You are on page 1of 8

HOMILETICS I - SAMPUNG HAKBANG SA PAGGAWA NG SERMON

Summer Bible Institute


Lecturer : Ptr. Rustom R. Pel

Pasimula :
A. Subject : Ito ay tinatawag na Sermon, Pangangaral o Pagtuturo.
B. Homiletics – ay isang sining ng maayos na pagdadala o pagpapahayag ng Salita ng Diyos.
C. Ang Pangangalaga sa Boses:
1. Ang boses ay naaayos ang lakas at ganda kung maayos ang paggamit nito.
2. Laging kukuha ng hangin sa pamamagitan ng ilong.
3. Ang lakas ng boses ay hindi nasusukat sa dami ng hanging lumalabas, kundi sa pamamagitan ng breath
control.
4. Huwag magpa-practice ng busog.
5. Huwag magsusuot ng masikip na damit lalo na sa baywang.
6. Pag-aralang huminga habang nagsasalita.
7. Bumilang ng 1-2-3-4-5-6, hulihin ang hininga ng daglian subalit walang ingay. Ulit-ulitin lamang.
D. Eight Degrees of (Voice) Pitch
1. Very high (excitement) – Three millions of people armed in the holy cause of liberty!
2. High (enthusiasm) – The sounding isles of the dim wood rang.
3. Rather High (pleasure) – with music I come from my balmy home.
4. Middle (natural) – a vision of beauty appears to the clouds.
5. Rather Low (approaches to seriousness) – friends, Romans and countrymen.
6. Modest Low (seriously) – and this is the night the most glorious night.
7. Very low (profundity) – roll on the deep and dark blue ocean roll.
8. As Low as Possible (solemnity) – eternity thou pleasing dreadful thought
E. Batas sa Pagsasanay ng Pitch
1. Laging nagsisismula sa gitna at pataas ng pataas.
2. Huwag pipilitin ang boses sa napakataas, ito ay makasisira sa iyong boses at huwag ding piliting napakababa
dahil ito ay pag-aaksaya lamang ng oras.
3. Magsalita ng malinaw sa mataas ng pitch.
F. Preaching Means = an oral address to the popular mind on religious truth as contained in the
Scripture elaborately treated with a view to persuasion.
ORAL ADDRESS – Sa pamamagitan ng bibig o boses.
TO POPULAR MIND – Sila ay mga anak ng Dios, kailangan silang pakainin, kailangang maunawaan nila tayo, ang
hinahanap nila ay mensahe ni Kristo. Kailangan tayo ay kapani-paniwala.
ON RELIGIOUS TRUTH AS CONTAINED IN THE SCRIPTURE – Where the Bible speak, we speak; where the Scripture
is silent, we must be silent.
ELABORATELY TREATED – Pinag-aralang mabuti bago itinuro.
WITH A VIEW TO PERSUASION – May layunin na ang resulta ay mabago ang nakikinig sa pamamagitan ng
mensahe o mahikayat silang sumunod sa Dios.

Tandaan :
1. Ipangaral si Kristo – hindi ang kapit-bahay, ang sarili at kahit na sinong tao.
2. Huwag maging loro – gaya-gaya lang walang sariling pag-aaral.
3. Huwag maging tagapagsalita lamang- upang punan lang ang isang palatuntunan o kaya’y hindi
ina-apply sa sarili.
4. Ang pangangaral ay paraan ng Dios upang maipaabot ang Kanyang mensahe sa sangkatauhan. II Pedro 2:5 Old
Testament (Noah, Elijah, Elisha) New Testament – Efeso 2:20; II Tim. 4:2 sa atin din
II Corinto 5:11

Proposition : Ang Sampung Hakbang sa Paggawa ng Sermon


I. Unang Hakbang : Pagpili ng Teksto
A. Ang pagsesermon ay hondo sa mga tamad mag-aral o mahilig sa ora-orada. Ang tagumpay at kabiguan
ng sermon ay nakabatay sa kanyang ginawang pag-aaral.
B. Mga Dapat Tandaan sa Pagpili ng Teksto:
1. Piliin ang tunay na teksto – hindi yaong mayroon lamang may salita n gating paksa na ipapangaral.
2. Piliin ang mga dakilang katuruan ng Biblia at may kaayusan – huwag matakot na gumamait ng
madalas gamiting talata.
3. Iwasang gumanit ng kasabihan ng mga hindi kinasihang mga tauhan sa Biblia – tulad ng kaibigan ni
Job, Paraon, Satanas, Balaam at Pilato.

