You are on page 1of 9

PaaralanMataas na Pambansang Paaralan ng Carmen

Guro Gng. Freney F. Pilar


Petsa ng PagtuturoMarso 14, 2024
Antas/Seksiyon 11
Kurso Pagbasa at Pasusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
Baitang 11 Semestre Ikalawang Semestre

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili,
PANGNILALAMAN pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

B. PAMANTAYAN SA
PAGGANAP Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto.

C. MGA KASANAYAN Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:


SA PAGKATUTO 1. Natutukoy ang layunin ng teksong deskriptiv.
2. Nakabubuo ng isang tiyak na paksa para sa susulating tekstong deskriptibo.
3. Naibabahagi ang nilalamang pagpapahalaga ng tekstong binasa.

II. NILALAMAN  TEKSTONG DESKRIPTIV


-PAGKILALA AT PAGSULAT NG TEKSTONG DESKRIPTIV
KAGAMITANG
PANTURO Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, Rex Pub.
House. Brandril et.al
K to 12 CG Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
netbook
larawan
speaker

III. PAMAMARAAN
Panimula Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagpuna ng Silid
4. Pagtala ng liban sa klase (seat plan-code)

B. a. Pagganyak
Balik-Aral/Panimula - Pakinggan ang awit na “Bahay” ni Gary Granada.
BAHAY BY GARY GRANADA WITH LYRICS

Isang araw ako'y nadalaw sa bahay tambakan


Labinglimang mag-anak ang duo'y nagsiksikan
Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira
Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira

Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong


Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong
Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato
Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito
Ay bahay

Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata


Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta
Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman
At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam
Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko
At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo
Ang pinagpala sa mundo, ang dyaryo at ang pulpito
Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito
Ay bahay

Maghapo't magdamag silang kakayod, kakahig


Pagdaka'y tutukang nakaupo lang sa sahig
Sa papag na gutay-gutay, pipiliting hihimlay
Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga mayayamang patay

Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw


Mahipo n'yo at marinig at maamoy at matanaw
Hindi ako nangungutya, kayo na rin ang magpasya
Sa palagay ninyo kaya, ito sa mata ng Maylikha
Ay bahay

- Ilarawan ang “bahay” tungkol sa nais ipakahulugan ng manunulat.


Ano ang paksa ng kantang napakinggan?

C. Paglalahad “ PIC ME UP”

-TATAWAG ang guro ng mga mag-aaral at pabubunutin ng mga larawan.


Matapos bumunot, sasagot ang mag-aaral batay sa sumusunod na tanong:
1. Tungkol saan ang larawang iyong nabunot?
2. Paano tinukoy ng may-akda ang nasa larawan?
3. Anong uri ng mga salita ang nangingibabaw sa teksto?

D. Pagtalakay sa * Mula sa mga larawang nakadikit sa pisara at pagbibigay-hinuha ng mga mag-


Aralin aaral, ipatutukoy ngayon sa mga mag-aaral ang aralin na tatalakayin.

Mga Tanong :
Paano inilalarawan ang mga sumusunod na litrato sa teksto?
1. Labinglimang mag-anak ang dito’y nagsisiksikan. (tao)
2. Sa papag na gutay-gutay, pipiliting hihimlay.(lugar)
3. Ang pinagpala sa mundo ay diyaryo.(bagay)
4. Sinulat ko ang Nakita ng aking mga mata.
Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta. (pangyayari)

Pagtalakay ng guro tungkol sa kahulugan ng Tekstong Paglalarawan o


Deskriptiv
1. Anong uri ng teksto ang binasa? Ipaliwanag.
2. Ibigay ang katangian ng teksto.
3. Anong uri ng mga salita ang nangingibabaw sa teksto?
4. Ano ang repleksiyong mahihinuha mo mula sa teksto?Ano kaya ang layunin
ng may-akda sa pagsulat nito?

Deskriptiv ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga


impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at
maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao,
kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.

