You are on page 1of 22

Tuwa Mula sa Karatig Bansa

Mga Mananaliksik

Aaron Christopher C. Adsuara

Sean Dale H. Geraldo

Aliana Hershie G. Lo

Carlo Raphael T. Nana

Vien Ann Laura A. Retuta

Jules Cali B. Talaue

Vallen B. Reyes

Taga-gabay sa Pananaliksik

S.Y 2019-2020
Kabanata I

Introduksiyon

A. Kaligiran ng Pananaliksik

Maraming mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan, ang nahuhumaling sa media

ng Korea at Japan. Karaniwang nakagigiliwan ng mga Pilipino ang larangan ng musika at

palabras ng dalawang bansa.

Dulot ng pag-unlad ng teknolohiya, tulad ng mga gadyet at ang internet,

maraming bahagi ng media ang nagiging “viral” o “trending” sa mga Pilipino tulad ng

mga bidyo at musika. Ang mga media na nangingibabaw sa dalawang bansa ay ang

Kdrama o Korean drama at Kpop o Korean pop sa Korea at “Anime” at “Manga” naman

sa bansang Japan.

Isa sa pinakasikat na anime sa bansa ay ang Sailor Moon noong 90s. Ayon pa sa

Globe Telecom (2015), pimakanagustuhan ng mga kabataan noon ang pagpapalit ng

costume ng mga sailor soldiers. Sikat din noon ang Ghost Fighter, Pokemon, Naruto, at

Dragonball. Ilan sa mga bagong sumikat na anime naman ay ang Kimi No Na Wa o mas

kilala bilang Your Name, Weathering with You, at My Hero Academia. Ang Tekken,

naman ay isang sikat na anime na laro sa bansa.

Ilan naman sa mga sikat na kanta ngayon mula sa Korea (Kpop) ay ang Feel

Special ng Twice, Love Shot ng Exo, Kill This Love ng Blackpink, at ang pinakasikat na

Bboom Bboom ng Momoland. Ilan pa sa mga sumikat noong naunang henerasyon ng

Kpop ay ang Gee ng Seo Nyeo Shi Dae o Girls’ Generation, Fantastic Baby ng Bigbang,

at ang Gangnam Style ni Psy.


Isa din sa nagpapataas ng ratings sa mga lokal na istasyon ng telebisyon sa

Pilipinas ay ang Kdrama. Karaniwang ipinapalabas ito sa umaga, bago mag-hapunan, at

sa gabi. Pinakasakikat na Kdrama sa bansa ay ang Descendants of the Sun na

pinagbibidahan ni Song Hye Kyo at Song Joong Ki. Dahil sa kasikatan nito, binigyang-

adaptasyon ito ng GMA Netwrok. Isa pa sa naunang nabigyan ng adaptasyon sa bansa ay

ang My Love from the Star, isang kwento ng alien na naiwan sa mundo ng mga tao.

Pinagbibidahan ito ng mga Koreanong sila Kim Soo Hyun at Jun Ji Hyun.

Sa pag aalam ng mga baryante, pang promosyon man, mga tagahanga o kung ano

pa man, makakahanap tayo ng mga paraan at oportunidad upang maisalin ang kasikatan

ng media ng mga Koreyano at Hapones sa pagpapalago ng ating media.

Sa pamamagitan nito, nais alamin ng mga mananaliksik ang dahilan kung bakit

patuloy na lumalago ang kasikatan ng mga nasabing bansa sa mga Pilipino, kung ano ang

itong inilalahad at kung paano natin ito maisasalin upang mapaunlad ang ating sariling

media.

B. Paglalahad ng Suliranin

Nais malaman ng pananaliksik na ito ang mga dahilan kung bakit tinatangkilik ng

mga pinoy ang media ng bansang Japan at Korea, partikular na ang mga sumusunod:

1. Katangian ng media sa larangan ng:

A. Korean Media

a. Kdrama

b. Kpop

B. Japanese Media

a. Anime
2. Ano ang mga aspeto sa likod ng popularidad ng media ng dalawang bansa?

