You are on page 1of 4

Taon 34 Blg.

45 Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) — Luntian Pebrero 14, 2021

M araming beses nating maba- buong pamayanan na madu-


basa sa apat na ebanghelyo mi at dapat layuan at iwasan!
na si Hesus ay may kapangya- “Ibig ko. Gumaling ka!” tugon
rihang magpagaling ng mga may ni Hesus sa pakiusap ng ketongin.
karamdaman, at ang pagpa- Ang mga katagang “Ibig ko”
pagaling sa mga may sakit ay – thelo sa wikang Griyego – ay
bahagi ng ministeryo ni Hesus. nangangahulugang “hangad ko.”
Sa tagpo mula sa Ebang- Subalit ito rin ay pagpapaha-
helyo ni Marcos na mababasa yag ng pag-ibig! Higit sa pisikal
natin ngayon, isang lalaking na kagalingan, naunawaan ng
ketongin ang naglakas-loob– ating Panginoon na mas ma-
nangahas– lumapit kay Hesus. halaga sa ketongin na ito ang
Buong-kapakumbabaan siyang pagtanggap. Dahil sa kanyang
nakiusap, “Kung ibig po nin- karamdaman – sakit na itinu-
yo’y mapagagaling ninyo ako.” turing noong una na bunga ng
Ang ginawa ng ketongin ay kasalanan – siya ay itiniwalag ng
mapangahas. Sa unang pagba- kanyang komunidad at inilayo
sa hango sa aklat ng Levitico, sa kanyang mga mahal sa buhay.
mababasa natin ang mahigpit Sapilitang namuhay sa pangu-
ngulila at pag-iisa ang ketongin.


na tagubilin ni Moises tung-
kol sa mga ketongin, “Ituturing Sa lahat ng kanyang pinag-

Ibig
siyang marumi at di ito dapat daanan, ang pinakamahalaga
kaligtaang ipahayag ng saser- sa kanya ay ang pagtanggap
dote” (Lev 13:2). At “hanggang at pagkalinga ng kapuwa.
may sugat, siya’y ituturing na Higit sa pisikal na kagalingan,
marumi at sa labas ng kampa- nakita ng Panginoon na mas kail-
mento mamamahay na mag-isa” angan ng ketongin ang pagpapa-
(13:46). Kaya nga ang ginawa ng tawad, pagtanggap at pagmama-

KO
lalaking ito ay mapangahas… hal. Hinawakan ni Hesus ang
lumapit siya kay Hesus kahit na ketongin. Sabi nga ni San Juan
siya ay itinuturing na madumi. Chrysostomo, “Ang mga kamay
Hindi ba dapat nagalit si He- [ni Hesus] ay hindi nadudumihan
sus dahil nilabag ng lalaking ng ketong, ngunit ang kanyang
ketongin ang batas na itinakda banal na kamay ang luminis sa
ni Moises sa aklat ng Levitico? sugatang katawan [ng ketongin].”
Hindi ba dapat tanggihan ni Ang ginawa ni Hesus ay


