You are on page 1of 14

Modyul 1: Kasaysayan ng Pambansang Wika: Panahon ng Espanyol at Panahon ng

Amerikano
Panahon ng Espanyol
- May sarili nang sistemang pangwika ang mga sinaunang Pilipino bago pa man dumating ang mga
mananakop na Espanyol.
- sistemang pampolitika sa anyo ng mga barangay.
- may konsepto ng mga diyos na sinasamba
sa pamamagitan ng paganismo.
- sariling teknolohiya at mga kasangkapan na gamit sa iba’t ibang gawain.
- may ugnayang panlabas.
- may panitikan na nagsisilbing tagapag-ingat ng kultura at kasaysayan.
- -pagkakaroon ng sariling wika – buhay, may estruktura at lubos na pinapakinabangan sa araw-
araw.
Doctrina Christiana lengua espanola tagala (1593)
  naglalaman ng bersyon ng mga dasal at tuntuning Kristiyano na nasa Español- Tagalog
- dito nakasulat ang Romanisasyon ng alpabeto ng mga Pilipino hanggang sa buong panahon ng
kolonyalisasyon ng mga Kastila
Arte de la lengua bisaya-hiligayna de la isla de panay (1894) ni Padre Alonso de Mentrida
- 1550- nagpalabas si Haring Carlos I (1516-1556) ng isang kautusan na nagtatakda ng pagtuturo
ng pananampalatayang Katoliko sa wikang Espanyol. Iniatas din ang pagtuturo ng pagbasa,
pagsulat, at mga doktrinang Kristiyano sa mga nais matuto sa paraang madali at hindi hihingi ng
dagdag na bayad.
- Marso 1634- nagpalabas si Haring Felipe IV (1621-1665) ng isang atas na muling nagtatakda ng
pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng katutubo at hindi na lamang sa mga nais matuto.
Hinihiling din sa mga arsobispo at obispo na atasan ang mga pari at misyonero sa kanilang
nasasakupan na pangunahan ang pagtuturo sa mga katutubo ng wikang Espanyol at ng
pananampalatayang Katoliko.
- Haring Carlos II (1665-1700)- nagpalabas siya ng isang atas na muling nagbibigay-diin sa mga
atas-pangwika nina Carlos I at Felipe IV at nagtakda pa ng parusa sa mga hindi susunod dito.
- Disyembre 1792- nagpalabas naman si Haring Carlos IV (1788-1808) ng isang atas na nagtatakda
ng paggamit sa Espanyol sa mga kumbento, monasteryo, lahat ng gawaing hudisyal at
ekstrahudisyal, at mga gawaing pantahanan (Catacataca at Espiritu,2005).
- Marcelo H. Del Pilar- ayon sa kanya, sinabotahe ng mga relihiyoso ang programang pangwika
at sila ang may kasalanan kung bakit nanatiling mababa ang kalagayang pang-edukasyon ng
Pilipinas.
- Konstitusyon ng Malolos ( Felipe Calderon at Felipe Buencamino- Enero 21, 1899)- ibinalik naman
ang Espanyol bilang pansamantalang opisyal na wika sang-ayon sa Artikulo 93, habnag pinipili pa
sa mga wikang sinasalita sa Pilipinas ang hihiranging opisyal na wika.
- Henry Jones Ford- isang propesor sa Princeton University, itinalaga noon ni Pangulong Woodrow
Wilson ng Estados Unidos para sa isang misyon upang pag-aralan ang kalagayan ng Pilipinas.
- Ayon sa pag-aaral ni Ford, napag-alamang walang malinaw na resulta ang puspusang pagtuturo
ng Ingles sa mga Pilipino na ginastusan ng malaking halaga ng pamahalanag Amerikano.
- Inirekomenda ni Ford ang paggamit ng wikang katutubo sa mga paaralan.
Modyul 2: Kasaysayan ng Pambansang Wika
Panahon ng Komonwelt
- Pagkalipas ng mahigit tatlong dekada ng direktang kontrol sa Pilipinas (1901-1935), gumawa na
rin ng malaking hakbang ang Estados Unidos upang maipagkaloob sa mga Pilipino ang ganap na
kalayaang pampolitika at mapamahalaan ang sarili.
- Ika-24 ng Marso 1934- ipinasa at pinagtibay ng Kongreso ng Estados Unidos ang Batas Tydings-
McDuffie.
- Ayon sa nasabing batas na pinamagatang “An act to Provide for the Complete Independence of
the Philippine Islands, to Provide for the Adoption of a Constitution and a Form of Government for
the Philippine Islands, and for Other Purposes”, pinahihintulutan ang Pambansang Asamblea ng
Pilipinas na maghalal ng mga kinatawan sa isang kumbensiyong konstitusyonal na mag-aakda ng
saligang batas ng bansa.