3. Ano ang impluwensiya nito sa interes ng mga Pilipinong tinatangkilik ito?

C. Kahalagahan ng Pananaliksik

Mahalagang pag-aralan at bigyang pansin ang mga ganitong bagay-bagay upang lalo pa

nating mapayabong ang sarili nating media. Ito ay mahalaga sa kadahilanang ito ay magiging

kapaki-pakinabang sa mga mamamayan, taga-gawa ng media, at sa susunod pang henerasyon.

Una, may mabuti itong epekto sa mga mag-aaral at mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay

magbibigay ng kahalagahan ng sarili nating media at makatutulong din sa pag-divert ng

atensiyon sa ating media upang lalo pa itong mapaganda at mabigyang atensiyon. Pangalawa, sa

mga gumagawa ng kaparehong media dahil makapagbibigay itong kaalaman kung paano

makatutulong sa pag-unlad ng kanilang ginagawa at kung ano ang dapat at hindi dapat nilang

gawin upang mapaganda ang taglay na katangian ng media ng mga Pilipino. At panghuli,

makakatulong ito sa mga susunod pang henerasyon. Maaari nilang balikan ito na

makapagbibigay sa kanila ng ideya tungkol sa media.

D. Teoritikal na Balangkas

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tukuyin ang dahilan sa likod ng pagkasikat ng

media ng bansang Japan at Korea. Ang mga sumusunod na teorya ay naka-angkla sa pag-aaral na

ito.
Media Dependency Theory

Ang teoryang ito ay binuo nina Sandara Ball-Rokeach and Melvin Defleur noong 1976.

Sinasabi ng teoryang ito, higit na nagiging importante ang media sa mga tao habang

dumedepende sila sa media sa pagnanais na matugunan ang kanilang pangangailangan. Dahil

dito, naiimpluwensiyahan ang kanilang paraan ng pamumuhay. Nagiging madepende ang mga

tao sa media dahil napupunan nito ang kanilang pangangailangan, pansariling layunin, at

kagustuhan na nakakaapekto sa kanilang personal at kultural na aspeto.

Cultural Proximity Theory

Ayon naman sa teoryang ito, inilahad na ang mga manonood o audience ay nakakahanap

ng pagkakatulad sa kanilang pinapanood. Isa sa mga pangunahing binibigyang-diin ay ang wika

na ginagamit.

E. Saklaw at Limitasyon ng Pagaaral

Nakatuon ang pag aaral na ito tungo sa pag alam ng mga aspeto kung bakit mas

tinatangkilik ang media ng mga bansa tulad ng Japan at Korea kung ikukumpara sa media ng

Pilipinas. Saklaw nito ang apatnapung estudyante na manggagaling sa apat na seksyon ng ika-11

na baitang.

Ang pananaliksik na ito ay iikot lamang sa ika-11 na baitang ng pamantasan ng Regional

Science High School ng Rehiyong II. Hindi nito makokontrol ang gagamiting bilang ng

responde.
F. Depinisyon ng mga Termino

Kpop

Ito ang musikang nanggagaling sa Korea na may masiglang tono. Isa ito sa

pinakasikat na uri ng musika sa Pilipinas at pati na sa Asya. Aalamin ng mga

mananaliksik kung ano nga baa ng dahilan sa kasikatan nito sa bansa.

Kdrama

Ang Kdrama ay ang mga teleseryeng nagmula sa Korea na pinapanood din sa

Pilipinas. Magiging indikator ang K-drama.

Anime

Isa itong uri ng animasyon na ginuhit at ginagawang palabas mula sa mga Hapon.

Magiging indikator ang Anime

Trending

Ito ang status ng mga bagay na nauuso o kinakahiligan. Ang trending ang

magiging indikator kung gaano kasikat ang tipo ng media.

Viral

Mga bagay na mabilis nagkakalat at nagugustuhan sa social media. Ang viral ang

magiging indikator kung gaano kasikat ang tipo ng media.

Media

Ito ay ang mga plataporma na maaarng gamitin upang magbahagi ng

impormasyon at mang-aliw. Ito ang pokus ng pananaliksik na ito.


