You are on page 1of 186

PAANO

MANGARAL
Dean Dickens
1
MGA SALIGAN
PARA SA IYONG
PANGANGARAL
1. Ano ang pangangaral mula
sa Biblia?
a. Ito’y isang paraan ng
pagtuturo ng Biblia sa
pamamagitan ng
pagpapaliwanag kung ano
ang sinasabi ng Salita ng
Diyos.
Mateo 5:2
Mateo 21:3
Marcos 1:21
1Timoteo 2:7
1 Corinto 4:17
Gawa 18:11
Gawa 25
b. Ito’y isang paraan ng pag-
eebanghelyo sa pamamagitan
ng pagpapahayag ng
Magandang Balita ng Diyos.
Lucas 4:43
Gawa 8:4
1 Corinto 15:1
Roma 1:15
Galacia 2:2
c. Ito’y isang paraan ng
pagiging Tagapagsalita-Sugo
ng Diyos sa pagbabahagi ng
Kanyang tiyak na mensahe.
Gawa 8:5
Roma 10:14-15
d. Ito’y isang paraan ng
pagbibigay-kaaliwan,
pagpapalakas ng loob,
pagpapatibay, o pagpapaalaala
sa iba sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng Salita ng
Diyos.
e. Ito’y isang paraan ng
paghihikayat sa mga tao sa
pamamagitan ng panawagan
sa isang tiyak na
kapasyahan.
2. Sino ang dapat mangaral
ng Biblia?
a. Siya’y isang
Cristianong
mananampalataya.
b. Siya’y isang
Cristianong
mananampalatayang
nagtataglay ng isang
maka-Cristianong ugali.
c. Siya’y isang Cristianong
mananampalatayang nagtataglay
ng isang maka-Cristianong ugali
at nakakadamang tinawag siya ng
Diyos sa ministeryo ng
pangangaral.
d. Siya’y isang Cristianong
mananampalatayang nagtataglay ng
isang maka-Cristianong ugali at
nakakadamang tinawag siya ng
Diyos sa ministeryo ng pangangaral
at siya’y binigyang kapangyarihan
ng Espiritu ng Diyos.
3. Anong kagamitan ang
kailangan ko para mangaral ?
a. Dapat kang magkaroon
ng isang Bibliang mapag-
aaralan at maipapangaral.
b. Dapat ka ring
magkaroon ng isang
diksyunaryong kapareho
ng wika ng iyong Biblia.
c. Kung walang
konkordansya ang iyong
Biblia, sikapin mong
magkaroon kaagad nito sa
lalong madaling panahon.
4. Ano ang kaayusan ng mga
gawain ang dapat sundin ng
isang mangangaral sa
paggawa ng sermon?
a. Maghanap ng isang
teksto sa Biblia at ideya
na nagkakatugma.
b.Gumawa ng isang
maingat na pag-aaral
upang mabigyang-
kahulugan ang sinasaad
ng teksto at ang kahulugan
nito.
c. Magsimulang magtipon
ng anumang materyales,
mga halimbawa, o ideyang
magagamit mo sa iyong
sermon.
d. Pagpasyahan kung
papaano aayusin ang mga
ideya mo para mabuo ang
sermon.
e. Pagka nabuo na ang
mga puntos, ihanda ang
iyong pangwakas.
f. Pagkatapos ng pangwakas,
dapat mong ihanda ang iyong
pambungad na pananalita
upang mapagpasyahan kung
paano sisimulan ang sermon
ito.
g. Ipangaral ang sermon
ayon sa pangunguna ng
Espiritu Santo.
2
MATUTONG BUUIN
ANG IYONG MGA
IDEYA PARA SA
SERMON
1. Ano ang itsura ng
isang ideya para sa
sermon?
a. May kaugnayan ito at
sinusuportahan ng
Biblia.
b. May kaugnayan sa
buhay, interes, at
pangangailangan ng tao
sa ideya.
c. Makatotohanan ang
ideyang ito.
d. Dapat maging tiyak
ang ideya para talakayin
at malawak upang
mailapat sa buhay ng
mga tao.
2. Saan makakakuha ng
mga ideya para sa
sermon?
a. Makakatagpo tayo ng
mabubuting ideya para
sa sermon sa biblia
mismo.
b. Makakatagpo tayo ng
mabubuting ideya para sa
mga sermon mula sa mga
pangangailangan ng mga
tao sa ating paligid.
c. Makakatagpo tayo ng
mabubuting ideya para sa
mga sermon sa
pagmumuni-muni tungkol
sa sarili nating karanasan.
d. Makakahanap tayo ng
magagandang ideya sa
sermon kung isasama sa
plano ng pangangaral ang
mga okasyon.
e. Makakatagpo tayo ng
mabubuting ideya para sa
sermon mula sa mga aklat na
binabasa na nagtutulak sa iyo
para mag-isip tungkol sa mga
bagay-bagay.
3. Paano mo iuugnay
ang katotohanan ng
isang ideya tungo sa
Biblia?
a. Maaaring saulado mo na
(o nabasa mo na) kung saan
nauugnay sa isang tiyak na
ideya o paksa ang ilang
bahagi ng Biblia.
b. Maaaring kailanganing
maghanap ng mga bahagi ng
Biblia sa pamamagitan ng
pagsisiyasat ng “mahalagang
salita” sa konkordansya.
c. Maaaring mangaral
mula sa isang aklat, o
binigyan ka ng partikular
na teksto o paksa mula sa
