You are on page 1of 1

Rhena C.

Detangco
FIL1:3:00-5:00pm
Instructor: Angelo Bautista

Repleksyon ng Proseso ng Panunuring Pampelikula

Sa pagdaan ng panahon ay marami nang mga pelikula ang nailikha sa ating bansa. At
sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ay kasama rin nitong umuunlad ang produksiyon
ng mga pelikula mula noon hanggang ngayon. Sa panahong ito ay naapektuhan din ang mga
pelikulang ipinapalabas at pili lamang ng administrasyon ang mga ipinapahayag sa
mamamayan. Sa taong kasalukuyan naman ay marami na ring pelikula ang nailabas sa masa
at nagkaroon ng malawak na pagpipilian ang mga tao sa mga pelikula. At sa taong ito
mas naging malaya ang pagkakaroon ng iba’t ibang klaseng pelikula para sa mga
mamamayang Pilipino. Naitatalakay dito ang mga aspektong nakakaapekto sa pag-unlad ng
produksiyon ng pelikula, ang mga pagkakaiba ng pelikula sa dalawang panahon na ito, at kung
anong panahon ng pelikula ang mas may higit na kalidad.
Ipinapahayag ng pelikula ang transpormasyon na ang lipunan at kasaysayan ay
nagbabago, binabago at nakapagbabago. Sa kasalukuyang panahon, nakaugalian ng mga
Pilipino ang pag-abang sa sinehan at panonood ng pelikulang Pilipino. Itinuturing ang
kulturang popular ng mga Pilipino ang panonood ng mga pelikulang lokal, at dahil sa
teknolohiya ang mga pelikulang ito ay nakakarating na sa mga ibang parte ng mundo.
Isa sa mga pinakapopular na libangan ng Pilipino ang panonood ng pelikula. Bilang mag-aaral
ng Filipino, angkop ding makita nating hindi lamang basta bahagi ng tinatawag nating
mass media ang pelikula, kundi isa rin itong uri ng panitikan na hindi nalalayo sa kwento, dulo,
o nobela.Sa panitikan, kinakailangan nating alamin kung ano ang banghay, tauhan, tagpuan,
simbolo, tema at iba pang sangkap ng kuwento upang maging gabay natin sa pagsuri
nito at tuluyang pagkawili rito. Gayundin, mahalagang may alam din tayo nang kaunti sa
mga sangkap ng pelikula upang makapagbigay din tayo ng karampatang pagsusuri at matamo
na antas ng pagkawili sa pelikula.

You might also like