You are on page 1of 22

KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO I.

Panimula o Introduksyon: Sa mundong ito, kung saan mabilis umunlad ang teknolohiya, may mga ibat ibang pamamaraan upang malibang ang isang tao. Isa sa pamamaraang ito ay ang paglalaro ng ibat ibang console games tulad ng DotA na nalalaro sa kompyuter, at iba pang laro ng ganitong klase. Pero isa sa pinaka partikular na libangan ng mga tao ay ang panonood ng pelikula, Tagalog man o dayuhan man ito. Kadalasan, sa panonood ng pelikulang Tagalog, ang hinahanap ng mga manonood nito ay ang mga patok na patok na love films na labis na nakakarami sa pelikula na gawa sa ating bansa. Isa sa posibleng dahilan nito ay ang kahusayan ng mga Pilipino sa paggawa ng mga kwentong tungkol sa dalawang taong nagmamahalan. Kaya ngat sa twing may panibagong pelikulang romansa sa sinehan, agad agaran itong dinagdagsa ng kani-kanilang taga tangkilik. May mga pelikulang Tagalog rin na maaksyon ang ganapan. May mga tipo rin na mapantasya ang dating; mga taong may kapangyarihan, paglaban sa mga masasamang pwersa ng kadiliman, at kung anu-ano pang klaseng pelikula na ginagamitan ng sinematograpiya. Sa ganitong aspeto ng panonood ng pelikulang Tagalog, may mga taga suporta ang mga ito, ngunit may mga ilan rin na hindi nagugustuhan ang mga special effects ng

pelikula sapagkat mas napapaboran nila ang sinematograpiya ng mga pelikula na gawa sa Hollywood. Kung pupunta naman tayo sa pelikulang dayuhan, ang mga pelikulang maaksyon, mapantasya, at inspirasyonal ang pumapatok sa takilya. Gaya na lamang ng mga Marvel Films na patuloy na dinadagsa ng mga manonood sa sinehan. O kaya namay ang mga pelikulang maaksyon tulad ng The Transporter at ang serye ng Mission Impossible. Isa sa posibleng dahilan, bukod sa mahusay na pagbuo ng pelikula at napakalinaw at napakagandang sinematograpiya nito, kung bakit maganda ang kinalalabasan ng mga pelikulang dayuhan ay ang musikal skoring nito. Kapag nagkakaroon ng panibagong pelikula sa ibang bansa, nagkakaroon ng komposisyon ng mga tugtog upang ito ay makatulong sa pagpapaganda ng kalalabasang pelikula. Minsan naman, sa musikal skoring ng mga pelikulang lokal, nagkakaroon ng pagkokopya o pagkuha ng musika mula sa dayuhang palabas para ito ay gamitin sa sarili nilang pamamaraan. Nagkakaroon ng pagkakataon na kung saan ung mga tunog sa ibang pelikula ay nagagamit sa pelikulang lokal, may pahintulot man o wala. Kaya nawawalan ng orihinalidad ang mga pelikula sa ating bansa, kung ito ay titignan sa ibat ibang aspeto. Subalit, nasa tao parin yan kung anong pelikula ang patuloy niyang tatangkilikin at patuloy niyang aayawan. Ang mga manonood na ang bahalang humusga kung paano nila titignan ang bawat pelikulang kanilang napapanood; kung ito ba ay titignan nila sa pananaw ng kritisismo o sa pananaw ng paglilibang ng sarili lamang.

II. Layunin ng Pag-aaral: Layunin ng aming pangkat na alamin ang kalagayan ng pelikulang Tagalog at pelikulang dayuhan sa mga mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nilalayon ng mga mananaliksik ng pamanahong papel na ito na masagot ang mga katanungang ito: Ano ang impact ng pelikulang Tagalog at pelikulang dayuhan sa mga manonood? Anu-ano ang pagkakaiba ng pelikulang Tagalog at pelikulang dayuhan sa isat isa? III. Kahalagahan ng Pag-aaral: Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat nakakatulong ito sa mga mambabasa nito na malaman kung ano ang pinagkaiba ng pelikula na gawa sa ating bansa at ng pelikula na gawa sa ibang bansa. Ang impormasyong makukuha mula sa pananaliksik ay napakahalaga lalo na sa larangan ng multimedia o kaya naman ay sinematograpiya.