1
4. Huag pumili ng teksto dahil ito ay simple o dahil sa kasabihan – mapalad ang magbiogay kay sa
tumanggap.
5. Kailangang ito ay expository unit o bumubuo ng isang diwa lamang.

II. Ikalawang Hakbang : Pag-aaral ng Teksto (gamitin ang exegises)


A. Apat na Bahagi ng Pag-aaral ng Teksto.
1. Pagbasa sa Teksto o napiling kasulatan, (C. Cambell Morgan) – binabasa niya ito ng 30-40 beses
bago ipangaral. Tatlong antas ng pagbasa:
a. Panimula – itinatanong, Ano ba ang sinasabi sa pangungusap na ito?
b. Inspeksyonal – naghahanap nang impormasyon at patuloy na pagtatanong, Anong sinasabi
rito? Pahapyaw o dalas-dalas.
- Sino ang may-akda?
- Sino ang sinulatan?
- Ano ang kaayusan ng aklat?
- Ano ang mahalagang impormasyon sa unang paragraph?
- Anong mahalagang impormasyon ang makukuha sa huling paragraph?
c. Analitikal – ang pagbasang ito ay para sa mas malalim na pag-unawa ng aklat.
- Tingnan ang uri ng aklat ayon sa pagkakasulat. (pangkaraniwan, tulain, hula sulat o
pahayag)
- Ilahat ang pinakadiwa ng aklat sa isang pangungusap o maikling paragraph.
- Hanapin ang naging mga suliranin ng may-akda kung bakit naisulat ito.
2. Pag-aaral sa mga pangyayari kaugnay ng pagkakasulat ng teksto.
- Alin mang bahagi ng Biblia ay nasulat dahil sa mga pangyayari noong panahong ito ay
sulatin. Kailangang makuha ng mabuit ang ibig sabihin ng aklat, tungkol sa mga pangyayari,
lugar, kalakaran at kilusan ng isulat ito. Ito ay kailangan upang makuha ang tunay na
kahulugan ng teksto na nais ipaabot ng Dios.
- Mga hakbang sa pag-aaral ng mga pangyayari kaugnay ng teksto:
a. Piliin ang aklat ng Biblia na nais pag-aralan – tipunin ang reperensyang kailangan.
b. Ilista ang mga reperensya – Bible dictionary, Bible Encyclopedia, Bible Map at iba pa.
c. Alamin ang lugar at kapaligiran – lupain, lungson, karagatan tirahan ng mga tauhan.
d. Alamin ang kasaysayan – Old Testament (Israel)
e. Alamin ang kaisipang makukuha sa kultura – kabuhayan, gawain, paniniwala, sining,
batas, kaugalian.
f. Alamin ang kalagayang political (Roman Empire)
g. Igawa ng buod ang kinalabasan ng pag-aaral.
aa. Ano ang naitulong ng mga impormasyong ito sa ikauunawa ko sa aking pinag-
aralan.
bb. Anong impluwensya mayroong ang mga ito sa aklat na pinag-aralan ko.
h. Pag-aangkop sa sarili.
3. Pagsisiyasat at paglalagum ng teksto.
- Pagsisiyasat – pangunahing pag-aaral upang makuha ang pangkalahatang larawan ng
buong aklat.
- Paglalagom – binibigyang-diin ang pangunahing bahagi ng pag-aaral at ang pag-uugnay-
ugnay nito.
- Mga Hakbang:
a. Gumawa ng bagong pamagat para sa mga talata.
b. Gumawa ng detalyado at panghuling balangkas.
aa. pagsama-samahin ang magkakatulad ng paragraph upang maging isang bahagi.
bb. pagsama-samahin ang magkakamukhang bahagi upang maging isang seksyon.
cc. pagsama-samahin ang magkakamukhang seksyon upang magiong isang pangkat.
c. Gumawa ng talaan ng mga kaisipang nakuha sa aklat at isulat ang aplikasyon.
4. Pagsisiyasat ng Teksto.
a. Piliin ang teksto na nais ipangaral.
b. Isalin sa sariling salita ang talata.
c. Gumawa ng planong mekanikal – pagbukud-bukurin ang magkakasama.
d. Gumawa ng planong analitikal – ihelera ang mga pangunahin, ikalwa at panghuling kaisipan.
e. Tiyakin ang paksa – pangunahing mensahe ng teksto, karaniwan ay isang salita lamang.
2
f. Tiyakin ang tema – pinalawak na paksa.
g. Tiyakin ang kahulugan ng bawat pangungusap.
h. Tiyakin ang kahulugan ng mga principal na salita. (mahihirap, mahalaga, malalim)
i. Gumawa ng aplikasyon.