- Ayon sa Seksyon 10 ng batas- tatawaging “Pamahalaang Komonwelt” ang pamumuno ng bansa
habang nasa transisyon ng pagiging ganap na malayang bansa.
Mga Argumentong pabor sa paggamit ng Ingles:
- Mahihirapan ang mga estudyante kapag ibinatay sa katutubong wika ang pagtuturo dahil iba-iba
ang wikang gagamitin sa bawat lalawigan- magiging isang suliranin kapag lumipat na sa
paaralang nasa ibang lalawigan ang isang estudyante.
- Magbubunsod sa rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo ang pagtuturo batay sa mga katutubong
wika at magdudulot din ng sentimentalismo ang pagigiit sa mga pangkat sa bansa na
pangibabawan sila ng wika ng ibang pangkat.
- Magbubunsod sa rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo ang pagtuturo batay sa mga katutubong
wika at magdudulot din ng sentimentalismo ang pagigiit sa mga pangkat sa bansa na
pangibabawan sila ng wika ng ibang pangkat.
Pabor sa mga katutubong wika sa Pilipinas
- Pagsasayang lamang ng pera at panahon ang pag-aaral ng Ingles dahil hanggang mababang
paaralan lamang ang tinatapos ng mga estudyante; 80% sa kanila ang tumitigil na sa pag-aaral
bago sumapit ng baiting 5 kaya dapat ibuhos na ang lahat ng dapat matutuhan sa katutubong
wika sa sandaling panahong nasa paaralan ang mga estudyante kaysa gugulin pa sa Ingles.
- Walang laman ang Ingles bilang wikang panturo dahil banyaga ang konsepto kaya
upang maituro ito, kailangan pang ituro muna ang wika ; kung sa katutubong wika na
magtuturo, nasa kamalayan na agad ng bata ang konsepto at mabilis ang pagkatuto.
Mga panukala ukol sa Probisyong Pangwika:
- Ingles ang dapat na maging wikang opsiyal.
- Tagalog ang dapat na maging wikang opisyal
- Ingles at Espanyol ang dapat na maging pambansang wika
Panahon ng Hapones
- Noong ika-7 ng Disyembre- binomba ng Hapon ang base-military ng Estados Unidos sa Pearl
Harbor, Hawaii na nagpasimula ng digmaan ng dalawang bansa na bahagi ng mas malawak na
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
- Ika-2 ng Enero 1942- tuluyan nang nasakop ng Hapon ang Maynila inilagay ang Pilipinas sa ilalim
ng Imperyong Hapones.
- Modyul 3: Kasaysayan ng Pambansang Wika
- Manuel A. Roxas- huling pangulo ng Pamahalaang Komonwelt at unang pangulo ng Ikatlong
Republika.
- Paul V. McNutt- mataas na komisyoner ng Estados Unidos sa Pilipinas na kumakatawan kay
Pangulong Harry S. Truman at unang embahador din ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Dahil mismong ang mga Pilipino na ang may hawak ng pamahalaan, nabigyan ng higit na
pagkakataon ang mga opisyal ng bayan na pag-aralan ang kalagayan ng pambansang wika at
magpatupad ng mga batas na magsusulong nito.
1. Proklamasyon Blg. 12, s. 1954 - Ipinalabas ni Pang. Ramon Magsaysay noong ika-26 ng Marso 1946
na nag-aatas ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng
Abril taon-taon bilang paggunita sa kaarawan ni Francisco Balagtas.
2. Proklamasyon Blg. 186, s. 1955 - Ipinalabas ni Pang. Magsaysay noong ika-23 ng Setyembre 1955 na
sumususog sa naunang proklamasyon. Inilipat ang petsa ng Linggo ng Wikang Pambansa sa ika-13
hanggang ika-19 ng Agosto bilang paggunita sa kapanganakan ni Pang. Manuel L. Quezon.
3. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60, s. 1963 - Ipinatupad ni Pang. Diosdado Macapagal noong ika-
19 ng Disyembre 1963 na nagtatakda ng pag-awit ng pambansang awit ng Pilipinas sa Pilipino sa alinmang
pagkakataon sa loob at labas ng bansa.
4. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, s. 1967 - Ipinatupad ni Pang. Ferdinand E. Marcos noong ika-29
ng Oktubre 1967 na nagtatakda ng pagpapangalan sa Pilipino ng lahat ng edipisyo, gusali, at ahensiya ng
pamahalaan.
5. Memorandum Sirkular Blg. 172, s. 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas
noong ika-27 ng Marso na nag-aatas ng mahigpit na pagsunod sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96.
6. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187, s. 1969 - Ipinalabas ni Pangulong Marcos noong ika-6 ng
Agosto 1960 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng
pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at sa lahat ng
opisyal na komunikasyon at transaksiyon ng pamahalaan.
7. Memorandum Sirkular Blg. 277, s. 1969 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Ernesto M. Maceda
noong ika-7 ng Agosto 1969 na nagpapahintulot sa SWP na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng mga seminar
tungkol sa Pilipino sa mga lalawigan at lungsod sa bansa, maging sa iba’t ibang tanggapan at ahensiya ng
pamahalaan, upang paigtingin ang kamalayang maka- Pilipino ng mamamayan.
8. Memorandum Sirkular Blg. 384, s. 1970 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor
noong ika-17 ng Agosto 1970 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, iba pang
sangay ng pamahalaan, at korporasyong pagmamay-ari o pinangangasiwaan ng pamahalan na magtalaga
ng kaukulang kawaning mangangasiwa ng lahat ng komunikasyon sa wikang Pilipino.
9. Memorandum Sirkular Blg. 368, s. 1970 - Ipinalabas ni Pansamantalang Kalihim Tagapagpaganap
Ponciano G. A. Mathay noong ika-2 ng Hulyo 1970 na nag-aatas sa lahat ng pinuno ng mga kagawaran,
kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaang Pambansa at local, sampu ng mga
korporasyong pag-aari o kontrolado ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa Pilipino kahit 30
minute lamang sa alinmang araw sa Linggo ng Wikang Pambansa.
10. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304, s. 1971 - Ipinalabas ni Pangulong Marcos noong ika- 16 ng
Marso 1971 na bumabago sa komposisyon ng SWP.
11.Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117, s. 1987 - Ipinalabas ni Pangulong Corazon Aquino noong ika-
30 ng Enero 1987 na nag-aatas ng reorganisasyon ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, at Isports
(DECS, Department of Education, Culture, and Sports).
12. Kautusang Pangkagawaran Blg. 22, s. 1987 ng DECS - Ipinalabas ni Kalihim Lourdes R. Quisimbing
ng DECS noong ika-12 ng Marso 1987 na nagtatakda ng paggamit ng salitang “Filipino” kailanman
tutukuyin ang pambansang wika ng Pilipinas.
13.Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 s. 1987 ng DECS - Ipinalabas ni Kalihim Quisimbing na
nagpapakilala sa “Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” na binuo Ng LWP.
14.Kautusang Pangkagawaran Blg. 335 s. 1988 - Ipinalabas ni Pang. Corazon Aquino noong ika-25 ng
Agosto 1988 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, ahensiya at iba pang sangay ng
ehekutibo na magsagawa ng mga hakbang sa paggamit ng wikang Filipino.
15.Batas Republika Blg. 7104 - Ipinasa ng Kongreso at ipinatupad noong ika-14 ng Agosto 1991 na
lumilikha sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
16.Proklamasyon Blg. 10, s. 1997 - Ipinalabas ni Pang. Fidel V. Ramos noong ika- 15 ng Hulyo 1997 na
nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika tuwing Agosto.
17.Kautusang Tagapagpaganap Blg. 45, s. 2001 ng DECS - Ipinalabas ni Pangalawang Kalihim Isagani
R. Cruz na nagpapakilala sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.
18.Kautusang Pangkagawaran Blg. 42, s. 2006 ng DEPED - Ipinalabas ni Kalihim Jesli A. Lapus noong
ika- 9 ng Oktubre 2006 na nagpapabatid ng ginagawang pagrerebyu ng KWF sa 2001 Revisyon ng Alfabeto
at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.
19. Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, s 2013 ng DEPED - Ipinalabas ni Kalihim Br. Armin A. Luistro,
FSC noong ika- 14 ng Agosto 2013 na nagpapakilala sa Ortograpiyang Pambansa.
20.Resolusyon Blg. 13-19, s. 2013 ng KWF - Ipinasa ni Tagapangulo Virgilio S. Almario noong ika- 12 ng
Abril 2013 na nagpapasiya ng pagbabalik ng opisyal na pangalan ng bansa mula “Pilipinas” tungong
“Filipinas”.

