You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

GOVERNOR MARIANO E. VILLAFUERTE COMMUNITY COLLEGE-SIRUMA


Poblacion, Siruma, Camarines Sur
gmvcc.siruma@gmail.com

SINESOS

Sinesyodad/Pelikulang Panlipunan
Ang SINESOS ay kurso sa Panitikan na nakatuon sa paglinang sa kasanayan sa kritikal na panonood at komparatibong pagsusuri ng mga pelikulang
makabuluhan sa konteksto ng Pilipinas.
2nd Semester Academic Year 2021-2022
HVACT 3 T Th. 07:30am - 9:00am | CHS 3 T Th. 10:30pm - 12:00nn | AUTO 3 T Th. 2:30pm - 04:00pm

Modyul 2: Pelikulang Panlipunan

MA. JONALYN A. MONTEJO


Instructor
Konsultasyon
Kung may mga katanungan tungkol sa modyul gamitin ang mga medyang ito:

09989481426

m.me/majonalyn.montejo.083098

mjamontejo083098@gmail.com
MODULE 2 | PELIKULANG PANLIPUNAN

Unit 3: Mga Pananaw at Teoryang


Pampelikula

LAYUNIN

Sa pagtatapos ng modyul inaasahan na:


a. Matutukoy ang iba't ibang pagdulog sa pagsusuri ng pelikula
b. Maibibigay ang kahulugan batay sa sariling pagkakaunawa ng mga pagudlog.
c. Masusuri ang nilalaman ng pelikula

…………………………………………………………………………………………….

MGA DULOG SA PAGSUSURI NG PELIKULANG

Ang isang pelikulang panlipunan ay nagkakaroon ng silbi kapag ito ay pinahahalagahan ng mga
tagapanood sa isang lipunan kabilang na rito ang mga magaaral at guro sa akademya. Ang
PANLIPUNAN
pagpapahalaga ng isang pelikulang panlipunan ay maaaring maipakita sa pamamagitan ng isang
simpleng panonood, sa isang pagtatanghal o sa isang panunuring pampelikula.

Ang sumusunod ay ang mga dulog na makatutulong sa pagsusuri ng mga


pelikulang panlipunan:

✓ Realismo
✓ Moralismo
✓ Sikolohikal
✓ Feminismo
✓ Marsismo
✓ Ideolohiya

Realismo
▪ Depinisyon ng Realismo
Nagpapahayag ito ng pagtanggap ng katotohanan o realidad ng buhay. Nangangahulugang
lantarang ipinakikita sa dulog na ito ang kung ano ang mga tunay na pangyayari sa buhay ng mga
tauhan sa pelikula sa lipunang kanilang kinabibilangan nang walang bahid na pagkukunwari,
maging ito’y nagpapakita ng kagandahan o kapangitan ng isang lipunan.

2|P a ge
SINESOS | SINESYODAD/PELIKULANG PANLIPUNAN
MODULE 2 | PELIKULANG PANLIPUNAN

▪ Deskripsyon ng Realismo

Ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang


kalagayan ng nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at
diskriminasyon. Madalas din itong nakapokus sa lipunan at gobyerno. Ipinaglalaban ng dulog
realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa
mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang
nakapokus ito sa paksang sosyo-pulitikal, kalayaan, kamangmangan, kriminalidad, bisyo,
prostitusyon, at kawalan ng katarungan para sa mga naaapi.

Halimbawa ng mg Pelikulang masusuri sa dulog realismo ay ang:

1. Metro Manila 5. Dekada 70


2. Anak 6. Cobrador
3. Maynila sa Kuko ng Liwanag 7. Sakay
4. Eskapo
▪ Kasaysayan ng Realismo

Ang realismo ay isang malaking kilusang umusbong sa larangan ng sining noong siglo
1900. Layon nitong ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa isang makatotohanang
pamamaraan. Itinatakwil ang ideyal na paghuhulma at pananaw sa mga bagay (Villafuerte, et al,
2006).
Unang ginamit ang terminong realismo noong 1826 ng Mercure franciais du XIX siecle sa
Pransya bilang paglalarawan sa doktrinang nakabatay sa makatotohanan at wastong
paglalarawan ng lipunan at buhay. Nagkaisa ang mga realistikong Pranses sa pagtakwil sa
pagiging artipisyal ng klasismo at romantisimo. Sinikap nilang ipakita ang buhay ng mga
panggitna at mababang uri ng tao, ng mga pangkaraniwan, ng mga kagila-gilalas ng mga
mapagkumbaba at ng mga hindi nakikita. Sa proseso inilabasa ng realismo ang mga di-kapansin-
pansin at kinakalimutang bahagi ng buhay sa lipunan (Villafuerte, et al, 2006).

Naging masigla ang talakayan tungkol sa realismo noong unang bahagi ng 1900 na siglo.
Nakatulong dito ang kilusang anti-romantisismo sa Alemanya kung saan mas nagtuon ng pansin
ang sining sa pangkaraniwang tao. Idagdag pa rito ang pagtataguyod ni Auguste Comte (Kilalang
Ama ng Sosyolohiya) ng posibistikong pilosopiya sa paglulunsad ng siyentipikong pag-aaral; ang
pag-unlad ng propesyunal na jornalism o kung saan iniuulat nang walang bahid na emosyon o
pagsusuri ang mga kaganapan; at ang paglago ng idustriya ng potograpiya (Villafuerte, et al,
2006).

▪ Pinahahalagahan ng Realismo

Ang realismo ay sukdulan ng katotohanan, higit na binibigyang pansin o pinahahalagahan nito


ang katotohanan kaysa kagandahan. Nakatuon sa makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng
mga bagay, mga tao at lipunan. Higit na pnahahalagahan ang paraan ng pagsasalaysay kaysa paksa.
Nilalayon nitong maipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan.

