You are on page 1of 5

Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Nobyembre

19, 2023

KASAYSAYAN NG BIBLIA
Ang Buhay Ni Cristo

Inaliw Ni Jesus Ang Mga Alagad

1. T. Ano ang sinabi ng Panginoong Jesus upang aliwin ang Kaniyang mga alagad?
S. “Huwag mabagabag ang inyong puso. Sumampalataya
kayo sa Diyos, sumampalataya rin naman kayo sa Akin.”.............Juan 14:1 ABAB

T. Sino ang may sinabi upang aliwin ang mga alagad?


S. Ang Pang. Jesus.
T. Ano ang bilin ng Pang. Jesus upang huwag mabagabag ang kanilang puso?
S. Sumampalataya sa Pang. Diyos.
T. Tangi sa Pang. Diyos, kanino pa dapat sumampalataya?
S. Sa ating Pang. Jesus.

2. T. Ano pa ang sinabi Niya sa Kaniyang mga alagad?


S. Siya’y paroroon sa bahay ng Ama
at doon ay maraming tahanan...........................................................................Juan 14:2

T. Ayon sa Pang. Jesus, saan Siya paroroon?


S. Sa bahay ng Ama.
T. Ayon pa sa Pang. Jesus, ano ang mayroon sa bahay ng Ama?
S. Maraming tahanan.

3. T. Ayon kay Jesus, bakit Siya paroroon sa Ama?


S. Upang ipaghanda Niya tayo ng dakong kalalagyan..............................Juan 14:2

T. Kanino paroroon ang Pang. Jesus?


S. Sa Ama.
T. Bakit Siya paroroon sa Ama ayon sa Kaniya?
S. Upang ipaghanda Niya tayo ng dakong kalalagyan.

4. T. Ano ang pangako ni Jesus kung maipaghanda na Niya ng


dakong kalalagyan ang Kaniyang mga alagad?
S. “Ako’y babalik at isasama Ko kayo”....................................................Juan 14:3(a) BMB

T. Ano ang ihahanda ng Pang. Jesus?


S. Dakong kalalagyan ng Kaniyang mga alagad
T. Jesus kung magawa na ito ng Pang. Jesus, ano ang Kaniyang pangako na sinabi Niya?
S. “Ako’y babalik at isasama Ko kayo”

5. T. Bakit isasama ni Jesus ang Kaniyang mga alagad?


S. Upang makapiling Niya sila kung saan Siya naroroon........................Juan 14:3(b) BMB

T. Sino ang isasama ng ating Pang. Jesus?


S. Ang Kaniyang mga alagad.
T. Bakit Niya isasama ang Kaniyang mga alagad?
S. Upang makapiling Niya sila kung saan Siya naroroon.

6. T. Ano pa ang sinabi ni Jesus tungkol sa mga bagay na ito?


S. Sinabi Niyang nalalaman ng mga alagad ang daan
patungo sa lugar na Kaniyang pupuntahan...............................................Juan 14:4 ABAB

T. Ano ang nalalaman ng mga alagad?


S. Ang daan patungo sa lugar na Kaniyang pupuntahan.

7. T. Dahil dito, ano ang itinanong ni Apostol Tomas sa Panginoong Jesus?


S. “Panginoon, hindi po namin alam kung saan Kayo
pupunta, paano namin malalaman ang daan?”................................Juan 14:5 NPV

T. Sino ang nagtanong sa Pang. Jesus dahil sa hindi daw nila nalalaman kung saan Siya paroroon?
S. Si Apostol Tomas.
T. Ano ang itinanong ni Apostol Tomas?
S. Paano namin malalaman ang daan?
8. T. Ano ang isinagot ni Jesus kay Tomas?
S. “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay”.......................Juan 14:6

T. Ayon sa Pang. Jesus, sino ang daan?


S. Ang Pang. Jesus.
T. Ano pa ang Pang. Jesus tangi sa Siya ang daan?
S. Ang katotohanan, at ang buhay.

9. T. Bakit dapat dumaan ang tao kay Jesus?


S. Sinuman ay hindi makaparoroon sa Ama
kundi sa pamamagitan ni Jesus.........................................................................Juan 14:6

T. Sino ang dapat dumaan sa Pang. Jesus?


S. Ang tao.
T. Ano ang hindi magagawa ng tao kung hindi sa pamamagitan Niya?
S. Hindi makaparoroon sa Ama.

10. T. Bukod sa Siya ang daan, paano pa ipinakilala ni Jesus ang Kaniyang sarili?
S. Siya ang pintuan ng kulungan ng mga tupa...............................................Juan 10:7 REB

T. Bukod sa Siya ang daan, ano pa ang Pang. Jesus?


S. Siya ang pintuan ng kulungan ng mga tupa.

11. T. Bilang pintuan, ano ang ipinagagawa ni Jesus sa sinumang ibig maligtas?
S. Pumasok sa loob ng kawan sa pamamagitan Niya................................Juan 10:9 REB

T. Kanino may ipinagagawa ang Pang. Jesus?


S. Sa sinumang ibig maligtas.
T. Ano ba ang marapat gawin ng sinumang ibig maligtas?
S. Pumasok sa loob ng kawan sa pamamagitan Niya.

