You are on page 1of 38

Maligayang pagdating sa iyong Filipino bridging class mahal kong batang

Pransiskano/Balceian!

Ang programa na ito ay ginawa upang mas mapagpayaman at mapalalim pa


ang inyong mga kaalaman at kahusayan sa mga aralin sa Filipino.

Ms. Stephanie Jean Valle


Teacher Intern
LAYUNIN

Paggamit ng iba’t ibang


Bahagi ng Aklat sa
Pagkalap ng Impormasyon
AKLAT?
Ano ba ang
Ang aklat ay isang mahalagang
instrumento sa iyong
pagkatuto. Ito ay impormasyon
upang madagdagan pa ang
iyong kaalaaman.
Mga Bahagi at
Gamit ng Aklat
Pamagat- Nakasaad dito ang
pamagat ng aklat at pangalan ng
may akda nito.

Paunang Salita - Ang nagsisilbing


introduksiyon tungkol sa aklat.
Dito nakalagay ang mensahe ng
awtor para sa kanyang mambabasa.
Talaan ng nilalaman - Ang
listahan ng pamagat ng mga yunit,
aralin, kasanayan, at bilang ng mga
pahina na katatagpuan nito.

Katawan ng Aklat - Ang


pinakamahalagang bahagi ng aklat.
Dito mababasa ang nilalaman ng
aklat.
Glosari - Ang kahulugan ng
mahirap na salita at nakaayos
ito nang paalpabeto.

Pabalat - Ang nagsisilbing


proteksyon sa aklat.
Ang Karapatang Sipi -
Ang karapatang ari ng
awtor at tagalimbag at dito
rin makikita ang taon kung
kailan inilimbag ang aklat.
Ang Bahagi ng Aklat
Nakatala sa ibaba ang mga bahagi ng aklat. Tandaan na
hindi lahat ng aklat ay mayroon ng lahat ng mga bahaging
tinalakay dito.
PAMAGAT
PAUNANG SALITA
TALAAN NG NILALAMAN
KATAWAN NG AKLAT
GLOSARI
PABALAT
PAHINA NG KARAPATANG SIPI
Gawain BLG 1.
Upang matiyak natin ang iyong kaalaman sa pagtatalakay ng
aralin na ito, subukin natin ang iyong natutunan…
GAWAIN
Panuto: Basahin at sagutan ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
BLG. 1 papel.

1. Habang nagbabasa ka ng iyong aklat ay may salita na hindi pamilyar sa


iyo. Saan mo maaaring matagpuan ang kahulugan nito?

2. Ikaw ay lumikha ng isang aklat at nalilimbag mo na ito. Saang bahagi ng


aklat mo maaaring ilagay ang pangalan ng naglimbag at ang petsa kung
kailan ito nalimbag?

3. Ipinahahanap sa iyo ng iyong guro ang pahina ng isang paksa o aralin sa


aklat dahil gusto mong malaaman ang nilalaman nito, saan mo ito
maaaring hanapin?

4. Anong bahagi ng aklat ang nagbibigay proteksiyon dito?


MGA KASAGUTAN:
MGA KASAGUTAN:

1. Glosari

2. Karapatang Sipi

3. Talaan ng nilalaman

4. Pabalat
Gawain BLG 2.
Upang matiyak natin ang iyong kaalaman sa pagtatalakay ng
aralin na ito, subukin natin ang iyong natutunan…
GAWAIN
Panuto: Kumuha ng isang aklat. Sagutin ang mga tanong. Sundin ang mga iba
BLG. 2 pang direksiyon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Para sa iyo, ano ang isang aklat?

2. Magpunta sa unang pahina ng aklat, ano ang iyong nakita?


Isulat ang nilalaman ng unang pahina.

3. Tignan ang talaan ng mga salita o glosari. Sipiin ang unang


tatlong salita na natagpuan mo dito. (nakadepende ang sagot sa
hawak na aklat)

4. Ano ang dapat mong gawin kung ikaw ay nakakita ng aklat na


pakalat-kalat? Ipaliwanang kung bakit.
Gawain BLG 3.
Upang matiyak natin ang iyong kaalaman sa pagtatalakay ng
aralin na ito, subukin natin ang iyong natutunan…
GAWAIN
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.
BLG. 3

3.Ito ay nagsisilbing proteksiyon ng libro.


