You are on page 1of 1

Ang pilipinas ay isang bansa na sobrang pinahahalagahan ang kultura.

Ayon sa
depinisyon, ang kultura ay isang dinamikong sistemang panlipunan na naglalaman ng
paniniwala, pagpapahalaga, pag-uugali at pamantayan ng isang organisasyon o lipunan. At ito
ay sama-sama ibinabahagi ng bawat isa sa isat-isa na naglalayung mabago ang miyembro ng
lipunan. Ang kultura ay binubuo ng ibat ibang katangiang ibinabahagi, natutunan, mga simbolo
at dinamikong kultura. Subalit ang kulturang popular na kadalasang ini-uugnay bilang "pop
culture" ay patuloy na nagbabago at lubos na naiimpluwensyahan ang mga tao sa lipunan
maging sa buong mundo. Halos imposibleng maibahagi ng isang indibidwal ang kasaysayan ng
isang bansa na hindi naipapasok ang kulturang popular. Ang kulturang popular ay hinuhubog at
binibigyang kahulugan ang mga paniniwala at pagpapahalaga at ito rin ay nakakaapekto sa
pangaraw araw na buhay ng mamayan sa lipunan. Ang social media, pati na rin ang pagnanais
o indibidwal na makiisa at makiayon sa daloy ng mga uso, ang syang nagtutulak sa aitn upang
yakapin ang kulturang popular.

Ang popular na kultura ay isang bagay na makikita at mararanasaan ng isang indibidwal


sa pangaraw-araw na buhay. Ito ay binubuo ng ibat ibang kategorya kabilang sa mga ito ay
makikita sa laranagan ng pelikua, telebisyon, musika, isports at politika. Sa pelikula nakatatak
na sa isip ng tao ang mga love team tulad ng kathniel at jadine na hindi maitatatangging malaki
ang nagging ambag sa industriya ng pelikuala. At mga pelikula na sumasalamin sa realidad ng
ating lipunan tulad ng “Buy Bust” na pinagbidahan ni Anne Curtis, kung saan pinapakita ang
isyu ng droga at extrajudicial killing. Sa telebisyon naman na hindi maitatanggi na daluyan ng
impormasyon at mga isyung lipunan. At siyempre sa industriya ng musika kung saan patuloy na
isinusulong ng mga pilipinong manunulat ang pagtangkilik sa OPM tulad na lamang ni Lea
Salonga, Apple D App, Rachelle Ann Go na nagkamit ng pambansang pagkilala sa ibang
bansa. Ang partisipasyon ng mga kilalang personalidad sa internasyunal na tanghalan tulad ni
Kz Tandingan ay nagaangat n gating pambansang pagkakakilanlan o “Pilipino Pride”. Ngunit
hindi rin papahuli sa larangan ng isports na mas tinangkilik ng karamihan ngayon pandemic ang
online sports. Kamakailan lang ay may dalawang Pilipino ang nagwagi sa isang international
dota tournament. At namumukod tangi rin ang isports na basketball,na sa kahit saan lugar dimo
malilingatan ang mga basketball court na syang isa sa mga pangunahig libangan ng kabataan
sa panahon ngayon. At bilang panghuli ay pulitika, lalo na at nalalapit na ang araw ng halalan,
ang paglalatag ng plataporma at ibat ibang political agenda. Mga platapormang nagnanais na
masagot at masolusyunan ang ibat ibang isyung panlipunan na kinakaharap ng bansa.
Kamakailan lang ay naglipana ang isyu tungkol sa paltan ng opinion ng mga taga suporta ng
mga kandidato sa kani-kanilang tinatangkilik na politiko. Kauugnay nito ay ang diumano ay mga
alitan sa pagitan ng mga magkakakilala dahil sa pagkakaiba ng paniniwala at sinusuportahang
kandidato. Sa papalapit na halalan ay muli na namang mangingibabaw ang papel na
gagampanan ng media bilang tagapagbantay ng lipunan.

Bagama't maraming mga tao ang naniniwala na ang kulturang popular ay may
negatibong epekto sa buhay natin at ng ating mga anak, dahil ito ay kadalasang naglalaman ng
walang kabuluhang impormasyon. At pagkababad sa harap ng mga telebisyon o kompyuter, ito
ay talagang isang napakahalagang aspeto ng ating buhay na nagpapahintulot sa ating lipunan
na magkaroon ng maayos at mas madaling sistema ng pamumuhay.

You might also like