3|P a g e
SINESOS | SINESYODAD/PELIKULANG PANLIPUNAN
MODULE 2 | PELIKULANG PANLIPUNAN
Samakatuwid ang panitikan ay hango sa totoong buhay subalit hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang isinulat.
May iba’t ibang pangkat ng pagdulog realismo sa Pelikulang Panlipunan:
1. Pinong (Gentle) Realismo. May pagtitimping ilahad ang kadalisayan ng bagay-bagay at iwinawaksi
ang anumang pagmamalabis at kahindik-hindik.
2. Sentimental na Realismo. Mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa damdamin kaysa kaisipan sa
paglutas ng pang-araw-araw na suliranin.
3. Sikolohikal na realismo. Inilalarawan ang internal na buhay o motibo ng tao sa pagkilos.
4. Kritikal na Realismo. Inilalarawan ang ang gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang
mga espektong may kapangitan at panlulupig nito.
5. Sosyalistang Realismo. Ginagabayan ng dulog Marxismo sa paglalahad ng kalagayan ng lipunang
maaaring mabago tungo sa pagtatayo ng mga lipunang pinamumunuan ng mga anak pawis.
6. Mahiwagang (Magic) Realismo. Pinagsanib na pantasya at katotohanan nang may kamatayan. Higit
na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.

Mga Gabay na Tanong sa Pagsusuri ng Pelikulang Gumagamit ng Dulog


Realismo
1. Ano ang paksang-diwa ng pelikula? Paano ito ipinakita sa bawat tagpo nito?
2. Anu-ano ang mga karanasang panlipunang ipinakikita sa pelikula?
3. Realistiko o makatototohanan ba ang pelikula? Patunayan ang mga ito.

MORALISMO

Pagnilayan: “Di sapat na matutuhan ng isang indibidwal ang tungkol sa kawayan buhat
sa isang kawayan, siya na rin mismo ang dapat maging kawayan” ([Noorinaga, 1730-1801],
Mendiola at Ramos, 1994).

Ang moralismo ay isa sa mga pananaw na ginagamit sa mga pagsusuri ng iba’t ibang tekstong
pampanitikan gaya ng pelikula. Gumagamit ito ng sukatan ng tamang pag-uugali o ugaling itinatampok
sa isang pelikula bilang instrumento sa sosyalisasyon ng mga manonood. Ang pananaw na ito ay may
layuning mabigay–aral sa mga mambabasa. Masasabing ito ay ekstensyon ng pananaw humanismo
dahil sa pagbibigay-halaga ng mga humanista sa pagpapanatili ng integridad at dignidad ng tao bilang
nilalang na may isip.

Isa sa mga impluwesyal na kritiko na nagbigay ng malaking pagpapahalaga sa teoryang


moralismo ay si Horacio (Horace). Ayon sa kanya, may dalawang bagay na naidudulot ang tula sa
mambabasa: ang dulce, ang aliw at kaligayahang naipadarama ng akda; at utile, ang aral at kaalamang
naibibigay ng akda. Malinaw na ang pangunahing tungkuling dapat gampanan ng mga manunulat sa
teoryang ito ay ang magbigay-aliw, magsilbing guro at tagapangaral sa kanyang lipunan.

Dahil may didaktibong oryentasyon ang mga akdang moralismo, itinuturing ang panitikan
bilang tagaakay sa tao sa mabuting landas.

4|P a g e
SINESOS | SINESYODAD/PELIKULANG PANLIPUNAN
MODULE 2 | PELIKULANG PANLIPUNAN
Sa panahon ng katutubo, maituturing na mga akdang didaktiko o moralistiko ang mga
salawikain, kasabihan, pabula, ilang alamat at iba pang mga kwentong-bayan nito.

SIKOLOHIKAL

Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakitang mga salig (factor)


sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa
kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagonbg ehavior
dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito

Ginagamit ang sikolohiyang pagdulog bilang isang proseso sa pagiging malikhain ng


manunulat. Ito rin ang maaaring magagamit bilang pagdulog upang matugunan ang mga katanungan
kung ano ang naging dahilan na nagtulak sa mga karakter, manunulat, paggamit ng mga simbolikong
kahulugan ng mga pangyayari at lugar.

Si Kurt Lewin ay nagwika na wala ng pinakapraktikal pa sa pagkakaroon ng magandang


teorya. Sa usaping pag-aanalisa mahalaga ang sikolohiyang teorya bilang gabay sa pagsasanay sa
edukasyon, kalusugang pangkaisipan, at iba pang domeyn. Tinutugunan ng pagdulog na ito ang mga
katanungang nauukol sa maraming uri ng pag-iisip saklaw na ang emosyon, pagkatuto, emosyon at
paglutas ng problema.

Ang pelikula, sa kanyang pinaka-esensiya ay pag-uugaling (behavior) itinatanghal sa iskrin.


Kung nagkakaroon ang isang mag-aaral ng kakayahang makapag-analisa sa sikolohikal na aspeto ay
mas nagiging kasiya-siya ang kanyang nagiging karanasan sapagkat nagkaroon siya nang mas malalim
pang pag-unawa sa pelikula. Sa pagkakaroon din niya ng kakayahang makapag-analisa ng pelikula
gamit ang sikolohikal na pagdulog ay mas nabibigyan sila ng pagkakataon na mapanood ang pelikula
hindi lamang bilang libangan, nagsisilbi rin ito hanguang materyal ng mga halimbawa at maaaring
hanguan ng mga modelo sa iba’t ibang tipo ng makataong pag-uugali.

Ang sikolohiya ay tumutukoy sa sistematikong pag-aaral ng interaksyon ng kaisipan ng tao sa


lipunang nakapaligid na maaaring makapagdulot sa kanyang paguugali. Ang metodo sa pag-iimbestiga
sa misteryo sa likod ng kaisipan at di-konsyus na gawain ng kaisipang-pantao ay maaaring suriin gamit
ang sikolohiya. Ang prosesong kaisipang ito ay maiuugnay sa pag-aaral ng pelikula sa paggawa ng
sikoanalisis sa mga pelikula.

Sa ika-19 na siglo ay ipinakilala ni Sigmund Freud ang siko-analitikal na proseso ng mga


pelikula na isinasagawa pa rin sa buong mundo kahit sa kasalukuyan. Dalawa sa mga kilalang
indibidwal ang nagpakilala sa siko-analiktikal na teorya. Ito ay ang Freudian at Lacanian na teorya ng
siko-analisis. Nagsimula ang siko-analitikong teorya sa pamamagitan ng pag-unawa sa kaisipan na
nagnanais na matupad ang pangangailang at ninanais o maaaring mauwi lamang pagkaawa o
pagkamuhi sa sarili dulot ng kasalanan. Ang damdaming ito ay nababaon sa kailalaliman ng di-konsyus
na pag-iisip ng tao.

