You are on page 1of 2

Gabay sa Pagtuturo sa Filipino 10

Pangalan ng Guro: Elmer B. Indoy


Asignatura: Filipino 10
Paksa: (El Filibusterismo) Kabanata 6-Si Basilio
Kompetensi ng (F10PT-IVb-c-83) Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit
Pagkatuto sa binasang kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa nito.
(F10PD-IVb-x-62)Naiuugnay sa kasalukuyang pangyayari ang napanood sa video clip
ang pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda.
Layunin ng Kaalaman Nabibigyang kahulugan ang mga matatalinghagang salita sa kabanata.
Pagkatuto Kasanayan Naiguguhit ang isang sagisag/ simbolo na naglalarawan sa tema ng
kabanatang tinalakay.
Kaasalan Naiuugnay sa tunay na buhay ang pangyayari sa akda.
Mga Sanggunian
 Aklat at Internet
KAGAMITAN: Aklat, Pisara,TV, Laptop, at Biswal

Paghahanda Paunang *Panalangin


*Pagtala ng liban sa klase
*Balik-aral

Pangganyak
Bilang pangganyak, magpakita ng isang larawan ng orasan. Pagkatapos,
tanungin sila hinggil dito.

Mga gabay na tanong:


1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
2. Anong inyong interpretasyon o pakahulugan sa larawang inyong
nakikita?

Paghahawan Talasalitaan:
ng sagabal 1.Hinikayat-kinumbinsi
2.Walang kagatol-gatol- Hindi nagdadalawang isip
3.Sable-Uri ng sandata
4.Sobresaliente-Pinakamahusay
Paglalahad  Panonood ng video clip tungkol sa ika-6 na kabanata
 Pagtalakay sa ika-6 na kabanata ng El Filibusterismo
Kabanata 6-Si Basilio

Pag -unawa 1.Anong paksang diwa ng kabanatang pinamagatang “Si Basilio”?


2.Saan pumunta si Basilio nang simulan na ang pagtugtog ng kampana
para sa simbang gabi?
3. Ano ang palaging nasa alaala ni Basilio sa loob ng labintatlong taon
tuwing sumasapit ang araw at gabi ng bisperas ng pasko?
4. Sino ang nagkupkop kay Basilio?Paano siya nakupkop ng taong ito?
5. Ilarawan ang karanasan sa pag-aaral ni Basilio sa Letran nang unang
dalawang taon.
6. Paano nagtagumpay sa buhay si Basilio?
Abstraksyon 1.Dapat bang tularan si Basilio ng kasalukuyang kabataan? Bakit?
2.May umiiral pa bang mga paaralang katulad ng nabanggit sa binasang
kabanata?
3.Anong ginintuang aral ang inyong napupulot sa kabanata?
Paglalapat PANGKATANG GAWAIN
Panuto: Bumuo ng isang sagisag/ simbolo na naglalarawan sa tema ng kabanatang
tinalakay.
Mga pamantayan:
Kaangkupan sa paksa -20%
Pagkamalikhain -20%
Presentasyon -10%
50%

Pagtataya I.Pagkikilala
Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na katanungan. Bawat bilang ay may bigat
na isang puntos.
____________1.Siya ang anak ni Sisa na kumuha ng kursong medisina.
____________2.Lugar kung saan inilibing si Sisa.
____________3.Siya ang nagkupkop kay Basilio at pinaaral .
____________4.Paaralan kung saan kinutya at minaliit si Basilio.
____________5.Siya ang kasintahan ni Basilio.
II.Pagpapaliwanag
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan. Bawat bilang ay may
bigat na limang puntos.
1. Ano ang paksang diwa ng kabantang pinamagatang “ Si Basilio’?
2. Ilarawan ang karanasan sa pag-aaral ni nBasilio sa Letran ng dalawang
taon.
3. Anong ginintuang aral ang inyong napupulot sa kabanata?

Takdang-Aralin Panuto: Ipagpapalagay na kayo si Basilio. Gumawa ng isang video at bumuo ng


isang monologo tungkol sa karanasan ni Basilio .

ANNOTATION:
Our students need to be engaged in learning in a variety of ways, but collaborative learning
has been identified as a necessary skill for success in the 21st century and also an essential
component of deep learning.

Cooperative learning involves students working together to accomplish shared goals, and it is
this sense of interdependence that motivates group member to help and support each other.

As teachers, our role plays in establishing cooperative learning in the classroom are critically
important for its success. This involves being aware of how to structure cooperative learning
in groups.

During my second Classroom Observation, I grouped my students into four groups and they
drew a symbol that describes the theme of the story that we tackled. This strategy is one of the
instructional strategies of Robert Marzano which is on cooperative learning. Research showed
that organizing students into cooperative contributes a positive effect on learning.

You might also like