You are on page 1of 3

PREACHING

1. Maikling pagpapakilala ng sarili


2. Maikling patotoo tungkol sa sariling regeneration o pagkakaroon ng bagong buhay mula sa Diyos
- El Shaddai
- Love flock
- Knights of Columbus
- Village Baptist Church
3. Regeneration process
- Ako’y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo; kayo’y magiging malinis sa lahat ninyong
karumihan, at lilinisin ko kayo sa lahat ninyong mga diyus-diyosan. Bibigyan ko kayo ng
bagong puso, at lalagyan ko kayo ng bagong espiritu sa loob ninyo. Aking aalisin ang batong
puso sa inyong laman, at aking bibigyan kayo ng pusong laman. Aking ilalagay ang aking
Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo nang ayon sa aking mga tuntunin, at magiging
maingat kayo sa pagsunod sa aking mga batas. – Ezekiel 36:25-27
4. Tayong mga Kristiyano ay pinili rin ng Diyos upang maging mabuti gaya ng pagpili Niya sa mga
disipulo ni Hesus. Sa lahat ng mga napiling disipulo, dalawa sa kanila ay karapat-dapat nating
pag-aralan. Sila ay sina Pedro at Hudas:

Pedro Hudas
- Parehong nagkaroon ng pinakamalaking oportunidad at pribilehiyo sa lahat ng tao
- Personal na tinawag ni Hesus para sumunod sa Kanya, parehong sumagot sa
tawag ni Hesus at sumunod sa Kanya
- Nakasama si Hesus sa loob ng tatlong taon, araw-araw, gabi-gabi
- Parehong idineklara kay Hesus at sa publiko ang kanilang personal devotion sa
Kanya
- Parehong naging estudyante ni Jesus (discipleship) for ministry, tinuruan ni Hesus,
ang pinakamagaling na guro, sa paraan na maiintindihan nila, itinuro sa kanila ang
mga kautusan ng Diyos at ipinakita rin ni Hesus kung paano gagawin (by
examples) para malaman ang Salita at kagustuhan ng Diyos (Word and will of
God). Tinuruan sila kung paano magresponde sa Salita ng Diyos at isabuhay ang
mga ito.
- Pareho nilang na-witness ang mga miracles ni Jesus, nakita nila ang
kapangyarihan ni Jesus laban sa mga demonyo, sakit, kamatayan, kalikasan atbp.
Nakita rin nila ang kagalingang intelektuwal ni Jesus. Narinig nila ang mga sagot ni
Jesus sa mga katanungan sa Kanya.
- Araw-araw silang kinokompronta ng kasalanan at nalalaman nilang kailangan nila
ng kapatawaran at kaligtasan
- Pareho nilang naiintindihan na si Jesus ay dumating upang ipahayag ang
Mabuting Balita sa mga makasalanan
- Pareho silang nakatanggap at gumamit ng kapangyarihan galing kay Jesus
- Pareho silang naging mangangaral (preacher)
- Parehong makasalanan at nalalaman nila iyon, na-guilty sa kanilang kasalanan,
sila ay nilukuban ng Demonyo
- Pareho nilang pinagtaksilan si Hesus, hayagan at matindi, bago mamatay si Jesus
- Pareho silang nalungkot, nagdusa sa kanilang kasalanan
-nagsisi -nagpakamatay

-naging kagalang-galang (honorable), marami - walang karangalan, kinamuhian, walang