Tulad din ng bayograpikal na pagdulog, nakaangkla rin ang sikolohikal na pagdulog sa


ekspresibong pananaw. Ipinalalagay sa pananaw na ito na ang akdang pampanitikan ay nagsisiswalat
ng isip, damdamin, at personalidad ng may akda. Kung gayon, inaanalisa sa pagdulog sikolohikal ang

5|P a g e
SINESOS | SINESYODAD/PELIKULANG PANLIPUNAN
MODULE 2 | PELIKULANG PANLIPUNAN
ugnayan ng may-akda at ng kanyang akda. Upang maiskatuparan ito, tulad ng bayograpikal na pagdulog,
kailangang may kaalaman ang mambabasa sa buhay ng may-akda.

Ang mambabasa gamit ang sikolohikal na pagdulog ay nag-aanalisa sa proseso ng paglikha ng


akda at ang ugnayan ng may-akda sa kanyang akda, ang dahilan sa paglikha ng akda na nakabatay sa
pinagdadaanang buhay ng may-akda. Ipinalalagay dito na ang nararamdaman at iniisip ng mga tauhan
ay siya ring damdamin at isipang naghari sa may-akda at/o kaya ay nais na mangyari nito ang di
namamalayan.

Maaari rin namang gamitin ang sikolohiyang pagdulog sa pagsusuri sa mga tauhan at
pangyayari sa akda nang di inaalam ang buhay ng may akda. Sinusuri rito ang mga tauhan sa akda, ang
kanilang mga kilos at kaisipan, ang relasyon ng bawat isa, kung bakit nagbago ang dating paniniwala,
kung bakit tinatalikuran ang dating ipinakikipaglaban, ang pinagdadaanang buhay o mga pangyayaring
nakaapekto o nakakaapekto sa kanilang mga pananaw.

Malaking impluwensiya sa sikolohikal na pagdulog si Sigmund Freud, isang sikolohista, na


nagsabi na natuklasan ng mga makata at pilosopo ang unconscious bago ako; ang natuklasan ko ay ang
pamamaraan siyentipiko upang pag-aralan ito (Reyes, 1992:46).

Ayon kay Freud, ang tao ay tulad ng isang iceberg na nakalutang na may dalawang bahagi- ang
nakikitang bahagi at ang bahaging nakalubog sa tubig. Itinutulad niya ang nakalutang na bahagi sa
conscious o ang pagiging malay ng isang indibidwal tungkol sa kanyang sarili.

FEMINISMO

May mga pelikulang nakatuon sa panahon ng pagkayanig ng halos buong mundo sa kamalayan
ng mga feminista hanggang sa kasalukuyang panahon. Nagmula ang Teoryang Feminismo sa mala-
banyagang artikulasyon sa pagsasakasaysayan sa mga natamong karapatan at karanasan ng
kababaihan noong ika-19 hanggang bungad ng ika-20 siglo ni Virginia Wolf. Naging tanyag ang
pangalang Virginia Wolf sa akdang A Room of One’s Own, nagsasaad ng karapatan ng isang babae na
magkaroon ng espasyo na dapat nirerespeto at pinapahalagahan upang ang babae ay malayang
makakilos at makapagdesisyon ng ayon sa nararapat sa kanya. Na hindi lamang umiikot ang buhay ng
isang babae sa pag-aasikaso’t pagsisilbi sa anak at asawa o sa buong tahanan. Tinuligsa rin ni Wolf hindi
lamang ang kanyang bansa na ugat ng diskriminasyon, kundi maging ang mga ina na dapat sana’y
tutulong para makapag-aral ang mga anak na babae at guminhawa. Diin ni Wolf na hindi tamad ang mga
babae, pinagkakaitan lamang sila ng espasyo o pagkakataong ipakita ang kanilang kakayahan. At hindi
lamang sa lipunan nag-uugat ang suliranin kundi mismo sa mga kababaihang ayaw kumilos para
ipaglaban ang karapatan at kalayaang makapagsalita, makapag isip, makadama at magkaroon ng
pangalan at pagkakilanlan.

Walang ibang nilalayon ang feminismo kundi ang mabigyan ang babae ng sariling tinig,
magkaroon ng pantay at oportunidad sa lahat ng aspeto ng buhay panlipunan, maging malaya sa
pagpapahayag, at wakasan ang anumang pagsasantabi batay sa kasarian at seksuwalidad (Evasco et.al
2011). Naniniwala ang feminismo na may pagkakaiba ang lalake at babae, na hindi maaaring magpantay
ang dalawa sa pisikal na aspekto. Kaya ang ninanais at ang mga ipinaglalaban ng mga feminista – ay ang
magtataglay ng parehong karapatan sa lipunan na kailanman ay hindi magiging basehan ang kasarian.
Na siya naman ang nararapat na matamasa ng lahat upang maiwasan ang di pagkakaunawaan sa isyung
6|P a g e
SINESOS | SINESYODAD/PELIKULANG PANLIPUNAN
MODULE 2 | PELIKULANG PANLIPUNAN
pangkasarian. Ito ang prinispyong dapat matamasa din ng babae ang mga karapatang sosyal,
ekonomiko, at politikal.

Sa kasalukuyang panahon may transisyon o pagbabago ng papel ng babae ang makikita sa


pelikula na tunay na nangyari sa lipunan. Ang mga pagbabagong ito ay tinanggap at tinutuligssa ng
lipunan ng pakikilahok sa pulitika, maraming babae ang sumabak sa pulitika upang makapaglingkod sa
bayan. Mga babeng may mataas na posisyon sa hukbong sandatahan na nakipaglaban upang makamtan
at mapanatili ang kapayapaan. May mga babae na ring pumasok sa larang ng medisina, abogasya,
enhinyero, piloto at iba pa na dati ay pawang mga kalalaki o karamihan ay mga lalaki lamang ang
kumukuha. Kahit sa pangalan ay may pagbabago na rin, na kung dati kapag pangalan ng isang babae ito
ay kadalasang nagtatapos sa titik /a/. Subalit ngayon may mga pangalan na ng mga babae na katulad ng
mga pangalan ng lalak gaya ng Alex, Rome, Justine, Jess, Joy, Charls at marami pang iba. Ang mga ito ay
iilan lamang sa nangyayaring transisyon na nararapat lamang bigyan ng kahalagahan.