Social Media

Mga website kung saan nagbabahagi ang mga indibidwal tungkol sa mga

kaganapan sa kanilang kapaligiran. Dito makukuha ang mga sikat na uri ng media.
KABANATA II

MGA KAUGNAYAN NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa parteng ito ng aming pag-aaral, naglikom ang mga mananaliksik ng mga nasagawang

literatura na maaaring makatulong sa pag iimbestiga sa mga kaugnayan at pagkakaiba ng ating

kultura sa paggawa ng mga palabas, musika, at iba pang mga uri ng mediya kumpara sa mga

Koreano at Hapon.

Media

Ang media ay isang plataporma kung saan ang mga entidad na nagbibigay impormasyon,

balita, at mga birtwal na pang aliw ay nabubuo sa isang kolektibong katawagan (Cahrlotte,

2017). Isa rin itong outlet ng komunikasyon na naglalahad ng espesipikong kaganapan o

pangyayari na kinakailangang ipaalam sa publiko. Ayon naman kay Marshall McLuhan (1954)

ang media ay isang instrumento na hindi dapat pinaglalaruan sapagkat ito ay uri ng sining na

inaasahan at naka depende ang mga katauhan.

Malaki ang impluwensya ng ibat-ibang uri ng media sa lipunan. Dahil sa media, nabubuo

ang persepsiyon ng isang indibidwal kung ano ang kaakit-akit sa publiko, ano ang tama sa mali,

at kung ano ang katotohan (Neale, 2014). Dahil dito, masasabi ring may kakayahang mag

manipyula ang media upang patakbuhin ang pagiisip ng lipunan. Ang kapangyarihang ito na

taglay ng media ay maaaring makitaan ng maganda o masamang dulot, kaya ito ay dapat ingatan

at matutunang gamitin para sa benipisyo lamang ng isang lipunan.


Social Media

Ang social media ay ginagamit ng mga tao sa buong mundo at ito ay hindi maiiwasan.

Karamihan sa gumagamit nito ay ang mga studyante, na kung saan ginagamit ito upang

magkaroon ng komunikasyon. Ayon kay Ford at Ravansari (2017) ang social media ay isang

paraan upang maibahagi ng isang tao ang mga impormasyon, opinyon at kaalaman na kanyang

gustong ipahayag. Sa buong mundo 94% na nasa gulang ang mayroong sariling social media site

account (Chaffey, 2016), habang 73% naman sa mga kabataan na gumagamit nito (Lenhart et

al.,2010). Ang mga mag-aaral sa mga unibersidad at ang mga kabataan ay itunuturing

pinakapopular na gumagamit sa teknolohiya na ito.

Sa pagkakaroonng social ay siyang nakakapagpabago sa ating bansan maging sa buong

mundo, sapagkat ang social media ay isa sa mga libangan ng mga tao, katulad na lamang ng mga

facebook, twitter, instagram at iba pa dahil dito tumataas ang bilang ng mga taong gumagamit ng

sosyal media. Base sa isang pag aaral na sinasabi na ang mga Pilipino ang sinasabing banyaga

pag dating sa social media. Sa ka dahilanan na maraming mga Pilipino ang sumusuporta sa mga

idolo nilang banyagang manganganta o artista sa pamamagitan ng social networks. At isa ring

dahilan nito ay mahiligang mga Pilipino mag upload ng mga cover ng mga kanta ng mga

internasyonal ng mga manganganta.

Sabi nga ni Beinvenido Lumbera (2007);“Parang hininga ang wika, sa bawat sandal ng

buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan itona buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa
kapwa nating gumagamit rin nito. Sa bawat pangangailangan natin ay gumagamit tayong wika

upang kamitin ang kailangan natin”. Patunay na lamang na kapag pinalaganap natin ang wikang

Filipino sa social network ay lalaganap din ang produkto, kultura, at iba pang pinagmamalaki ng

Pilipinas.

Anime

Ang media ang pangunahing pinanggagalingan at kinagigiliwang libangan ng mga tao.

Isang uri ng media ay ang mga bidyo na nagpapakita ng iba’t ibang mga pangyayari ito man ay

nakkaatawa, nakakatakot, o nakakaiyak. Mayroong isang bansa na gumawa ng sariling estilo ng

bidyo kung saan ginamit ang masining na pagsusulat ng mga larawan na bumubuo ng mga

imaheng dinamiko at may iba’t ibang senaryo, ang bansang ito ay ang bansang Japan at ang

tawag sa media na nabanggit ay “anime”.

