You are on page 1of 13

Ang Kasaysayan

Mayaman ang kasaysayan ng independent films sa Pilipinas. Ayon sa CCP Encyclopedia, sabayna
umusbong ang tradisyon ng independent films at ng mainstream cinema sa bansa. Kungkumbensyonal
na kuwento ang ginagawa ng mainstream cinema, ang independent films angitinuring na alternatibong
pinilakang tabing. Dekada 1920 pa lamang, mayroon nang mgagumagawa ng independent films na ayaw
magpasailalim sa mga malalaking studio. Ngunitnahinto ang pag-usbong nila sa pagdating ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.Noong dekada 1950, matapos ang digmaan, nagsimula ulit ang pagtatag ng
komunidad ngindependent filmmakers sa bansa. Naitatag ang mga paaralan at mga organisasyon
nasumusuporta sa mga short-film at documentary-filmmmakers. Nagkaroon din ng mga

pangmundo at pambansang film festivals para maranasan ang mas nakararaming tao ang iba’t

ibang uri at estilo ng mga pelikula. Dalawa sa unang premyadong mga independent filmmakerssina
Lamberto at Jose Avellana, sa mga huling taon ng dekada 1950 at mga unang taon ngdekada 1960.Pero
nananatiling pinaka-sikat at pinakamagaling sa mga unang kilalang independent

filmmakers si Kidlat Tahimik. Nanalo ang kaniyang pelikulang “Mababangong Bangungot”

(Prefumed Nightmares) ng Prix de la Critique Internationale, isa sa pinaka-tanyag na paligsahanng


independent films sa mundo. Hanggang sa kasalukuyan, aktibo pa rin si Kidlat Tahimik sapaggawa ng
mga pelikula.

Simula ng dekada ’80 hanggang sa kasalukuyan, ang independent cinema ang nananat

ilingbukal ng mga orihinal, mapanlikha, at premyadong mga pelikula. Higit na naging sosyo-pulitikalang
karaniwang tema ng mga independent films, at naging higit na eksperimental ang mga

paraan ng pagkuha ng mga pelikula. Ang “Anino,” isang maikling pelik

ula ni Raymond Red, ng

Palme d’Or (Best Short Film) sa tanyag na Cannes Film Festival. Iyon din ang kauna

-unahangpanahong may nakasaling pelikulang Pilipino (komersyal man o hindi) sa paligsahan sa Cannes

Pelikulang Pilipino

Ang pelikulang Pilipino ay may mahigit 100 taon nang kasaysayan. Sa paniniyak, angindustriya ay ng
pelikulang Pilipino ay nagsimula noong 1897. Ang pelikula noong araw ayhinahalaw sa mga paniniwala
at pang- araw- araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Bilangpagpapatunay dito ay ang pagpapalabas ng
pinakaunang may tunog na pelikulang Ang Aswang.Ang ebolusyon ng pelikulang Pilipino ay nahahati sa
anim na yugto; bago magdigmaan, panahonng digmaan, dekada 50, dekada 60, dekada 80, dekda 90 at
kasalukuyang panahon. Bawat yugtong ebolusyon ng industriya ng pelikulang Pilipino ay may kinalaman
sa panahon. Ayon sa mgaeksperto sa industriya, sinasabing ang dekada 50 ang pinakaunang ginintuang
panahon ngpelikulang Pilipino kung saan umabot ng 350 ang pelikulang naipalabas sa mga sinehan taun-
taon.
Ang Kontribusyon ng Independent Film sa Industriya
ng Pelikulang Pilipino
Kabanata 1: Panimula

A. Panukalang Pahayag

Ang pag-usbong ng independent film ay isa sa mga solusyon upang payabungin ang papabagsak
na industriya ng pelikulang Pilipino.

B. Introduksyon

Mapapansing sa mga nagdaang taon, paunti na ng paunti ang pelikulang pinoprodyus ng


mga production companies na nagreresulta sa unti-unting pagkamatay ng industriya ng
pelikulang Pilipino.

Dahil nga sa likas na malikhain at maabilidad ang mga Pilipino at ang pag-usbong na rin ng mga
abot- kayang camcorder ay nakagawa sila ng paraan upang isalba ang industriya. Ito ay sa anyo
ng Independent films– ang mga pelikulang ginawa ng mga malikhaing indibidwal, may
karanasan man o wala sa paggawa ng pelikula, sa halip ng mga malalaking production
companies.