Hesus ang ketongin dahil sa demonstrasyon sa atin ng pag-
mapangahas nitong pamamaraan papakumbaba. Hindi sakit,
ng paghingi ng kagalingan mula kapintasan o kakulangan ang
sa isang kapita-pitagang guro ng naglalayo sa atin sa ating ka-
Banal na Kasalutan? Maaaring puwa, bagkus ang kawalan ng
ito ang mga katanungan na pu- pakialam, pagiging makasarili
mapasok sa isip natin sa puntong Rdo. P. David Reyes at panghuhusga. Upang maib-
ito. Subalit ayon kay San Marcos, san ang pagkakawatak-watak
“nahabag si Hesus at hinipo sa pamayanan, mahalagang
siya…” Hinawakan ni Hesus isabuhay din natin ang sinabi ni
ang isang tao na itinuturing ng Hesus: “Ibig ko. Gumaling ka!”
PASIMULA P – Kristo, kaawaan mo kami. dadalhin siya kay Aaron o sa
B – Kristo, kaawaan mo kami. mga anak niyang saserdote.
Antipona sa Pagpasok P – Panginoon, kaawaan mo kami. Ituturing siyang marumi at di
(Slm 31:2–3) B – Panginoon, kaawaan mo kami. ito dapat kaligtaang ipahayag
(Basahin kung walang pambungad na awit) ng saserdote.
Gloria
D’yos ko, ikaw ang kublihan, “Ang may ketong ay dapat
tagapagtanggol kong tunay. Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa magsuot ng sirang damit,
Iligtas mo’t patnubayan yaring lupa’y kapayapaan sa mga taong hindi magsusuklay, tatakpan
aking abang buhay sa ngalan kinalulugdan niya. Pinupuri ka ang kanyang nguso at laging
mo’y umiiral. namin, dinarangal ka namin, sina- sisigaw ng, ‘Marumi! Marumi!’
samba ka namin, ipinagbubunyi Hanggang may sugat, siya’y
Pagbati ka namin, pinasasalamatan ituturing na marumi at sa labas
(Gawin dito ang tanda ng krus) ka namin dahil sa dakila mong ng kampamento mamamahay
P – Ang pagpapala ng ating ang­king kapurihan. Panginoong na mag-isa.”
Panginoong Hesukristo, ang Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang — Ang Salita ng Diyos.
pag-ibig ng Diyos Ama, at ang makapangyarihan sa lahat. Pangi­ B – Salamat sa Diyos.
pakikipagkaisa ng Espiritu Santo noong Hesukristo, Bugtong na
Anak, Panginoong Diyos, Kordero Salmong Tugunan (Slm 31)
nawa’y sumainyong lahat.
B – At sumaiyo rin. ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na T – Sa ‘yong tulong at pagtubos
nag-aalis ng mga kasalanan ng ako’y binigyan mong lugod.
Paunang Salita sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw
(Maaaring basahin ito o isang katulad A. San Pablo
na nag-aalis ng mga kasalanan ng
na pahayag)
  
C F G

sanlibutan, tanggapin mo ang aming
P – Bahagi ng propesiya sa kahilingan. Ikaw na naluluklok sa        
Lumang Tipan ang naratibong kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sa i yong tu long at pag tu
sa pagdating ng Mesiyas, Sapagkat ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon, ikaw
  
magiging malinis na muli ang C F G C

3

lamang, O Hesukristo, ang Kataas-        


mga may ketong. Sa ngayon,
taasan, kasama ng Espiritu Santo sa 
ang “ketongin” ay yaong mga bos a ko'y bi nig yan mong lu
kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.
nalulungkot, nahihirapan, at
nangungulila sa buhay. Inaasahan Pambungad na Panalangin
  
