You are on page 1of 13

SHS

F.

FILIPINO
(Piling Larang-Akademik)
Unang Markahan-Modyul 4:
Pagsulat ng Akademikong Sulatin

May-akda: Felisa Paz-Muñoz


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

• Aralin – Pagsulat ng Akademikong Sulatin

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa


mo ang sumusunod:
A. napagbabalik-aralan ang mga hakbang sa pagsulat;
B. naiisa-isa at nalalaman ang mga yugto sa
pagbuo ng akademikong sulatin; at
C. nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin

Subukin

Bago ka pumalaot ay suriin muna batay sa pangunang


kaalaman kung TAMA o MALI ang mga pahayag.

1.Ayon kay Cuiso (2016), taglay ng akademikong sulatin ang


pagkakaroon ng tiyak na proseso na dapat sundin, bagamat
masalimuot ang proseso sa pagbuo ng akademikong sulatin ay
malalampasan pa rin ang mga hamon kaugnay sa pagsulat.

2. Ang mga yugto sa pagsulat ay bago sumulat, pagbuo ng


unang draft, pag-eedit at pagrerebisa, huli o pinal na draft at
paglalathala o paglilimbag.

3. Sa yugtong bago sumulat nabubuo ang pag-iisip,


pagpaplano at pananaliksik upang masimulang makuha ang mga
datos o impormasyong kailangan.

4. Sa yugtong pag-eedit o pagrerebisa hindi na kailangan ng


tiyak na simbolo upang maituwid ang pagkakamaling nakita,
nakadepende na sa manunulat kung gusto pa niya itong baguhin o
hindi na.
5. Kapag hindi nailathala ang anomang sulating
akademiko sa malalaking pahayagan ay hindi ito masasabing
isang ganap na gawaing pasulat.

2
Aralin Pagsulat ng Akademikong Sulatin

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsulat ng akademikong


sulatin. Malilinang ito kung maisasagawa mo nang matapat ang
lahat ng mga gawaing inihanda.

Balikan

Bago mo alamin ang iba pang kaalaman sa pagawa ng


akademikong sulatin, balikan muna ang mga naunang pinag-
aralan. Pagsunod-sunurin mo sa pamamagitan ng paglalagay ng
bilang 1-4 ang mga hakbang batay sa iyong natutuhan sa pagbuo ng
akademikong sulatin.

Pagpili ng paksa

Pagbuo ng panimula

Pagpapaunlad sa katawan o lalamaning teksto

Pagbibigay ng kongklusyon ng sinulat

. Tuklasin

A. Panimula

Magtala ng mga inaasahan o ekspektasyon mo para sa araling


ito. Tingnan mo kung ang iyong inaasahan ay mahahagip sa
pagtalakay ng paksa.

3
B. Pagbasa

Basahin mo ang susunod na teksto upang higit na


maunawaan ang mga pangunahing kaalaman ukol sa akademikong
pagsulat. Pagkatapos ay sagutan mo ang mga inihandang tanong.

PANANAMPALATAYA SA PANAHON NG ISANG PANDEMYA


Ni Craig
Abril 17, 2020

Matatapos ang pandemya! Nasa gitna pa tayo at daan-daang at


libo- libo sa USA ang naapektuhan ng pandemya. Sa New York, kahit
na ang pag-amin ng ospital ay nag-level-off sa paggawa ng mas
maraming mga kama sa ospital, nakakaranas pa rin tayo ng mga
bagong kaso at higit sa 700 pagkamatay sa isang araw. Sa buong
mundo, ang pagsalakay ng virus ay nagsisimula pa lamang na
matumbok ang mga bansa, lalo na ang mga bansang iyon ang
pinakamahirap at may minimal at substandard na pangangalaga sa
medisina. Ang karamihan sa mga lugar na ito ay hindi pa lubos na
naapektuhan.

Malayo ako sa pagiging dalubhasa sa mga nakakahawang sakit.


Naririnig ko ang balita at ang mga eksperto sa balita. Sinusubukan
kong maging masunurin at gawin ang kanilang iminumungkahi. Nais
kong matapos ito at mabuhay upang mai-save.

