You are on page 1of 2

CTSR TEACHING MATERIALS G12 START UP MODULE (18)

SUBJECT: PAGIGING PANGINOON NI JESUS

AIM: Matapos makabahagi sa pag-aaral na ito ay napagtanto ng mga mag-aaral


Na mababaw ang kanilang pagkakaunawa sa pagtukoy kay Jesus na
“Panginoon. At kanilang natutunan na Siya ay ituring na kanilang
Panginoon sa espiritu at katotohanan, sang-ayon sa turo ng Bibliya.

LESSON TITLE: PANGINOON MO SI JESUS??!

METHOD: GROUP DISCUSSION

SCRIPTURE: Juan 13:13 –Tinatawag ninyo akong ‘Guro at Panginoon’ at tama kayo
sapagkat Ako nga.
Mateo 7:21 – Hindi lahat ng tumatawag sa akin ng ‘Panginoon, Panginoon’
ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa
kalooban ng aking Amang nasa langit.

LESSON INTRO:
Marami sa ating panahon ang tumatawag kay Jesus ng ‘Panginoon’ ngunit hindi nakikita
sa kanilang buhay ang bisa nito. Marahil ay kapos ang pagkakaunawa sa paggamit nito.
Kailangan nating balikan sa pag-aaral ‘yong panahon at sosyedad na kung saan umiiral
katawagang ‘Panginoon’ upang ganap nating maintindihan ang kahulugan ng naturang
salita. Gayundin, ay maisapamuhay natin ang pagkaPanginoon ni Cristo.

BODY OF THE LESSON:


KAHULUGAN NONG SALITANG PANGINOON (Sa panahon ng Bibliya)
1. Ang Pinapanginoon ay:
1.1 Nagmamay- ari sa iyo......“binili ka o tinubos sa pagkakabihag o pagkakaalipin”
1.2 Namiminuno sa marami
-Master: Maalam, Mahusay,
2. Ang Pinapanginoon ay Gumagawa at Tagapagpatupad ng Patakakaran
3. Ang Pinapanginoon ay Tagapagturo at Gumagabay
Consultant: pinagtatanungan ng pinal na pagpapasya.
Juan 6:68-69 – Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Nasa inyo ang mga
Salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
(19)
4. Ang Pinapanginoon ay Makapangyarihan
4.1 Pinaniniwalaan
4.2 Pinagtitiwalaan
4.3 Sinusunod ng Kanyang nasasakupan
4.4 Ibinibigay ang kailangan ng mga nagtitiwala sa Kanya
4.5 Iniingatan ang kanyang mga tagasunod
4.6 Pinangingilagan ng kalaban

DAMDAMIN AT KAISIPAN NG PUMAPANGINOON


1. Pag-aari niya ako, ...................................... dahil ako’y binili/tinubos niya.
2. Tagasunod niya ako,. . ...............................sa isip, sa salita, at sa gawa.
Siya ang magpapasya ng lahat sa akin.
3. Paglilingkuran ko siya......................... ng buong puso, buong lakas, at buong buhay

Panalangin ng pagpapasakop:
Panginoong Diyos, Sa pangalan ni Jesus, ako po ay nagpapakumbaba, humihingi ng
kapatawaran. Ako po ay nagkulang sa pagkilala, pagtrato, at pagsunod sa iyo Panginoon.
Nangangako ako ngayon na susundin ang iyong kalooban at paglilingkuran kita bilang
aking Panginoon sa buong buhay na ito. Amen...

You might also like