a.Pabalat
1.Saang bahagi ng aklat makikita ang mga paksa b.Talaan ng Nilalaman
at nilalaman ng iyong aklat? c.Indeks
a.Pahina ng Pamagat d.Pahina ng Pamagat
b.Talaan ng Nilalaman
c.Katawan ng Aklat 4.Mayroon kang hindi naiintindihang salita sa ginagamit na
aklat. Saang bahagi ng aklat maaaring makita ang kahulugan
d.Glosari
nito?
a.Glosari
2.Nais mong malaman kung kailan nailimbag b.Pahina ng Pamagat
ang aklat. Saang bahagi mo ito maaaring makita? c.Talaan ng Nilalaman
a.Paunang Salita d.Pabalat
b.Pahina ng Pamagat
c.Pahina ng Karapatang Sipi 5.Ang talaan ng mga paksa at mga pahina nito.
a.Talaan ng Nilalaman
d.Pabalat
b.Glosari
c.Katawan ng Aklat
d.Pabalat
MGA KASAGUTAN:
MGA KASAGUTAN:

1. C

2. B

3. A

4. A

5. A
Maligayang pagdating sa iyong Filipino bridging class mahal kong batang
Pransiskano/Balceian!

Ang programa na ito ay ginawa upang mas mapagpayaman at mapalalim pa


ang inyong mga kaalaman at kahusayan sa mga aralin sa Filipino.

Ms. Stephanie Jean Valle


Teacher Intern
LAYUNIN

Nakapagbibigay ng
Angkop na Pamagat sa
Binasang Teksto.
Ano nga ba ang PAMAGAT?
Ø Ang pamagat ay isa sa
pinaka mahalagang bahagi ng
bawat sulatin at dito umiikot
ang nilalaman ng sulatin.
Pangunahing diwa sa pagbibigay ng pamagat:
Ø Sa pagbibigay ng pamagat sa isang teksto ay dapat alamin ang
pangunahing diwa nito.

Ø Sa pagbibigay-pamagat ng tekstong binasa kailangang alamin mo


muna ang paksang-diwa at paksang-pangungusap.

Ø Ang pangunahing diwa ay tumutukoy sa paksang tinatalakay sa


isang teksto. Ito ang nagbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat.

Ø Ginagamit ang malaking titik sa mahalagang salita sa pamagat ng


teksto.
Paraan ng pagbibigay ng pamagat:
ü Unawaiin ang nilalaman ng akda o katha.

ü Salungguhitan ang mahahalagang salita.

ü Bumuo ng pamagat na simple, maikli at


angkop sa paksa.
Halimbawa:
Kilala ang kawayan bilang materyal sa paggawa
ng mga upuan, mesa, pambakod, at maging sa
paggawa ng bahay. Ito ay tumataas at kadalasan
ay tumtubo malapit sa ilog. Talagang malaki ang
maitutulong ng kawayan sa ating buhay.

Ang angkop na pamagat: “Ang Gamit ng


Kawayan”
Gawain BLG 1.
Upang matiyak natin ang iyong kaalaman sa pagtatalakay ng
aralin na ito, subukin natin ang iyong natutunan…
GAWAIN Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot na tumutukoy sa angkop na
BLG. 1 pamagat.

1.Araw ng linggo, maagang nagising ang Pamilya De Castro.


Lahat ay abalang naghahanda upang magsimba. Bago at
maganda ang suot na damit ni Corina. Ito ay araw ng kanyang
kaarawan.

a.Araw ng Linggo
b.Pamilya De Castro
c.Kaarawan ni Corina
d.Ang Pamilya De Castro
3.Ang Covid-19 ay isang pandemya. Laganap ito sa buong mundo.
2.Mahalaga ang gulay. Ang gulay ay nagbibigay ng sustansiya sa Marami tayong natutuhan sa pandemyang ito. Naging mulat sa
ating katawan. Mahalaga ito dahil ito ay tumutulong sa atin kalinisan, sama-sama ang buong pamilya sa iisang bahay, naging
upang tayo ay lumakas, lumusog at malayo sa sakit. Ugaliin malapit sa Diyos, naging guro ang mga magulang, ang mga guro ay
nating kumain ng gulay upang humaba ang ating buhay. nagtuturo sa bahay gamit ang online platform at iba pa.

a.Ang Gulay a.Resulta


b.Ang Ating Katawan b.Covid-19
c.Ang Kahalagahan ng Gulay c.Isang Pandemya
d.Nagbibigay Sustansiya ang Gulay d.Covid-19 Isang Pandemya
4. Isang mapagmahal at mahusay na guro si Ginang Mayla Cruz, itinuturing niyang
parang tunay na anak ang kanyang mga mag-aaral. Matiyaga niyang itinuturo ang mga
mahihirap na aralin. Siya ang pinakamahal kong guro.

