You are on page 1of 6

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG

Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

KOLEHIYO NG EDUKASYON
Unang Semestre TP 2019-2020

FIL 209: PAGHAHANDA AT EBALWASYON NG KAGAMITANG PANTURO

Pangalan: Propesor: Joel Lim Zamora


Kurso/Seksyon: Araw/Oras: Sabado/ 5:00 – 8:00 n.g.

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

I. MGA LAYUNIN :
A. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari na nagpapaliwanag sa
pangunahing diwang nais palutangin ng teksto
B. Nasusuri ang mga damdaming nakaugnay sa pagkilala at pagpapahalaga sa
tauhang ipinakilala sa teksto.
C. Naisasagawa nang may kahusayan ng mag-aaral ang mga iniatas na gawain.

II. PAKSANG ARALIN :

PAKSA : Pagsusuri sa Obra Maestra


“Kasaysayan Ng Isang Ina” (Kabanata 21 – Noli Me Tangere)
GENRE : Nobela
TEORYA : Feminismo

III. PANIMULANG GAWAIN:


1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagpuna sa silid – aralan
4. Pagtala ng liban sa klase

IV. PAMAMARAAN :
A. PANIMULANG GAWAIN:
1. PAGGANYAK :
Pagpapalaro ng “charades” o mas kilalang “hulaan ng salita” na maaaring
naglalaman ng mga katangian ng isang tao o bagay na sinisimbolo ng ilaw na
ito.
1. Mapagmahal
2. Maunawain
3. Mapag-aruga
4. Maalalahanin
B. PAGHAWAN NG SAGABAL: (PAGLINANG NG TALASALITAAN)
Pagbibigay-kahulugan ng mga mag-aaral sa mga salitang di-pamilyar.

Si Sisa lakad – takbong sumagsag pauwi sa kanyang bahay.

Umuwi si Sisa sa kanyang dampa.

Pinangaykayan ng takot si Sisa.

Ang dupikal ng kampana ay narinig niya.

Nakadukmo siya sa isang sulok habang umiiyak.

C. PAGLALAHAD :

Pagpapakilala ng guro sa mga mag-aaral ng natatanging ina na


sinisimbolo ng ilaw.
“Kasaysayan Ng Isang Ina”
(Kabanata 21 – Noli Me Tangere)

D. PAGTATALAKAY SA ARALIN:
Paglalahad ng pamantayan sa pagmamarka

MARKA
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
PINAKAMAHUSAY PINAGHANDAAN INAASAHAN ANG
(3 PUNTOS) NAMAN PAG-UNLAD
(2 PUNTOS) (1 PUNTOS)

NILALAMAN NG PAG-UULAT (KUMPLETO ANG MGA


IMPORMASYONG NAIULAT)

PAGLALAHAD (MAAYOS NA NAILAHAD ANG MGA


IMPORMASYONG NAIS IPARATING SA MGA
TAGAPAKINIG)

PAGKAMALIKHAIN ( KINAKITAAN NG MAKABAGONG


PAMAMARAAN SA PAG-UULAT)

KAAYUSAN AT KAHANDAAN (NAGPAKITA NG KAAYUSAN


AT KAHANDAAN SA PAG-UULAT)

Kabuuang Puntos:
2. Pangkatang Gawain :

 Pangkat 1 : Ilarawan ang katangian o kaugalian ng mga tauhan sa


kabanata 21 ng Noli Me Tangere.

Tauhan

1. 2. 3.

 Pangkat 2 : Ilahad ang mga pangyayari na nagpapaliwanag sa


pangunahing diwa ng kabanata.

 Pangkat 3: Magbigay ng limang aral na iyong natutuhan sa kabanata 21 ng


Noli Me Tangere na ating napanood.
1.

5. 2.

Gintong
Aral

4. 3.

 Pangkat 4 : Bigyan ng pansariling wakas ang akda batay sa ikinilos ng


tauhan.

WAKAS

C. Pagbabahaginan ng napag-usapan ng bawat pangkat

D. Pagbibigay reaksyon sa napakinggan

E. Pagbibigay ng karagdagang tugon ng guro.


F. Pagbuo ng Sintesis
Inihalintulad ng mga mag-aaral ang kanilang magulang kay Sisa

Sisa Sarili kong ina

G. Pagtataya :
Tukuyin ang mga damdaming nakaugnay sa mga mahahalagang pangyayari sa
kabanata. Piliin ang angkop na sagot sa kahon. (5 puntos)

a. Pagkatuwa b. Pagkalungkot
c. Pagkahiya d. Pagkadismaya

____1. Nabuhayan ng loob si Sisa na buhay pa si Basilio ng makita ang pilas


ng damit ng kanyang anak sa kanilang bahay.
____2. Ikinalumo ni Sisa ang pagdala sa kanya ng mga gwardiya sibil sa kwartel.
____3. Nagpakita ng hindi pagsang-ayon ang alperes sa naging desisyon na
pagpapakulong kay Sisa kaya’t pinakawalan niya ito.
____4. Pilit na itinago ni Sisa ang kanyang mukha at pumagitna sa mga
gwardiya sibil habang naglalakad.
____5. Yumuko si Sisa pagdating sa harap ng simbahan sapagkat maraming
tao ang nakatingin sa kanya.

V. Takdang Aralin :
a. Pangganyak:
Ipanonood ang guro ng maikling video presentation sa mga mag-aaral
na may kinalaman sa gagawing takdang aralin.
b. Takdang Aralin:
Gumawa ng isang card na naglalaman ng liham para sa iyong ina.

Pamantayan sa Pagmamarka

Pinakamahusay Napaghandaan Inaasahan


(3 puntos) naman Ang
( 2 puntos ) Pag-unlad
( 1 puntos )
1. Kinakitaan ng kasiningan ang
isinagawang card
2. Ang isinagawang card ay may
wastong gamit ng mga salita at
bantas.
3. Organisado ang nilalaman ng card
Kabuuang puntos:

You might also like