` Marami ang naghahambing sa anime at cartoons dahil pareho itong mga dalawang

dimensiyong uri ng “animated videos”. Ang anime ay nagustuhan ng mga tao at ito ay kumalat

ng mistulang apoy sa iba’t ibang sulok ng mundo at tinawag itong “J-wave” ng isang awtor na

nag ngangalang Hiroshi Aoyagi sa kanyang papel na “Prospects on the Impact of Cool Japan in

Southeast Asia.” (2012)

K-pop

Napakalaki ng impluwensiya ng Kpop sa Pilipinas lalong lalo na sa mga kabataan. Sa

social media pa lang ay "trending" at nangunguna ang mga "hashtag" na may kinalaman sa

Kpop. Kaya naman, marami sa ating mga Pilipino ang nais malaman ang dahilan sa likod ng

pagkahumaling ng ibang mag Pilipino sa Kpop.


Sa isang artikulo na sinulat ni Hicap (2019) ng Manila Bulletin, napaliwanag kung gaano

kasikat ang Kpop sa bansa. Ang Pilipinas ang nangungunang bansa sa South East Asia na may

pinakamabilis na pagtaas sa bilang ng Hallyu o Korean Wave sa taong 2018. Mayroon na

ngayong 996,000 na pilipinong miyembro ng Hallyu. Ang 79 na mga fanclub ng Philippine K-

pop Convention Committee ay mayroon nang 293,000 na miyembro.

Sa isa pang artikulo, ipinaliwanag Lie (2013), naipaliwanag ang globalisasyon ng Kpop.

Ang Ika-21 na siglo ang naghudyat sa pagkakaroon ng isa na namang di pangkaraniwang na

pangyayari na nakaka-agaw ng ating atensiyon. Parte na ito ng globalisasyon dahil sa

impluwensiya nito sa Internet at ayon na din sa gusto ng mga tagakinig.

Ayon naman sa pananaliksik nina Agatep et al. (2014), ang beat, melodiya, at music

video ng Kpop ang nakakuha ng pinakapangunahing dahilan sa kahihinatnan ng academic

performance ng mga 3rd and 4th year students. Nagsisilbi itong izznspirasyon para sa mga

tagahanga at tagakinig.

Kdrama

Marami nang naimpluwensyahan ang Hallyu o Korean craze sa entertainment media ng

Pilipinas. Isa na rito ang pagkahumaling ng nga Pilipino sa mga Korean drama series kung saan

ang mga kabataan ay sumasakay sa uso o nakikisabay sa takbo.

Nagkaroon ng makabuluhang pagbabago ang pokus ng palabas at serye mula sa ibang

bansang malapit sa Pilipinas tulad ng South Korea at Taiwan. Nagsimula ito noong Mayo sa

taong 2003 nang maipalabas ang Taiwanese drama series na “Meteor Garden” na nasundan ng

pagkasikat ng iba pang “Asiannovelas” sa bansa (Fabular 2019). Sa parehong taon, pinalabas

din ang “Bright Girl” sa GMA 7 na tagalog dubbed upang maangatan ang Chinovelang “Meteor
Garden” ngunit pumalpak dahil sa masyadong mataas na ratings nito. Muling sinubukan ng

GMA 7 na magpalabas muli ng isa pang Koreanovela at silay nagtagumpat na mapukaw ang

atensiyon ng mga manonood. Nakisabay na rin ang iba pang mga programa sa “korean craze” na

nagbunga ng patuloy pagkasikat nito. Sa kadahilanang ito ay nagkaroon ng pagkahumaling ang

mga Pilipino sa “Koreannovelas” sa loob ng bansa na makikita pa rin natin hanggang sa panahon

ngayon.

Ayon sa artikulong isinulat ni Analyn Tangpos (2017), dahil sa malaking demand ng mga

manonood, ang nga programa ay napilitang mag angkat ng mga sikat na Korean drama series

tulad ng Lovers in Paris, Full House, My Name is Kim Sam Soon, Stairway to Heaven, Coffee

Prince, and Boys Over Flowers. Sa halip na maglagay ng subtitles, ito ay ginawang dubbed

version o isinalin sa wikang Tagalog.