Sa pag-usbong ng indie films, nagkaroon ng espasyo sa sinehan ang mga pelikulang Pilipino.
Dahil nga sa makatotohanan ang mga indie film ay nabigyan ang ilan sa mga ito ng karangalan
ng iba’t- ibang award giving bodies. Sa kadahilanang ito, naisipan ng mga mananaliksik na piliin
ang paksang “Ang Kontribusyon ng Independent Film sa Industriya ng Pelikulang Pilipino”

C. Rebyu o Pag-aaral

Mula sa GMANEWS.TV, isinapubliko noong ika- 11 hanggang ika- 20 ng Hulyo ng taong


2008 ang sampung full-length movies at sampung short film movies na maglalaban- laban sa
ikaapat na edisyon ng Cinemalaya Philippines Independent Film Festival. Sa edisyon ng naturang
kaganapan ay may temang “Anong Kwento Mo?” na nagsasabing ang mga PIlipino kahit saan ay
may magagandang kwentong ibabahagi lalong lalo na ang mga independent film makers.

Sinasabi sa manilatimes.net na may kumpyansa ang pangulo ng Cinemalaya na si Nestor


Jardin na mas marami pang independent films ang mabibigyan ng pagkilala ng iba’t ibang award
giving bodies sa sirkulasyon ng pelikula sa labas ng bansa.

Mula pa rin sa nasabing website, ang industriya ng pelikulang pilipino ay namamatay na


dahil sa paglipas ng panahon, pakaunti na ng pakaunti ang pelikulang ginagawa ng
mga production companies dito sa bansa.

Mula naman sa http://www.iht.com, sa isang column ni Carlos Honde, sinasabing ang


dahilan ng pagtigil sa paggawa ng ilang movie producers ay dahil sa hindi sila kumikita sa
pagpo-prodyus ng mga ito.

Sinasabi na ang isang dahilan sa pagbagsak ng industriya ng pelikula ay ang pag- kaunti ng
bilang ng mga nanonood dito. Masasabing ang Pilipinas ang may pinakamatarik na pagbaba ng
mga manonood dahil sa pagitan lamang ng ilang taon ay dumami na ang ibinaba ng bilang ng
mga manunud na nagpupunta sa mga sinehan.

D. Layunin

Ang pangkalahatang layunin ng pananliksik na ito ay upang malaman ng mga mambabasa ang
nagagawa ng independent films sa industriya ng pelikulang Pilipino.

E. Halaga

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maipapakita ang malaking papel na ginagampanan ng


mga independent films sa industriya ng pelikulang Pilipino. Sa pamamagitan din ng pananaliksik
na ito, maipapakita na ang nasabing industriya ay buhay pa. Isa pa, ipinapapalaam nito sa
publiko na ang mga independent films na gawa sa bansa ay kalebel ng mga international
movies pagkat ang ilan sa mga ito ay nakasungkit ng mga prestirhiyosong gawad.

F. Konseptual na balangkas
Ang industriya ng pelikulang Pilipino ngayon ay binubuo ng dalawang salik, ang mga pelikulang
gawa ng mga malalaking production companies at mga independent films. Ang dalwang ito ay
magkahanay dahil nga sa mga nagawang independent films ngayon na kayang makipagsabayan
sa mga gawa ng mga malalaking production companies.

G. Metodolohiya

Ang mga mananaliksik ay hahanap ng mga babasahin sa Internet at Library at ang mga datos
na makakalap ay pag-aaralan. Bukad pa dito, ang mga pag-aaralan nila ang mga tema ng ilan
sa mga independent films.

H. Saklaw

Ang pananaliksik na ito ay sasaklaw lamang sa mga indie films sa Pilipinas mula 2005 hanggang;
sa kanilang mga kontribusyon sa pamamagitan ng pagkuha ng pagkilala mula sa iba’t-ibang
award giving bodies sa loob at labas ng bansa.