===========================================================

Modyul 4: Horizontal at Vertical na Batayan ng Pambansang Wika: Sitwasyong Pangwika


sa Pilipinas
Lengguwahe - umusbong sa wikang Latin at isinalin sa Ingles at naging “Language”.

Wika - to ay galing sa wikang Malay.

Wika -nagmula sa salitang “lengua” na ang kahulugan ay dila. Ito’y isang masistemang gamit sa
pakikipagtalatasan na binubuo ng mga simbolo at panuntunan. Ito’y paraan ng pagpapahayag ng damdamin
at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao.

- Ang wika ay ang mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang kahulugan, kabuluhan at
interpretasyon sa pamamagitan ng mga salita, binabasa man ng mga mata o naririnig ng tainga, nakasulat
man o binibigkas.
- Sapino- ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin,
at hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog.
- Henry Gleason- ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
1. Masistemang Balangkas- may proseso o pagkakasunod-sunod na paraan upang magamit ang wika.

Ponema- tunog
Morpema- salita
Sintaks- pangungusap
Semantika- kahulugan
2. Arbitraryo- wikang gagamitin ng mga grupo ng tao para sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
3. Kultura- hindi nahihiwalay sa wika sapagkat ang wika ay nagpapakilala para sa at mga kaugaliang
mayroon ang partikular na grupo ng isang lipunan.
4. Dinamiko- ang wika ay patuloy na NAGBABAGO.
5. Natatangi- ang bawat wika ay Unique o may kani-kaniyang katangian kaya walang nakatataas o superior
na wika.
- Ayon kay Pamela C. Constantino, sa kaniyang artikulong “ Wikang Filipino Bilang Konsepto” (2012), may
dalawang pangunahing batayan sa pag-unlad ng pambansang wika: ang horizontal at vertical.

Horizontal o konseptuwal na batayan ng wika ayon kay Constantino: ipinapakita ang pag-unlad ng
pambansang wika ay bunsod ng iba’t ibang wikang nag-aambag dito. Produkto ng ugnayan ng tatlong
batayang wika ang lingua franca, ang wikang ginagamit ng may magkaibang wika:

1. Ang Filipino na itinakdang pambansang wika.


2. Ang wika sa Pilipinas , gaya ng iba pang pangunahing wika tulad ng
Ilokano,Pangasinan,Kapampangan,Bicolano,Cebuano,Hiligaynon,Meranao at iba pa,gayundin ang mga
sosyal na barayti,gaya ng sitwasyonal,okupasyonal o tropical na rehistro o wikang balbal.
3. Ang mga banyagang wika, gaya ng Ingles na itinakda ding opisyal na wika ng Pilipinas at iba pang
natutuhan ng mga Filipino, lalo na dahil sa media, gaya ng Tsino,Korean,Nihonggo,Espanyol at iba pa.

Sa vertical o historical na batayan ng wika, ipinapakitang produkto ng kasaysayan ang pag-unlad ng


wika. Sa kaso ng Filipino bilang pambansang wika, nag-ugat ito sa Panahon ng Komonwelt nang isulong ni
Pangulong Quezon ang pagkakaroon ng iisang wikang magbubukod sa mga Pilipinong may magkakaibang lahi,
wika at kultura.