Ang unang bagay kung bakit naging popular ang mga Korean drama sa maraming

Pilipino ay dahil sa tema nitong pang-lahatan. Karamihan sa mga Korean drama ay naglalaman

ng mga family-friendly na mga tema na karaniwang nakasanayan ng mga Pilipino. Ayon kay

Kristine Belonio (2018) sa isang artikulong kaniyang isinulat, ang pagkakaibigan, romansa,

relasyon sa pamilya, at kasaydayan ay ilan sa mga temang makikita natin sa mga teleseryeng

galing sa Korea at ang mga temang ito ay parehong mga halaga at tradisyong ating

pinahahalagahan.

Batay sa pananaliksik nina Delos Reyes et al. (2017) gamit ang DVD players, mga laptop

at mga mobile phones, ang mga kabataan ay nanonood ng mahigit limang oras sa lingguhang

batayan. Sa katunayan, ang datos na ipinakita ay may mga kabataang humihigit pa sa sa limang

oras ng panonood nito. Inamin ng mga tinedyer na ang palabas na kanilang pinanonood ay

nagbibigay sakanila ng iba’t ibang emosyon mula sa pagiging emosyonal hanggang sa


pagkaramdam ng kilig at tuwa. Sa karagdagang impormasyon, sinaad rin ng mga kabataan na sa

wakas ng isang serye ay hinuhulaan nila ang susunod na mangyayari kaya patuloy nilang

pinapanood ang mga sumusunod. Ang patuloy na panood ng serye ay tinatawag na “binge-

watching” na kadalasang ginagawa ng karamihan dahil napupukaw ang kanilang atensyon at ang

mga manonood ay nanailing nakatali sa kanilang mga pinapanood.


KABANATA III

Metodolohiya

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang isasagawang pananaliksik ay gagamit ng deskriptibong disenyo. Ang uri ng

deskriptibong disenyong napili ng mga mananaliksik ay ang "Descriptive Survey

Research Design" na naglalayong gumamit ng mga talatanungan (questionnaires) para

makakuha ng impormasyon at datos.

B. Pagkukunan ng Datos

Kukuha ang mga mananaliksik ng sampung (10) na mag-aaral na may imteres sa

Koryanong Media (Kpop at Kdrama) sa bawat seksyon ng Baitang 11 ng Regional

Science High School 02 at sila ay bibigyan ng mga talatanungan para makalikom ng

datos. Kukuha din ulit ang mga mananaliksik ng sampu (10) pang mga mag-aaral na may

interes sa media ng mga Hapon (Anime at Manga), at sila ay magsasagot din ng

talatanungan na may kinalaman sa uri ng media ng mga hapon

C. Instrumentong Ginamit sa Pagkuha ng Datos

Ang gagamiting instrumento sa pananaliksik na ito ay ang survey questionnaire.

Laman ng survey na ito ang profile ng mga responde at ang mga tanong na kanilang

sasagutin ukol sa paksang pinag-aaralan. Ang survey ay maglalaman ng parehong close-

ended at open-ended na mga tanong.


D. Mga Hakbang sa Pagkuha ng Datos

Ang mga sumusunod na hakbang ay ginawa ng mga mananaliksik upang

makakalap ng mga impormasyon. Una, kanilang tinukoy muna kung sino ang mga mag-

aaral na pasok sa pamantayan ng pag-aaral: may interes sa mga paksang media ng pag-

aaral gamit ang isang survey form na ikakalat sa buong Baitang 11. Pagkatapos, kukuha

sila ng apatnapung (30) mag-aaral (10 sa bawat seksyon ng Baitang 11) mula sa nakapasa

sa survey at sila ang magsasagot sa isa pa uling survey na naglalayong mahanap ang

rason sa likod ng pagkahumaling nila sa media ng dalawang bansa. Sisiguraduhin na ang

pangangalap ng datos ay hindi makaka-abala sa mga mag-aaral.

E. Analisis ng Datos

Itatala ang mga datos gamit ang Microsoft Excel upang mapadali ang proseso.