Totoong magpahanggang ngayon ay isa pa rin sa problema ng lipunan ang di pantay na


pagtrato sa mga babae at ang mababaw na pagtingin sa kanilang kakayahan dahil sila ay babae. Kaya’t
hangarin ng feminismo na isulong ang ideolohiya ng pagkakapantay-pantay. Ang feminismo ay
maituturing na isang adbokasiya ng kababaihan upang ipakita sa buong mundo na ang mga babae ay
may silbi at karapatang magdesisyon sa kanilang sarili. Sa loob ng mahabang panahon na ipinaglalaban
ang pagkakapantay-pantay ng pagtrato ng babae sa lipunan hanggang sa kasalukuyan ay dumarami na
ang sumusuporta at ang pelikula ang isa sa nagpapakita ng mga ideolohiyang kaugnay ng feminismo .

PELIKULA AT FEMINISMO

Sapagkat ang pelikula ay bahagi ng panitikan, ito ay sumasalamin sa buhay ninuman.


Maraming manunulat ng panitikan ang isinilang, marami ang natutong humawak ng lapis at papel
upang magkaroon ng saysay ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagsusulat. Mula sa mga oral na
panitikan, ang mga kwento ng buhay at karanasan ay naisatitik na at ang mga akdang ito ay nababasa
natin hanggang sa ngayon. At mula sa mga nababasang akdang pampanitikan, ilan sa mga ito ay dinala
pa sa entablado sa pamamagitan ng dula hanggang sa panahong ang mga pagsasadula sa entablado ay
lalong pinasining sa pamamagitan ng paglalapat ng teknolohiya na tinatawag na isang pelikula.

Ang pelikulang S. Estella L. ay isa sa mga pelikulang nagpapakita ng Feminismo. Ang pelikula
ay tungkol sa isang madre na namulat sa mga suliraning panlipunan na hindi dapat balewalain nang
sinuman maging ang simbahan o kongregasyon na kanyang pinaglilingkuran bilang isang Guidance
Councilor sa mga inang walang asawa o unwed mothers.

Unang makikita ang feminismo nang tanggihan ng pinuno ng ng kongregasyon ang


pakikilahok ni S. Estella sa pakikibaka ng mga maliliit na manggagawa na nagwelga dahil sa maliit na
sahod. Alam ng buong kongragasyon na gustong-gusto ni S. Estella ang tumulong sa kapwa ngunit hindi
sa pagsali sa welga sapagkat siya ay isang babae at higit sa lahat isa siyang madre. Ipinapakita ang
pagiging isteryotipo na ang mga babae ay mahihina at delikado sa isang babae ang sumama sa mga
gawaing panlalaki tulad ng welga. At higit sa lahat dahil siya ay isa pang madre, ang lugar na nararapat
sa kanya ay ang kumbento. Patunay lamang na mababa ang tingin ng lipunan sa mga babae. Subalit sa
kabila ng lahat ay pinili pa rin ni S. Estella ang sumama sa welga kasama ang mga maliliit na manggawa
at iniwan ang kumbento. Kahit na may pagbabanta mula sa pinuno ng kongregasyon na wala siyang
7|P a ge
SINESOS | SINESYODAD/PELIKULANG PANLIPUNAN
MODULE 2 | PELIKULANG PANLIPUNAN
suportang makukuha sa kanila ay ipinagpatuloy pa rin ni S. Estella ang kanyang balak na sumama sa
welga upang ipakita ang pagsuporta nito sa mga maliliit na manggagagawa.

Ikalawang tagpo na nagpapakita ng feminismo ay nang muling nakasama ni S. Estella L. ang


dati niyang kasintahan na si Nick na ngayo’y isa ng mamamahayag at manunulat sa paksang Church
Activism. Lagi silang nagkakapalitan ng mga saloobin na lagi namang nauuwi sa pagtatalo sapagkat
magkaiba ang kanilang paninindigan. Ayaw ng pag-usapan ni S. Estella L. ang kanilang dating relasyon
subalit pilit pa ring sinasariwa ni Nick ang mga pangyayari bago pumasok si S. Estella ng kumbento.
Ninais ni Nick na maibalik ang kanilang relasyon bilang magkasintahan subalit matapat si S. Estella L sa
kanyang bokasyon bilang madre. Hindi nagtagumpay si Nick sa kanyang hangarin laban sa paninindigan
ni S. Estella sa kanyang piniling buhay bilang isang madre. Ayaw ni S. Estella ang maging sunud-sunuran
sa gusto ng kanyang dating kasintahang si Nick.

Sa ikatlong tagpo, muling makikita ang pagiging feminismo ng pelikula nang ipagpatuloy ni S.
Estella L. ang kanyang pakikibaka laban sa mapang-aping lipunan. Walang sinuman ang
makapagbabago ng desisyon ni S. Estella L. kahit na makaranas pa siya ng matinding pananakot mula
sa mga tauhan o goons ng may-ari ng pabrikang kanilang kinakalaban sa welga. Nasaksihan ni S. Estella
L. ang kalupitan ng mga taong dumukot sa kanila ni Nick at Ka Dencio para lamang patigilin sila sa
kanilang pagwe welga. Naranasan niya ang karahasan ng mga taong walang respeto sa kanya bilang
isang babae at bilang isang madre. Dulot ng matinding takot at pagod ni S. Estella L.