IV. Saklaw at Limitasyon: Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas na madalas manood ng pelikula sa sinehan. Saklaw rin ng pag-aaral na ito ang mga ibat ibang taong kasali sa paggawa ng isang pelikula sapagkat maaari itong makatulong sa kanila para mas mapaganda pa ang mga susunod na pelikula na kanilang magagawa sa paglipas ng panahon.
3

Limitado naman ito sa mga tao na hindi gaanong nanonood ng pelikula o ang mga tao na walang interes sa pagpapanood ng palabas sa sinehan.

V. Depinisyon ng Terminolohiya: Hollywood: Lugar sa Estados Unidos kung saan maraming dayuhang artista ang nakatira o nakapwesto dito. Musikal Skoring: Ito ay ang mga bagong komposisyon na para sa pelikula mismo. Pelikulang Dayuhan: Ito ang mga pelikula na gawa sa ibang bansa, partikular na sa Estados Unidos. Pelikulang Tagalog: Ito ang mga pelikula na gawa sa ating bansa. Sinematograpiya: Ito ay ang paggamit ng makabagong teknolohiya para magkaroon ng kakaibang epeks sa pelikulang ginagawa. Sound Directors: Sila ang mga direktor ng paggawa ng mga musika para ito ay tumugma sa pelikula.

KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Pinagmulan ng Pelikulang Tagalog: Noong Enero 1, 1897 may apat na pelikulang pinamagatang Un Homme au Chapeau o (Kalalakihang may Sumbrero) Une scene de danse Japonaise (Isang Eksena sa Sayawang Hapones) La Place l'Opera Sa lugar ng Tanghalan les Boxers (Ang mga Boxingero) ay ipinalabas sa Salon de Pertierra na isang sinehan sa 16.Calle Escolta ng isang ngangalang Antonio Ramos na isang Sundalo mula sa Espanya, Nag angkat siya ng Lumiere sinematograph na may 30 pelikula mula sa kayang account sa isang bangkong swiso. Ang Pelikula ay Buhat sa mga bansang Pransya Alemanya at sa Britanya, ang ipinapalabas sa Lunsod ng Maynila. Nang mga sumunod na mga taon, para makaakit ng mga manonood, ay ginamit ang Lumiere para gawing tagakuha ng mga magagandang mga eksena mula sa mga lokal na tanawin sa pilpinas na isang dokomentaryo tulad ng Panorama de Manila o ang lupain ng maynila, Fiesta de Quiapo o Pista ng Quiapo puente de Espanya o ang tulay ng Espanya at La Ecsenas de la Callejeras o ang Sayawan sa kalye. Bukod kay Ramos ay marami ding mga Dayuhanng taga gawang pelikula ang ang pumunta sa pilipinas tulad ni Burton Holmes na ama ng Travelogue, na kumuha ng ilang mga dokumentaryong mga pelikula sa pilipinas tulad ng Battle of Baliwag si Kimwood Peters din ay kumuha ng ilang mga tanawin sa Banaue Rice terraces at si Raymond Ackeman ng American Biography at ang Mutoscope ay nag Cock Figth na ipinapakita ang pagkakahilig ng mga pilipino sa Sabong.
5