I. Daloy ng Pag-aaral

II. Ikalawang Kabanata: Katawan ng Pananaliksik

Panimula

Mula noong 1970, mayroon ng mga independent filmmakers na umusbong maliban sa


noong tinatawag na “the Big Four” na mga istudyong kinabibilangan ng Lebran, Premiere
Productions, Sampaguita at LVN. Kaugnay ng pag-usbong ng mga indie films,
ang pagrerebelde ng kabataan ay umusbong dahil nararamdaman nila na may kailangan silang
iparating sa mga nakakatanda kaya ipinakita nila ito sa pamamagitan ng nauusong rock n’ roll na
uri ng musika. Ang pelikula, bilang medyum sa pagpapahayag ng sarili, ay ginamit din upang
magampanan ang nasabing pagrerebelde sa pamamagitan ng pagpapakilala ng bagong tema ng
pelikula tulad ng “teen love team” upang palitan ang mga makalumang tambalan ng mga
beteranong artista.

Noong 1977, isang ordinaryong filmmaker na nagngangalang Kidlat Tahimik ang gumawa ng
pelikula na pinamagatang Perfumed Nightmare. Ginulat nito ang film industry nang nagkamit
ito ng International Critic’s Prize sa Berlin Film Festival. Ang hakbang na ito na ginawa ni Tahimik
ay nagbuklod sa komersyal at alternatibong pelikula. Ang pondong ginamit ay nagmula mismo sa
kanya at sa kanyang mga kaibigan. Sinuong niya ang peligrong kaakibat ng paggawa ng
kahanga-hangang pagbabago sa Industriyang Pelikulang Pilipino, kung saan mas kailangang
iparating sa mga manonood ang nilalaman ng isang pelikula kaysa sa kumita gamit ito. Mula
noon, maraming kabataang filmmakers ang umanib kay Kidlat Tahimik para sa paggawa ng mga
pelikula.

Ang Oliver naman ni Nick De Ocampo at ang Ang Magpakailanman ni Raymond Red na parehong
pinalabas noong 1983 ay umangkin ng atensyon sa ibang bansa, isang ebidensya na ang bagong
henerasyon ng Pilipinong Alternatibong pelikula ay malapit nang magsimula. Ang iba
pang filmmakers na katulad nila ay nagpatuloy sa pananaliksik sa tunay na kahulugan ng
pelikula na hindi lamang ito para manlibang ngunit ito rin ay nagpapakita ng kaugnayan sa
pagitan ng tao at sa kapaligiran nito.

Mga Datos

Pelikulang Pilipino

Ang pelikulang Pilipino ay may mahigit 100 taon nang kasaysayan. Sa paniniyak, ang
industriya ay ng pelikulang Pilipino ay nagsimula noong 1897. Ang pelikula noong araw ay
hinahalaw sa mga paniniwala at pang- araw- araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Bilang
pagpapatunay dito ay ang pagpapalabas ng pinakaunang may tunog na pelikulang Ang Aswang.

Ang ebolusyon ng pelikulang Pilipino ay nahahati sa anim na yugto; bago magdigmaan, panahon
ng digmaan, dekada 50, dekada 60, dekada 80, dekda 90 at kasalukuyang panahon. Bawat
yugto ng ebolusyon ng industriya ng pelikulang Pilipino ay may kinalaman sa panahon. Ayon sa
mga eksperto sa industriya, sinasabing ang dekada 50 ang pinakaunang ginintuang panahon ng
pelikulang Pilipino kung saan umabot ng 350 ang pelikulang naipalabas sa mga sinehan taun-
taon.

Sa paglipas ng panahon, patuloy pa rin sa paggawa ng pelikula ang mga production


companies ngunit ang dami ay nalimitahan na dahil na rin sa iba’t- ibang salik. Sa pagkakaroon
ng krisis sa ekonomiya ng Pilipinas, naapektuhan ang pelikulang Pilipino. Mangilan- ngilan na
lamang ang nagnais na manuod ng sine dahil mas nakatuon na ang kanilang sa atensyon sa
hanap buhay at trabaho. Sa pangyayaring ito, napilitan ang ilang production companies na
magsara. Ang mga production companies na nagniningning noon tulad ng LVN Pictures,
Sampaguita Pictures, Lebran International, at Premiere Productions. Ang pagsasara ng mga
ito ang nagbigay daan sa unti- unting pagbagsak ng industriya ng pelikulang Pilipino. Ang
paglugmok na ito ay nakita nang bumagsak mula sa 350 pelikulang naipalabas noong dekada
50, 200 noong dekada 80, hanggang sa ito ay naging 56 noong 2006 at 30 noong 2007.
Sa anggulo naman ng dami ng pumupunta sa sinehan, mula 131 milyon noong 1996, bumaba ito
sa bilang na 63 milyon ng 2004.