Sa huling tagpo ay nananatiling matatag at matapang si S. Estella sa pakikipaglaban sa


mapang-aping lipunan lalo na sa pagkakataong iyon ay pinaslang na ang lider ng mga welgehista na si
ka Dencio. Totoong matatapang ang mga kasamahan niyang mga maliliit na manggagawa subalit si
Estella L. ang kanilang lakas upang labanan ang karahasan at kalupitan ng may-ari ng pabrika.
Nangingibabaw ang lakas ng isang babae lalo na ang pagiging madre na tinutuligsa nang nakararami.
Dahil sa kalakasan ni S. Estella L. ay lalong dumami ang dumamay sa mga manggagawa. Lalong dumami
ang tumulong sa kanilang pakikibaka para sa pagkamit ng hustisya. Hindi lamang mga ordinaryong
manggagawa ang sumama sa kanila kundi pati na rin mga madre at pari ay nakikiisa sa kanila upang
ipagsigawan ang kalayaan at karapatang pantao. Si S. Estella L. ang simbolo ng katapangan, ang nag-
udyok sa mamamayan na makibaka at huwag matakot!

Ayon kay Villafuerte et.al (2006), ang feminismo ay pagsusuri ng panitikan at awtor mula sa
punto de vista o pananaw ng isang feminista. Sinusuri ng/sa feminismong kritisismo ang papel na
ginagampanan ng mga babaeng karakter at ang mga temang ikinakabit sa kanila. Ipinapakita rito na ang
karakter sa panitikan ay malinaw na pinagsama-samang konstruksyon, hindi lamang ng mga manunulat
kundi maging ng kulturang kinabibilangan nila para itaguyod ang patuloy na dominanteng kalagayan
ng mga lalaki sa lipunan at kultura.

Dagdag pa niya na sa pagtakbo ng panahon at kasaysayan, marami ang namulat sa


pangangailangng bigyang pansin ng mga kababaihan kung hanggang saan ang partisipasyon nila sa mga
institusyong panlipunan. Lumakas ang pagnanasang baguhin ang tradisyon na ang nakasulat na akda
ng kababaihan ay sapat na upang kumatawan din sa karanasan at mundo ng babae. Ito ang batayan sa
pangangailangan ng pagbabago upang malayong mabuo ng babae ang kanyang sarili.

Sa ngayon mababasa pa rin natin sa mga aklat at mapapanood pa rin sa mga pelikula ang
usaping pangkababaihan at ang di pantay na pagtingin sa isyung ito. Naririnig pa rin natin sa mga balita
ang pang-aabuso sa kababaihan na parang walang halaga sa lipunan. Ang di ganap na kamalayang
8|P a g e
SINESOS | SINESYODAD/PELIKULANG PANLIPUNAN
MODULE 2 | PELIKULANG PANLIPUNAN
feminismo ay makikita pa rin sapagkat hindi tapat ang kabuuan sa pagsulong sa isyung
pangkababaihan. At ang pelikula ang epektibong kasangkapan ng pagsulong at pagtaguyod upang
mamulat sa kamalayang feminismo sa lahat ng institusyong panlipunan mula sa tahanan, opisina,
simabahan, paaralan at kahit saang sulok ng bansa o mundo ay may pagsulong sa adbokasiyang
feminismo.

MARXISMO

Ang dulog Marxismo ay nagmula sa ideolohiya ni Karl Marx na isinilang at lumaki sa Alemanya. Sa nasabing bansa
nasaksihan ni Marx ang walang katapusan na pakikipagtunggali ng dalawang uri ng tao sa lipunan (social classes)
– ang uring bourgeoisie at ang proletariat.

Sa pananaw ni Marx, ang lipunan ay isang istraktura na binubuo ng nabanggit na dalawang uri. Ang
uring Bourgeosie ay kumakatawan at nagmamay-ari ng paraan ng produksyon. Sila ang mga KAPITALISTA na
nagmamay-ari ng mga negosyo a pagawaan, mga mayayaman, may matataas na katungkulan at
makapangyarihan sa lipunan. Sila ang nagpoprodyus ng mga produkto at malayang nakakapagpasiya sa halaga
ng mga paninda/produkto at serbisyo sa pamilihan. Samantala, ang uring Proletariat ay kumakatawan sa mga
taong walang pag-aari na paraan ng produksyon. Sila ang mga kabilang sa masa na madalas ay mga uring
MANGGAGAWA. Sila ang mga magsasakang maralita, mga taong kabilang sa paggawa at paglilingkod, gayundin
ang mga mamimili o konsumante ng mga produkto sa pamilihan na pag-aari ng mga kapitalista. Taliwas sa mga
kapitalista, ang mga uring maggagawa ay walang kapangyarihan na magpasiya sa halaga ng mga paninda o
serbisyo. Sa ganitong kalakaran, makikita ang tunggalian sa lipunan. Ayon nga kay Marx, “the history of all
existing society is the history of class conflict”.

Ayon sa pilosopiya ni Marx, ang mga kapitalista ay siyang sanhi ng kawalan ng katarungan at
pagsasamantala sa mga uring manggagawa sa pamamagitan ng pagpataw ng hindi makatarungang presyo ng
mga bilihin. Ang mga kapitalista ang nagdidikta ng mga halaga sa merkado na madalas ay nagpapahirap sa masa.
Madalas din naging suliranin sa pagitan ng manggagawa at kapitalista ang tinatawag na unfair labor practice
na may kinalaman sa mababang sahod at pagwawalang-bahala sa kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa.
Makikita din ang tunggalian na ito sa pagitan ng may- kapangyarihan at ng inaapi sa larangan ng batas at hustisya.

Batayang Sanhi ng Tunggalian Ayon sa Dulog Marxismo

Sa kabuuan, may tatlong (3) batayang sanhi ng tunggalian (class struggle) ayon sa dulog Marxismo na
umiikot sa ekonomiya at politika.

1. Kapangyarihan

Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibiduwal o pangkat na magsagawa ng isang


gawain na maaring kanyang ikaaangat subalit ikalulugmok naman ng iba. Ang kapangyarihan na ito
ay maaring magmula sa kanyang angking lakas, pag-aari, at katungkulan.