Ang isang ulat na inaasahan ko at nananalangin ay tumpak na


ang mga tao sa Simbahan ay lumalaki sa kanilang
pananampalataya. Ang mga pamilya ay sama-sama na nagdarasal at
pinag-aralan ang Banal na Kasulatan. Ang iba ay sumasali sa maliliit
na grupo sa pamamagitan ng Zoom. Mayroong pagtaas sa pagnanais
na maglingkod at ang mga Simbahan ay kasangkot sa pagtulong sa
mga matatanda, pagdala ng pagkain sa mahihirap, paggawa ng mga
mask para sa mga manggagawa sa pangangalaga sa kalusugan,

Makaliligtas tayo sa pandemyang ito, at makaliligtas tayo sa


krisis sa ekonomiya. Darating ang araw na lahat tayo ay babalik sa
Simbahan sa Linggo. Magkakaroon ulit tayo ng mga binyag at
kasalan. Ang pinakamahalaga, makakapagtipon tayo sa paligid ng
altar at ipagdiwang ang Banal na Eukaristiya (ang Dakilang
Pasasalamat.). Ngunit ang aking dalangin ay ang kaligtasan ay hindi
sapat. Dalangin ko na hindi tayo makuntento sa kaligtasan. Dasal ko
na ito ay lupa para sa muling pagbangon.

Nagsisimula ang pagbabagong-buhay sa simbahan. Nagsisimula


ito sa pagkilala sa simbahan na tuyo at nangangailangan ng tubig.

4
Kinikilala ng Simbahan na kailangan nito ang hininga na nagmumula
sa Diyos. Kinikilala ng Simbahan na hindi ito kasalukuyang
naglalakad sa kapangyarihan ng Diyos. Kinikilala ng simbahan na
lumayo ito sa misyon ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging papasok
at hindi palabas. Sa sandaling napunta tayo sa isang matapat na
pagsusuri sa sarili (at ang pandemya ay nagbigay sa atin ng
pagkakataon sa pag-iisa natin), pagkatapos ay makilala natin na
kailangan nating magsisi. Kailangan nating magkaroon ng
pagbabago ng isip at bumaling sa buhay na Diyos. Kailangan nating
maging desperado para sa Diyos.

Naghihintay kami para sa mundo na dumating sa muling


pagkabuhay. Ipinagdarasal ko ito, ngunit magsisimula ito sa
Simbahan. Ang katotohanan ay ang mundo ay babalik sa normal, at
kahit ngayon, ang mga tao sa paligid ng US ay sumisigaw para sa
bansa na "magbukas." Ang simbahan ay hindi maaaring bumalik sa
normal. Ang simbahan ay dapat magpatuloy sa matinding
panalangin. Ang simbahan ay dapat magpatuloy sa pag-aaral at
paglalapat ng mga alituntunin sa Bibliya sa pang-araw-araw na
buhay. Ang simbahan ay dapat na patuloy na hanapin siya sa mga
sakramento at mahihirap.

Lalabas tayo sa pandemyang ito na may pagtaas ng hangaring


sumamba sa Panginoong Jesus. Ang CEC ay tungkol sa pagsamba.
Naniniwala ito na ang liturhiya / sakramento, pangangaral ng
ebangheliko, at karanasan sa karismatik ay ang paraan ng
pagsamba kay Jesus. At ang muling pagbabagong-buhay ay
mangyayari habang ibinubuhos ng Banal na Espiritu ang pag-ibig ng
Diyos sa ating mga puso, at walang naiwan kundi ang pag-ibig ni
Jesus at isang gutom at uhaw na magkaroon ng Kaniyang imahe na
nabuo sa atin.

Ipinagdarasal kita. Nawa’y patuloy na ibunyag ng Diyos ang


higit pa sa Kanyang sarili sa atin.

C. Pag-unawa sa Binasa

Bilang pagtugon kung naunawaan ang iyong binasa, ibigay


ang sumusunod bilang balangkas ng akda.

I. PAKSA :

5
II. KATAWAN:
A. PANIMULA:

.
B. PANGUNAHING DETALYE:

C. PANULONG NA DETALYE:

III. KONGKLUSYON:

Suriin

Higit na magiging malinaw sa iyo ang mga angkop na


paghahanda para sa pagsulat ng isang akademikong sulatin kung
babasahin mo ang akdang ito nang may pag-unawa. Pagkaraan ay
sagutin ang mga tanong na inihanda.

ABA, NAKASUSULAT NA PALA AKO!


ni Felisa Paz-Muňoz

Tunay na mahirap ang makabuo ng akademikong sulatin, para


sa iba ito ay nagdudulot ng suliranin at marami ring bilang ng mga
mag-aaral ang nagpapakita ng pagkayamot, kawalan ng motibasyon
sa pagsulat at kung minsan ay hirap na hirap pa sa pagbuo ng mga
ideya. Ito ay bunga ng maling konsepto at mahinang estratehiya sa
pagtuturo ng pagsulat. Kadalasan, naaapektuhan ng mga kahinaang
ito ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat (Badayos,1999).