Bagamat ganoon man ang nangyari, may mga production companies pa rin sumsubok
ibangon ang ningning ng industriya. Ilan sa mga ito ay ang Star Cinema, Viva Films, GMA Films,
Regal films, at marami pang iba.

Pagpasok ng Independent Films

Mula nang ilabas ang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros sa sinehan at makakuha ng
karangalan mula sa iba’t- ibang pampelikulang paligsahan sa labas ng bansa, naenggananyo na
ring gumawa ng pelikula ang iba pang nagnanais na maging lokal na direktor ng pelikula. Ilan
din sa mga sumunod pang mga independent films na ipinalabas ay humakot din ng parangal. Sa
sunod- sunod na tagumpay ng mga naunang independent films na ipinalabas, lalo pang dumami
ang mga independent films na ipinalabas noong taong 2007.

Ito ang listahan ng ilan sa mga independent films na nakuha ng mga gantimpala. Ito ay hinango
mula sa wikipilipinas.org:

100– Ito ay tungkol sa sandaang bagay na nais gawin ng isang babaeng may kanser sa huling
tatlong buwan ng kanyang buhay.

Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros– Ito ay kwento ng isang baklang pinapapili kung sino
ang kailangan niyang protektahan, ang kanyang pamilyang puro magnanakaw o ang isang
binatang pulis ng tumutugis sa mgamagnanakaw.

Boses– Isang kwento ito ng mabuting pagkakaibigan ng isang violin teacher at ng batang
minaltrato ng kanyang ama. Malalaman nila ang kahinaan at kalakasan ng bawat isa sa
pamamagitan ng pagtugtog ng violin.

Brutus- Umiikot ang kwento nito sa dalawang batang Mangyan na inarkilahan ng mga illegal
loggers upang kumulimbat ng mga troso sa gubat ng Mindoro. Sa kanilang pagtatrabaho,
makikita nila ang malaking kaibahan ng mundo sa pamamagitan ng mga ganid na tao.
Concerto- Kwento ito ng pakikipagkaibigan ng isang pamilyang Pilipino sa mga Hapon noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Huling Pasada- Ito ay tungkol sa isang manunulat na gumagawa ng kwento tungkol sa isang
taksi driver na nagsisilbing ama sa isang batang lansangan. Habang minamatyagan niya ang
taksi driver at sa kanyang ugnayan sa bata, makakahanap siya ng bagay na hindi niya inakalang
makikita niya.

Inang Yaya- Ito ay kwento ng isang ina na nakakaramdam ng pagmamahal ng dalawang anak-
ang kanyang tunay na anak at ang kanyang anak- anakan.

Kubrador- Kwento ito ng isang kubrador sa jueteng. Tinatalakay din nito ang pang-araw- araw
na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan.

Magnifico- Ito ay kwento ng isang batang kinulang sa talino ngunit maabilidad. Umikot ang
kwento sa pagiging maabilidad niya upang malutas ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Masahista- Ito ay tungkol sa isang batang masahista na bukod sa pagmamasahe ay nagbibigay


din ng panandaliang aliw.

Tema ng Independent Films

Ang mga independent films ay gawa sa imahinasyon ng mga manunulat kung saan ang
limitasyon ay ang kanilang imahinasyon. Dahil dito, nagkakaroon ng lamang ang mga
ginagawang independent film kung ikukumpara sa mga gawa ng mga production companies na
limitado ang tema.. Dahil nga sa walang limitasyon sa kung saan ang pwede nilang isapelikula,
madami sa mga independent films ay namumulat sa kamalayan ng mga Pilipino, at sa mga
simpleng bagay lamang- mga simpleng bagay na kapupulutan natin ng aral.

Maliban pa sa nabanggit, mas pinagtutuunan din ng mga independent film ang mga isyu
sa lipunan sa mas alternatibo at simpleng paraan.