III. Ikatlong Hakbang : Aplikasyon ng Teksto


- Ang aplikasyon ay kinakailangang paghandaang mabuti sapagkat ito ay kinakailangan ng
mga nakikinig. Iwasang gumawa ng aplikasyong magdudulot ng problemang teolohiya.
A. Ang kaugnayan ng aplikasyon sa interpretasyon.
1. Ang mangangaral ay hindi malayang gumawa ng kahit anong aplikasyon na kanyang maibigan.
Kailangan lamang niyang ituro kung ano ang sinasabi ng talata. Hindi dapat mapagkamalan na ang
interpretasyon ay aplikasyon.
2. Hanapin ang kahulugan ng Biblia (exegesis)
B. Mga hakbang tungo sa aplikasyon.
1. Dapat maging pangunahin sa mga mangangaral – sarili muna.
2. Batay sa pag-aaral ng buhay ng mga tagapakinig.
3. Ihanda ang aplikasyon sa paghahanda ng sermon.
4. Humingi ng tulong sa Espiritu Santo.

IV. Ikaapat ng Hakbang : Paglalagay ng layunin sa pag-aaral ng teksto.


- Tanong – Bakit ka ba mangangaral?
A. Ang pagkilala sa mga tagapakinig ay makatutulong sa pagbuo ng mga layunin.
1. Tagapakinig na sumasang-ayon sa tagapangaral – paraang nakapananabik.
2. Tagapakining na walang sigla, nagwawalang-bahala o nangangailangan ng bagong sigla – paraang
makatawag-pansin at makabagbag damdamin.
3. Tagapakinig na emosyonal – paraang simple at maayos.
4. Tagapakining na mapanuri o mapag-alinlangan – magbigay ng mga ebidensya at maayos na
paglalahad.
5. Tagapakinig na pasalungat at masungit – paraang maakit ang kanilang kalooban.
B. Pangkalahatang Uri ng Mensahe
1. Nagtuturo
2. Nagpapasigla
3. Umaakay sa pagtatalaga ng sarili sa Panginoon.
4. Nagtutuwid
5. Naglalayong maghikayat
C. Pangkalahatang Layunin ng Pangangaral- kung walang layunin, ang sermon ay Malabo at nakababagot.
1. Ipangaral ang Biblia.
2. Makapangaral ayon sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.
3. Makapangaral sa kaayusang homelitikal.
4. Makapangaral ayon sa pangangailangan ng tao.
5. Halimbawa:
a. Teksto – I Tes. 4:13-18
b. Paksa – Ikalawang Pagparito
c. Tema – Kaugnayan ng buhay ng mananampalataya at mga namatay kay Kristo sa muli Niyang
pagparito.
d. Layunin – maaring sa kahahantungan ng mga namatay o pagbibigay ng pag-asa sa mga
namatayn ng mga mahal sa buhay.

