You are on page 1of 2

CTSR TEACHING MATERIALS G12 WIN MODULE (SALVATION) (7)

SUBJECT: APAT NA MAHAHALAGANG DESISYON SA BUHAY

DECISION #2 ANG DESISYONG TANGGAPIN SI JESUS

AIM: Matapos mapag-aralan ang araling ito ay natutunan ng mga mag-aaral na


tanging si Jesus ang paraan na itinakda ng Diyos para sa Kaligtasan ng
kanilang Kaluluwa at tinanggap nila Ito bilang Panginoon at Tagapagligtas.

METHOD: GROUP DISCOVERY

TITLE: KAILANGAN MO SI JESUS!..

BODY OF THE LESSON:


1. DAHIL SI JESUS ANG TANGING DAAN NG PAGBABALIK-LOOB SA DIYOS.
Juan 14:6 – At sinabi ni Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay.
Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”
2. DAHIL KAILANGAN MONG MATIYAK: KALIGTASAN NG IYONG KALULUWA.
Gawa 16:30-31 – ‘Ano po ang dapat kong gawin upang ako’y maligtas?
(tanong ng jail guard)
Sumagot si Pablo, ‘Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus at
Maliligtas ka – ikaw at ang iyong sambahayan.
3. DAHIL TANGING SI JESUS ANG DAAN PARA SA KALIGTASAN
Gawa 4:12 – Kay Jesu-Cristo lamang matatagpuan ang Kaligtasan, sapagkat sa
silong ng langit, ang kanyang pangalan lamang ang ibinigay ng
Diyos sa ikaliligtas ng tao.
4. MAGDESISYONG TANGGAPIN SI JESUS NA IYONG TAGAPAGLIGTAS.
Gawa 16:31 – Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus at maliligtas ka – ikaw at
at ang iyong sambahayan.
Juan 1:12 - Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa Kanya ay
pinagkalooban Niya ng karapatang maging anak ng Diyos.
(8)
PAGSASABUHAY:
PAANO TATANGGAPIN SI JESUS?..
Roma 10:9 – Kung ipahahayag ng iyong mga labi na si Jesus ay Panginoon,
at mananalig ka ng buong puso na siya’y muling binuhay ng Diyos,
maliligtas ka.
Sa talatang ito sinasabing ipahahayag ng iyong labi at mananalig ng buong puso.
Ibig sabihin ay kailangan nating ipahayag ang pagtanggap kay Jesus ng personal at
Taus-pusong pananalangin.
Pangungunahan ko kayo sa Panalangin ng Pagtanggap at sumunod kayo ng taus-
puso sa mga sasabihin ko. “Yumuko tayo, Pumikit at Mananalangin tayo”...

PANALANGIN NG PAGTANGGAP:
Panginoong Jesus, salamat po at natutunan ko ngayon na kailangan kong
tanggapin ka bilang aking Tagapagligtas.
Ngayon, nagdedesisyon po ako na tanggapin ka na aking Panginoon.
Pumasok ka Panginoong Jesus sa aking puso at pagharian mo ang aking buhay.
Mula sa araw na ito, kinikilala kita at tinatanggap kita na aking Panginoon at
Tagapagligtas ng aking Kaluluwa.
Salamat po sa iyong pagdurusa at pagkamatay sa Krus upang iligtas ang aking
Kaluluwa.

ANG AGARANG FOLLOW UP:


1. Tanungin sila, ano ang kanilang naramdaman bilang kumpirmasyon ng
Espiritu Santo. Naiiyak sa galak? Gumaan ang pakiramdam? Parang nabunutan
ng bigat sa dibdib? Etc...
2. Payuhan silang magpatuloy sa pagdalo sa naturang pagtitipon...

(Close the gathering in Prayer...)

You might also like