Kalagayan ng Pelikulang Dayuhan: Taon taon maraming pelikila ang ginagawa para sa mga manonood. Ang iba ay pumatok sa masa habang ang ilan ay hindi gaanong napuntahan. Iba-iba ang tema, iba-iba ang tema at kung saan saan kinuhanan ang bawat eksena. Ngunit ano nga ba ang mga bagay na makakatulong para makagawa ng isang magandang pelikula. Una dito ay ang grapiks ng isang pelikula. Mga special effects na ginagawa upang mas mapaganda ang isang pelikula. Ngunit hindi ito magiging sapat upang punan ang kapangitan ng isang pelikula. Mula sa nakalap na impormasyon mula sa mga nakitang diskusyon, ang grapiks ng isang pelikula lalo na sa mga Hollywood na pelikula ay ginagamit lang ng mga director upang maging tamad dahil alam nila na may tsansang kahit ang isang pangit na pagdirek pelikula ay maaaring tangkilikin kung maganda ang grapiks nito at dahil alam nila na sila ay mayroong latest softwares. Pero kahit na ganito ang nangyayare ay patuloy paring nagbabayad ang mga manunood sa mga pelikulang ganito na nagsasabi natin na sila parin ay nasayahan sa panunood. Kung nasasayahan naman ang mga manunuod dito ay masasabi parin na nagampanan ng pelikula ang kailangang gawin na ang magpasaya ng tao. Kasunod ng grapiks ay ang kwento ng isang pelikula ang nakakaapekto sa kagandadhan nito. Sinasabing ito raw ang pinaka mahalagang parte ng isang pelikula. Ito ang umaakit sa mga manonood upang tangkilikin ito. Kung wala ang isang magandang

kwento ay maaaring hindi ito tumagal at mawalan na ng interes dito. Isang halimbawa ng tagumpay na pelikula ay ang serye ng mga pelikulang Harry Potter. Dahil alam na ng tao ang kwento dahil sa libro nito ay gusto nilang mapanuod ito para bigyang mukha ang mga karakter sa libro. Dito rin papasok ang kagalingan ng special effects na ginamit na mas bumuhay sa kwento. Ang pangatlo ay ang musika at ang tagpuan ng isang pelikula. Ang magandang musika na akma sa storya ay isa ring mahalagang parte ng pelikula. Ito ay magbibigay ng mas malakas na epekto. Mas mararamdaman ng tao ang emosyon sa eksena. Ang malungkot na kanta sa nakakaiyan na eksena, ang masaya sa masaya, ang nakakatakot sa nakakatakot at iba pa. Pangit naman siguro na ang kanta ay masaya kung namatay ang bida. Ang tagpuan naman ay nakakaganda sa paningin ng manunuod. Masarap panuorin ang pelikulang bumubusog sa mata dahil sa lugar ng tagpuan. Ang maganda ring tagpuan ay nakakaakit sa tao upang panuorin ang isang pelikula. Ang panghuli naman ay ang mga aktor na gaganap sa mga karakter ng pelikula. Ang aktor dapat ay magaling umarte at kayang ganapan ang isang karakter na para bang siya ito. Kaya niyang buhayin sa isipa ng mga manunuod ang karakter para masubaybayan nito. Kaya nagiging sikat ang mga dayuhang aktor ay hindid lamang may kaya ang prodyuser upang idistribyut sa buong mundo ang pelikula ito ay dahil din sa kagalingan nilang umarte. Ang mga magagaling na dayuhang aktor ay isa sa mga dahilan kung bakit tinatangkilik ang mga dayuhan pelikula. Masasasabi natin na kung gagawa ng pelikula ang lahat ng sikat na aktor na dayuhan ay susugod ang mga tao mapanuod lang ito.

Tunay na ito ang mga dahilan kung bakit maganda ang mga dayuhan pelikula. Mayroon silang sapat na kaalaman at teknolohiya upang mapaganda ang pelikula sa tulong ng mga special effects. Mayroon silang magagaling na manunulat na nakakaisp ng magandang kwento upang gawing pelikula. May sapat na pondo upang makapunta sa ibat ibang lugar na pinaka aangkop sa eksena. Mayroong magagaling na sound directors na alam kung ano ang pinaka magandang musika para sa pelikula. Isa pang dahlian ay ang mga sikat at magagaling artista na kayang humakot ng maraming manunuod. Gamit ang mga gamit na mayroon sila ay makakagawa sila ng isang magandang pelikula na tatangkilikin ng lahat.