5


 
tayong makasunod sa halimbawa
P – Manalangin tayo. (Tumahimik)
ni Kristong na inabot ang mga
Ama naming makapang- god.
taong mahihina at hindi tanggap
yarihan, pinangangatawanan 1. Mapalad ang tao na pinatawad
sa lipunan. Magbunga nawa na yaong kasalanan/ at nalimot
mong manahan sa mga may
ang Eukaristiyang ito ng tunay na rin ang kanyang nagawang
loobing tapat at maaasahan.
na malasakit at pagdadamayan mga pagsalansang;/ mapalad
Sa kagandahang-loob mo kami
upang tunay tayong maging ang taong sa harap ng Poon ay di
nawa’y makapamuhay bilang
nagkakaisang pamayanan. naparatangan/ dahilan sa siya ay di
mga mapalad na maging iyong
nagkasala at hindi nanlinlang. (T)
Pagsisisi tahanan sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu 2. Ako ay lumapit sa iyong
P – Mga kapatid, aminin natin ang harapan at sala’y inamin,/
Santo magpasawalang hanggan.
ating mga kasalanan upang tayo’y a n g a k i n g g i n awa n g m g a
B – Amen.
maging marapat sa pagdiriwang ng pagsalansang di ko inilihim;/
banal na paghahaing nag-dudulot PAgpapahayag pinagpasiyahan kong ang lahat
ng kapatawaran ng Maykapal. ng salita ng diyos ng ito sa iyo’y idaing/ at aking
(Tumahimik) natamo ang iyong patawad sa
P – Panginoon, kami’y nagkasala Unang Pagbasa (Lev 13:1–2, 44–46) sala kong angkin. (T)
sa iyo. (Umupo) 3. Lahat ng matuwid at tapat sa
B – Panginoon, kaawaan mo kami. Poon/ magalak na lubos dahil
P – Kaya naman, Panginoon, Itinatakda sa mga Israelita sa sa natamo nilang kabutihang
ipakita mo na ang pag-ibig mong Lumang Tipan kung paano kaloob ng Diyos;/ sumigaw
wagas. makitungo sa mga ketongin. Ang sa galak ang lahat ng taong sa
B – Kami ay lingapin at sa pagkatakot at pagkamuhing ito kanya’y sumunod! (T)
kahirapan ay iyong iligtas. ang pamantayan sa pag-unawa
natin sa Ebanghelyo sa araw na ito. Ikalawang Pagbasa (1 Cor 10:31–11:1)
P – Kaawaan tayo ng maka-
pang­yarihang Diyos, patawarin Pagbasa mula sa aklat ng Levitico Inihahayag ni Apostol Pablo ang
tayo sa ating mga kasalanan at kanyang sarili bilang modelo ng
patnu­bayan tayo sa buhay na SINABI ng Panginoon kina pagsunod kay Kristo. Makakaya
walang hanggan. Moises at Aaron, “Kung ang balat kaya nating sabihin ito ukol sa ating
B – Amen. ninuman ay magbago ng kulay, sarili? Lahat ba ng ginagawa natin
mamaga o kaya’y magkaroon ay para sa ikararangal ng Diyos?
P – Panginoon, kaawaan mo kami.
B – Panginoon, kaawaan mo kami. ng singaw na parang ketong, Pagbasa mula sa unang sulat ni
Apostol San Pablo sa mga taga- Homiliya (Umupo) o pananampalataya. Manalangin
Corinto tayo: (T)
Pagpapahayag ng
MGA KAPATID: Kung kayo’y Pananampalataya (Tumayo) L – Para sa ating mga frontliners:
kumakain o umiinom, o anuman Patuloy nawa silang bigyan ng
ang ginagawa ninyo, gawin B – Sumasampalataya ako sa lakas ng Diyos upang sa kanilang
ninyo ang lahat sa ikararangal Diyos Amang makapangyarihan paglilingkod sa pamayanan
ng Diyos. Huwag kayong sa lahat, na may gawa ng langit lalung-lalo na sa mga maysakit,
maging sanhi ng pagkakasala at lupa. tunay silang maging instrumento
ninuman—ng mga Judio, ng S u m a s a m p a l a t aya a k o ng pagpapagaling ng Diyos.
mga Griego, o mga kaanib kay Hesukristo, iisang Anak Manalangin tayo: (T)
ng Diyos, Panginoon nating
sa simbahan ng Diyos. Ang lahat. Nagkatawang-tao siya L – Para sa mga yumao: Patuluyin
sinisikap ko nama’y mabigyang- lalang ng Espiritu Santo, nawa sila sa Kaharian kung
kasiyahan ang lahat ng tao sa ipinanganak ni Santa Mariang saan pinapawi ang paghihirap
bawat ginagawa ko; hindi ko Birhen. Pinag-pakasakit ni at kalungkutan. Manalangin
hinahanap ang sarili kong kapa- Poncio Pilato, ipinako sa krus,
namatay, inilibing. Nanaog sa tayo: (T)
kanan kundi ang kapakanan ng
marami, upang maligtas sila. kinaroroonan ng mga yumao. L – Sa ilang sandali ng katahimikan,
Tularan ninyo ako, gaya N a n g m ay i k a t l o n g a raw ating ipanalangin ang iba pang
ng pagtulad ko kay Kristo. nabuhay na mag-uli. Umakyat mga pangangailangan ng ating
sa langit. Naluluklok sa kanan ng
— Ang Salita ng Diyos. Diyos Amang makapangyarihan pamayanan pati na rin ang
B – Salamat sa Diyos. sa lahat. Doon magmumulang ating pansariling kahilingan
paririto at huhukom sa nanga- (Tumahimik). Manalangin tayo: (T)
Aleluya (Lc 7:16) (Tumayo) bubuhay at nangamatay na tao. P – Diyos naming Ama,
Sumasampalataya naman
B – Aleluya! Aleluya! Narito ako sa Diyos Espiritu Santo, sa ipinamalas ni Hesus kung gaano
at dumating na isang dakilang banal na Simbahang Katolika, ka kalapit sa amin, lalo na sa
propeta sugo ng Diyos sa bayan sa kasamahan ng mga banal, sa mga nagdurusa. Dinggin mo