Kukunin ng mga mananaliksik ang percentage o bahagdan gamit ang formula sa ibaba,

ng mga sumagot sa iba't ibang kategoryang ibibigay sa bawat magtatanong.

Para naman sa open-ended questions, gagamitin ang Response Analysis para

mabigyang interpretasyon at maunawaan ang mga ssagot ng mga responde.

Bahagdan (%) = F/N

F- frequency o bilang ng sumagot

N-kabuuang bilang ng kalahok


Instrumento ng Pananaliksik

TALATANUNGAN
Direksiyon: Piliin ang letra na sa tingin mo ay naglalaman ng iyong kasagutan. Maaaring pumili ng higit
sa isa pang letra o sagot sa bawat tanong. Kung sakali ay wala sa mga naibigay na sagot ang iyong
hinahanap, isulat ito.

KDRAMA
1. Paano mo nalaman ang tungkol sa Kdrama?

2. Ilang taon ka nang nalaman mo ang tungkol sa Kdrama?


3. Ilang mga tambalan o OTP (One True Pair) ang nagustuhan mo?
4. Kailan ka madalas nanonood ng K-drama?
a. Tuwing sabado at Linggo lamang
b. Tuwing may oras at walang ginagawa
c. Palagi kahit may dapat akong atupagin
d. Iba pa, isulat: ___________
5. Gaano ka katagal nanonood ng K-drama sa isang araw?
a. 1-5 oras
b. 5-10 oras
c. Iba pa, isulat: ___________
6. Ano sa mga sumusunod ang nakita mong maganda sa K-drama?
a. Mga artista
b. Ang kwento
c. Ang mga senaryo
d. Ang pagkuha ng mga imahe
e. Iba pa, isulat: ___________
7. Ano ang mga nagustuhan mo sa mga artista ng K-drama?
a. Panlabas na kaanyuan
b. Ang pagsasadula
c. Karakter na ginagampanan ng mga artista
d. Iba pa, isulat: ___________
8. Ano ang mga kwento na nagustuhan mo sa mga sumusunod?
a. Chaebol
b. Medical
c. Family
d. Historical
e. Fantasy
f. Iba pa, isulat: ___________
9. Ano ang nagustuhan mo sa mga senaryo ng K-drama?
a. Mga nakakakilig na senaryo
b. Mga nakakakilabot na senareyo
c. Mainitang eksena
d. Iba pa, isulat: ___________
10. Mayroon bang naapektuhan sa iyong sa mga sumusunod na indikator? Maaring pumili ng
higit sa isa. Sagutin ang mga susunod na tanong na kaakibat ng indikator na iyong napili.
a. Paraan ng pamumuhay
b. Pag-aaral
c. Pagkilos
d. Pag-iisip

11. Ano ang epekto ng Kdrama sa iyong paraan ng pamumuhay?

12. Ano ang naging epekto ng Kdrama sa iyong pag-aaral?

13. Ano ang naging epekto ng Kdrama sa iyong pag-iisip?

14. Ano ang naging epekto ng Kdrama sa iyong pagkilos?


15. Ang mga epektong naisulat mo ba’y nakakabuti? Sa papaanong paraan?

Pangalan:
Seksyon:
TALATANUNGAN
Direksiyon: Piliin ang letra na sa tingin mo ay naglalaman ng iyong kasagutan. Maaaring pumili ng higit
sa isa pang letra o sagot sa bawat tanong. Kung sakali ay wala sa mga naibigay na sagot ang iyong
hinahanap, isulat ito.

K-pop
1. Paano mo nalaman ang tungkol sa K-pop?