Cinemalaya

Mula sa Inquirer.net, ang pag- usbong ng industriya ng Philippine independent films,


naitatag ang Cinemalaya. Isang paligsahang pampelikula ng mga independent film na
naglalayong maipakita ng mga bagong direktor ang kanilang pagkamalikhain sa paggawa ng
pelikula. Sa pagkakaroon din Cinemalaya, naipapakilala ng husto ang mga independent film sa
kamalayan ng mga manonood.
Noong unang magtampok ang Cinemalaya noong 2005, 8000 katao ang nanood. Habang
noong 2005, 12000 ang nanood. Noong taong 2006, halos 23000 ang nanood at tuluyang
umabot sa 26900 katao sa pinakahuling pagtatampok nito.

Sa tagumpay ng apat-na-taong gulang na pampelikulang paligasahan, bawat taon,


nadaragdagan ang interes ng mga manonod.

Sinasabi rin ng mga eksperto sa pelikula na may pag-asa na mas lalo pang umusbong ang
industriya ng independent film kung pagbabasehan ang bilang ng mga manonood.

Paraan ng Pagpapalabas

Ayon sa mga direktor, upang maipakilala sa madla ang kanilang mga gawa, sila ay
nagpupunta sa mga paaralan kung saan kanilang ipinapakita ang kanilang ginagawa. Ito ay
sapagkat hindi ito gaanong naipapakita sa mga patalastas sa telebisyon dahil kulang sila sa
pondo. Sa mga sinehan naman, bilang pagtulong sa industriya ng independent film, inilunsad sa
loob mismo ng Robinson’s Galleria ang IndieSine, isang alternitabong sinehan na tiyak
pupuntahan ng mga mahilig sa independent films.

Plano ng Lokal na Sektor

Upang lalong mapag-igting ang kamalayan ng publiko sa independent film, nagkaroon ng


pagpupulong ang Film Development Council of the Philippines at Cultural Center of the
Philippines kung saan napag- usapan ang mga plano ukol sa una. Napagplanuhan na ang mga
nasabing kumite ay gagawa ng aksyon sa distribusyon, promosyon, at pagsasapubliko sa mga
independent films.

Tugon ng mga dayuhan

Hindi na kailangang mag-alala pa ng mga mga prodyuser ng mga independent


films hinggil sa pondo upang magawa ang kanilang mga proyekto. Mula sa mga banyaga
ang panustos sa paggawa ng pelikula kaya sineseryoso na nila ang kanilang gawain. Ayon sa
mga eksperto, ang gawaing ganito ay bunsod ng mga magagandang independent films na
ginawa ng mga batang director sa Pilipinas.

Independent Films at Ibang Pelikula

Bagamat dumarami ang bilang ng independent films na ipinalalabas bansa, kaunti pa rin
ang nanunood sa mga ito kung ikukumpara sa ibang pelikulang ipinalabas. Mas madaming
nanunuod sa mga pelikulang gawa sa Hollywood dahil na rin mismo sa makabagong
pamamaraan ng pagsasapelikula. Mas madami naman ang nanunuod sa mga pelikulang ginawa
ng mga premayadong production companies dahil sa ang mga pelikulang kanilang itinatampok
ay pinagbibidahan ng mga pinakamaniningning na artista ng kasalukuyang henerasyon.

Mga Karangalang nakuha ng Independent Films

Kubrador:

FIPRESCI Award- Moscow International Film Festival, Russia June 23-July 2, 2006

Best Picture, Best Actress at ikalawang FIPRESCI Prize- Osian-Cinefan International Film
Festival, New Delhi, India, July 14-23, 2006

Cinemalaya International Film Festival LINO BROCKA AWARDEE

Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros:

Best Foreign Film Nominee sa Independent Spirit Awards 2007

Best Feature Film sa Berlin International Film Festival (2006)

Teddy Award Recipient sa 2006 Berlin International Film Festival

Best Picture sa Gawad Urian Award 2006

Best actor (Nathan Lopez) Las Palmas Film Festival, Spain

Golden Lady Harimaguada Award- Las Palmas Film Festival- Spain

atbp. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga independent films na nakakuha ng mga karangalan sa
loob at labas ng bansa.

Kabanata III: Ang Pangwawakas

A. Pagsusuri sa Datos na Nakalap


Batay sa mga nakalap na datos, napagtanto ng mga mananaliksik na ang pagyabong ng
pelikulang Pilipino ay nakasalalay din sa kondisyong pang- ekonomiya ng mga taumbayan.