Ang tekstong deskriptiv ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman


sa pisikal na katangiang taglay ng isang tao, bagay, lugar, at pangyayari.

1. Paglalarawan ng tao
a. Masisipag at matitiyaga sa gawain ang mga Asyano.
b. Marami sa mga Asyano, tulad ng Hapones at Koreano ay eksperto sa
teknolohiya.

2. Paglalarawan ng Lugar
a. Dahil sa pinakamaunlad na bansa ang Hapon itinuturing itong “higante” sa
Asya.

3. Paglalarawan ng Bagay
a. Matataba ang mga produktong maaani sa maraming lupain sa mga bansang
Asyano.
b.. Pawang produktong teknolohikal ang produksyon ng bansang Korea at
Hapon.

4. Paglalarawan ng Pangyayari

a. Umunlad ang industriya sa Asya dahil sa pagtuklas at pagpapaunlad ng


Agham at
teknolohiya.
b. Sa paggamit ng makabagong teknolohiya, sadyang gumaan ang mga
gawain at higit na dumami ang produksyon.

Suriin ang larawan na ibibigay ng guro bilang gawain .


-Mula sa litrato at mga salitang paglalarawan, bumuo ng isang tiyak na paksa
para sa susulating tekstong deskriptibo.

Krayterya sa Paghusga:
1. Kaangkupan ng nabuong paksa sa larawan.
2. Kabuuan ng diwa.
3. Pagkamasining ng ginawang paksa.

Rubriks:
Pamantayan Nakuha ng maayos Hindi Hindi nakuha
sa paghusga ang pamantayan(5 masyadong ang
puntos) nakuha ang pamantayan(2
pamantayan(3 puntos)
puntos)
1. Angkop ang
nabuong paksa
sa larawang
ipinakita.
2. Buo ang diwa
ng paksa base
sa larawan at
mga salitang
naibigay sa
motibasyon.

3.Nakakatawag-
pansin ang
nabuong paksa
at maayos ang
balarila.
F. Pagtataya PANGKATANG PAGSUSULIT with a twist

Tukuyin ang mga salitang binigyang kahulugan sa bawat bilang.

______________________________________1. Ito ay nagtataglay ng mga


impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at
maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao,
kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.
2-5. Ang tekstong deskriptiv ay nagtataglay ng mga impormasyong may
kinalaman sa pisikal na katangiang taglay ng isang
2__________________________,
3.____________________________________,
5. _____________________________, at
5._______________________________.

Tukuying ang paksa ng sumusunod ng tekstong naglalarawan


Bilugan ang titik ng tamang sagot.
6. Maganda si Mathet. Maamo ang mukha lalo pang pinatingkad ng
mamula – mula niyang pisngi. Mahaba ang kanyang buhok na umaabot
hanggang sa beywang. Balingkinitan ang kanyang katawan na
binagayan naman ng kanyang taas
a. maganda b. katangian ni Mathel c. mabait na dalaga

7. Kalunos-lunos ang sinapit ng mga taong nabahaan sa bayan ng


Carmen. Maraming kabuhayan ang nasira at pamilyang nagambala.
a. pinsala ng baha b. kabuhayan c. pamilya

8. Ang pamilya ang tinaguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan. Sa


loob ng isang pamilya, maari ring makabuo ng isang pamahalaan o
gobyerno . Ang mga magulang ang namahalaan at ang mga anak ang
mga mamamayan.
Ang pamilya ay grupo dalawa o higit pa sa dalawang tao na
magkaugnay sa dugo, sa bisa ng sakramento ng kasal o sa
pamamagitan ng pag-aampon o paninirahan sa isang tirahan.
Mahalaga ang pananatili ng pamilya dahil ito ang tumutugon sa
maraming pangangailangan tulad ng pangangalaga sa mga batang
kasapi nito. Ito ay binubuo ng papa at mama, kuya , ate, at bunso .
a. pamahalaan b. sakramento c. pamilya bilang sangay ng lipunan

9-10 Anong pisikal na katangiang taglay ang tinutukoy ng mga


sumusunod na pangungusap?

