You are on page 1of 13

“Bakit

mahalagang may
kaalaman kayo sa
pagsulat?
TALATA
Talata
isang maikling kathang binubuo ng mga
pangungusap na magkakaugnay, may
balangkas, may layunin, at pag-unlad ang
kaisipang nakasaad sa pinakapaksang
pangungusap na maaaring lantad o di-
lantad.
LAYUNING …

- makapaghatid ng
isang ganap na
kaisipan sa tulong ng
mga pangungusap na
magkakaugnay.
PARA MABISA ANG
TALATA, DAPAT AY…
1. may isang paksang diwa,
2. buong diwa, may kaisahan,
3. maayos ang pagkakalahad,
at
4. may tamang pagkakaugnay
at pagkakasunod-sunod ng mga
kaisipan
MGA URI NG TALATA AYON SA
KINALALAGYAN NG KOMPOSISYON

✓ Panimula. Ito ay nasa unahan


ng isang komposisyon. Dito
nakasaad ang paksa na nais
talakayin ng manunulat at kung
ano ang kanyang
ipinaliliwanag, isinasalaysay,
inilalarawan o binibigyang
katwiran.
✓ Gitnang talata o talatang
ganap. Ito naman ang nasa
bahaging gitna ng isang
komposisyon. Ito ay may
tungkuling paunlarin o
palawakin ang pangunahing
paksa. Binubuo ito ng mga
sumusuportang ideya upang ganap
na matalakay ang paksang nais
bigyang linaw ng manunulat.
✓ Wakas o talatang pabuod.
Ito naman ang kadalasang
pangwakas ng isang
komposisyon. Dito nakasaad
ang mahahalagang kaisipang
nabanggit sa gitnang talata.
Minsan ginagamit ito upang
bigyang-linaw ang kabuoan ng
komposisyon.
➢ Sa pagsulat ng talata,
mahalaga ring bigyang
pansin ang pagpapalawak
ng paksa upang higit na
mabisa at maliwanag ang
pagsusulat o paglalahad.
GAWAIN
Panuto: Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang mabuo
ang diwa ng talata Isulat ang bilang 1-10 bago ang letra.
Ang Batang si Ben
___ A. Napagod sa paglalaro si Ben kaya’t maaga siyang nakatulog ng
gabing iyon.
___ B. Bago bumangon, nagdasal at nagpasalamat siya sa Diyos.
___ C. Pagkatapos ng agahan, nagsipilyo at naligo si Ben upang
samahan ang ina sa pamamalengke.
___ D. Nag-almusal siya ng itlog at tuyo.
___ E. Nag-ehersisyo nang ilang minuto gaya ng nakagawian na niya.
___ F. Inayos ang kanyang higaan bago lumabas ng kwarto.
___ G. Nagmamadaling umuwi ang mag-ina at tuwang-tuwa si Ben dahil
binilhan siya ng bagong laruan.
___ H. Tinulungan niya ang kanyang ina sa gawaing bahay upang
makapamalengke sila nang maaga.
___ I. Namili sila ng mga gulay at prutas.
___ J. Nauhaw ang mag-ina kayat uminom sila ng buko juice bago
umuwi.
Gawain
A. 1 F. 3
B. 2 G. 10
C. 6 H. 7
D. 5 I. 8
E. 4 J. 9
Ang Batang si Ben
Napagod sa paglalaro si Ben kaya’t maaga siyang nakatulog
ng gabing iyon. Bago bumangon, nagdasal at nagpasalamat
siya sa Diyos. Inayos ang kanyang higaan bago lumabas ng
kwarto.
Nag-ehersisyo nang ilang minuto gaya ng nakagawian na
niya. Nag-almusal siya ng itlog at tuyo. Pagkatapos ng
agahan, nagsipilyo at naligo si Ben upang samahan ang ina
sa pamamalengke. Tinulungan niya ang kanyang ina sa
gawaing bahay upang makapamalengke sila nang maaga.
Namili sila ng mga gulay at prutas. Nauhaw ang mag-ina
kayat uminom sila ng buko juice bago umuwi.
Nagmamadaling umuwi ang mag-ina at tuwang-tuwa si Ben
dahil binilhan siya ng bagong laruan.

You might also like