You are on page 1of 4

Learning Area FILIPINO

Learning Delivery FACE TO FACE


Modality

Paaralan Pedro Guevara MNHS Baitang 9


Guro Annie Belle M. Santiago Asignatura Filipino
Petsa Mayo 18, 2023 Markahan Ikaapat
Oras 9:40am - 10:40am Bilang ng Araw 1

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Naihahambing ang mga katangian ng isang ina noon at


sa kasalukuyan.
 Nailalahad ang sariling pananaw, at konklusyon tungkol
sa tungkulin ng isang Ina.
 Natutukoy ang mga kontekstwal na pahiwatig sa
pagbibigay kahulugan.

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra


maestrang pampanatikan ng Pilipinas.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie


trailer o storyboard tungkol sa isa ilang tauhan ng Noli Me
Tangere na binago ang mga katangian

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin ng Ina


(MELC) at ng Anak

II. NILALAMAN KABANATA XVI: SI SISA


III. KAGAMITANG PANTURO
a. Mga sanggunian Noli Me Tangere
b. Mga pahina sa gabay ng guro Pahina 60-61
c. Mga pahina sa kagamitang pang-mag-aaral
d. Iba pang kagamitang panturo TV, Powerpoint Presentation, Pisara
IV. PAMAMARAAN
A. AKTIBITI Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng liban
 Pagbibigay Alituntunin

Pagganyak
Panuto: Pakinggan ang bahagi ng awiting “Ugoy ng Duyan” ni
Levi Celerio at sagutin ang mga katanungan patungkol sa awitin.

Gabay na tanong:
1. Tungkol saan ang awitin?
2. Ano ang mensahe ng awitin?
3. Ano ang iyong naramdam matapos pakinggan ang
awitin?
B. ANALISIS Paghahawan ng Sagabal

Who wants to be a Millionaire?


Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may
salungguhit sa pangungusap.
1. Ang kanyang asawa ay isang lalaking walang pakialam at
palaboy-laboy.
a.naglalaro c. pagala-gala
b.mabisyo d. masama
2. Nilustay niya ang kaunting alahas ni Sisa para sa pagsusugal.
a. inaksaya c. binili
b. inubos d. kinuha
3. Hibang si Sisa sa pagmamahal sa kanyang asawa.
a. baliw c. traydor
b. tapat d. malungkot
4. Handang magtiis at tangisan ang kanyang asawa.
a.umiyak nang malakas c.magmahal
b.tumawa d. iyakan
5. Nagbilin ang asawa na ipagtira ng sasahuring kuwalta ni
Basilio.
a. pera c. gamit
b. alahas d. papel

Paglalahad ng Aralin
Panonood ng video ng Kabanata XVI – Si Sisa

Panuto: Pumili ng isang aklat at sagutin ang mga katanungan


batay sa napanood na kabanata.

Sino ang
may
Anong uri ng kasalanan sa Ilarawan si
asawa at ina ipinagkaga- Sisa.
si Sisa? yon ng
asawa ni
Sisa? Bakit?

Paano niya
pinatunayan
na mahal
Bakit naging
niya ang
balisa si
kaniyang
mga anak? Sisa?

C. ABSTRAKSYON Pangkatang Gawain


Pangkat 1
Nanay ko Noon, Nanay mo Ngayon!
Panuto: Isulat ang pagkakaiba at pagkatutulad ng isang ina noon
at ngayon. Gamitin ang venn diagram.

Noon Ngayon

Pangkat 2
Anak, Ang Arte ng Nanay Mo!
Panuto: Ipakita ang tungkulin ng ina sa anak at ng anak sa ina sa
pamamagitan ng tableau at ipaliwanag ito sa klase.

Pangkat 3
IslogaNanay
Panuto: Gumawa ng islogan na nagpapakita ng katangian ng
isang ina sa kasalukuyan at ipaliwanag ito sa klase.

Pamantayan sa Pagbibigay Puntos sa Pangkatang Gawain

Di-gaanong Mahusay
Napakahusay (10) Mahusay (8)
(6)
Maayos na nasunod Di gaanong nasunod
ang panuto ng ang panuto ng
Hindi nasunod ang
Gawain at angkop pagsusulit at nay
panuto ng iniatas na
ipinakitang hindi
ang presentasyon sa Gawain.
angkop sa iniatas na
iniatas na Gawain.
gawain.
Hindi naging maayos ang
Nagpamalas ng presentasyong
Maayos ang
kahanga-hangang ipinamalas.
presentasyong
presentasyon. ipinamalas.
D. APLIKASYON Panuto: Gumuhit ng isang bagay o larawan na maihahambing sa
iyong ina.

V. EBALWASYON Panuto: Lagyan ng tsek kung ang mga sumusunod na


kaisipan ay matatagpuan sa kabanata at ekis X naman kung
hindi.
___ 1. Ang dampa ni Sisa ay may isang oras na lakarin mula sa
bayan.
___2. Kahit bisyoso ang asawa ni Sisa ay hindi naman sila
pinabayaan.
___3. Nanghingi si Sisa kay Pilosopo Tasyo ng tapang usa at
isang hita ng patong bundok.
___4. Itinuturing ni Sis ana ang kanyang asawa ay Bathala at ang
anak ay mga anghel.
___5. Hindi kinain ng asawa ni Sisa ang pagkaing inihanda para
sa anak.
___6. Nang dumating ang asawa ni Sisa ay itinanong ang mga
anak na matagal na niyang hindi nakita.
____7. Naubos ang hiyas ni Sisa upang ipantustos sa bisyo ng
Asawa.
____8. Samantalang hinhintay ang mga anak ay umawit si Sisa
ng isang kundiman.
____9. Kabigha-bighani si Sisa noong hindi pa nagkakaroon ng
problema.
_____10. Natuwa si Sisa nang dumating ang dalawang anak na
hinihintay.

Inihanda ni:

Annie Belle M. Santiago


Gurong Nagsasanay

Binigyang pansin ni:

Rica Mae S. Flores


Guro I

Namasid nina:

Isabelita B. Hernandez
Ulongguro VI

Jay V. Bleza
Dalubguro I

Teresita C. Elayba, EdD


Guro sa Filipino; Prof.Ed 100

You might also like