Biblia.
4. Paano sisimulang
ipahayag ang iyong
mga ideya tungkol sa
teksto?
a. Una, subuking sabihin
sa isang maikling
pangungusap ang
isinasaad ng iyong
sermon.
b. Ikalawa, sikaping
magplano ng isang tiyak na
Statement of Direction o
Pahayag ng Direksyon na
sisikapin mong sundan sa
iyong sermon.
3
MATUTO KUNG
PAANO PAG-
AARALAN ANG
BIBLIA PARA SA
SERMON
1. Mga Talata
2. Obserbasyon
3. Mga Tanong
4. Mga Posibleng ideya
para sa sermon
4
MATUTO KUNG
PAANO
BIBIGYANG-
KAHULUGAN AT
GAGAMITIN
ANG BIBLIA SA
SERMON
LIMANG
SIMPLENG
HAKBANG SA PAG-
AARAL NG
TEKSTO
1. Simulan ang pag-aaral
ng teksto nang maaga sa
linggo
(Lunes o Martes)
2. Basahin ang teksto sa
anumang salin ng
Bibliang mayroon ka.
3. Gawin ang
Inductive Bible Study
4. Magbasa ng ibang
aklat, sermon, araling
pang-Sunday school na
mayroon ka.
5. Ingatan ang mga
isinulat mo.
LIMANG SIMPLENG
MUNGKAHI TUNGKOL SA
PAGBIBIGAY
PAKAHULUGAN SA BIBLIA
1. Laging unang hanapin
ang kahulugan o ibig
sabihin ng may-akda.
(Layunin at nilalaman)
2. Sa karaniwan, may
iisang kahulugan lamang
ang isang pangungusap.
3. Ipaubaya sa Biblia
ang iyong doktrina.
4. Laging isaalang-alang
ang pinagmulang
kasaysayan
(background).
5. Kunin ang
pinakamaliwanag at
pinakalutang na
kahulugan.
LIMANG SIMPLENG PAG-
AARAL UPANG HIGIT NA
MAKAUNAWA
1. Pag-aralan ang
kasaysayan
a. Bigyang-pansin ang
mga kalagayan sa
kasaysayan.
b. Pansinin ang
background ng orihinal
na may-akda.
c. Pansinin ang
background ng orihinal
na mambabasa.
d. Pansinin ang layunin
ng pagsulat.
2. Pag-aralan ang
nilalaman.
a. Pansinin ang uri ng
wika (tulain, drama,
simbolo, at iba pa)
b. Pansinin ang mga
susing salitang may
mga mahalagang
pinagmulan.
c. Pansinin ang mga tense
at anyo ng mga pandiwa
(verb) na waring
mahalaga.
3. Pag-aralan ang
konteksto
a. Pansinin ang kultura
o kaugalian
b. Pansinin kung paano
lumulugar sa kabuuang
pananaw ng Biblia ang
mga ideya ng mga
talata.
c. Pansinin ang lugar ng
bahaging ito sa plano ng
naturang aklat.
d. Pansinin ang mga
talata bago at
pagkatapos ng
pangyayaring pinag-
aralan.
4. Pag-aralan ang mga
doktrina
5. Pag-aralan ang mga
posibleng ideyang maaring
magamit.
PAG-ARALAN KUNG
PAANO GAGAMITIN
ANG BIBLIA SA
IYONG SERMON
1. Tukuyin ang kabuuang
pahayag ng kasulatan
a. Kapag ipinahayag ang
bawat puntos, sabihin
kung saan hinango sa
teksto ang ideyang ito.
b. Sunod, dapat basahin
ang binanggit na talata
para sa mga
tagapakinig.
c. Sa huli, iuugnay ang
tekstong ito sa puntos kapag
ipinaliliwanag ang teksto,
nilalarawan ang teksto, at
hinahanapan ng pagsasabuhay
ang teksto.
5
MATUTO KUNG
ANO ANG
ISANG SERMON
A. Anong uri ng layunin
mayroon ang isang
mangangaral?
 May PANGUNAHING
(OVERALL) layuning
gumagabay sa ating
buong ministeryo o
paglilingkod.
 May PANGKALAHATANG
(GENERAL) LAYUNIN ANG
MANGANGARAL (uri ng
sermon).
1. Anong uri ng sermon ang
ipangaral sa isang grupo ng
Cristiano upang higit na italaga
nila ang kanilang sarili sa lalong
pagiging katulad ni Cristo o sa
paglilingkod sa Diyos?
2. Anong uri ng sermon ang
iyong ipapangaral sa grupo
ng mga di-ligtas upang
magtiwala sila kay Cristo
bilang Tagapagligtas?
3. Anong uri ng sermon
ang ipapangaral sa mga
nagdaranas ng mahigpit na
kahirapan at mga
suliranin?
4. Anong uri ng sermon
ang ipapangaral upang
mahikayat magpuri at
sumamba sa Diyos ang
mga Cristiano?
5. Anong uri ng sermon ang
ipapangaral upang tulungan ang
mga taong higit na maunawaan
at makipag-ugnayan sa
pamahalaan, tahanan,
pagbubuwis at iba pang tulad
nito?
6. Anong uri ng sermon
ang ipapangaral para
magturo ng doktrina sa
Biblia?
B. Anong uri ng layunin
mayroon ang mangangaral
para sa mga tagapakinig?
6
MATUTO KUNG
PAANO ANG
MGA PUNTOS
SA SERMON:
BINALANGKAS
NA PARAAN
PAANO GUMAWA NG
MGA PUNTOS?
PAMAGAT
1. Unang Punto
2. Ikalawang Punto
3. Ikatlong Punto
Una, tiyaking maliwanag
na nauugnay ang mga
puntos sa pamagat.
MGA HALIMBAWA:

