You are on page 1of 5

Nobyembre 07, 2022

Lunes
Grade 9- Sincerity 7:15- 8:15 am
Grade 9- Faithfulness 1: 00-2: 00 pm
Grade 9- Orderliness 2: 00- 3: 00 pm

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


Ikalawang Markahan
Aralin 2 Mga Akdang Pampanitikan ng Silangang Asya
Aralin 2.1: Tanka at Haiku ng Japan

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:


1. Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku.
2. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku
3. Natutukoy ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tulang tanka at haiku

Layunin:
1. Nasusuri ang tono ng pagkakabigkas, pagkakaiba at pagkakatulad sa estilo ng pagbuo ng
tanka at haiku.
2. Nabibigyang halaga ang paraan ng pagkakabuo ng tulang tanka at haiku.
3. Natutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tulang tanka at haiku.
4. Natutukoy ang tono/ damdamin ng tanka at haiku.

Nilalaman:
A. Paksa: Tank at Haiku
B. Sanggunian: Panitikang Asyano pahina
C. Kagamitan: Power Point Presentation, Activity Sheet

I. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan (Salita ng Araw)
2. Balik- Aral
3. Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Ano ang paksa ng Haiku?
I. Iyong galangin,
Ang asawa’y yakapin
Huwag bugbugin.

II. Huwag nang buksan,


Lahat ng nakaraan
Walang sumbatan.

III. Planong pamilya,


Ay dapat ginawa
Ng mag-asawa.
A. Buhay may asawa B. Ang pag-aasawa
C. Pagpaplano ng Pamilya D. Pag-aaruga ng pamilya

2. Ang tula sa bilang 3 ay binubuo ng ilang taludtod o linya ang bawat saknong?
III. Planong pamilya,
Ay dapat ginawa
Ng mag- asawa

A. Apat C. Labimpito
B. Pito D. Tatlo
3. Anong uri ng katutubong tula ng mga hapon ang nasa ibaba?

Payapa at tahimik
Ang araw ng tagsibol
Maaliwalas
Bakit ang Cherry Blossoms
Naging mabuway?

A. Ambahan C. Tanaga
B. Haiku D. Tanka
Payapa at tahimik
Ang araw ng tagsibol
Maaliwalas
Bakit ang Cherry Blossoms
Naging mabuway?
4. Ano ang kabuuang bilang ng pantig sa saknong na ito?
A. 21 B. 35 C. 31 D. 2

Payapa at tahimik
Ang araw ng tagsibol
Maaliwalas
Bakit ang Cherry Blossoms
Naging mabuway?
5. Ano ang sukat ng bawat taludtod o linya ng tula?
A. 5-7-5-7-7 C. 5-7-5-7-7
B. 7-7-5-7-5 D. 7-7-7-5-5

4. Pagganyak:
Magbahagi ng iyong kaalaman tungkol sa bansang Japan

Japan

B. Paglinang ng Aralin
1. Gawain (Activity)
a. Paglalahad ng Aralin: Power Point Presentation
 Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa Tanka at Haiku
 Pagbibigay ng Halimbawa ng Tanka at Haiku

2. Pagsusuri (Analysis)
 Talakayin
a. Ano ang karaniwang paksa ng Tanka at Haiku?
b. Balikan ang binasang halimbawa ng Tanka at Haiku, ano ang nangibabaw na tono
o damdamin sa mga ito?
c. Bakit mahalaga ang paglalapat ng damdamin sa pagsulat ng tula?

3. Paghahalaw at Paghahambing (Abstraction and Comparisson)


a. Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tulang Tanka at Haiku?
b. Kung ikaw ang susulat ng ganitong uri ng tula? Anong paksa ang nais mong
talakayin? Ipaliwanag.
c. Gaano kahalaga ang paggamit ng matatalinhagang salita sa pagsulat ng tula?

4. Paglalapat (Application)

Gawain Bilang 1:
Panuto: Basahin at unawain. Suriin ayon sa bilang ng pantig, bilang ng linya, paksa, at
mensahe ng kahulugan ng matalinghagang pahayag na nakasalungguhit sa tulang Tanka at
Haiku, isulat sa kahon ang iyong sagot.

Naghihintay Ako sa Iyo (Tanka) Anyaya (Haiku)


Ni: Dhutay Ni: Mercy

I. Naghihintay mahal ko I. Ako’y nagalak


Nanabik ako sa ‘yo Sa iyong pagpaunlak
Sa yakap mo at halik Pusong busilak.
Naulila ‘ko
Tigang kong puso.

BILANG NG PANTIG: BILANG NG LINYA:

TANKA: TANKA:

HAIKU: HAIKU:

KAHULUGAN NG
PAKSA/MENSAHE:
MATATALINHAGANG PAHAYAG

TANKA:
TANKA:

HAIKU:
HAIKU:
TONO/ DAMDAMIN NG TULA

TANKA:

HAIKU:

II. Pagtataya
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Paano mo malaman na Haiku ang tula?
A. May tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5
B. May tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6
C. May tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2
D. May tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4

2. Ano ang kinaiba ng Tanka sa Haiku?


A. Tula na may limang taludtod, binubuo ng 7-5-7-5-7 na pantig
B. Tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong at may pitong pantig
C. Tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig
D. Tula na may 5 na taludtod may 7-7-7-7-7 na pantig

3. Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng sinalungguhitang salita?


Haiku

Lakbay ng hirap
Pangarap ng naglayag
Tuyong lupain
A. Pagtupad sa pangarap B. Pagtitiis para sa pangarap
C. Nagdarasal na makamtan ang pangarap D. Malayo ang tingin

4. Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng sinalungguhitang salita?


Tanka

Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay
Sa lilim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.
A. May patutunguhan B. Pagtitiis para sa pangarap
C. Nagdarasal na makamtan ang pangarap D. Malayo ang tingin

5. “Umulan ba kahapon?” Ano ang tono o layunin ng nagsasalita?


A. nagtatanong C. nagpapahayag
B. nag-aalinlangan D. Nagbubunyi
III. Kasunduan (Takdang- Aralin)
Magsaliksik tungkol sa ponemang suprasegmental.

Prepared by: Checked by:

Michaella L. Amante Luisa D. Vispo


Guro sa Filipino Head Teacher I

Noted by:

Marites O. Miranda
Principal III

You might also like