2. Maling Paniniwala

Ito ay nangangahulugan ng estado ng pag-iisip na siyang pumipigil sa isang tao na maunawaan


ang tunay na kalikasan ng kanilang kalagayang sosyal. Maaring dulot ito ng nakagisnang kultura na
siyang nakasanayan at tinanggap bilang katotohanan. Maaring hindi batid ng mga may-
kapangyarihan na sila ay nang-aapi, o di kaya’y, hindi tinuturing ng mga pinagsasamatalahan bilang
isang pagsasamantala ang ginagawa sa kanila.
9|P a g e
SINESOS | SINESYODAD/PELIKULANG PANLIPUNAN
MODULE 2 | PELIKULANG PANLIPUNAN

3. Pag-uuri-uri

Tumutukoy ito sa klasipikasyon ng mga tao bilang bahagi ng lipunan – mayaman at mahirap,
malakas at mahina, panginoon at alipin. Dulot ng pag uuri-uri ang paniniwala na ang isang tao ay
may higit na kakayahan kung kayat siya ay nararapat na pag-ukulan ng higit na paggalang at
pagpapahalaga ng mga taong walang kakayahan.

Ang Marxismo Sa Pelikula

Sa kasaysayan ng pinilakang tabing, karamihan sa mga tunggalian ng mga kwento sa pelikula


ay bunsod ng mga batayan ng ideolohiyang Marxismo. Ito ay palasak mula sa mga kwentong
enkantada (fairytales) hanggang sa mga pangkaraniwan na mga teleserye, gayundin sa mga
pelikulang aksyon at drama.

Sa pelikulang Sarah…Ang Munting Prinsesa (1995) ay naging bukambibig ang katauhan ni


Miss Minchin bilang isang malupit at gahaman na prinsipal sa isang boarding school kung saan si
Sarah ay ipinasok ng kanyang mayaman na sundalong ama. Nang mamatay ang ama, agad na
kinamkam ni Miss Minchin ang mga pag-aari ni Sarah. Ginawa niyang alipin si Sarah at itinago sa
attic kasama ang isa pang alipin na bata na si Becky. Masahol pa sa daga ang kalagayan ng dalawang
bata –halos hindi ito pinakakain bagamat hirap ang mga munting katawan sa pagtatrabaho.
Tinanggap ng mga bata ang kanilang kapalaran, siguro, sapagkat wala silang magawa. Litaw sa mga
nasabing eksena ang kapangyarihan na nagdulot ng opresyon at pagsasamantala, gayundin ang pag-
uuri-uri ng tao at maling paniniwala tungkol sa buhay. Samantala, ang katauhan ni Miss Amelia at
Mr. Crisford (Carrisford) ay nagsisilbing mga katalista sa pagbabagong nakikinita ni Marx matapos
ang paghihimagsik ng mga pinagsamatalahan laban sa nagsasamantala.

Sa kabilang dako, mas kapansin-pansin ang pagpupunyagi ng mga uring manggagawa sa


pelikulang isinulat ni Jose F. Lacaba at sa direksyon ni Mike de Leon na Sister Stella L. (1984). Sa
nasabing pelikula, nakita ng isang madre bilang isang magandang pagkakataon na ituro ang mga
aral ni Kristo sa mga manggagawang nagsagawa ng pag-aalsa sa isang paggawaan. Sa panig naman
ng mga manggagawa, napakinabangan nila ang pagkakaroon ng madre sa kanilang panig habang
nagra-rally. Isiniwalat sa nasabing pelikula ang kawalan ng katarungan, paniniil at pagsasamantala
ng mga may-ari ng paggawaan. Ang isang alagad ng Diyos kasama ang mga uring manggagawa ay
nagkaisa upang labanan ang pagsasamantala ng mga kapitalista sa mga uring mangagawa. Minsan
pang pinatunayan ng pelikulang ito na sa paghahangad ng pagbabago, hindi maiiwasan ang
karahasan sa pagitan ng mga manggagawa at kapitalista.

Samantala, mula sa panulat ng nobelistang si Suzanne Collins, isinapelikula ang trilogy na The
Hunger Games. Mapapanood sa pelikula ang walang katapusan na tunggalian sa syudad ng Panem.
Ito ay lipunan na nahahati sa dalawang grupo: ang grupo ng labindalawang (12) Distrito at ang
Capitol. Ang labindalawang Distrito ay napasailalim sa kapangyarihn ng isang awtokratikong
political na estado – ang Capitol. Ang Capitol ay kumakatawan sa bourgeoisie at ang mga Distrito ay
kumakatawan sa mga proletariat. Kontrolado ng Capitol ang lahat ng anyo ng produksyon at ang
paggamit ng mga produkto. Ang mga manggagawa sa nasabing produksyon ay ang mga tao na mula
sa bawat Distrito. Mula rin sa bawat Distrito ay pipili ng kalahok para sa tradisyonal na laro( Hunger
Games) kung saan ang mga tributes ay napipilitang lumaban nang patayan. PInakikita sa larong ito

10 | P a g e
SINESOS | SINESYODAD/PELIKULANG PANLIPUNAN
MODULE 2 | PELIKULANG PANLIPUNAN
ang pagtrato ng bourgeoisie sa proletariat bilang mga kalakal at mga laruan lamang. Samantalang
ang mga proletariat ay nagtitiis sa dikta at paniniil ng makapangyarihang bourgeoisie. Ang
bourgeoisie ay bumuo ng paniniwala na sila ang naghaharing-uri. Ito ay itinanim nila sa isip ng mga
proletariat kung kaya’t hindi alam ng mga ito na sila ay pinagsasamantalahan ng mga bourgeoisie.
Ang mananatiling buhay sa nasabing laro ay siyang magwawagi at makatatanggap ng mga pagkain
at kayamanan. Ang nasabing bayolenteng laro ay naglalayong magbigay-aliw sa Capitol. Ito rin ay
nagsisilbing paalala sa mga taga Distrito ng kapangyarihan ng Capitol at ang kawalan nito ng
panghihinayang at kapatawaran sa nangyaring bigong rebelyon na ginawa ng mga ninuno ng taga
Distrito. Ang nasabing rebelyon ay siyang dahilan ng tuluyang pagkawala ng Distrito 13 na binubuo
ng mga manggagawa ng mga sandatang nukleyar. Subalit, nang ang isang tribute na labing-isang
taon gulang na babae ay namatay, muling naghimagsik ang mga taga- Distrito. Nakipaglaban sila sa
mga unipormadong lalaki at sinira nila ang anumang nasa paligid. Napag-isipan din ng dalawang
tributes na sina Katniss at Peeta na magpakamatay sa katapusan ng laro. Ang balak na
pagpapakamatay upang walang itatanghal na panalo ay naging daan upang magbago ang isip ng mga
taga- Capitol. Sa katapusan, nanatiling buhay ang dalawang tributes. Kapansin-pansin na ang
paghihimagsik ng mga proletariat laban sa bourgeoisie ay nagdudulot ng pagbabago tungo sa mas
malaya at pantay na lipunan.