12. T. Alin ang kawan o kulungan ng mga tupa na kapapalooban ng


mga papasok kay Cristo at tiniyak Niyang maliligtas?
S. Ang kawan ay ang Iglesia Ni Cristo.................................................................Gawa 20:28 Lamsa

T. Ano ang kapalaran ng papasok sa loob ng kawan o kulungan ng mga tupa?


S. Maliligtas.
T. Alin ba ang kawan?
S. Ang Iglesia Ni Cristo.
T. Kapag ang tao ay pumasok sa kawan, Sino ang tumitiyak ng kanilang kaligtasan?
S. Ang Pang. Jesucristo.

13. T. Alin ang dakong inihahanda ni Jesus para panahanan ng


mga maliligtas o ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo?
S. Ang Bayang Banal .................................................................... Apoc. 21:1-4

T. Katunayan na maliligtas, kanino may inihanda ang Pang. Jesus?


S. Sa mga kaanib sa Iglesia NI Cristo.
T. Alin ang dakong inihahanda Niya sa mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo?
S. Ang Bayang Banal.

14. T. Habang hinihintay ang ipinangakong tahanan, ano ang ibinilin ni


Jesus sa Kaniyang mga alagad?
S. “Hilingin ninyo ang anuman sa Aking Pangalan,
at gagawin Ko ito.”..................................................................................Juan 14:14 NPV

T. Kanino may ibinilin ang Pang. Jesus?


S. Sa mga alagad?
T. Sino ba ang mga tunay na alagad ng Pang. Jesus?
S. Tayong mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo.
T. Habang ating hinihintay ang Bayang Banal, ano ang ibinilin sa atin ng Pang. Jesus?
S. Hilingin ninyo ang anuman sa Aking Pangalan, at gagawin Ko ito.”

BY: BIENVENIDO C. SANTIAGO


(Basahin muna ng magtuturo ang bahaging ito sa mga sumasamba bago pasimulan ang bahaging tanong at sagot.)

Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan Nobyembre


19, 2023

KASAYSAYAN NG BIBLIA
Ang Buhay Ni Cristo

Inaliw Ni Jesus Ang Mga Alagad


(Batay sa Juan 14:1-6, 14)

Upang aliwin ng ating Panginoong Jesus ang Kaniyang mga alagad, sinabi
Niya sa kanila: “Huwag mabagabag ang inyong puso: Sumampalataya kayo sa
Diyos, Sumampalataya rin naman kayo sa Akin. Sa bahay ng Aking Ama ay
maraming tahanan … Ako’y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong
kalalagyan. At kapag naipaghanda Ko na kayo ng matitirhan, Ako’y babalik at
isasama Ko kayo upang kayo’y makapiling Ko kung saan Ako naroroon.”
Pagkatapos nito, sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Nalalaman ninyo ang daan
patungo sa lugar na Aking pupuntahan.”
Pagkarinig nito, sinabi ni Apostol Tomas, “Panginoon, hindi po namin
alam kung saan Kayo pupunta, paano namin malalaman ang daan?”
Sumagot si Jesus at sinabi niya kay Tomas, “Ako ang daan, at ang
katotohanan, at ang buhay: sinuman ay hindi makaparoroon sa Ama, kundi sa
pamamagitan Ko.”
Sa ibang pagkakataon, bukod sa pagiging daan ay ipinakilala rin ni Jesucristo
ang Kaniyang sarili bilang pintuan ng kulungan ng mga tupa. Kaugnay nito ay
sinabi Niya, “Ako ang pintuan; ang sinumang taong pumasok sa loob ng kawan sa
pamamagitan Ko ay maliligtas.” Ang kawan o kulungan ng mga tupa na
kapapalooban ng mga papasok kay Cristo ay ang Iglesia Ni Cristo. Kaya, ang mga
alagad na maliligtas at makakasama ni Cristo sa tahanan ng Ama sa langit ay ang
mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo.
Kaya, tayong mga Iglesia Ni Cristo ay tunay na mapalad dahil tayo ang
maliligtas. Tayo ang magmamana ng tahanang ipinangako ni Jesus—ang Bayang
Banal na tinatahanan ng katuwiran.
Kaya, mahalin natin ang ating pagka-Iglesia Ni Cristo. Huwag tayong
magpapabaya sa ating mga pagsamba at sa pagsunod sa mga utos ng Diyos. Kapag
mayroon tayong problema, manalangin tayo sa Diyos na ating Ama upang
humingi ng tulong. Huwag tayong mag-aatubili na lumapit sa Kaniya. Tandaan at
sampalatayanan natin ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Hilingin ninyo ang
anuman sa Aking Pangalan, at gagawin Ko ito.”

You might also like