You are on page 1of 25

MAIKLING

PAGSUSULIT
sa
Filipino 8
1. Anong uri ng talata ayon sa
kinalalagyang komposisyon,
kung saan inilalarawan,
isinasalaysay at binibigyang
katwiran ang paksa?
a. Panimula
b. Gitnang talata
c. Wakas
d. Paksang diwa
2. Ano ang tawag sa isang
maikling kathang binubuo ng
mga pangungusap na
magkakaugnay?
a.Pangungusap
b.Paksang diwa
c. Talata
d.Sanaysay
3. Ito ay may tungkuling paunlarin o
palawakin ang pangunahing paksa.
Anong uri ng talata ito ayon sa
kinalalagyang komposisyon?

a. Panimula
b. Gitnang Talata
c. Wakas
d. Paksang diwa
4. Dito nakasaad ang mahahalagang
kaisipang nabanggit sa gitnang talata.
Minsan ginagamit ito upang bigyang-
linaw ang kabuoan ng komposisyon.
Anong uri ng talata ito ayon sa
kinalalagyang komposisyon?
a. Panimula
b. Gitnang Talata
c. Wakas
d. Paksang diwa
5. Alin sa mga sumusunod ang layunin
ng talata?

a. Magbigay aliw.
b. Magbigay aral sa mambabasa.
c. Makapaghatid ng isang ganap na
kaisipan sa tulong ng mga
pangungusap na magkakaugnay.
d. Maghatid ng impormasyon tungkol sa
mga kuwento.
6-9. Alin sa mga sumusunod ang
dapat tandaan o gawin para maging
mabisa ang talata na gagawin?
a. May isang paksang diwa.
b. May buong diwa, may kaisahan.
c. Dapat nakakaantig damdamin.
d. Maayos ang pagkakalahad.
e. may tamang pagkakaugnay at
pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan.
10. Ano ang tawag sa
Depinisyon na nagmula sa
diksyunaryo?

a.Pormal
b.Di-Pormal
c. Paksang Diwa
d.kahulugan
11. Ano ang tawag sa teknik ng
pagpapalawak ng paksa na kung
saan binibigyang kahulugan ang
salitang hindi nauunawaan?

a. Paghahambing at Pagtatambis
b. Pagbibigay Depinisyon
c. Pagsusuri
d. Pagsasaliksik
12. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa
ng pormal na pagbibigay kahulugan?

a. Ang guro ang tumatayong pangalawang


nanay sa paaralan.
b. Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit
ng lipunan.
c. Ang doktor ay siyang tagagamot ng mga
maysakit.
d. Ang pag-ibig ang nagbibigkis sa ating
lahat.
13. Ano ang tawag sa
nagsasaad ng dahilan ng
pangyayari?
a. Sanhi
b. Bunga
c. Talata
d. opinyon
14. Ano ang tawag sa
nagsasaad ng resulta ng
pangyayari?
a. Sanhi
b. Bunga
c. Talata
d. Pananaw
15. Isa sa mga layunin nito
ay kumbinsihin ang mga
mambabasa na magsagawa
ng pagkilos. Ano ito?
a. Sanhi
b. Bunga
c. Talata
d. opinyon
Kopyahin ang pangungusap.
Bilugan ang pahayag na
nagpapahayag ng sanhi at
bunga.
Salungguhitan isang beses
ang bahaging sanhi ng at
dalawang beses ang bunga.
16-17. Nagkagulo ang
lahat dahil sa hindi
maayos na sistema ng
pamamalakad.
18-19. Palagi siyang
nagpupuyat kaya siya
tinubuan ng maraming
tigyawat.
20-21. Wala na akong
tiwala sa iba sapagkat
palagi na lang akong
niloloko.
22-23. Wala na akong
tiwala sa iba sapagkat
palagi na lang akong
niloloko.
24-25. Dahil sa tuloy-
tuloy na pag-ulan,
suspendido ang lahat
ng klase.
Gawing opinyon o
pananaw ang mga
sumusunod.
26. Tuloy na tuloy na
ang full face-to-face
class sa susunod na
Buwan.
27. Kaunti na lang ang
kaso ng Covid-19 sa
Isabela sabi ng DOH.
28. May paparating na
bagong bagyo
ngayong linggo.
29. Magkakaroon ng
Student’s week sa
susunod na linggo.
30. Mahuhusay lahat
ang mga mag-aaral ng
SANAIVHS.

You might also like