ang Diyos sa kanilang mga puso.
Maging Malaya sa pagtatanong sa kanila kung nauunawaan nila at kung nais nilang
tanggapin ang kaligtasang kaloob ng Diyos.
Kung sila ay handa sa pagpapasiya, pangunahan sila sa panalangin ng pagtanggap sa
ginawa ni Hesus para sa kanila. Halimbawa ng panalangin:
“Panginoong Hesus, salamat sa pag-ibig na Iyong ipinakita nang ikaw ay mamatay sa
krus para bayaran ang aking mga kasalanan. Patawarin mo ako, at pumasok ka sa
aking puso, maging Panginoon ka ng aking buhay at tulungan mo akong mamuhay para
sa Iyo sa simula sa araw na ito. Ito po ang aking panalangin sa pangalan ni Hesus,
Amen.”
Pagkatapos nito, tulungan ang tao na maging matatag sa kanyang bagong
pananampalataya katulad ng iyong naranasan. At isang araw, ang tao ring ito ay
magbabahagi sa iba ng natanggap nilang kagalakan na bunga ng kaligtasan.

PERSONAL NA PAGSASABUHAY
Mag-isip ng mga tao na nais mong bahaginan ng iyong kuwento at magsimulang
manalangin para sa kanila. Tumulong, maglingkod, magpala, at magpakita ng
kabutihan sa mga taong ito at maging handa para sa pagkakataon na ibibigay ng Diyos
sa iyo upang ibahagi sa kanila kung ano ang ginawa ng Diyos sa iyong buhay.
PANALANGIN
Mahal naming Diyos, salamat sa kaloob na kaligtasan at sa pribilehiyong makatulong sa
ibang tao na makilala ka rin nila. Magkapakita ka sa akin ng mga oportunidad upang
tulungan, pagpalain at paglingkuran sila. Sa lalong madaling panahon, buksan mo ang
kanilang mga puso na tanggapin ka bilang kanilang Panginoon at Tagapagligtas. Sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong Espiritu, aking inaangkin ang tagumpay sa
buhay ng mga taong ito, Amen.

You might also like