n’ya. Aleluya! Aleluya! kapatawaran ng mga kasalanan, ang aming mga panalangin at
sa pagkabuhay na muli ng ipagkaloob mo sa amin ang tuwa
Mabuting Balita (Mc 1:40–45) nangamatay na tao, at sa buhay at kapayapaan habang patuloy
na walang hanggan. Amen. naming tinatahak ang daan tungo
P – Ang Mabuting Balita ng
Panginoon ayon kay San Marcos sa iyong kaharian.
Panalangin ng Bayan
B – Papuri sa iyo, Panginoon. Hinihiling namin ito sa pama-
P – Pinagaling ni Hesus ang magitan ni Kristong aming
N O O N G p a n a h o n g i yo n ,
isang ketongin kahit na ito’y Panginoon.
may isang ketonging lumapit
kay Hesus, nanikluhod at mangahulugang si Hesus ang B – Amen.
nagmakaawa: “Kung ibig po
ninyo’y mapagagaling ninyo
magmimistulang ketongin Pagdiriwang
ako.” Nahabag si Hesus at hinipo
pagkatapos. Sadyang dakila ang ng huling hapunan
pag-ibig ng Diyos sa tao. Kaya
siya, sabay ang wika, “Ibig ating hilingin sa ating Ama: Paghahain ng Alay (Tumayo)
ko. Gumaling ka!” Noon di’y
nawala ang ketong at gumaling T – Panginoon, dinggin mo ang P – Manalangin kayo...
ang tao. Pinaalis siya agad ni aming panalangin. B – Tanggapin nawa ng Pangi­
Hesus matapos ang ganitong noon itong paghahain sa iyong
mahigpit na bilin: “Huwag mong L – Para sa Santo Papa, mga mga kamay sa kapurihan
sasabihin ito kaninuman. Sa obispo, mga pari, mga diyakono niya at karangalan sa ating
halip ay pasuri ka sa saserdote. at mga relihiyoso’t relihiyosa: kapaki­nabangan at sa buong
Pagkatapos, maghandog ka Patuloy nawa silang daluyan ng Sambayanan niyang banal.
ayon sa iniutos ni Moises, pagpapagaling at pagpapala sa
upang patunayan sa mga tao mundo. Manalangin tayo: (T) Panalangin ukol sa mga Alay
na ikaw ay magaling na.” Ngunit
umalis siya at bagkus ipinamalita L – Para sa mga namamahala sa P – Ama naming Lumikha, kami
ang nangyari, anupat hindi na pamahalaan: Huwag nawa silang nawa’y dalisayin at panibaguhin
hayagang makapasok ng bayan mag-alinlangang bumalangkas ng ng aming gaganaping paghahain.
si Hesus. Naroon na lamang siya mga programang tutulong sa mga Kami nawa’y itaguyod ng
sa labas, sa mga ilang na pook, kapus-palad nating kababayan. gagawin naming ito sa pagnanais
at doon pinagsasadya ng mga Manalangin tayo: (T) naming sundin ang loob mo sa
tao buhat sa iba’t ibang dako. pamamagitan ni Hesukristo
L – Para sa lahat ng mana- kasama ng Espiritu Santo
— Ang Mabuting Balita ng nampalatayang Kristiyano: magpasawalang hanggan.
Panginoon. Matuto nawa tayong tanggapin B – Amen.
B – Pinupuri ka namin,Panginoong ang lahat ng tao anupaman ay
Hesukristo. antas ng kanyang dunong, yaman, Prepasyo (Karaniwan IV)
P – Sumainyo ang Panginoon.
B – At sumaiyo rin.
P – Itaas sa Diyos ang inyong
puso at diwa.
B – Itinaas na namin sa Pangi­noon.
P – Pasalamatan natin ang
Panginoong ating Diyos.
B – Marapat na siya ay pasala­matan.
P – Ama naming makapang­
yarihan, tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.
Siya ay naging kapwa naming
maaasahan upang may mangu-
nang umako sa pananagutan
dahil hangad mong magbago
ang kinamihasnang pagkakanya-
kanya ng sangkatauhan. Bunga
ng pagtitiis, siya ay nanaig at ang
kamatayan ay kanyang nilupig
kaya’t siya ang aming Daan para
aming masapit ang iyong tapat
at maaasahang pag-ibig.
Kaya kaisa ng mga anghel na
nagsisiawit ng papuri sa iyo nang dapat na magpatulóy sa iyo karunungang nagdudulot ng
walang humpay sa kalangitan, ngunit sa isang salita mo lamang kaligtasang walang hanggan.
kami’y nagbubunyi sa iyong ay gagaling na ako. B – Amen.
kadakilaan: P - Gawaran nawa ng kapa-
B – Santo, Santo, Santo Antipona sa Komunyon
(Slm 78:29–30) natagan ng Diyos ang inyong
Panginoong Diyos ng mga
pananampalataya na nasasalig
hukbo! Napupuno ang langit
at lupa ng kadakilaan mo! Sa pagkaing ibinigay ng Pangi- sa kanyang pagmamahal upang
Osana sa kaitaasan! Pinagpala noong Maykapal ay nasiyahan mamalagi kayong nagsisikap
ang naparirito sa ngalan ng ang tanan. Kanilang inaasaha’y gumawa ng kabutihan ngayon
Panginoon! Osana sa Kaitaasan! nagkamit ng katuparan. at magpasawalang hanggan.
(Lumuhod) Panalangin Pagkapakinabang B - Amen.
(Tumayo) P - Patnubayan nawa ng Diyos
Pagbubunyi (Tumayo)
P – Manalangin tayo. (Tumahimik) ang inyong paglakad sa daang
B – Aming ipinahahayag na hahantong sa kanya upang
namatay ang iyong Anak, Ama naming mapagmahal,
nabuhay bilang Mesiyas, at kaming pinapagsalo mo sa banal inyong taluntunin ang landas ng
magbabalik sa wakas para na pakikinabang ay gawin mong pag-ibig at kapayapaang walang
mahayag sa lahat. laging manabik na pagsaluhan hanggan.
ang kaloob mong ito sa aming B - Amen.

