You are on page 1of 1

Bionote ni Kidlat Tahimik

Si Eric Oteyza de Guia (isinilang noong Oktubre 3, 1942), kilala sa taguring Kidlat Tahimik ("Silent
Lightning"), ay isang direktor sa pelikula, manunulat at aktor na ang mga pelikula ay maiuugnay sa
Samahan ng Ikatlong Sinema sa pamamagitan ng kanilang mga kritik sa neokolonyalismo. Sa kanyang
mga kontribusyon sa paglinang sa malayang sinema sa Pilipinas, siya ay nakilala noong 2018 bilang
Pambansang Alagad ng Pelikula sa Pilipinas- isang paglilipat na kumakatawan sa estado ng Pilipinas ng
pinakamataas na pagkilala para sa isang alagad ng sining.

Ang isa sa mga pinakaprominenteng pangalan sa industriya ng pelikulang Pilipino, siya ay


nakapagtamo ng iba-ibang karangalan local at internasyonal, kabilang ang Plaridel honorarium para sa
malayang sinema. Siya tinagurian ng mga kapwa manlilikha ng pelikula at mga kritiko na “Ama ng
Malayang Sinema sa Pilipinas.”

Sa kasalukuyan patuloy na nililikha ni Tahimik ang sarili sa pamamagitan ng kanyang pelikula, at


dahil diyan ang kaniyang pelikula ay natatangi bilang isang “tao”. Ang kanyangunang pelikula,
Mababangong Bangungot (1977), ay pinapurihan ng mga kritiko at “filmmakers” mula sa Europa, North
America, Asya, at Africa and ay patuloy na kinikilala ng marami bilang nanguna sa postcolonial na
pelikulang sanaysay. Ang matinding Kalayaan ni Tahimik bilang alagad ng sining gayundin ang kaniyang
mga pelikula’y nananawagan sa mga Pilipino na na aktibong mamuhay sa kanilang Kalayaan at hindi
hayaang sakupin ang kanilang kultura ng mga Kanluranin. Ang “imperpektong” pelikula ni Kidlat ay
isang halimbawa ng “Ikatlong Sinema” sa buong mundo, isang sinema na kritikal sa pagmamanipula sa
neocolonial at paniniil. Subalit, katulad ng ibang Ikatlong Sinema, ang mga likha ni Kidlat ay hindi
lamang itinataas ang kabulukan. Ang kaniyang mga pelikula’y kahit na iyong mga nagninilay sa mga
kawalan ng hustisya at karahasan, ay nangangakon ng pag-asa ng posibilidad, bagaman hindi pa
nakikitang mga pagtatagumpay. Ang kaniyang patuloy na ipinaglalaban na anumang “pag-unlad” ay
maiuugnay sa katotohanan ng “kalungkutan” at kahirapa’y hindi dapat na manatiling pansariling
kalungkutan o paghihirap.

Ang mga kilalang likhang sining ni Kidlat ay ang sumusunod:

Balikbayan #1: Memories of Overdevelopment Redux (2015)

Japanese Summers of a Filipino Fundoshi (1996)

Why Is Yellow the Middle of the Rainbow? (1983-1994)

Orbit 50: Letters to My 3 Sons (1990-1992)

Turumba (1983)

Who Invented the Yoyo? Who Invented the Moon Buggy? (1979)

Mababangong Bangungot/Perfumed Nightmare (1977).

Sanggunian:

ncca.gov.ph. (n.d.). Kidlat Tahimik. https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/culture-


profile/national-artists-of-the-philippines/kidlat-tahimik/

You might also like