Tagubilin sa Pagsusuri ng Pelikula Batay sa Dulog Marxismo

1. Tandaan na ang pinakapunto ng Dulog Marxismo ay ang sistemang pang ekonomiya at poiltika
ng isang lipunan na nagsilang ng walang katapusan na tunggalian sa pagitan ng mayayaman at
mahihirap.
2. Bilang panimula, linawin ang iyong naunawaan tungkol sa pelikula. Ano ang mensahe ng
pelikula?
3. Suriin ang tagpuan at mga tauhan batay sa pang-ekonomiya, sosyal at politikal na aspeto.
3.1. Ano ang mga kinabibilangan na ekonomik, sosyal at politikal na istatus ng mga tauhan?
3.2. Ano ang nangyari sa kanila bilang epekto ng kanilang ekonomik, soyal at politikal istatus?
4. Palawakin ang panunurinsa pamamagitan ng pagbanggit sa naging batayang sanhi ng
tunggalian. Ilahad ang detalye ng mga patunay na may inekwalidad, opresyon, at pagkontrol sa
yaman/resorses ng nasabing lipunan.
5. Paano niresolba ang tunggalian?
6. Ano ang ideolohiya na inihahayag ng nasabing pelikula? Ipaliwanag
7. aano nagtagumpay o nabigo ang pelikula sa pagsiwalat ng ng mga pang ekonomiya, sosyal at
politikal na implikasyon?
8. Bilang kongklusyon, magmungkahi na ang proletariat ay mabigyan ng pantay na oportunidad sa
yaman (ekonomiya) at kapangyarihan (politika). Ipaliwanag kung paano ito maisagawa batay sa
kasalukuyang panahon.

PELIKULA AT IDEOLOHIYA

Pag-isipan: Kung ang kahoy ay nalaglag sa kagubatan at wala namang ni isang nakarinig
niyon, nakagawa kaya iyon ng tunog?

Ang isang pelikula na binuo, pinag-isipan at pinaghirapan ay maaaring mawawalan ng saysay


kung wala naman itong manonood. Sa madaling salita, mahalaga ang mga manonood sa tinatawag
na komunikasyon sa pelikula na kinapalolooban ng nagbabahagi ng mensahe at tagatanggap ng mga

11 | P a g e
SINESOS | SINESYODAD/PELIKULANG PANLIPUNAN
MODULE 2 | PELIKULANG PANLIPUNAN
ideyang ipinaaabot. Hindi lamang nananatili ang lahat sa kaisipan o pagsisigaw ang mga ninanais na
pagbabago sa mga isyung may kinalaman sa politika, sosyal, at kultural. Mahalaga na ang mga
isinisigaw patungkol dito ay mga tagapakinig.

Bawat pelikula ay nagtatanghal ng paraan ng pagkilos- negatibo at positibo na naglalaan sa


atin ng implayd at eksplisit na moralidad o ideolohiya. Ang ideolohiya ay tumutukoy sa katawan ng
mga ideya na sumasalamin sa mga sosyal na pangangailangan ng indibidwal, pangkat, klase, at
kultura. Sa iba pang mga salita, ang idelohiya ay tumutukoy sa mga sistematikong “mundong
pananaw” na kung saan nililiwanag ang mga konsepto ng sarili at mga relasyon ng sarili sa estado o
ano mang porma ng mga kolektibismo. Sinasabing ito ay isang sistemang paniniwala at mga
prinsipyo sa loob ng mga sistema, kahit ang mga ideyang ito ay hindi kinikilala at hindi na
itinatanong. Ang ideolohiya ay katawan ng mga ideya na sumasalamin sa lipunang pangangailangan
at mga hangarin ng isang indibidwal, grupo, uri, at kultura na naglalayong maka-impluwensiya sa
paniniwala at pagkilos ng mga tao. Maaaring interpretahin ang mga ideyang ito nang iba-iba
depende sa isang indibidwal.

Ang mga pelikula ay sinasabing sumasalamin sa mga pundamental na paniniwala at kaisipan


ng isang lipunan. Maraming mga dominanteng ideolohiya na inilalahad sa mga mainstraim na
pelikula at mga ideolohiyang na nagtatanong sa mga nangingibabaw na ideyal na makikita sa mga
eksperimental na pelikula. Sinasabing ang isa sa pinakadomenanteng mga ideolohiya sa komon at
pundamental na mga moral sa pang-araw-araw na buhay katulad ng pagpapahalagang pamilya
(family values)- pamilya bilang yunit at ang pag-aasawa bilang ideyal, etika sa pagtatrabaho na ang
mga nagsisikap nang mabuti ay kariniwan nagiging matagumpay, konsumerismo, at iba pa.

Si Raymond Williams ay nagbuod ng mga termino sa tatlo:


1. Sistema ng mga katangiang paniniwala ng isang partikular na uri at pangkat.
2. Sistema ng mga ilusyonaryong paniniwala- hindi totoong mga ideya o maling kamalayan- na
maaaring pasubalian sa mga totoo o siyetipikong kaalaman
3. Pangkalahatang proseso ng mga kahulugan at ideya.

Ang ideolohiya ay nahahati sa tatlong kategorya.