“Paano iibigin ang Diyos” (Pamagat)

1. Maaaring ibigin ang Diyos ng buong puso.


2. Maaaring ibigin ang Diyos ng buong kaluluwa.
3. Maaaring ibigin ang Diyos ng buong pag-iisip.
4. Maaaring ibigin ang Diyos ng buong kalakasan.
“Paano Magiging Lalong Mabuting Cristiano”
(Pamagat)

1. Magiging lalo kang mabuting Cristiano sa


pamamagitan ng pananalangin.
2. Magiging lalo kang mabuting Cristiano sa
pamamagitan ng pagbabasa ng Biblia.
3. Magiging lalo kang mabuting Cristiano sa
pamamagitan ng paglilingkod sa Diyos.
Ikalawa, gawing PARALLEL ang
bawat pangunahing puntos ng
sermon upang magmukha at
tumunog na magkapareho. Ang
pagsasaad ng bawat puntos pabalik
sa pamagat ay makakatulong.
Kung ang paksa ay “Tatlong Persona sa
Trinidad” :

1. Ang unang persona sa Trinidad ay


ang Diyos Ama.
2. Ang ikalawang persona sa Trinidad
ay ang Diyos Anak.
3. Ang ikatlong persona sa Trinidad ay
ang Diyos Espiritu Santo.
Huwag sabihin sa puntos 3, “Madalas di-
nauunawaan ang ikatlong persona sa
Trinidad, o “Dapat ninyong makilala ang
Espiritu Santo.” Manatili sa
pagkakalahad ng mga puntos gaya ng
naumpisahan upang ito’y maging
parallel at magkapareho ang tunog.
Ano ang mali sa halimbawang ito ng
“Paano iibigin ang Diyos”

