You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
CRISTO REY HIGH SCHOOL
Brgy. Cristo Rey Capas, Tarlac

IKATLONG MARKAHAN- FILIPINO 8


SELF LEARNING ACTIVITY (Aralin2)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-
iisip,at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at
iba’t ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang pambansa upang
maipagmalaki ang kulturang Pilipino.
Pamantayang Pagganap:

MELC:
1. Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag (F8PB-IIId-e-30)
2. Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa paghahayag ng konsepto ng pananaw
(ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa) (F8WG-IIId-e-31)
3. Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo (F8PU-IIId-e-31)

Paksang Aralin/Lunsaran:
Kontemporaryong Programang Panradyo
Panitikan: Komentaryong Panradyo Kaugnay ng Freedom of
Information (FOI)
Gramatika: Konsepto ng Pananaw

Sanggunian:
Sinag ng Wikang Filipino Pinagsanib na Gramatika at Panitikan
Baitang 8 (pahina 265-282)
Liezl M. Miranda, Marijane M. Obispo, Carolina D. Manlapaz
Mga May-akda
Leonora Dela Cruz-Oracion
Tagapag-ugnay

1|Page
Aralin 2

Kontemporaryong Programang Panradyo


“Kaligtasan ng lahat ay mahalaga sa anumang pilak”

Pangkaisipan

Paboritong programa sa Dahilan kung bakit


radyo: kinagigiliwan?

Pag-aralan
Kasaysayan ng Brodkasting sa Pilipinas
Isa sa mahahalagang pangyayari sa Pilipinas ay ang pagsilang ng radyo. Noong Hunyo 1992, itinatag ni Henry Hermann
ang 50-watts na estasyon ng radyo sa Pasay at Maynila. Sa panahong ito, nakahandang tanggapin ng mga mamamayang Pilipino
ang radyo bilang isang uri ng libangan. Maging ang mga taong pangkaraniwan, tanyag, at mangangalakal ay alam ang ambag ng
radyo sa pagpapakilala ng mga produkto at serbisyo upang magkaroon ng kita.
Noong 1924, ang unang dalawang letra ng “KZ”ay nakatakda sa lahat ng estasyon ng radyo sa Pilipinas. Kaakibat nito
ang batas ng US na kaingalang sundin dahil sa mga panahong ito ay sakop ng America ang Pilipinas. Ang dating 50-watts radio
station ay pinalitan ng “KZKZ”isang 100-watts radio station.
Noong 1929, ang KZRC-Radio ay nagbukas sa Cebu na nagpakilala ng radio broadcasting sa lalawigan. Nagsara ito
dahil sa mahinang signal mula Cebu hanggang Maynila. Pagkatapos ng sampung taon ay muli itong nagbukas at walang takot na
nagsahimpapawid kasama ang mga samahang ng mga gerilya.
Ipinahayag noong 1931 ang Commonwealth Act No. 3840 o Radio Control Law, na binuo ng Radio Control Division,
ang ahensya ng brodkasting sa ilalim ng pamamahala ng kalihim ng komersyo at industriya. Sa kalaunan, tinawag itong Radio
Control Office na nagtagal hanggang 1972. Sa panahon ng Martial Law, itinatag ang Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas
(KBP) upang magmatyag at maging mata ng pamahalaan mula sa lahat ng estasyon ng radyo at telebisyon.
Matapos bombahin ng mga Hapones ang Pearl Harbor sa Hawaii noong Disyembre 1941, agad nilang isinunod ang pag-
atake sa Davao, Baguio, Clark Field sa Pampanga, at ang base ng Amerikano sa Cavite. Ang puwersa ng hukbong hapones ay
dumating sa Legazpi, Albay; Aparri, Cagayan; at Vigan, Ilocos Sur. Ang pinakamatinding puwersa ay dumaong sa Lingayen,
Pangasinan. Sina Pangulong Manuel Quezon, Pangalawang Pangulo Sergio Osmeña, at Lt. Gen. Douglas McArthur ay umalis sa
Maynila at nagtungo sa Corregidor.
Sa panahong ito, anim na mga komersiyal na himpilan ng radyo ang itinatag. Ito ay ang mga KZEG, KZIB, KZRF,
KZRH, at KZRM. Tanging ang KZRM ang tumagal sa himpapawid mula 1927.
Tatlong linggo matapos salakayin ang Pearl Harbor, nagtalaga ang US ng shortwave relay station sa Pilipinas. Ito ay
tumagal sa loob ng anim na araw.