Sa pagsusuri sa mga datos na nakalap, napag-alam din nila na nakatulong ang pagpasok ng
industriya ng independent films sa pagsalba sa industriya ng pelikulang Pilipino dahil sa mga
makabagong konseptong itinataglay ng nahuli.

Ang mga independent films ay may bagong tema na nakahatak ng mga manunuod na
naghahanap ng bagong libangan sa mga sinehan. Ito ay mapapatunayan sa dumaraming bilang
ng mga nanunuod ng mga independent films.

Ang Cinemalaya, ang paligasahang pampelikula ng mga independent films ay nagtampok ng mga
pelikulang mapapnuod ng mga Pilipino, sa mga pagtatampok nito, lalong mas dumarami ang
mga manunuod. Noong 2005, 8000 katao ang nanuod. Nadagdagan naman ito ng 4ooo pang
manunuod sa ikalawa nitong pagtatampok. Dumami pa ng 11ooo ang nanuod sa ikatlo nitong
pagtatampok. ang nitong huli ngang pagtatampok ay umabot ang bilang ng manunuod sa 26900
katao.

Dahil na rin sa ginawang aksyon ng Robinson’s Galleria, ang paggawa ng IndieSine, mas lalong
pang naipakilala sa madla ang independent films. ang resulta nito ay ang pagdami ng mga
nahumaling sa panunuod ng independent films.

Dahil sa patuloy na pag- usbong ng indpendent films, ito ay binibigyan ng atensyon ngayon ng
lokal na sektor. Upang mapagpatuloy ang mabuting epekto nito, napagpalnuhan ng mga nahuli
na paigtingin ang promosyon, distirbusyon at pagsasapubliko nito. Ito ay isang hudyat na ang
mga lokal na sektor ay gumaaawa ng paraan upang maisalba ang industirya ng pelikulang
Pilipino.

Sa tulong ng mga nakuhang karangalan ng mga naunang indpendent films na ginawa sa ating
bansa, naengganyo ang ilang mga batang manunulat at direktor na gumawa rin ng pelikula.
Bilang resulta, dumami ang bilang ng mga nagawang independent films sa bansa. Ang pagdamin
ng mga independent films ay nakagawa ng kontribusyon sa pagsalba ng namamatay nang
industriya dahil ang basehan sa industriya ng pelikulang Pilipino ay ang dami ng mga
nagagawang pelikula.

B. KONKLUSYON
Totoo na ang mga independent films ay nagpapayabong ng pelikulang Pilipino, pagkat sila ang
mga nakakamit ng mga gantimpala mula sa ilang sikat na internasyunal na organisasyon ngunit
nakasalalay din ito sa mga Pilipino kung sila ba ay susuporta o hindi.

C. REKOMENDASYON

Batay sa mga kinalabas at ng konklusyon ay iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga


sumusunod.

1. Dapat gumawa ang ibang susubok na mananaliksik ng pagsusuri ukol sa mga pelikula na
gawa ng mga malalaking production companies nang sa gayon ay maihambing ng mga
mambabasa ito sa mga independent films.

2. Maaaring magpanayam ang ibang mananaliksik ng mga personalidad na may diretsong


kinalaman sa paglikha ng mga independent films gaya ng direktor, aktor, o ang manunulat
mismo ng mauskripto ng pelikula.

3. Maaaring ihambing ng mga susunod na mananaliksik ang indepedent films ang ibang bansa sa
mga independent films na yari dito.

4. maaari rin nilang lapatan ng teorya ang pagsusuri ng mga independent films.

5. Dapat maghanap ng mga estatistikang datos ang mga susunod na mananaliksik ukol sa dami
ng taong nahuhumaling sa mga independent films kumpara sa mga pelikulang gawa ng
malalaking production companies.

“Pag sinabing ‘indie’ nagkakaintindihan na kung ano’ng klaseng pelikula ang


panonoorin o tatalakayin natin. Kasi nga ay nagpapahiwatig na ito ng ibang mundo ng
paggagawa ng pelikula,” dagdag pa niya.