6
Mahalaga ang pagsunod sa proseso sa akademikong pagsulat
sapagkat ito ang mga paunang hakbang tungo sa pagsisimulang
malampasan ang balakid sa pagkatuto sa higit na malawak na
mundo ng pagsusulat.
Sa pagbuo ng akademikong sulatin mayroong sinusunod na
mga yugto upang maiwasan ang mga nabanggit na suliranin ng mga
mag-aaral sa kanilang pagsusulat. Narito ang iyong magiging
gabay sa gagawin mong pagsulat:

MGA YUGTO SA MABISANG PAGSULAT (Cuiso, 2016)


1. Bago sumulat – Sa yugtong ito, ang pag-iisip, pagpaplano,
pananaliksik at pag-iimbento ng ideya. Sa bahaging ito rin higit na
nakikilala ang sarili sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga paksang
kinahihiligan na siyang magiging balong pagsasalukan ng
mga ideyang kanyang higit na nais matuklasan. Dito rin higit na
napayayaman ang kaalaman at karanasan mula sa pagbasa,
panonood, pakikinig, pagmamasid at pakikisalamuha o
pakikipanayam sa ibang tao.
2. Pagbuo ng unang draft – Sa yugtong ito naman, matiyagang iniisa-
isa ang mga konsepto na lalamanin ng akademikong sulatin.
Mula sa binalangkas na konsepto na maaaring papaksa o
papangungusap na magiging gabay upang pagyamanin ang
nililinang na sulatin. Susi sa pagbuo ng unang draft ang papel at
panulat na siyang pag- uumpisahan ng lahat. Ito ay dapat na
bukas sa pagrerebisa, pag- aayos, pagbabawas, pagbabago
mula sa sarili at pagpapabasa sa iba.
3. Pag-edit at pagrebisa – Sa yugtong ito, inaayos ang unang draft.
Dito iniwawasto ang kamalian tulad ng baybay, bantas, at
mismong nilalaman ng akademikong sulatin. May mga tiyak na
simbolo upang ituwid ang mga maling detalye ng sulatin at mula
sa mga nasabing pagkakamali, ilalapat ang pagrerebisa upang
ayusin, ituwid, at baguhin ito.
4. Huli o pinal na draft – Sa yugtong ito makikita ang kalinisan o
kaayusan ng akademikong sulatin. Pulidong isinulat at handa
nang ipasa at mabasa upang ipabatid ang layunin ng pagsulat
nito.
5. Paglalathala o paglilimbag – Ito ang pinakahuling yugto ng pagbuo
ng sulating akademiko. Sa yugtong ito, maibabahagi sa mas
maraming mambabasa ang impormasyon nais ipabatid bilang
ambag sa produksiyon ng karunungan. Tiyak na maaaring
mailathala ang akademikong sulatin sa pahayagan, magasin,

7
dyornal o aklat, dahil sa taglay nitong katangiang kahingian
ng akademikong sulatin.

Maaari ding sundin ang balangkas na ito upang makabuo ng


paunang banghay na susundan sa pagbuo ng sulatin na siyang
magiging pagpaplano sa yugtong bago sumulat at paunang
lalamanin ng yugtong pagbuo ng unang draft:
I. Paksa:
II. Katawan:
a. Panimula – rasyunal at pagpapakilala sa paksang
tatalakayin, maaaring maglaman ng mga teoryang may
kaugnayan sa tinatalakay.
b. Pangunahing Detalye – mga datos o detalyeng na
naglalaman ng mahahalagang kaisipan o susing mga
pangungusap na may malaking kaugnyan sa paksa.
c. Pantulong na mga Detalye – mga datos o detalyeng
maaaring sumuporta sa pangunahing detalye.
III. Kongklusyon – naglalaman ng paninindigan ng sumulat sa
paksang pinili.

Kapag ang mga yugto at balangkas na ito ay nasunod mo nang


maayos, tiyak magiging madali para sa katulad mong mag-aaral ang
pagsusulat at magiging pasimula ng iyong pagkahilig sa pagsulat.

Mga Gabay na Tanong:

1. Batay sa iyong binasa, ano-ano ang mga


yugto ng akademikong pagsusulat?

2. Sa iyong palagay, paano makatutulong ang mga


balangkas na ibinigay sa binasa, sa pagbuo mo ng
iyong susulatin?

_.

8
3. Subukang sundan ang mga yugto at balangkas
ng pagsulat. Sa tingin mo, madali ba itong
gawin? Bakit?

_.