2|Page
Bilang alternatibo, nagkaroon muli ng shortwave relay station subalit nasira ito nang salakayin ng puwersang Hapones
ang Cavite. Nang sumuko na ang mga sundalong Amerikano at Pilipino, lahat ng estasyon ng radyo maliban sa KZRH ay sinira.
Binuhay muli ng mga Hapones ang tatlong himpilan ng radyo sa Maynila. Ito ay ang KZRH, KZRM, at KZRF. Ang huli
ay ginamit ng Japanese Military Administration bilang bibig sa bansa. Sa tatlong estasyon, dalawa rito ay bantog sa US at South
Pacific na may ibang katawagan: ang KZRH na tinatawag ding KIAN, PIAN, at PIRIN at ang KZRM na kilala rin bilang PIAM at
PIRM.
Ang KZRB, isang shortwave station na pinatatakbo ng Far East Broadcasting Company, ay nakuha ng US Army. Ito ang
kauna-unahang shortwave relay station na nagbabahaginan ng mensahe at transmisyon ng boses mula US banggang Pilipinas.
Sa panahong iyon, ang mga Pilipino ay nakikinig sa mga shortwave radio broadcast mula sa mga sundalong Amerikano
na nasa Corregidor, Bataan, at Honolulu sa Hawaii na mahigpit na ipinagbabawal ng mga Hapones. Humigit- kumulang sa tatlong
buwan ay isinahimpapawid ng American Radio Station sa Bataan ang islogan na "Freedom Radio" na siyang nagbigay ng lakas at
pag- asa sa mga gerilya sa buong kapuluan.
Nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang KZFM ang kauna unahang estasyon ng radyo na narinig sa
himpapawid. Muli itong nagbukas noong Mayo 1945 at pinangasiwaan ng US Army Office of War Information.
Matapos ipahayag ng US ang kasarinlan ng bansa noong Hulyo 4. 1946. ibinigay na ito ng pamahalaang Amerikano sa
pamahalaang Pilipino.
Ang KZFM ay naging DZFM noong 1947. Sa kasalukuyan, tinatayang mayroong mga 416 AM at 1,042 FM estasyon sa
buong kapuluan.

Komentaryong Panradyo Kaugnay ng Freedom of Information (FOI)

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel
Magpantay at Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa
Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom Of Income eh malamang nagkukumahog pa
ang mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit !
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na‘yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri
ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu
dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga na walang itinatago‘yang
mga politikong‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan sa mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng
pamahalaan.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot
ang mga corrupt na opisyal.
Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative LorenzoTañ ada III,‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago
mag Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.
Roel: Naku! Naloko na!

Paglinang ng Talasalitaan
A. Piliin ang salita sa loob ng pangungusap na kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng panaklong.
_______1. (reporter) Sa pamamagitan ng mga mamamahayag nalalaman ng taong bayan ang pangyayari sa
araw-araw.
3|Page
_______2. (isyu) Ano ba talaga ang usapin tungkol sa FOI at bakit di maipasa-pasa?
_______3. (nagkukumahog) Halos lahat ng mga tao ay nagmamadali sa mga gawin, dagdagan pa ng stress ng mga
nababalitaan natin sa radyo.
_______4. (delikado) Ang mga isyu na binababato sa mga senador ay maselan kaya nangangailangan ito ng katibayan.
_______5. (ahensya) Anong sangay ba siya kabilang sa pamahalaan?

B. Isulat sa patlang ang KH kung magkasingkahulugan ang magkapares na salita at KS kung magkasalungat.

______1. istasyon-himpilan _______4. kontrolado-malaya


______2. umalis-dumating _______5. tanyag-sikat
______3. pinirmahan-nilagdaan

C. Basahin muli ang mga pahayag ng mga komentarista kaugnay ng Freedom Of Information Bill. Alin sa mga ito
ang nagpapahayag ng positibo at negatibong pananaw? Isulat sa puso ang positibo at sa bilog ang negatibo.

MELC: Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag (F8PB-IIId-e-30)

D. Suriin ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo. Isualt ang letra sa loob ng graphic organizer.

a. Naghahatid ng musika
b. Nagpaparinig ng mga awit
c. Nagpapahatid ng isang panawagan
d. Nagpapalabas ng pelikula
e. Naghahatid ng talakayan/pulso ng bayan
f. Naghahatid ng napapanahong balita
g. Nagbibigay ng opinyon kaugnay ng isang paksa
h. Nagpapalabas ng teledrama
i. Nagpapalabas ng variety show

Gramatika

Konsepto ng Pananaw
Basahin ang teksto sa ibaba. Pansinin ang mga salitang may diin.