- Itinakda ng Saligang Batas ng 1935 ang pagtukoy sa magiging pambansang wika mula sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika sa bansa. Napili ang Tagalog at pinagtibay sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134, s. 1937. Sa bisa naman ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959 na
ipinalabas ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura, tinawag na “Pilipino” ang
pambansang wika.
- Itinakda naman ng Saligang Batas ng 1973 sa Pambansang Asemblea ang paggawa ng mga hakbang
tungo sa paglinang at pormal na adapsiyon sa isang panlahat na pambansang wika na tatawaging
“Filipino”. Nabigyang-artikulasyon ito sa Saligang Batas ng 1987 na nagsasaad sa Artikulo XIV, seksiyon 7.
- Mula noong 1974 sa administrasyong Marcos hanggang bandang pagtatapos ng administrasyong Arroyo
noong 2010, ipinatupad ng pamahalaan ang patakaran sa edukasyong bilingguwal sa layuning
mapaghusay ang kakahayan ng mga Pilipino sa komunikasyong Filipino at Ingles, ayon ito sa Kautusang
Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987.
- Sa artikulong “ Language , Nation and Development in the Philippines “(2007), sinabi ni Bro.
Andrew Gonzalez, isang batikang lingguwistika at dating Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon , na mula
panahon ni Pang. Estrada, lalong higit noong panahon ni Pang. Arroyo, binigyang higit na diin ang
pagtuturo at pagkatuto ng Ingles dahil sa kapakinabangang ekonomiko.
- Sa pagpasok ng administrasyong Aquino noong 2010, kinilala ang halaga ng kasanayan.Naging
bahagi ng malaking rebisyon sa kurikulum na tinawag na sistemang K-12 ang pagtuturo ng unang wika at
ang paggamit dito bilang wikang panturo sa mga piling asignatura sa unang tatlong baitang ng
elementarya bago ipakilala ang dayuhang wika na Ingles.
Tinawag itong mother-tongue based , multilingual education o MTB – MLE.
- Kautusang Pangkagawaran Blg 31 s. 2012 na nagsasaad ng paggamit ng unang wika ( mother-
tongue ) bilang wikang panturo sa lahat ng asignatura ( matematika, araling panlipunan, MAPEH,
Edukasyon sa Pagkatuto ) sa baitang 1-3 maliban sa mga asignaturang Filipino at English. Gagamitin
naman ang Filipino at Ingles na panturo sa baitang 4-6.
- Kautusang Pangkagawaran Blg 31 s. 2012 na nagsasaad ng paggamit ng unang wika ( mother-
tongue ) bilang wikang panturo sa lahat ng asignatura ( matematika, araling panlipunan, MAPEH,
Edukasyon sa Pagkatuto ) sa baitang 1-3 maliban sa mga asignaturang Filipino at English. Gagamitin
naman ang Filipino at Ingles na panturo sa baitang 4-6.

Modyul 5: Konseptong Pangwika: Pambansang Wika at Opisyal na Wika


Mga Konseptong Pangwika

Pambansang Wika
- Sang-ayon sa Artikulo XIII, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935, ang Kongreso ay dapat gumawa ng mga
hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang pambansang wika na ibabatay sa mga umiiral na katutubong wika.
Naniniwala si Pang. Manuel L. Quezon na ang pagkakaroon ng isang pangkalahatang wikang nakabatay sa isa
sa mga katutubong wika o diyalekto at ginagamit ng buong sambayanan ay magiging isang “tunay na bigkis
ng pambansang pagkakaisa." Upang maisakatuparan ang kaniyang pananaw, itinatag ni Pangulong Quezon sa
bisa ng  Batas Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng Wikang Pambansa na may mandatong pumili ng
katutubong wikang gagamiting batayan para sa ebolusyon at adapsiyon ng Pambansang Wika ng Pilipinas na
isinasaalang-alang ang mga katotohanang gaya ng: (a) wikang pinakamaunlad sa estruktura, mekaniks, at
literatura; (b) wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino. Noong ika-9 ng Nobyembre 1937,
pinagtibay ng Surian ang isang resobusyon na nagrerekomenda sa Tagalog bilang batayan ng pambansang
wika dahil “ito ang wikang halos tumutugon sa mga pangangailangan ng Batas Komonwelt 184.” Pinagtibay ito
ni Pagulong Quezon sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na ipinatupad noong 1937.
- Sang-ayon sa Artikulo XIII, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935, ang Kongreso ay dapat gumawa ng mga
hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang pambansang wika na ibabatay sa mga umiiral na katutubong wika.
Naniniwala si Pang. Manuel L. Quezon na ang pagkakaroon ng isang pangkalahatang wikang nakabatay sa isa
sa mga katutubong wika o diyalekto at ginagamit ng buong sambayanan ay magiging isang “tunay na bigkis
ng pambansang pagkakaisa." Upang maisakatuparan ang kaniyang pananaw, itinatag ni Pangulong Quezon sa
bisa ng  Batas Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng Wikang Pambansa na may mandatong pumili ng
katutubong wikang gagamiting batayan para sa ebolusyon at adapsiyon ng Pambansang Wika ng Pilipinas na
isinasaalang-alang ang mga katotohanang gaya ng: (a) wikang pinakamaunlad sa estruktura, mekaniks, at
literatura; (b) wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino. Noong ika-9 ng Nobyembre 1937,
pinagtibay ng Surian ang isang resobusyon na nagrerekomenda sa Tagalog bilang batayan ng pambansang
wika dahil “ito ang wikang halos tumutugon sa mga pangangailangan ng Batas Komonwelt 184.” Pinagtibay ito
ni Pagulong Quezon sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na ipinatupad noong 1937.

