You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika

I. MGA LAYUNIN:
Habang at pagkatapos ng aralin, 75% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naibibigay ang kahulugan ng wika.
b. naibabahagi sa klase ang iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng wika.
c. Naipapakita ang pagpapahalaga sa wika.
II. PAKSANG-ARALIN:
A. Paksa: Ang Mga Teorya ng Wika
B. Batis:Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at pananaliksik sa WIka at Kulturang
Pilipino nina Alma M. Dayag at Mary Grace G. Del Rosario.
C. Pampagtuturo at Pampagkatuto: laptop, ballpen, papel at mga kagamitang biswal.
D. Kakayahang dapat linangin sa mga mag-aaral: Pagsasalita, pakikinig at
pakikilahok sa mga aktibidad.
E. Konsepto: Ang wika ay ang pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa
pakikipagtalasan. Ang Teorya naman ay ang masusing pananaliksik sa isang bagay
o panyayari subalit hindi pa lubos na napapatunayan.
F. Halagang Pangkatauhan: Pag – unawa sa mga tinatalakay; kooperasyon at
disiplina sa loob ng klasrum.

III. PROSESO NG PAGKATUTO:

Pasunod-sunod na
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral Kagam
Gawain
A. Panimulang
Gawain
1. Pagbati
Magandang araw sa lahat ! Magandang araw din po!

2. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa Ngayon at magpakailanman Siya
panalangin, sa Ngalan ng Ama, ng nawa. Amen.
Anak, at ng Espirito Santo. Amen.
Purihin nawa ang ngalan ni Hesus,

3. Pagpapanatili ng
Kalinisan at Bago maupo ang lahat, pakiayos ng
Kaayusan inyong mga upuan, at pulutin ang
mga nakakalat sa ilalim ng inyong
upuan.

4. Pagtala ng mga
Liban May liban ba sa klase? Wala po Ma’am.

5.Pagpasa o Pagwasto Ipasa sa unahan ang inyong takdang (ipapasa ang kanilang takdang
ng aralin. aralin)
Kasunduan

6. Pagbabalik-aral Ma’am, tinalakay po ang mga


paghahanda ng mga kagamitang
Bago natin simulan ang pagtatalakay pangturo.
sa araw na ito. Ginoong ______,
maaari mo bang ibahagi ang mga
tinalakay kahapon.
Magaling Ginoong ______l!

7. Paglalahad ng
Layunin Handa na ba ang lahat?
Handa na po ma’am.

Ang mga sumusunod ay ang mga


layunin sa araw na ito. maaari bang
pakibasa ng lahat. Kagami
Mga layunin: biswal

a. naibibigay ang kahulugan


ng wika;
b. naibabahagi sa klase ang
iba’t ibang teorya ng
pinagmulan ng wika; at,
c. Naipapakita ang
pagpapahalaga sa wika

B. Pagganyak Bago tayo magsimula sa aralin,


magkakaroon muna tayo ng isang
gawain(Shuffled Word). May inihanda
akong mga salitang hindi nakaayos at Opo ma’am!
huhulahan ninyo ang salitang
maaring mabuo dito.
Magsimula na tayo. Mga kasagutan sa bugtong:
Mga Salita:  Teoya
 Wika
ORETAY – ito ay tumutukoy sa
siyentipikong pag – aaral tungkol sa
pinagmulan ng isang bagay ngunit
hindi pa lubos na napapatunayan.
KIWA – Ito ay isang bahagi ng
pakikipagtalastasan na ginagamit sa
pang araw – araw.

Mahusay!
Palakpakan natin sila.

Panlinang Na Gawain

(Ang mga mag – aaral ay


1. Paglalahad.
nakikinig.)
Ayon sa mga professor sa
Komunikasyon na sina Emmert at
Donaghy(1981), ang wika, kung ito ay
pasalita, ay isang sistema ng mga
sagisag na binubuo ng mga tunog:
kung ito naman ay pasulat, ito ay
iniuugnay natin sa mga kahulugang
nais nating iparating sa ibang tao.
Ngunit saan nga ba nagmula ang
wika? Walang nakakalam kung paano
ito nagsimula subalit maraming teorya
ang nakalap ng mga linggiswta na
maaring magbigay sa pinagmulan ng
wika.