a. Parang Tunay na Anak


b. Ang Matiyagang Guro
c. Ang Mahusay na Guro
d. Si Ginang Mayla Cruz

5. Ang buwan ang Satellite ng Mundo. Humihiram ito ng liwanag sa araw. Umiikot ito sa
mundo. Sa isang ikot nito ay nabubuo ang isang buwan.

a. Ang Pag-ikot ng Mundo


b. Ang Satellite ng Mundo
c. Ang Liwanag ng Araw
d. Ang Pagkakabuo ng Buwan
MGA KASAGUTAN:
MGA KASAGUTAN:

1. C

2. C

3. D

4. B

5. B
Gawain BLG 2.
Upang matiyak natin ang iyong kaalaman sa pagtatalakay ng
aralin na ito, subukin natin ang iyong natutunan…
GAWAIN
BLG. 2 Panuto: Basahin ang teksto at magbigay ng pinaka-angkop na pamagat.
Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1. Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa


larangan ng pag-awit, pag-pipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga
dayuhan ang mga produkto nating gawang kamay tulad ng
binurdahan at nililok. Tunay na ang mga Pilipino ay malikhain sa
iba’t ibang larangan.

Angkop na pamagat:
GAWAIN
BLG. 2 Panuto: Basahin ang teksto at magbigay ng pinaka-angkop na pamagat.
Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

2. Kambal sina Faith at Hope. Magkamukhang-


magkamukha sila. Mahilig silang kumain ng sorbetes.
Pareho rin silang masipag mag-aral.

Angkop na pamagat:
GAWAIN
BLG. 2 Panuto: Basahin ang teksto at magbigay ng pinaka-angkop na pamagat.
Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

3. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang


institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat umiral
ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang
lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa.

Angkop na pamagat:
GAWAIN
BLG. 2 Panuto: Basahin ang teksto at magbigay ng pinaka-angkop na pamagat.
Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

4. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang pista. Ang


bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang
ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isa
pang kilalang tradisyon ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay
ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain.

Angkop na pamagat:
MGA KASAGUTAN:
MGA KASAGUTAN:

1. Ang Malikhaing mga Pilipino

2. Ang Kambal na sina Faith at


Hope

3. Ang Pamilyang Pilipino

4. Tradisyon ng mga Pilipino


Gawain BLG 3.
Upang matiyak natin ang iyong kaalaman sa pagtatalakay ng
aralin na ito, subukin natin ang iyong natutunan…
GAWAIN
Panuto: Pumili ng angkop na pamagat para sa bawat talata. Isulat sa
BLG. 3
patlang ang letra ng tamang sagot.

1. ____________ Ang kangkong ay 2.____________ Sinigang na hipon ang


isang madahong gulay. Kulay berde paborito kong ulam. Lalo itong
ang dahon nito. Nabubuhay ito sa nagiging masarap para sa akin kapag si
tubig o sa basang lupa. Nanay ang nagluto. Marami akong
nakakain tuwing sinigang na hipon ang
A.Ang Aking Ate ulam namin.
B.Ang Gatas
C.Ang Manika Ko A.Ang Aking Ate
D.Ang Kangkong B.Ang Gatas
E.Ang Paborito Kong Ulam C.Ang Manika Ko
F.Ang Mabuting Bata D.Ang Kangkong
E.Ang Paborito Kong Ulam
F.Ang Mabuting Bata
3.____________ Magdalena ang pangalan ng ate ko.
Matalino at masipag siya. Mabait at magalang sa aming mga
magulang.

A.Ang Aking Ate


B.Ang Gatas
C.Ang Manika Ko
D.Ang Kangkong
E.Ang Paborito Kong Ulam
F.Ang Mabuting Bata
5.____________ Gina nag pangalan na binigay ko sa aking
4.____________ Isang masustansiyang inumin ang gatas. manika. Ito ay may mahabang buhok. Dilaw ang damit nito pati
Sagana ito sa calcium na nagpapatibay ng ngipin at mga ang sapatos. Talagang maganda ang aking manika.
buto. Mayaman din ito sa protina na mahalaga upang
lumaking malusog ang isang bata. A.Ang Aking Ate
B.Ang Gatas
A.Ang Aking Ate C.Ang Manika Ko
B.Ang Gatas D.Ang Kangkong
C.Ang Manika Ko E.Ang Paborito Kong Ulam
D.Ang Kangkong F.Ang Mabuting Bata
E.Ang Paborito Kong Ulam
F.Ang Mabuting Bata
MGA KASAGUTAN:
MGA KASAGUTAN:

1. D

2. E

3. A

4. B

5. C
Sa wakas ay narating mo ang dulo ng
aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo, Balceian/batang


Pransiskano!

You might also like