KABANATA III METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik Ang disenyo na ginamit ng mga mananaliksik ay deskriptib analitik spagakat gumamit ang mga mananaliksik ng mga palatanungan upang maisagawa ang sarbey. Sa pamamagitan ng ganoong paraan, mas madaling nakakolekta ng datos ang mga mananaliksik mula sa mga respondente.

Respondente Maaaring isang malawakang pag-sasarbey ang gawin sa ganitong klaseng pananaliksik. Ito ay dahil maraming posibleng respondente ang pwedeng hingan ng sagot para sa mga tanong ng mga mananaliksik sa kanilang sarbey. Lahat ng tao ay posibleng may hilig sa panonood ng pelikula, lokal man o dayuhan. Sa bansa ay maaring lahat ay nakakita na ng maraming klase ng pelikula kaya napili ng mga mananaliksik na mga estudyante lang ang kanilang maging respondente. Dahil marami ang mga paaralan sa bansa, nag-pasya ang mga mananaliksik na mga mag-aaral nalang ng Unibersidad ng Santo Tomas ang kunan ng opinyon.

Instrumento ng Pananaliksik Ang mga mananaliksik ay gumamit ng ibat ibang paraan upang kumuha ng mga datos. Sila ay nagsarbey ng mga estudyante mula sa Unibersidad ng Santo Tomas upang malaman ang kanilang mga opinyon ukol sa nasabing paksa. Tinanong ang mga respondente kung sila ay apektado ng paksa na tungkol sa pagkakaiba ng dalawang uri ng pelikula, pelikulang lokal o pelikulang dayuhan.

Ang mga mananaliksik ay naghanap din ng mga importanteng impormasyon na may kaugnayan sa napiling paksa. Kumuha ang mga mananaliksik ng mga datos upang mapalawak at matukoy ang sakop at limitasyon ng pamanahong papel. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng ibat ibang sanggunian tulad ng mga akademikong artkulo, mga diskusyon at mga forum na may kaugnayan sa napiling paksa.

Tritment ng mga Datos Mula sa mga nakalap na datos sa tulong ng ginamit na sarbey ng mga manananaliksik ay gumawa sila ng ibat ibang representasyon at interpretasyon nito. Una ay gumawa sila ng grap, upang maipakita ang resulta ng sarbey. Sinaliksik nila ang nagawang grap upang makabuo tamang interpretasyon ng mga sagot ng mga respondente.

10

KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Sa pananaliksik ay nag-sagawa ng isang malawakang sarbey sa loob ng Unibersidad ng Santo Tomas. Sa kabanatang ito, naipresenta ng mga mananaliksik ang mga datos na nakuha nila mula sa resulta ng sarbey na siyang nakabase sa isandaang mga respondenteng nag-partisipang sumagot nito.

Bilang ng mga Mag-aaral na Mahilig Manuod ng Pelikula

Mga Mahihilig Manood ng Pelikula (87) Mga Hindi Mahihilig Manood ng Pelikula (13)

Sa grap na ito, naipakita ng mga mananaliksik ang bilang ng mga respondenteng mahilig manood ng mga pelikulang lokal o dayuhan. Base sa datos, nalamangan ng mga mahihilig

11

manood ng pelikula ang mga hindi mahilig manood. Ang bilang ng mga mahihilig manood ay walumpu't pito at labing tatlo naman sa mga hindi mahihilig manood.

Mga Salik na Nakaka-apekto sa Pag-papaganda ng Pelikulang Lokal

Musika Grapiks Kuwento Tagpuan Tauhan 0 10 20 30 40 50 60 70 80 90 100 Tauhan (55) Tagpuan (45) Kuwento (86) Grapiks (54) Musika (38)

Sa grap na ito, naipakita ng mga mananaliksik ang bilang ng mga repondenteng sa tingin nila ay nakaka-apekto sa mga pelikulang lokal. Base sa datos, ang bilang ng mga nag-sasabing musika ang nakaka-apekto rito ay nasa tatlumpu't walo at sa grapiks naman ay bumibilang sa limampu't apat na respondente. Ang may pinaka-maraming bilang ay ang kuwento na siyang umabot sa walumpu't anim na respondente. Sa tagpuan naman ay apatnapu't lima at sa tauhan naman ay limampu't limang respondente.