1. Neutral - escapist na mga pelikula at magaang pang-aliw na may tuon sa aksyon, kasiyahan at
aliw saganang sarili. Mababaw lamang ang pagtingin Ang pelikulang ito ay sumasalamin sa
pagpapahalagang sistema kung saan ang tuwa at aliw ay dalawa sa anyo ng konsumerismo.
2. Implicit - na ang ideolohiya ay ipinapakita kaysa sa ipinaliliwanag o isinaasaad sa diyalogo ng
mga tauhan. Bagkus, nakikita ito sa kanilang mga kilos. (contextual analysis)
3. Explicit - ang ideolohiya ay ipinaliliwanag kaysa ipinapakita. (textual analysis

Ang explicit o implicit na presensya ng mga ideolohiya ay isang taglay na salik sa mga pelikula.
Ang mga pelikula ay produksyon na nakabatay sa makataong interpretasyon at reproduksyon
ng mga pangyayari, ang elemento ng ideyolohikal na pagpapahalaga ay taglay na salik sa kwento
ng pelikula. Ang digri ng ideolohiya na naibabahagi sa pelikulay ay maaaring maitanghal bilang
isang mahalagang bahagi ng mga banghay ng pelikula, o isang partikular na kultural na palagay
na hindi nalunasan sa mismong pelikula. Karaniwan ang explicit at implicit na ideolohikal na
nilalaman sa loob ng pelikula ay naglalayong palakasin at ipakita ang partikular na panlipunang
pagpapahalaga para pagmunihan ng mga manonood.

12 | P a g e
SINESOS | SINESYODAD/PELIKULANG PANLIPUNAN
MODULE 2 | PELIKULANG PANLIPUNAN
Sa pelikulang Birdshot ni sa direksyon at panulat ni Mikhail Red, hindi maikakaila na inilahad
sa nasabing pelikula ang usaping panlipunan, probinsyal at kalikasan. Makikita sa pelikula ang
pagiging serinidad, luntian at mapayapang buhay sa isang probinsiya. Bagaman nabanggit ang
korapsyon, pagpatay, inhustisya, pamumuhay, at iba, ang maganda sa kwento ay ang paglahok
ng mga hayop. Naging ideolohiya rin ng kwento ang pagpapahalaga sa mga hayop sa ating
paligid. Una na ang agila na itinuturing na pambansang ibon taong 1995 na ang pagpatay nito ay
pagpataw ng kaparusahan at pagmulta. Pangalawa, Ang aso na si Bala, na kasa kasama ni Maya
sa kanyang mga lakad at pagiging loyal nito sa nangangalaga. Napaslang si Bala nung pumunta
ang dalawang pulis sa bahay ni Diego para sa paghahanap ng ebidensyang baril. Pangatlo, ang
ahas, sa sanktwaryo na sumisimbolo na kapahamakang kakaharapin sa kabila ng babalang
nakapaskil sa bawal na pagpasok pero nilabag pa rin. Makikita naman sa pelikula ang maingat
na pagbuo ng eksena na walang hayop na napinsala o nalabag sa kanilang karapatan.

Sa pelikulang Bona ni Lino Brocka ay inilalarawan ang isang tagahanga na may matinding
pagkahumaling sa isang artista. Makikita sa pelikula kung paano pinagpalit ng isang tagahanga
sa katauhan ni Bona (Nora Aunor) ang kanyang pamilya, at masaganang buhay makasama
lamang ang hinahangaan nito na si Gardo. Si Gardo, sa kabila ng kanyang pagiging isang bit-
player ay nakipamuhay lamang sa iskwater sa Tondo na yari lamang sa kahoy ang bahay. Dito sa
naghihikahos na bahay, nakitira si Bona na naglilingkod sa kanya nangg sobra-sobra bilang
kapalit sa kabutihang ipinakikita ng artista sa huli. Pag-iigib, pagluluto, paglilinis ng bahay,
pagpapaligo, pagpapakain at kung ano-ano pa ang kanyang ginagawa maipakita lamang kay
Gardo ang kanyang pagmamahal bilang isang tagahanga. Maituturing itong isang obra na
bumabalangkas sa totoong mga kaganapan sa ating lipunan. Ideolohiyang maituturing na kung
sobrang paghanga ang ipinagkakaloob sa isang tao ay maaaring magdudulot ng obsesyon.
Maglalagay sa kapahamakan ng isang humahunga. Sa usaping Bona noong sinabi ni Gardo na
umuwi na si Bona sa kanila sapagkat sasama na ito sa isang babae para maging bansa, hindi
napigilan ang sarili na gumawa ng masama. Kanyang binuhusan ng mainit na tubig ang lalake
dala ng kanyang galit na nadarama. Ang sobrang paghanga na nagdudulot ng obsesyon ay
minsan nag-uudyok sa isang tao na gumawa ng kasamaan.

PAGSASANAY

Panuto: Batay sa iyong pagkakaunawa ibigay ang mga kahulugan ng mga dulog sa pagsusuri
ng pelikula.
1. Realismo
2. Moralismo
3. Sikolohikal
4. Feminismo
5. Marsismo
6. Ideolohiya

13 | P a g e
SINESOS | SINESYODAD/PELIKULANG PANLIPUNAN
MODULE 2 | PELIKULANG PANLIPUNAN

EBALWASYON

Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong sa ibaba.


1. Pagpapahalagang Pangkatauhan
Paano mo ilarawan ang katayuan ng mga babaeng Pilipina sa lipunan na iyon
ginagalawan?
2. Sapat ba ang pagtatakda ng batas para mapangalagaan ang karapatang pantao ng mga
kababaihan?
3. Kung ikaw ay bubuo ng pamantayan para paigtingin ang batas na mangangalaga sa
karapatan ng kababaihan, sa anong karapatan at anong tuntununin ang buuin mo?

TAKDANG-ARALIN:

Panuto: Pumili ng isang pelikula na batay sa teoryang Realismo at suriin ang


nilalaman. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.
✓ Tauhan
✓ Tagpuan
✓ Tema
✓ Tunggalian
✓ Resolusyon


REFERENCES:

Almario,V. S. (2014). Ang tungkuling kritisismo sa Filipinas. Lunsod ng Quezon: C & E


Publishing, Inc.
Casanova, A. P. (2012). Isahan:kalipunan ng mga dramatikong monologo.

14 | P a g e
SINESOS | SINESYODAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

You might also like