1. Ang unang persona sa Trinidad ay ang


Diyos Ama.
2. Ang ikalawang persona sa Trinidad ay
ang Diyos Anak.
3. Ang ikatlong persona sa Trinidad ay ang
Diyos Espiritu Santo.
4. Dapat ibigin ang Diyos.
Pina-parallel natin ang mga
pangunahing puntos ng
sermon dahil sa dalawang
napakabuting dahilan:
1. Mas madaling
matatandaan ang mga
puntos sa ating
pangangaral.
2. Mas madaling
matatandaan ng mga
tagapakinig ang mga
puntos pagkauwi nila.
7
MATUTO KUNG
PAANO
PAUUNLARIN ANG
BAWAT
PANGUNAHING
PUNTOS SA
SERMON
1. Ano ang dapat gawin sa
bawat pangunahing puntos
ng sermon?
Maraming iba’t ibang
hakbang na dapat gawin sa
bawat pangunahing puntos
ng sermon.
a. Isaad ang pangunahing
puntos ng sermon.
b. Ipahayag ang reference
(verse).
c. Basahin ang
pinagkunang talata.
d. Ipaliwanag ang ideya ng
teksto.
e. Ilarawan ang ideya ng
teksto.
f. Tukuyin ang
pagsasabuhay ng teksto.
2. Paano pinapaliwanag
ang teksto?
a. Ihayag o ilantad ang iyong
napag-aralan tungkol sa mga
salita, parirala, at sugnay (clause)
sa loob ng Kasulatan sa iyong
Inductive Bible Study.
b. Isalaysay o ipaliwanag
ang kwento o pangyayari
sa naturang talata.
c. Ilarawan kung paano
ginagawa o nangyari o nakita
ang isang tiyak na konsepto o
ideya sa panahong iyon.
3. Paano ilalarawan o
bibigyan ng halimbawa
ang teksto?
a. Magkwento.
b. Magsitas ng tula o
awitin.
c. Magbanggit ng narinig sa
radio o nabasa sa mga
pahayagan.
d. Magbahagi ng tunay na
karanasan. Maaring gamitin
ang mga tunay na halimbawa
sa inyong pook.
4. Paano mailalapat ang
bawat pangunahing puntos sa
buhay
ng mga kaanib?
 Ipakita sa kanilang
tunay na mailalapat sa
kanilang buhay ang
ideya ng teksto sa
sermon.
 Ipakita sa kanila kung
paano magagawa ang
isinasaad ng teksto.
 Ipakita sa kanila kung
bakit dapat silang
kumilos batay sa ideya
ng teksto.
 Sabihin sa kanila kung
kailan nila kailangang
isagawa ito.
 Ilarawan ang
maaring ibunga ng
paggawa nito.
 Hikayatin silang gawin
ang isinasaad ng
tinalakay na teksto.
8
MATUTO KUNG
PAANO
TATAPUSIN ANG
SERMON
(PANGWAKAS)
1. Ano ang sinisikap gawin
sa Pangwakas? (Tatlong
Aksyon)
a. Ingatang mapanatili ang
INTERES ng mga tao sa
pagtatapos ng ideya ng
sermon.
b. Mananawagan sa mga
tagapakinig na gawin ang
tiyak na layunin ng
sermon.
c. Huminto – bigyan ng
pagkakataong makatugon
sa iyong panawagan sa
tiyak na layunin ang
mmga tagapakinig.
2. Ano ang katangian
ng isang magandang
pagwawakas?
a. Iugnay ang pangwakas
sa kabuuan ng paksa ng
iyong sermon.
b. Gawing maikli ang
pangwakas na pananalita.
c. iugnay sa personal na
buhay ng tagapakinig ang
iyong pangwakas na
pananalita.
d. Gawing positibo o may
mabuting bunga ang
pagwawakas.
e. Ihandang mabuti ang
pangwakas na pananalita upang
dadaloy ito sa isang panawagan
para sa pagtugon ng mga
tagapakinig sa isang tiyak na
layunin.
3. Ano ang ilang
paraang magagamit sa
pagwawakas?
a. Maaring magwakas sa
isang uri ng kwento o
halimbawang
magwawakas ng buong
sermon.
b. Maaring gumawa ng
isang maikling pagbubuod
ng mga ideya o puntos.