Pagyamanin

Sa pagkakataong ito ay palalawakin mo ang iyong kaalaman sa


pamamagitan ng pagbuo ng sarili mong balangkas sa pagsulat ng
akademikong sulatin na taglay ang mga kaalamang natutuhan.
Pumili ng isa sa mga paksa sa ibaba. Gamitin ang pamantayang
inihanda.
1. Edukasyon
2. Pamilya
3. Pandemiko / Covid 19

9
Isaisip

Gamit ang tsart, ibuod ang paksang pinag-aralan. Ipakita kung


ano-ano ang nagaganap sa loob ng mga yugto ng pagsulat.

Yugto 1 – Bago sumulat Yugto 2 – Pagbuo ng unang draft/burador

Yugto 5 – Paglalathala o Paglilimbag

Yugto 3 – Pag-edit Yugto 4 – Huli o


at Pagrebisa
Pinal na draft/burador

10
Isagawa

Ngayon ay ilapat mo sa tunay na buhay ang natutuhan mo sa aralin.


Punatahan ang link na ito https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2020/09/10/2041317/laban-sa-covid-19-tagumpay-kung- 28-araw-na-
walang-bagong-impeksiyon-doh. Basahing mabuti at pag- usapan sa inyong
pamilya. Matapos pag-usapan, tukuyin ang mga bahagi ng banghay sa
pagbuo ng akademikong sulatin gaya ng nasa bahaging “Suriin.” Gamitin ang
rubrik sa bahaging “Pagyamanin.”

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, panahon na para sukatin ang
iyong natutuhan. Sagutin ng TAMA o MALI ang mga pahayag sa ibaba.

1.Ayon kay Cuiso (2016), taglay ng akademikong sulatin ang


pagkakaroon ng tiyak na proseso na dapat sundin, bagamat masalimuot
ang proseso sa pagbuo ng akademikong sulatin ay malalampasan pa rin ang
mga hamon kaugnay sa pagsulat.

2. Ang mga yugto sa pagsulat ay bago sumulat, pagbuo ng unang


draft, pag-eedit at pagrerebisa, huli o pinal na draft at paglalathala o
paglilimbag.

3. Sa yugtong bago sumulat nabubuo ang pag-iisip, pagpaplano at


pananaliksik upang masimulang makuha ang mga datos o impormasyong
kailangan.

4. Sa yugtong pag-eedit o pagrerebisa hindi na kailangan ng tiyak


na simbolo upang maituwid ang pagkakamaling nakita, nakadepende na sa
manunulat kung gusto pa niya itong baguhin o hindi na.

5. Kapag hindi nailathala ang anumang sulating akademiko sa


malalaking pahayagan ay hindi ito masasabing isang ganap na gawaing
pasulat.

11
Karagdagang Gawain

Lalo pang palawakin ang iyong kakayahan sa paksa. Isagawa ang isa
sa sumusunod:

1. Pumunta sa http://facebook.com at gumawa ng account kung


ikaw ay wala pa nito. Sumulat ng isang post tungkol sa
mahalagang natutuhan sa pagsulat ng akademikong sulatin.
Ang post ay binubuo ng hindi lalagpas sa 140 na letra. Gamitin
ang rubriks sa bahaging “Pagyamanin,” bilang gabay.

2. Gumuhit sa isang coupon bond ng kahawig ng FB page at


sumulat ng isang post tungkol sa natutuhan sa pagsulat ng
akademikong sulatin. Naglalaman ng tatlong (3) natatanging
salita na naka-HashTag “#” kaugnay sa tinalakay. Gamitin ang
rubriks sa bahaging “Pagyamanin” bilang gabay.

Sanggunian

Badayos, Paquito B., et al. “Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik”. Valenzuela City: Mutya Publishing House,
Inc., 2007.
Villanueva, Voltaire M. at Bandrill, Lolita T. “Pagsulat sa
Filipino sa Piling Larangan: Akademik at Sining at
Disenyo.” Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016.

Website:
Craig, International Communion of the Charismatic Episcopal
Church, 2017
Cuiso, Margaret “Hakbang sa Pagsulat ng Akademikong Sulatin”.
Prezi, 2016.
Garcia, Danilo https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon, September 10, 2020

12
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Feliza Paz-Muňoz (Pang. Punong Guro, MHS)


Mga Editor: Romeo A. Pilongo (Guro, SEHS)
Zenaida S.Munar (PSDS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa LRMS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

SDO-Marikina City-Curriculum Implementation Division (CID)

2nd Floor, SDO-Marikina Bldg. Shoe Avenue, Sta. Elena,


Marikina City

Telefax: 682.3989

Email Address:

13

You might also like