12

Mga Salik na Nakaka-apekto sa Pag-papaganda ng Pelikulang Dayuhan

Musika Grapiks Kuwento Tagpuan Tauhan 0 10 20 30 40 50 60 70 80 Tauhan (58) Tagpuan (51) Kuwento (76) Grapiks (70) Musika (45)

Sa grap na ito, naipakita ng mga mananaliksik ang bilang ng mga repondenteng sa tingin nila ay nakaka-apekto sa mga pelikulang dayuhan Base sa datos, ang bilang ng mga nagsasabing musika ang nakaka-apekto rito ay nasa apatnapu't lima at sa grapiks naman ay bumibilang sa pitongpu na respondente. Ang may pinaka-maraming bilang pa rin ay ang kuwento na siyang umabot sa pitompu't anim na respondente. Sa tagpuan naman ay limampu't isa at sa tauhan naman ay limampu't limang respondente.

Kagustuhan ng mga Mag-aaral na Ayon sa Dalawang Klase ng Pelikula

Pelikulang Lokal (7) Pelikulang Dayuhan (93)

93

13

Sa grap na ito, naipakita ng mga mananaliksik ang bilang ng mga respondenteng pabor sa pelikulang lokal at pelikulang dayuhan. Base sa datos, mas maraming respondenteng mag-aaral ang pabor sa mga pelikulang dayuhan kaysa sa pelikulang lokal. Ang bilang ng mga pabor sa pelikulang dayuhan ay siyamnapu't tatlo habang sa mga pelikulang lokal ay nasa pito lamang.

14

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

LAGOM

Ang mga pelikula ngayon ay nagiging isang popular na libangan ng mga Pilipino lalo na ng mga estudyante. Patuloy na tinatangkilik ng mga estudyante ang mga ito. Ang mga pelikula ay patuloy na umuunlad at mas lalong mapagbuti ang resulta para sa mga manonood. Kahit marami ang pinagdadaanan at kinakailangan ng malaking pondo upang makagawa ng isang pelikula, hindi parin tumitigil ang mga prodyuser na gumawa ng mga ito at ikakalat parin nila ang mga ito sa lahat ng sinehan sa buong bansa at maging sa buong mundo. Ang pag-gawa ng isang pelikula ay nagdudulot ng kasiyahan sa mga manunuod at nagbibigay din ng trabaho sa mga kasamang gumagawa ng mga ito tulad ng mga artista, mga tauhan at iba pa.

Tinukoy ng mga mananaliksik ang mga pelikula sa dalawang kategorya; Dayuhan pelikula at Lokal na Pelikula. Ayon sa kanilang nakuhang mga impormasyon ay nabigyan nila ng kaibahan ang dalawang ito. Ang mga dayuhan pelikula ay patuloy na sumisikat hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa buong mundo dahil sa maraming bagay. Ang mga gumawa ng mga ito ay marahil ay may sapat na pera upang maibahagi palang ang kopya ng pelikula. Ang mga ganitong uri ng pelikula ay binubuo ng mga sikat na artista at mga sikat na direktor kung kayat mas lalo itong pinapanood. Ayon din sa mga mananaliksik na ang mga dayuhang pelikula ay may kalamangan sa teknolohiyang ginagamit sa pagpapaganda nito. Marahil ang programa at mga ginagamit nila ay ang pinakabago kung kayat hindi nakakagulat na maganda ang kalalabasan ng pelikula. Kaugnay naman sa pondong ginagamit ay nagiging resulta nito ang pagkakaroon ng 15

pagkakataong kuhanan ang mga eksena sa ibat ibang lugar at mas lalong manghikayat ng mga manunood. Ang mga lokal na pelikula naman ay may sarili rin naming kalamangan sa

dayuhan. Dahil ito ay galling sa ating bansa ay kilala ng mga tao ang mga artista. Alam rin ng mga lokal na director ang panlasa ng mga pilipino kung kayat nagagawa nila kung ano ang inaabangan ng lahat tulad na lamang ng mga drama o aksyon.