9. Ang Boracay ay ang pinakamatanyag na baybayin na dinarayo ng mga


turista. Ang pinakamagandang bahagi sa isla ay ang apat na
kilometrong ‘White Beach’ na ito ang pinakamagandang baybayin sa
boung mundo.
a. lugar b. tao c. bagay d. pangyayari
10. Dumarami ang nang-aabuso sa kalikasan kaya maya’t maya’y binibisita
tayo ng kalamidad.
a.lugar b. tao c. bagay d. pangyayari
Kasunduan Sumulat ng Tekstong Naglalarawan gamit ang mga paksa ng mga larawang
nabunot ng pangkat.

Mga Tala

Inihanda ni :

FRENEY F. PILAR
Guro sa Filipino Siniyasat ni:
ANNA LOU G. EDILLON
Master Teacher II
PaaralanEulogio Rodriguez Integrated School
Guro Gng. Marimel T. Esparagoza
Petsa ng PagtuturoHulyo 24-27, 2018
Antas/Seksiyon 12
GRADES Kurso Pagbasa at Pasusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
11-12 Semestre Unang Semestre

IKALAWANG ARAW
I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa
sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

B. PAMANTAYAN SA
PAGGANAP Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto.

C. MGA KASANAYAN Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:


SA PAGKATUTO 1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginagamit
sa tekstong deskriptibo.
2. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong impormatibo.
3. Naiuugnay sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig ang mga
kaisipang nakapaloob sa tekstong deskriptibo.

II. NILALAMAN  TEKSTONG DESKRIPTIV


-Uri at Layunin ng Tekstong Paglalarawan
KAGAMITANG
PANTURO SIDHAYA 12
Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa Pananaliksik, nina K to 12 CG Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (Rex Bookstore)

LCD Projector, laptop -

III. PAMAMARAAN
Panimula Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagpuna ng Silid
4. Pagtala ng liban sa klase

B. a. Pagganyak
Balik-Aral/Panimula - Ilarawan ang pisikal na kaanyuan ng inyong katabi mula ulo hanggang paa.
Iwasang mabanggit ang pangalan niya.
-Pipili ang guro ng ilang sulatin at huhulaan ng buong klase kung sino ang
inilalarawan ng manunulat.

C. Paglalahad
1. Ano ang layunin ng tekstong binasa?
2. Ano-ano ang mga paksang maaring bigyang paglalarawan?
3. Paano nakatulong ang bahaging pandama para makabuo ng tekstong ito?

D. Pagtalakay sa I. Pagtalakay ng guro tungkol sa uri ng ng Tekstong Paglalarawan o


Aralin Deskriptiv
A. Masining na Paglalarawan
B. Karaniwang Paglalarawan

II. Mga Dapat Tandaan upang maging Malinaw ang Paglalarawan


1. Lubos na Kaalaman sa Paksa
2. Maayos na daloy ng ideya.
3. Paraan ng Paglalarawan
4. Wika-Paggamit ng Wastong tungkulin sa balarila

III. Batayan ng Paglalarawan


1. Batay sa Pandama
2. Batay sa Nunawaan
3. Batay sa Obserbasyon
E. Paglalapat Sumulat ng isag tula na naglalarawan sa iyong sarili bilang kabataan hinggil sa
iyong pakikibaka sa buhay kabataan, bilang mag-aaral, bilang isang anak at
kapatid, bilang isang Pilipino.
*Maaring gamitin ang alinman sa 2 Uri ng Paglalarawan

F. Pagtataya Tukuyin ang mga salitang binigyang kahulugan sa bawat bilang

1. Ano ang 2 Uri ng Paglalarawan


2. Ano-ano ang dapat tandaan upang magkaroon ng malinaw na paglalarawan

Mga Tala

You might also like