V. Ikalimang Hakbang : Paglalagay ng Buod na Pangungusap sa Sermon (BPS)


A. Kahulugan – binagong kaayusan ng mga salita ng tema upang lalong maging makabuluhan at malinaw
ang sermon. Ito ang nagdadala ng direksyon sa kaisipan ng sermon.
B. Mga Halimbawa:
1. Unang halimbawa
a. Paksa – Panalangin
b. Tema – Hadlang sa pananalangin
c. BPS – Bakit kaya hindi tinutugon ng Dios ang inyong panalangin?

2. Pangalawang halimbawa
3
a. Talata – Jeremias 1:4-10
b. Paksa – panghuhula
c. Tema – panawagan sa pagiging propeta
d. BPS – pansinin natin kung paanong ang tao ay inlalagay ng Dios sa mga ministeryo.
C. Ang katangian ng magandang Buod ng Pangungusap ng Sermon
1. Kailangan nasa payak na pangungusap.
2. Gumamit ng malinawa na salita.
3. Gumamit ng salitang angkop sa panahon.
4. Naaangkop sa buhay ng tao.
D. Uri ng BPS
1. Paturol – simpleng pangungusap
2. Patanong – ito ay lalong mabisa kung matalino ang nakikinig
3. Hipotetika – isang paglalahad ng kuru-luro upang hikayating making na nagsisiyasat.
4. Pangganyak – tagubilin sa nakikinig upang gawin.
5. Pabulalas – pangungusap na pahanga bilang pagbibigay-diin.

VI. Ikaanim na Hakbang : Pagbuo ng Sermon


- Ang pagbuo ng sermon ay napakahalaga, kung minsan ay humihiyaw ang nagsesermon ng
walang halaga ang sinsabi, lumalampas sa mahalagang puntos, lumalayo sa paksa at di
nagkakatugma ang sinasabi.
A. Kaayusan ng Sermon
1. Pasimula
a. Pantawag pansin
b. Paglikha ng Pangangailangan
c. Buod na Pangungusap ng Sermon
d. Paglipat mula sa buod na pangungusap ng sermon
2. Katawan
a. Pangunahing puntos
b. Pangtulong na puntos
c. Pangtulong na materyales
d. Pang-ugnay na pangungusap
3. Pagwawakas
a. Paglilipat
b. Pag-uulit
c. Tagubilin sa mga tagapakinig
d. Pagwakas na pangungusap
B. Mga katangian ng malinaw na Pangunahing Puntos
- Ang malaking bahagi ng kabuuan ng sermon ay nauugnay sa katawan nito at ang katawan
ay napapaloob sa balangkas na naglalaman ng pangunahing puntos.
1. Nagkakaisa ng ayos – kung patanong, lahat patanong.
2. Dapat ay naglalahad ng pangungusap, parirala o salita.
3. Nagkakaisa ang ibig sabihin na kaugnay ng BPS.
4. Magkakasunod tungo sa sukdulan.
C. Mga Pantulong na Puntos (sub-division)
1. Hango sa Biblia
2. Hindi lahat ng pangunahing puntos ay kailangan ng pantulong na puntos.
3. Siguraduhing nabanggit ng malinaw sa mga nakikinig ang tiyak na lugar na pinagkunan ng bawat
puntos na tinatalakay. Halimbawa:
I. Ang Pagtawag sa Ministro – 4:5
A. Ang pinagmulan ng pagtawag – 4
B. Ang kapangyarihan ng pagtawag – 5a
C. Ang kabanalan ng pagtawag – 5b
D. Ang katiyakan ng pagtawag – 5k
II. Ang pagdinig sa mga pagdadahilan o reklamo ng ministro – 6
A. Ang pakiramdam ng ministro ay hindi siya karapat-dapat – 6a
B. Ang pakiramdam ng ministro ay wala siyang sapat na kakayahan – 6b