Karaniwan sa mga pelikulang indie ay pinopondohan ng mas maliliit at/o


independenteng pampelikulang istudyo ngunit ayon kay Tolentino, mayroon din namang
mga indie na ipinapalabas, halimbawa, sa cable channels tulad ng Cinema One
Originals na pinondohan ng higanteng istasyong pangtelebisyon tulad ng ABS-CBN.

Binanggit din ni Tolentino na ang mga pelikulang indie ay kadalasang hindi gaanong
tinatangkilik, wala halos access ang mga manonood dito, mahirap unawain, at hindi
masasaya ang mga paksa nito.
Sa usapin ng panonood, “Kailangan natin ng particular access dito sa mga pelikulang
ito para matunghayan. Kailangang karerin nating pumunta sa Cultural Center of the
Philippines para panoorin halimbawa itong Cinemalaya na klase ng mga pelikula,” ani
Tolentino.

Maliban sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival at iba pang mga film
festival na nagpapalabas ng mga pelikulang indie, sa kauna-unahang pagkakataon, ay
inorganisa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang “Pista ng
Pelikulang Pilipino” kung saan ang lahat ng sinehan ay eksklusibong magpapalabas ng
12 natatanging indie na pelikulang Filipino mula Agosto 16-22 bilang bahagi ng
pagdiriwang ng Buwan ng Wika at dagdag na suporta para sa mga ganitong klase ng
pelikula.

Sa usapin naman ng paksa, ayon kay Tolentino, “Hindi masasaya ang paksa ng mga
pelikula kaya for most part, hindi siya Marvel superhero films na masaya at
makakalimutan mo ang problema mo. Dito, maalala mo ang problema ng lipunang
Filipino at kung gaano kabigat iyon kaya hindi siya masayang panoorin.”

Dr. Lourdes Baetiong


“Ang indie ay napakalakas ng currency na ginagaya na rin siya ng mainstream. May
mga indie films naman na nangangarap na maging mainstream na klase ng mga
pelikula” ani niya.

Dagdag pa nito, “ang commonality ng lahat ng indie ay may pagka-anti studio siya. Ibig
sabihin nito, iyung klase ng kalakaran ng istudyo na kung saan ay may Joyce Bernal ka
na nagdidirek ng romantic comedy o kung ano mang comedy at pagkatapos ay may
star actors ka na magbibida. Kailangan ay may Star Studio actors ka rito. Iyung iskrip
na ginawa mo ay dodoktorin ng isang komite ng iskrip para kung romcom ito ay may
kilig factor every two minutes. Calibrated iyon kaya effective iyung mga romcom sa
Pilipinas at iyon ang dominant genre hanggang ngayon dahil may kilig factor nga siya
na pinIpursue sa maraming sandali sa pelikula.”
Sinabi rin ni Tolentino na matagal na ang kasaysayan ng mga pelikulang indie na
aniya’y noong dekada ’50 at ’60, “pag sinasabing indie noon, ang ibig sabihin, hindi ito
gawa ng mga studio tulad ng Ilang-ilang Productions, Sampaguita Films, LVN
Productions na mga sikat noon. Ibig sabihin, ito ‘yung mga fly-by-night na mga
produksiyon…Pero ang layon nitong lahat ay kumita hindi katulad ngayon na layon
niyang maging mabigat.”

Ang mga pelikula umano noong dekada ’60 ay uso ang temang “spaghetti westerns” na
kahalintulad sa mga usong pelikula noon na may temang cowboy culture, at sex. At
noong 1972 ay nauso ang bomba films.

Ilan sa mga filmikong istilo ng indie, ayon kay Tolentino, ay ang pagiging neorealismo
nito kung saan ipinapakita ang buhay sa isang araw; ang karakter at sitwasyon mula sa
laylayan, ginagampanan ng karakter aktor; mabigat ang pasanin ng karakter (o tunay
na may hugot); tracking at babad shots o parang documentary films; matagtag na kilos
ng kamera; walang malinaw na tapos; poverty porn, at pang-award.

Ang indie film o independent film ay isang pelikula na hindi


kalakihan ang ginastos sa paggawa at hindi gawa ng mga
malalaking production companies. Maaring ito ay maiksi
lamang na pelikula. Ito rin ay hindi lamang sa Pilipinas
matatagpuan dahil maging ang ibang mga bansa ay may kani-
kaniyang indie films.

You might also like