Kumuha ng sarbey ang mga mananaliksik upang malaman ang tingin ng mga estudyante sa mapelikula at ayon sa mga nakuhang datos ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng sarbey ay bibigyan tayo ng ideya sa totoong pananaw ng mga respondente sa napiling paksa na dayuhan at lokal na pelikula. Napatunayan ng mga mananaliksik na mas nakakarami ang mahilig manood ng mga pelikula at sa nakuhang mga datos ay nadiskubre ng mga mananaliksik kung ano ang opinyon na nagiging batayan ng mga estudyante sa ikakaganda ng isang pulikula. Sa lokal na pelikula ay nakabatay lang ang mga respondente sa kwento at hindi masyadong tinitignan ang grapiks hindi tulad ng sa mga dayuhang pelikula na marami ang nag-nanais mapanood ito kung hindi inaabangan din ang grapiks pati na rin ang mga artistang gaganap sa mga karakter. Dahil sa resultang ito, napatunayan ng sarbey ang mga impormasyong nakuha ng mga mananaliksik na mas makabago ang teknolohiyang ginagamit ng mga dayuhang pelikula para sa grapiks tulad ng mga special effects. Makikita rin natin na sa lahat ng respondente ay higit na marami ang mga mas may hilig sa panunood ng mga dayuhang pelikula na ang maaaring dahilan na makukuha natin para dito ay sa grapiks.

Sa pananaliksik ng mga impormasyon at pagkaka-alam ng mga opinyon mula sa mga respondente ay nakita na ng mga mananaliksik ang mga dahilan at batayan ng mga estudyante sa panunood ng pelikula. 16

KONGKLUSYON

Base sa resulta ng aming pananaliksik, masasabi na ang karamihan ng mga magaaral na sakop ng aming pag-aaral ay mahilig manood ng mga pelikula at karamihan din sa kanila ay mas nagugustuhan ang mga pelikulang dayuhan. Ayon sa aming nalagap na mga impormasyon, ang salik na pinaka-nakakaapekto sa pagpapaganda ng mga pelikulang dayuhan ay ang daloy ng kuwento, sunod ang grapiks, mga tauhan, tagpuan at pinakahuli naman ang musika. Sa kalagayan naman ng pelikulang lokal, ang salik na pinaka-nakakaapekto sa pagpapaganda nito ay ang daloy ng kuwento, sunod ang mga tauhan, grapiks, tagpuan at pinakahuli ang musika. Sa kalagayan ng mga pelikulang lokal at dayuhan, mahigit na naaapektuhan ito ng sinematograpiya. Sunod sa sinematograpiya ay ang daloy ng kwento at ang mga tauhan. Nakakaapekto sa pagtingin ng mga mag-aaral ang sinematograpiya dahil mas nakakaaliw para sa kanila ang mga grapiks at teknolohiyang ginagamit sa mga pelikula. Sunod ay ang kuwento bilang isa sa mga higit na nakakaapekto sa pagtingin nila sa mga pelikula dahil ang kagandahan ng konsepto ng mga palabas ay importante sa kanila. Sunod dito ay ang tauhan bilang salik ng pelikula dahil para sa kanila, mas nagiging kaaya-aya ang isang pelikula kung gusto nila ang mga tauhang gumaganap dito. Base sa aming pag-aaral, may kanya-kanyang gustong pelikula ang mga magaaral. Ayon sa kanila, maaari pang mahigitan ang kanilang mas gustong uri ng pelikula kung ang mga bagay na sumusunod ay mapaghuhusay pa. Pinakamalaking salik ang

17

kuwento. Kasunod nito ay ang sinematograpiya at grapiks. Ang pangatlo ay ang orihinalidad. Sa aming pananaliksik, ang naging resulta ay mas nahihikayat ang mga mag-aaral na manood ng mga pelikulang dayuhan kaysa sa mga pelikulang lokal dahil sa mga nabanggit na salik. Ayon sa kanilang mga sagot, marami pang dapat ipaghusay ang pelikulang lokal sa grapiks, teknolohiya at daloy ng kuwento.