4
III. Ang paglalahad ng Kanyang malasakit sa ministro – 7-10
A. Ipinangako Niya ang Kanyang presensya – 7-8
B. Ipinangako Niya ang Kanyang kapangyarihan – 9-10
4. Paalala tungkol sa Pagsasalaysay ng mga puntos sa balangkas ng Sermon.
a. Huwag piliting magkaroon ng pare-parehas na bilang ng mga puntos. Ang dami ng puntos ay
batay sa teksto.
b. Huwag gumamit ng salitang “at” o iba pang pangatnig sa BPS.
c. Huwag padalus-dalos sa paggawa ng balangkas.
- Isulat ang paksa, tema at BPS
- Ayusin ang lahat ng sermon sa tatlong bahagi: pasimula, katawan at pagwawakas.
- Gumamit ng simpleng pangungusap sa pangunahing puntos.
- Gumamit ng numero o anumang pananda sa mga pangunahing pantulong na puntos sa
balangkas.
- Halimbawa:
aa. Panimula
bb. I. _____________________
II. _____________________
A. _______________________
B. _______________________
C. _______________________
III. ______________________
A. _____________________
a. _____________________
b. _____________________
B. _____________________
IV. ______________________
cc. Pagwawakas
5. Tiyaking ang mga pantulong na puntos ay kaugnay ng mga pangunahing puntong pinag-uugnay.

VII. Ikapitong Hakbang : Paglalagay ng Sustansya sa Sermon (Pagtulong na Materyales)


- Ang pangtulong na materyales ay yaong mga gamit sa talumpati upang magpalawak,
magpaliwanag o magpatunay sa isang bagay na tinatalakay upang maunawaan at
makahikayat sa mga nakikinig. Hindi balangkas lamang.
A. Ang mahahalagang pangtulong na materyales sa sermon.
1. Paliwanag – pagpapakahulugan o paglalarawan
2. Pagsasalaysay – Paglalahad ng isang pangyayari o karanasan
3. Pagtutulad – paghahambing saisang bagay na alam o pinaniniwalaan na.
4. Pag-uulit banggit – ang pagsipi at pag-uulit sa isang bahagi o pangungusap, maaaring mula sa Biblia
o iba pang kasulatan o lathalain.
5. Patotoo – karanasan ng tagapagsalita o ng isang kilalang tao.
6. Estadistika – bilang na ginagamit upang ipakita ang sukat o lawak ng isang bagay.
7. Ilustrasyon – Tatalakayin sa susunod na bahagi.
8. Mga tunay na pangyayari – isang pinaikling salaysay ng tunay na ilustrasyon.
9. Aplikasyon – Paglalahad ng katotohanan sa kaisipan at pamumuhay ng tagapakinig.
10. Pag-uulit – Paglalahad ng mahahalagang kaisipan at katotohanan bilang pagbibigay diin.
B. Bakit kailangang gumamit ng ilustrasyon?
1. Upang magpaliwanag – ang ilustrasyon ay tulad ng tulay na pinag-uugnay ang mga bagay na alam at
hindi alam.
2. Upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig.
3. Upang mapalakas ang pangangatuwirang inilalahad ng tagapagsalita.
4. Upang makatulong na tandaan ang mensaheng tinalakay.
5. Upang maging magaan ang dating sa mga tagapakinig.
6. Upang maging praktikal ang isang mensahe.
C. Mga Uri na Ilustrasyon
1. Kasaysayan – pagsasalaysay ng mga pangyayari na maaaring totoo o maaaring hindi, maaaring
nakasulat o hindi.
2. Pagkakatulad – gagamit ng pagtutulad ng isang bagay sa iba.
3. Mga bagay na nakikita – puwede kang magdala ng bagay na makikita tulad ng salapi, batong maliit,
tubig at iba pa.
4. Mga tula – dahil sa ito ay patula ang hanay ay madaling pakilusin ang damdamin at kaisipan ng
nakikinig.
D. Maaring pagkunan ng ilustrasyon