Pakikinabang ikabubuhay sa pamamagitan ni P – Pagpalain kayo ng maka-
Ama Namin Hesukristo kasama ng Espiritu pangyarihang Diyos, Ama at
B - Ama namin... Santo magpasawalang hanggan. Anak (†) at Espiritu Santo.
P – Hinihiling naming... B - Amen. B – Amen.
B – Sapagkat iyo ang kaharian at Pagtatapos
ang kapangyarihan at ang kapu­­ Pangwakas
rihan magpakailanman! Amen. P - Sumainyo ang Panginoon.
B - At sumaiyo rin. P - Tapos na ang Banal na Misa.
Pagbati ng Kapayapaan Humayo kayong taglay ang
Paanyaya sa Pakikinabang Pagbabasbas kapayapaan upang ang Panginoon
(Lumuhod) ay mahalin at paglingkuran.
P – Yumuko kayo’t hingin ang B - Salamat sa Diyos.
P – Ito ang Kordero ng Diyos. Ito biyaya ng Diyos. (Tumahimik) subscribe to our sambuhay
ang nag-aalis ng kasalanan ng Gawaran nawa kayo ng digital missalette
sanlibutan. Mapalad ang mga pagpapala ng maawaing For inquiries and orders:
inaanyayahan sa kanyang piging. Diyos upang lagi ninyong Sambuhay@stpauls.ph
B – Panginoon, hindi ako karapat- (02) 8895-9701
mapahalagahan ang kanyang

You might also like