REKOMENDASYON

Sa pagtatapos ng pananaliksik, may mga rekomendasyong naihanda ang mga mananaliksik para sa mga susunod pang magsasaliksik ukol sa pareho o kaya'y kahawig sa paksa ng pag-aaral. Unang-una, nais ng mga mananaliksik na palawakin pa ang pagsasagawa ng sarbey sapagkat ang mga datos na makukuha rito'y mas may kredibilidad kaysa sa isang napaka-liit na bilang ng mga respondente. Maaaring marami pang mga tao sa komunidad na nais makisalamuha sa pagsasagawa ng pananaliksik na katulad nito. Ngunit sa kabila ng kagandahan ng ganitong klaseng pananaliksik, maaari ring mas malaking trabaho at responsibilidad ang kinakailangan upang maisagawa ang ganitong kalawak na pananaliksik. Nairekomenda rin ng mga mananaliksik na paglaanan pa ng mas maraming oras ang pag-aaral upang mas maging sigurado at maayos ang resulta nito dahil sa pamamagitan nito, mas mapapalinaw ng mga mananaliksik ang layunin ng pag-aaral na ito't malaking tulong ito sa pagiintindi ng mga mambabasa sa pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik.

18

APENDIKS

Mga Sanggunian: http://ezinearticles.com/?What-Makes-A-Good-Movie&id=924545 http://mubi.com/topics/what-critical-factors-do-you-consider-when-judging-a-film-asgood-to-great-in-your-opinion http://jbunce.hubpages.com/hub/Movie-Talk-What-Makes-A-Good-Movie http://www.debate.org/debates/Hollywood-movies-should-not-rely-on-graphics-butmore-on-acting/1/ http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=620936 http://www.docstoc.com/docs/44785109/Kasaysayan-at-Tunguhin-ng-PelikulangPilipino http://group2filculm.multiply.com/journal/item/11/Banyagang_Pelikulang_vs_Lokal_na _Pelikula?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal%2Fitem http://www.slideshare.net/vangiea/kasaysayan-ng-pelikulangpilipino?src=related_normal&rel=759913

19

Mabuhay! Mabuhay! Kami po ay mga estudyante sa kursong BS Computer Science mula sa Fakultad ng Inhenyeriya-UST. Kami ay nagsasagawa ng isang pagsisiyasat ukol sa pananaw ng mga estudyante sa mga lokal at dayuhang pelikula. May mga ilang tanong lamang kami sa inyo na maaari ninyong sagutin sa maikling panahon. Maraming salamat po! -Mga mananaliksik Pangalan(Opsyonal):_______________________________

1.

Mahilig ka bang manood ng mga pelikula? Oo Hindi

2.

Pumili sa mga sumusunod kung sa tingin mo ito'y nakatutulong sa pagganda ng

PELIKULANG TAGALOG/LOKAL. Mga Tauhan Tagpuan(Setting) Kuwento(Story)

Grapiks/Sinematograpiya

Musika

20

3.

Pumili sa mga sumusunod kung sa tingin mo ito'y nakatutulong sa pagganda ng

PELIKULANG DAYUHAN. Mga Tauhan Tagpuan(Setting) Kuwento(Story)

Grapiks/Sinematograpiya

Musika

4.

Alin sa dalawang sumusunod na uri ng pelikula ang mas pinapaboran o mas

nagugustuhan mo? Pelikulang Tagalog/Lokal Pelikulang Dayuhan

5.

Sa iyong palagay, paano nakakalamang ang sagot mo sa tanong bilang 4? __________________________________________________________________

________________________________________________________________________

21

6.

Maaari bang malamangan ng hindi mo napiling sagot sa tanong bilang 4 ang

iyong napiling kasagutan? Oo Hindi

7.

Ibigay ang dahilan ng iyong sagot sa tanong bilang 6. __________________________________________________________________

________________________________________________________________________

22

You might also like