5
1. Biblia
2. Pangsariling karanasan
3. Mass media (radio, TV, pahayagan, magazine at iba pa)
4. Pagkalahatang pagmamasid
5. Pagmamasid sa mga bata
6. Mga babasahin
7. Imahinasyon
E. Mga dapat at hindi dapat gawin sa ilustrasyon
1. Iba-ibahin ang unti o dami ng ilustrasyong gagamitin.
2. Iwasan ang ilustrasyong kailangan pang ipaliwanag.
3. Gumamit ng iba’t-ibang paraan o salita sa pagpapasimula ng ilustrasyon. Hangga’t maaari gumamit
ng mga ilustrasyong hindi nangangailangan ng introduction.
4. Sauluhing mabuti ang gagamiting ilustrasyon.
5. Huwag gagamitin ang ilustrasyon upang ito ang ibandila.
6. Maghanap ng iba’t-ibang uri ng ilustrasyon.
7. Iklian ang ilustrasyon
8. Iwasas ang paglalahad ng isang pangyayari na parang sa iyo o sa isang kakilala naganap kahit hindi
naman.
9. Gumamit lamang ng ilustrasyong tumutugon sa magandang panlasa.
10. Iwasan ang ilustrasyong tutukoy o sisira sa alinmang lahi o tao.
VIII. Ikawalong Hakbang : Pag-uugnay sa Materyales
- Ang sekreto ng maayos na paglipat mula sa sinundan tungo sa sususnod na bahagi ay ang
paggamit ng angkop na salita, parirala, pangungusap o mga pangungusap na madaling
maakay ang mga tagapakinig sa paglipat mula sa una tungo sa mga sususnod na puntos.
A. Mga katangian ng magandang paglipat
1. Dapat ay tingnan bilang tagapaghatid, hindi pampuno o pandagdag.
2. Dapat iba-iba ang gagamiting panglipat. Tulad ng sumusunod:
a. Hindi lamang…. kundi ganon din….
b. Sa kauna-unahan
c. Ang ikalawang puntos ay ….
d. Bilang karagdagan….
e. Pansinin natin…
f. Sa kabilang dako…
g. Ngayon tingnan natin ito sa ibang kalagayan…
h. Ang huling puntos na ito ay humihingi ng tanong…
3. Dapat ay nakaplano kasabay ng balangkas
B. Ang pagsasagawa ng paglipat
1. Saglit na huminto sa angkop na sandal upang malaman ng mga tagapakinig na nagbago na ang
puntos.
2. Ibahin ang tono at bilis ng pagsasalita.
3. Ibahin ang posisyon ng pagkakatayo – ito ay pagpapahiwatig ng pagbabago ng direksyon ng
tinatalakay na puntos.
4. Lagumin ang kaisipan habang lumilipat sa sususnod na bahagi.
5. Gumamit ng maraming salitang panglipat tulad ng: ngunit, at muli, gayon din, pansinin pa rin natin,
bilang karagdagan, bukod dito, sa kabilang dako, minsan pa, sa isang banda, hindi lamang iyon, at sa
wakas.

IX. Ikasiyam na Hakbang : Ang Pasimula ng Sermon


- Ang mahalagang bahaging ito ang madalas na nalilimutan ng mga tagapangaral na
paghandaaan sa paghahanda ng sermon.
A. Ang kahalagahan ng Pasimula
1. Ito ay nakakatawag pansin at nakapupukaw ng pananabik.
2. Ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng mensahe. Ito ay paglikha ng pangangailangang making.
3. Ito ay nakatutulong sa paglipat mula pisikal tungo sa espiritwal.
4. Ito ay nagpapahiwatig n g direksyon o tunguhin ng mensahe.
B. Mga Sangkap ng Pasimula
1. Pangtawag pansin
2. Paglikha ng pangangailangan
3. BPS
4. Patanong na buod ng sermon
6
5. Pangungusap na panglipat tungo sa katawan ng sermon
6. Pahiwatig sa lahat ng puntos.
C. Mga katangian ng maayos na pasimula
1. Naiiba ngunit may malapit na kaugnayan sa katawan.
2. Maikli, dalawa hanggang limang minute lamang.
3. Kapanapanabik
4. Makatotohanan
5. Dapat ay inihandang mabuti
D. Mga bagay na nakakatawag pansin
1. Biblical
2. Pagbanggit ng tema
3. Pagbanggit sa okasyon
4. Personal na pagbati
5. Pagbanggit sa pangungusap ng iba
6. Paglalahad ng isang problema
7. Nakagugulat na pangungusap
8. Tanong na pang-retoreka – iyong sasagutin sa kaisipan ng nakikinig – ito ay upang pakinggan nila
ang mensahe hanggang sa huli.
9. Mga kasalukuyang pangyayari
10. Ilustrasyon
Tandaan : Tingnan ang napili mong pantawag pansin kung angkop sa pagtitipon.