ang ipinangalan sa kanya ipinangalan sa kanya (hated)
Nasa langit Nasa impiyerno
Namatay na santo, ipinakong nakabaligtad Nag-suicide – nagbigti, nalaglag sa batuhan,
pumutok ang kanyang tiyan at kumalat ang
kanyang lamang loob (Acts 1:18)
MInahal si Jesus Kinamuhian si Jesus- siya ay swapang sa
kayamanan at kapangyarihan (greed for
wealth and power), nadismaya kay Jesus
Pinakamalaking trahedya sa human history
dahil sa mga nasayang na oportunidad
Nang huli niyang nakita si Jesus siya ay Hinalikan si Jesus ng halik ng
nadurog, nawasak, at umiyak sa tunay na pagkamuhi/ipokrito, ang kanyang
pagsisisi, ang kanyang kalungkutan ay kalungkutan ay nagdala sa kanya para
nagdala sa kanya sa pagpapanumbalik magpakamatay at walang pagsisisi
(restoration) ng may pagsisisi
Minahal ng lubos ni Pedro si Hesus. Matapos
mabuhay muli ni Jesus, tinanong Niya si
Pedro kung mahal siya nito ng tatlong beses
(John 21:15-18)
Namuhay ng may biyaya, sa kabila ng Namuhay ng walang biyaya sapagkat hindi
kanyang mga kahinaan (mayabang, over- niya mahal si Hesus.
confident, impulsive, lack of prayer),
sapagkat mahal niya si Jesus
Pareho sila ng pinagmulan, sobrang magkaiba ng kinahinatnan. Bakit? Sila ay may magkaibang
pag-uugali (attitude) kay Jesus. Ang tunay na magiging dahilan ng kaligtasan (salvation) ay sa
kung ano ang ating pag-uugali kay Jesus.

Nalalaman ni Jesus ang kanilang mga puso. Ipinagdasal ni Jesus si Pedro (Luke 22:31-32), pero
hindi si Hudas, alam Niya na si Hudas ay nabibilang sa Demonyo. Binasbasan ni Jesus si Pedro
sapagkat inihayag sa kanya ng Ama ang katotohanan tungkol sa Kanya. (Matthew 16:16-17). Sina
Pedro at Hudas ay nagkakaiba sa kanilang pag-uugali kay Jesus. Si Hudas ay sakim at ganid para
sa kayamanan, pera, at kapangyarihan, na namuhi siya kay Jesus ng malaman niya na hindi
material na biyaya ang makakamtan niya. Si Pedro naman ay minahal si Jesus at piniling
sumunod sa Kanya sa kabila ng kanyang mga pagkukulang.

5. Ang ating simbahan sa ngayon (mga Kristiyano) ay napupuno ng mga tulad nina Pedro at Hudas.
Lahat nakakarinig ng Salita ng Diyos, sumasamba ng sabay….ngunit, matatapos ng magkaiba.
Ang ilan sa atin ay maaaring pagtaksilan din si Jesus.
6. Tanungin natin ang ating mga sarili,suriin natin ang ating mga puso, “Tunay ba nating mahal ko
ba si Jesus?” O tayo ba ay nananatiling Kristiyano dahil naghahangad lang tayo ng mga biyayang
material, kalusugan, o kapangyarihan, para sa ating sarili.
Ito lamang ang ibig sabihin ng pagiging Kristiyano- Mahal natin si Jesus. Sabi ni Juan sa 1John
4:19, mahal natin ang Diyos sapagakat una Niya tayong minahal. Ito ang kahulugan ng pagiging
Kriustiyano, “Mahal tayo ng Diyos at mahal din natin Siya.”
7. Ito ang hamon sa atin ngayon, na hindi tayo matulad kay Hudas na minahal lamang ang mundo.
Ang mundong ito ay hindi natin tunay na tahanan. Kung ano man ang ating makamit dito ay
panandalian lamang (temporary). Bilang Kristiyano, dapat ay nakatuon tayo sa mga bagay na
makalangit, hindi ng makamundo (Colossians 3:2) Sinasabi rin sa Romans 12:2, “Huwag ninyong
tularan ang sanlibutang ito; kundi magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-
iisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti, kasiya-siya, at lubos na kalooban ng
Diyos.” Nawa ay patuloy nating alamin, mahalin, paglingkuran ang Diyos ng buong puso.

Maraming salamat po sa inyong pakikinig. Pagpalain tayong lahat ng Diyos.

Pastor Andy Rosario

May 2, 2021

You might also like