c. Maaring magmungkahi
ng iba’t ibang paraan ng
pagtugon sa iyong
paanyaya.
d. Maaring bigyang-diin
ang teksto ng Kasulatan.
4. Paano ako makakapag-
anyaya pagkatapos
ng aking
pagwawakas?
a. Laging unahin ang
paanyaya upang gawin ang
hinihingi ng sermon.
b. Kung hindi pamamahayag ng
ebanghelyo ang sermon,
pagkatapos anyayahan ang mga
tao na gawin ang tiyak na layunin,
anyayahan ang mga taong
tanggapin si Jesus bilang
Tagapagligtas,
magpabautismo, umanib sa
iglesya, at magpatotoo ng kanilang
pananampalataya kay Jesus bilang
Tagapagligtas at Panginoon.
c. Kung magpapaawit sa
oras ng paanyaya, sikaping
pumili ng awit na may
kaugnayan sa paksa ng
sermon.
d. Dapat ay laging positibo
at nagpapalakas ng loob
ang pag-anyaya sa mga
tao.
e. Kadalasa’y para
tumugon nang hayagan
ang layunin ng paanyaya
sa mga tao.
9
MATUTO
KUNG PAANO
SISIMULAN
ANG SERMON
1. Ano ang sinisikap gawin
sa panimula?
a. Akitin ang interes ng
mga tao – Maaring
kailangan nila ito para
magising ang kanilang
interes.
b. Ipakilala ang paksa –
Sabihin sa mga tao ang
ilalahad mo sa kanila.
c. Ipakilala ang teksto –
Sabihin sa mga tao kung
saan mababasa ang iyong
teksto sa Kasulatan.
2. Ano ang ilang katangian
ng isang magandang
panimula?
 Maikli
 Maliwanag na
nauugnay sa paksa.
 Pinapaalam sa
tagapakinig na dapat
siyang making sa iyong
sasabihin.
3. Ano ang ilan sa mga
paraan ng pagpapakilala ng
sermon?
 Magsimula kaagad sa isang
maikling kwento na
nagpapaliwanag ng paksa
ng iyong sermon.
 Magsimula sa isang tula
o sinabi ng isang taong
kilalang-kilala.
 Magsimula sa pamamagitan
ng pagpapakita kung paano
nauugnay sa pang-
araw-araw na buhay at
suliranin ang paksa
ng sermon.
 Magsimula sa
pamamagitan ng
pagtalakay sa background
at kahalagahan ng
tekstong pag-aaralan.
 Kung magsasalita ka sa isang
tanging petsa o pangyayari,
maaring banggitin ang
okasyong iyon at kung paano
ito nauugnay sa paksa at
teksto ng sermon.
10
MATUTO KUNG
PAANO GAMITIN
ANG KWENTO
SA SERMON
• Kung minsan, gagamitin
ang isang kwento sa
Biblia
1. Ihanda ang iyong kwento
upang madali itong
maisalaysay.
2. Planuhin ang malalaking
ideya ng kwentong
tatalakayin.
3. Tandaang hindi
kailangang gumamit ng
ibang talata sa Biblia.
• Kung minsan, maaring hindi sa
Biblia matatagpuan ang
kwento. Ito’y isang kwentong
maghahatid sa iyo sa isang
ideyang itinuturo ng teksto sa
Biblia.
1.Tiyaking umaayon ang
itinuturo nito sa itinuturo ng
Biblia.
2. Tiyaking naplano ang
iyong kwento para madali
itong masalaysay.
3. Dahil sa hindi mula sa
Biblia ang kwento, dapat
pumili ng ilang maiikling
bahagi ng Kasulatan para
ilarawan ang bawat
pangunahing puntos.
• Bago ipangaral ang kwento,
bigyang-pansin kung paano ka
magsisimula (pambungad) at
kung paano ka magtatapos
(pangwakas).
• Ang mga pangunahing
bahagi lamang na bibigyang-
diin ang dapat ipaliwanag,
ilarawan, at lalapatan ng
pagsasabuhay.
• Sa tuwing darating sa isang
pangunahing bahagi ng
kwento, dapat
pakiramdaman ang iyong
mga tagapakinig.

You might also like