X. Ikasampung Hakbang : Pagwawakas ng Sermon


- Isa ito sa mahirap paghandaan kaya kailangang paghandaang mabuti.
A. Ilang dahilan ng hindi magandang pagwawakas.
1. Dahil sa kinapos ng panahon dahil sa haba ng pasimula.
2. Dahil hindi pinaghandaan dahil sa pag-aakalang maaaring magtapos kalian man ibigin ng
tagapagsalita.
3. Dahil hindi gaanong pinahahalagahan ng tagapangaral.
4. Dahil naubusan ng panahon sa pagpaplano.
5. Dahil hindi alam kung paano wawakasan.
B. Mga katangian ng magandang pagwawakas.
1. Dapat iyong kaugnay ng katawan.
2. Dapat ay personal na madama ng mga tagapagsalita.
3. Dapat ay mabisa at malakas. Ang lakas na tinutukoy rito ay hindi ang bulto ng boses, kundi sa lakas
ng isipan, pananalita, sa pagsasagawa ng hinihingi ng mensahe.
4. Dapat ay maikli.
C. Mga sangkap na bahagi ng pagwawakas.
1. Pangungusap ng paglipat.
2. Muling paglalahad – ito ay BPS, pangunahing puntos at katotohanan. Iwasang magpasok ng bago na
naming kaisipan.
3. Hinihingi sa tagapakinig – kailangan silang maakay sa pagdama ng katotohanan na kaugnay nito
upang maisagawa ito. Ilang paraan:
a. Aplikasyon
b. Panawagan o hamon
c. Paanyaya
d. Pangsariling hangarin – pangungusap ng tagapagsalita tungkol sa hangarin niyang isagawa ito.
4. Pangwakas na pangungusap – kailangan ay may isang mabisang pangungusap na angkop sa
pagwawakas. Paraang maaring gamitin:
a. Pag-uulit banggit
b. Ilustrasyon
c. Sorpresa – hindi inaasahang pagtatapos
d. Pagbanggit ng ilang mapagpipilian
e. Panalangin
D. Mga pagkakamaling dapat iwasan
1. Pagdadagdag ng bagong kaisipang wala naman sa BPS
2. Mahabang paliguy-ligoy
3. Akala mo ay magtatapos na hindi naman pala.

7
4. Iwasan ang nakagawiang salitang “saw akas” o “bilang pagtatapos”. Huwag ianunsyo ang inyong
pagtatapos.
5. Huwag hihingi ng paumanhin.
6. Pagpapatawa ay iwasan.
7. Mga nakagawiang kilos na nakatatawag pansin tulad ng mga sumusunod: pagsasara ng Biblia,
pagtingin ng pagtingin sa relo o kilos na nakatatawag pansin sa iyong sarili.
8. Huwag lalampas sa karaniang oras baka iwan ka ng tagapakinig mo.

Tandaan : Ang paghahanda ng sermon ay kailangang ipanalangin, habang ipinapangaral, ang mga
tagapakinig at ikaw.

Dalangin ko na gamitin kayo ng Panginoon sa isang maayos at tamang pagdadala ng Kanyang mensahe
dahil kayo ang daluyan ng Kanyang mahahalagang Salita. Pagpalain kayo ng Dios.

You might also like