2. Ilang taon ka nang nalaman mo ang tungkol sa K-pop?


3. Ilang mga fandom ang kinabibilangan mo?
4. Kailan ka madalas nakikinig ng K-pop?
a. Tuwing sabado at Linggo lamang
b. wing may oras at walang ginagawa
c. Palagi kahit may dapat akong atupagin
d. Iba pa, isulat: ___________
5. Gaano katagal ang ginugugol mong oras para sa Kpop sa isang araw?
a. 1-5 oras
b. 5-10 oras
c. Iba pa, isulat: ___________
6. Ano ang nakita mong maganda sa K-pop?
a. Mga mukha ng mga Koreanong mangangawit
b. Ang musika
c. Ang choreography ng mga kanta
d. Music Video
e. Iba pa, isulat: __________
7. Ano ang mga nagustuhan mo sa musika?
a. Tono
b. Rhythm
c. Istilo
d. Liriko
e. Iba pa, isulat: __________
8. Ano nahanap mong kanais-nais sa mukha ng mga mangangawit?
a. Ekspresyon
b. Mga detalye ng kanilang mukha
c. Ngiti
d. Iba pa, isulat: __________
9. Ano ang nagustuhan mo sa choreography ng mga kanta?
a. Ang bilis
b. Ang pagkakasabay-sabay ng mga mananayaw
c. Kakayahang kumanta habang sumasayaw
d. Mga mahirap na dance steps
e. Iba pa, isulat: ___________
10. Ano ang nagstuhan mo sa music video ng K-pop?
a. Ang prodduksyon
b. Ang mga kwento ng bawat bidyo
c. Ang mabuhay na kulay]
d. Iba pa, isulat:____________
e.
11. Mayroon bang naapektuhan sa iyong sa mga sumusunod na indikator? Maaring pumili ng
higit sa isa. Sagutin ang mga susunod na tanong na kaakibat ng indikator na iyong napili.
a. Paraan ng pamumuhay
b. Pag-aaral
c. Pagkilos
d. Pag-iisip
12. Ano ang epekto ng K-pop sa iyong paraan ng pamumuhay?

13. Ano ang naging epekto ng K-pop sa iyong pag-aaral?

14. Ano ang naging epekto ng K-pop sa iyong pag-iisip?


15. Ano ang naging epekto ng K-pop sa iyong pagkilos?

16. Ang mga epektong naisulat mo ba’y nakakabuti? Sa papaanong paraan?

Pangalan:
Seksyon:

TALATANUNGAN
Direksiyon: Piliin ang letra na sa tingin mo ay naglalaman ng iyong kasagutan. Maaaring pumili ng higit
sa isa pang letra o sagot sa bawat tanong. Kung sakali ay wala sa mga naibigay na sagot ang iyong
hinahanap, isulat ito.

Anime
1. Paano mo nalaman ang tungkol sa Anime?

2. Ilang taon ka nang nalaman mo ang tungkol sa Anime?


3. Ilang mga fandom ang kinabibilangan mo?
4. Kailan ka madalas nanonood ng Anime?
e. Tuwing sabado at Linggo lamang
f. Tuwing may oras at walang ginagawa
g. Palagi kahit may dapat akong atupagin
h. Iba pa, isulat: ___________
5. Gaano ka katagal nanonood ng K-drama sa isang araw?
d. 1-5 oras
e. 5-10 oras
f. Iba pa, isulat: ___________
6. Ano ang nakita mong kaakit-akit sa Anime?
a. Ang musika
b. Ang animasyon
c. Kwento
d. Iba pa, isulat: __________
7. Ano ang nagustuhan mo sa musikang nasa Anime?
a. Mabuhay na tono
b. Malungkot na tono
c. Liriko
d. Rhythm
e. Iba pa, isulat _____________
8. Ano ang nagustuhan mo sa animasyon ng anime?
a. Makatotohanan
b. Makulay
c. Exaggerated na mga katangian
d. Iba pa, isulat _______________
9. Ano ang nagustuhan mo sa kwento ng mga anime?
a. Complex na mga pangyayari
b. May aspeto na super natural
c. May mga cliffhanger
d. Nadedebelop ang mga karakter
e. Ibapa, isulat _______________
10. Ano ang pagkakaiba ng anime sa cartoons?

11. Mayroon bang nagbago sa iyog sa mga sumusunod na indikador


a. Paraan ng pamumuhay
b. Pag-aaral
c. Pagkilos
d. Pag-iisip
12. Ano ang epekto ng Kdrama sa iyong paraan ng pamumuhay?

13. Ano ang naging epekto ng Anime sa iyong pag-aaral?

14. Ano ang naging epekto ng Anime sa iyong pag-iisip?

15. Ano ang naging epekto ng Anime sa iyong pagkilos?


16. Ang mga epektong naisulat mo ba’y nakakabuti? Sa papaanong paraan?

You might also like