2. Pagsusuri.
Mayroon akong mga larawan at
bawat isa rito ay naglalaman ng iba’t
ibang teorya ng pinagmulan ng wika.
Tatawag ako ng isang mag – aaral at Ang napili ko po ay naglalaman
pipili siya ng isang larawan na narito ng “ Divine Theory” na kung saan
at isasalaysay ang teoryang kanyang ang mga teyologo ay
naniniwalang ang pinagmulan ng
nabunot. wika ay mula sa Banal na Aklat. Mga
Sa Genesis 2:20, ayon sa kagamit
Umpisahan natin kay bersong ito, kasabay ng biswal/c
Binibining______. Ano ang iyong pagkalalang sa tao ay ang cards
larawan na napili? pagsilang din ng wika na
ginagamit sa
pakikipagtalastasan.

Ang napili kop o ay naglalaman


ng “teorya ng Tore na Babel”.
Sinasabing iisa lamang ang wika
noon ngunit pinarusahan sila ng
Mahusay! Diyos kaya nagkaroon ng iba’t
ibang wika.
Ikaw naman ang pumili binibining
______. Ano naman ang teoryang
iyong napili?

Magaling!
Dahil sa mapanghangad ang mga tao
noon, nagkasundo silang gumawa ng
tore na mapantayan o mahigitan ang
Diyos na nasa langit, dahil sa galit ng
Diyos sa ginawa nila ay pinarusahan Ang napili kop o ay ang “teorya
nya ang mga ito ginawang ng Ebolusyon”. Ayon sa mga
magkakaiba ang kanilang mga wika antropolgo, masasabing sa
upang hindi na sila magkaintindihan. pagdaan ng panahon, ang mga
tao ay nagkaroon ng mas
sopistikadong pag –iisip.
Ang susunod na pipili ay si Umunlad ang kakayahan ng
Ginoong______. Ano ang iyong taong tumuklas ng mga bagay na
Napili? kakailangan nila upang mabuhay
kaya sila ay nakadiskubre ng
mga wikang kanilang ginamit sa
pakikipagtalastasan.

Mahusay Ginoo, at mula sa


Ebolusyon ay nagkaroon pa ng ibang Mga
mga sanga o teorya tungkol sa Kagamit
pinagmulan ng wika. (Ibabahagi ang kanilang mga biswal
kasagutan)
3. Paglalapat

Kung bibigyan kayo ng pagkakataong


gumawa ng sarili ninyong teorya, ang
ipapangalan ninyo rito at bakit?
(Pipili ng Tatlong Mag – aaral)

Magagaling! Palakpakan natin sila. (Ang mga mag – aaral ay


nakikinig ng Mabuti.)
C. Paglalahat
Napakahalaga ang ginagampanan ng
wika sa ating araw – araw na
pamumuhay sapagkat ito ginagamit
Mga
sa pakikipagtalastasan at tulay sa kagamita
pagkakaunawaan. Bagamat hindi biswal
tiyak kung saan nga ba nagmula ang
wika ay masasabing patuloy itong
umuunlad at nagbabago kasabay ng
pagbabago ng panahon.

IV. PAGTATAYA

A. Para sa 20 puntos. Anu – ano ang mga teoryang sinasabing pinagmulan ng wika? Ibigay ang
maikling paliwanag sa bawat isa.

Kasagutan:
1.Divine Theory
2. Teorya ng Tore ng Babel
3. Teorya ng Ebolusyon

V. KASUNDUAN
Magsaliksik tungkol sa mga sumusunod:
1. Teoryang Yo – He – Ho
2. Teoryang Ta –Ta.
3. Teoryang Bow – Wow
4. Teryang Mama
5. Teoryang Ding Dong

You might also like