Pambansang Wika -ang pinakamalawak na gamitin o lingua franca ng mga mamamayan.


Opisyal na wika
- Ang pambansang wika ang wikang sama-samang itinaguyod ng mamamayan sa isang bansa para
magsilbing simbolo ng kanilang pagkakakilanlan. Hindi lamang ito kinikilala ng mamamayan; dinadama rin
nila ito kaya ang pambansang wika ang siyang gamit sa mga okasyong nadadama ng mamamayan ang
kanilang pagkamamamayan, gaya ng pag-awit ng pambansang awit o panunumpa ng katapatan sa
watawat. Mas masaklaw ito, samakatuwid. Ang opisyal na wika naman ang wikang itinalaga ng tiyak na
institusyon para maging wika ng opisyal na pakikipagtalastasan o pakikipagtransaksyon dito, halimbawa’y
ang pamahalaan o isang kompanya o isang organisasyon. Halimbawa, kung Ingles ang opisyal na wika ng
isang gobyerno, kapag nagpulong ang gabinete nito, Ingles ang dapat gamitin. Mas tiyak ang opisyal na
wika, sa makatuwid. 
- Ang pambansang wika ang wikang sama-samang itinaguyod ng mamamayan sa isang bansa para
magsilbing simbolo ng kanilang pagkakakilanlan. Hindi lamang ito kinikilala ng mamamayan; dinadama rin
nila ito kaya ang pambansang wika ang siyang gamit sa mga okasyong nadadama ng mamamayan ang
kanilang pagkamamamayan, gaya ng pag-awit ng pambansang awit o panunumpa ng katapatan sa
watawat. Mas masaklaw ito, samakatuwid. Ang opisyal na wika naman ang wikang itinalaga ng tiyak na
institusyon para maging wika ng opisyal na pakikipagtalastasan o pakikipagtransaksyon dito, halimbawa’y
ang pamahalaan o isang kompanya o isang organisasyon. Halimbawa, kung Ingles ang opisyal na wika ng
isang gobyerno, kapag nagpulong ang gabinete nito, Ingles ang dapat gamitin. Mas tiyak ang opisyal na
wika, sa makatuwid. 