4|Page
Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa remarks nito tungkol sa gusot sa West Philippine
Sea (South China Sea) na rito ay lantarang dinuduro ng dambuhalang bansa ang sisiw na Pilipinas sa Panatag Shoal. Ayon kay
Clinton, lumalabis ang China sap ag-angkin nito sa nasabing karagatan kontra sa ipinahihintulot ng United Nations Convention
on the Law of the Sea (UNCLOS). Nagbabala ang China na hindi dapat makialam ang US sa usaping ito. Well, maliwanag ang
pahiwatig ni Ms. Clinton na tiyak na susugod ang US forces para tulungan ang ating bansa sa sandalling ganap na salakayin at
gawin ng China ang Bajo de Masinloc.
Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo na sagad-hanggang-langit ang galit at pag-ayaw sa
United States, walang magagawa o masusulingan ang Pilipinas kundi ang humingi ng tulong (kahit hindi diretsahan) o sumandal
sa puwersa ng bans ani Uncle Sam laban sa alinmang dayuhang lakas na ookupa at manduduro sa atin.
Anong napansin mo sa mga pahayag mula sa tekstong iyong binasa o sa mga pahayag na iyong napakinggan?
May mga salita bang ginamit ang may-akda o ang mamamahayag upang maging susi sa paglalahad ng mga detalye?
Anong tawag natin dito?

Mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw


1. Kabilang dito ang ayon/batay/para/ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. inihuhudyat
ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi, o paniniwalaan ng isang tao. Tulad ng mga sumusunod na halimbawa:
a. Batay sa 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na
wika ng komunikasyon at Sistema ng edukasyon.
b. Sa paniniwala /akala/pananaw/paningin/tingin/palagay ni/ng Pangulong Manuel Quezon, mas Mabuti ang mala-
impyernong bans ana pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga
dayuhan.
c. Inaakala/Pinaniniwalaan/Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang plano.
d. Sa ganang akin/Sa tingin/akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.
2. May mga ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw, tulad ng mga sumusunod:

a. Gayon man, mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng
pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa.
b. Sa isang banda/Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-
tulugan.
c. Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip ka nang husto.

Gawain

I. Piliin ang angkop na konsepto ng pananaw sa pangungusap upang mabuo ang diwa nito.

MELC: Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa paghahayag ng konsepto ng pananaw


(ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa) (F8WG-IIId-e-31)

________1. Ang kinikita mula sa turismo ay (para sa, ayon sa) kapakanan ng bansa.
________2. (Ayon kay, Tungkol kay) Pnoy siya ay naglalakbay upang makipag-unawaan at
makipagtalastasan (para sa, batay sa) ikauunlad ng bansa.
________3.
Inihanda ni: May balak silang manglunsad ng proyekto (ayon sa, hinggil sa) drug addiction.
________4. (Laban sa, Alinsunod sa) batas ang pagnanakaw ng buwis ng mamamayan.
________5. (Para kay, Ukol kay) Nanay ang regalong ito saBinigyang Pansin:
kanyang kaarawan.
JOANN S. CASTILLO
Teacher I-Filipino
Pagsulat
CRISMAR G. MAGLALANG
Sumulat ng isang dokumentaryong panradyo na tumatalakay
Head Teacher III-Filipino sa isang napa-panahong isyu ngayon tulad ng
Cyberbullying, Child protection, Pork barrel, Agawan ng Teritoryo, at Kalagayan
NOEL D.ng PALGUE,
Edukasyon Ed.D
sa Bansa at
iba pa. Principal III

Gawin ito sa hinihinging pamantayan:


1. Isang talatang sanaysay na nagbibigay-puna o nagsasaad ng iyong sariling pananaw.
2. Gamit ang mga salitang nagsasaad ng konsepto ng pananaw.

5|Page
Susi sa Pagwawasto

Gramatika
Pangkaisipan B.
Gawain 1.
Iba iba ang sagot ng 1.KH
1.para sa
mag-aaral 2.KS
2.ayon kay, para sa
3.KH
3.hinggil sa
Paglinang ng Talasalitaan 4.KS
4.alinsunod sa
A. 5.KH
5.para kay
1.mamamahayag
2.usapin C.
Pagsulat
3.nagmamadali iba iba ang sagot ng
Iba iba ang sagot ng
4.maselan mag-aaral
mag-aaral
5.sangay
D.
a b c e f g

6|Page

You might also like