Modyul 6: Konseptong Pangwika: Wikang Panturo


Ang wikang panturo ang opisyal na wikang gamit sa klase. Ito ang wika ng talakayang guro-
estudyante. Malaki ang kinalaman ng wikang panturo sa mabisang pagkatuto dahil ditona kalulan ang
kaalamang matututuhan sa klase. Kapag may depekto ang wikang panturo, magkakaroon din ng
problema sa pagtatamo ng kaalaman.Nagsimula ang pagtuturo ng Filipino (kilala pa lamang noon na
pambansang wikang nakabatay sa Tagalog) at paggamit dito bilang wikang panturo noong ika-12 ng
Abril 1940 sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 na nagtakda ng pagtuturo ng
pambansang wika sa lahat ng publiko at pribadong paaralan sa bansa. Unang itinuro ang
pambansang wika sa ikaapat na taon ng mataas na paaralan, publiko man o pribado, at ginawang
bahagi ng kurikulum ng mga kumukuha ng edukasyon Lalong nabigyang-diin ang pagtuturo ng
pambansang wika sa Panahon ng Hapones dahil sa pagtatakwil ng mga mananakop sa
impluwensiyang Kanluranin at pagtitindig sa Silangang Asya, partikular na ang mga bansang nasakop
ng Hapon, bilang nakapagsasariling rehiyon. Tinawag ng mga Hapones ang ideolohiyang ito na
Greater East Asia Co-prosperity Sphere. Sa Panahon ng Hapones, idineklara ang Tagalog bilang
opisyal na wika at wikang panturo. Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10, s. 1943, iniutos
ng gobyernong papet ni Pangulong Jose P. Laurel ang pagtuturo ng pambansang wika sa lahat ng
pribado at pampublikong mababang paaralan, at kalaunan ay naging bahagi ng kurikulum sa lahat ng
baitang sa elementarya at antas sa sekondarya.
Sa Panahon ng Republika, naging mas masigasig ang mga ahensiyang pampamahalaan sa pag-aaral
ng kaugnayan ng wikang panturo sa mabisang pagkatuto at sa pagtukoy ng marapat na maging
wikang panturo. Noong 1948, sinimulan ng Bureau of Public Schools ang pagsubok sa potensiyal ng
mga katutubong wika sa pagkatuto. Isa sa mga pag-aaral na ito ang “Iloilo Experiment in Education
Through the Vernacular” na isinagawa mula 1948 hanggang 1954. Sa pag-aaral na ito, ginamit ang
Hiligaynon na wikang panturo ng wika, pagbasa, aritmetika, at araling panlipunan. Ayon sa resulta,
mas natuto ang mga estudyanteng tinuruan sa Hiligaynon kaysa mga tinuruan sa lngles. Sa
pagtuntong din ng mga bata sa mas mataas na baitang, mas madali nilang nalinang ang kasanayan
sa paggamit ng Ingles, kahit nahuli na itong ipakilala sa kanila, dahil sa mayamang pondo ng
kaalamang natutuhan nila sa mas mabababang baitang. Naging pangunahing batayan ang
eksperimento ng Revised Education Program of 1957 na nagtakda ng m ga sumusunod na
patakarang pang-edukasyon: 
Ang mga katutubong wika (unang wika ng mga estudyante) ang gagamiting wikang panturo ng iba’t
ibang asignatura sa Baitang 1 at 2. Ituturo ang Ingles bilang hiwalay na asignatura simula Baitang 1.
Magiging wikang panturo na ang Ingles ng mga asignatura simula Baitang 3. Gagamiting pantulong
na wikang panturo ang mga katutubong wika sa Baitang 3 at 4. Gagamiting pantulong na wikang
panturo ang wikang pambansa (kilala na noon bilang Filipino) sa Baitang 5 at 6.
Wikang Panturo -wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
Wikang Rehiyunal - nakabatay sa lingua franca ng mga mamamayan sa isang rehiyon.
Lalawiganin -taguri sa wika ng probinsya.
Wikang Pampanitikan -kadalasang gumagamit ng mga tayutay upang maging iba sa karaniwan.
Pabalbal o Kolokyal -karaniwan o impormal na wika kadalasang sa kalye lamang naririnig.
Teknikal na Wika -kadalasang ginagamit sa larangan ng agham at matematika, teknolohiya at
wikang cybernetics.
Modyul 8: Mga Konseptong Pangwika: Bilingguwalismo at Multilingguwalismo
Ano ang bilingguwalismo?

Ang bilingguwalismo ay hindi simpleng nangangahulugang gumamit ng dalawang wika. Ito ay isang
problematikong konsepto na patuloy pang dinadalumat. 

Foundations of Bilingual Edducation and Bilingualism (2011 ), isang aklat , binigyang-diin ni Colin
Baker na ang ganitong saradong depinisyon ng bilingguwalismo ay problematiko. Maituturing bang bilinggual
ang isang tao na bagama’t kayang gumamit ng dalawang wika ay hindi pantay ang kasanayan, halimbawa
natural mag-Filipino ngunit mali-mali namang mag-Ingles.

Bilingual Language Development (1999), tinukoy naman ni Suzanne Romaine ang mga uri ng
bilingguwalismo sa mga bata. Inilalatag ng kaniyang pag-uuri ang lahat ng posibleng sitwasyong puwedeng
matuto ang isang bata ng ikalawang wika at makalinang ng bilingguwalismo.

Foundations of Bilingual Edducation and Bilingualism (2011 ), isang aklat , binigyang-diin ni Colin
Baker na ang ganitong saradong depinisyon ng bilingguwalismo ay problematiko. Maituturing bang bilinggual
ang isang tao na bagama’t kayang gumamit ng dalawang wika ay hindi pantay ang kasanayan, halimbawa
natural mag-Filipino ngunit mali-mali namang mag-Ingles.

1. One-person, one-language- may magkaibang unang wika ang mga magulang bagama’t kahit paano ay
nakapagsasalita ng wika ng isa ang isa. Isa sa kanilang wika ang dominanteng wika ng pamayanan.
Halimbawa mag-asawang Tagalog at Cebuana na naninirahan sa Cebu na ginagamit ang kani-kanilang unang
wika sa pakikipag-usap sa kanilang anak. Sa ganitong sitwasyon, nalilinang ang bilingguwalismo dito dahil
mula’t sapul nalalantad ang bata sa kani-kaniyang unang wika ng kanyang mga magulang.

2. Non-dominant home language/one-language, one-environment- may kani-kaniya pa ring unang


wika ang ama at ina at isa sa mga ito ang dominanteng wika ng pamayanan.

3. Non-dominant language without community support- magkatulad ang unang wika ng mga
magulang ngunit ang dominanteng wika sa pamayanan ay hindi ang sa kanila. Gayunman, iginigiit nilang
gamitin ang kanilang unang wika sa kanilang anak. Halimbawa mag-asawang Kapampangan na naninirahan sa
Maynila na mula pagkasilang ng anak ay kinakausap ito sa kapampangan. Dahil Filipino ang lingua franca sa
Maynila, ito ang ikalawang wikang natutunan ng bata paglabas ng tahanan. Nasasanay ang bata sa
Kapampangan sa loob ng tahanan at sa Tagalog paglabas naman.

4. Double non-dominant language without community- may kani-kaniyang unang wika ang mga
nagulang ngunit ang dominanteng wika sa pamayanan ay hindi ang alinman sa kanila. Halimbawa mag-
asawang Tagalog at Cebuana na nanirahan sa Pampanga. Kinakausap ng ama ang anak ng Tagalog, ang ina
ng Bisaya at paglabas ng tahanan, nalalantad din siya s Kapampangan. Nasasanay ang bata sa kani-kaniyang
unang wika (Tagalog at Bisaya) ng kaniyang mga magulang sa loob ng tahanan at sa dominanteng wika
(Kapampangan) naman sa labas.

5. Non-dominant parents- pareho ang unang wika ang mga magulang. Ang wika din nila ay dominanteg
wika sa pamayanan.Halimbawa Tausug ang mga magulang, dahil Sulu sila nakatira Tausug dn ang kanilang
dominanteng wika sa pamayanan,Gayunpaman isa s kanila maaaring ama o ina ang laging kumakausap ng
Tagalog. Dahil lantad ang bata sa unang wika ( Tausug )sa loob o labas man ng tahanan, ngunit dahil mismo
ang magulang ay nasasanay rin  siya sa isang pang unang wika (Tagalog).

6. Mixed- bilingguwal ang mga magulang. Kapag kinakausap ng mga magulang ang bata, nagpapalit-palit sila
ng wika. Paglabas ng bata sa pamayanan, katulad ang sitwasyon . Dahil dito nasasanay rin ang bata sa 
papalit-palit na wika.

Ayon kay Muriel Seville-Troike sa kanyang aklat na Introducing Second Language Acquisition
(2006), ang multilinguwalismo ay ang kakayahang makagamit ng dalawa o higit pang wika.

Ayon kay Grosjean (1982), may multilinguwalismo sa bawat bansa sa daigdig, anuman ang antas panlipunan
o edad. Katunayan napakahirap makakita ng isang pamayanan na purong monolinggual dahil tila imposible na
ang isang lahi ay mamumuhay nang mag-isa at hindi makipag-ugnayan sa ibang lahing may sarili nitong
kultura at sariling wika.

Ayon kay Tucker(1999), lalong marami ang batang bilingguwal o multilingguwal kaysa monolingguwal at
marami sa kanila ang naturuan gamit ang ikalawang wika o natuto sa pag-aaral kaysa sa naturuan gamit naf
purong unang wika lamang.

1. Kakayahan- aktibo kapag naipakita niya ang kasanayan sa mga wika sa pagsulat at pagsasalita
samantalang pasibo kapag naipapakita naman niya ito sa pakikinig o pag-intindi.

2. Gamit- ang mga wikang alam ng isang tao ay may iba’t - ibang konteksto o sitwasyong pinaggagamitan,
gaya ng pakikipag-usap sa tahanan o paaralan, pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan o mga negosyo
interaksiyong harap o ginagamitan ng teknolohiya at iba pa.

3. Balanse ng mga wika- bihira sa isang tao ang magkaroon ng magkakapantay na kasanayan sa mga
wika.Karaniwang ay higit ang kasanayan niya sa isang wika kaysa sa iba o ang pagkakaroon ng wikang
dominante, bagama’t nagbabago-bago ito sa paglipas ng panahon.

4. Gulang- bilingguwalismong sabayan (simultaneous bilingualism) ang tawag sa kasanayan sa dalawang


wika kung mula pagkasilang ay nalilinang na ito. Bilingguwalismong sunuran (consecutive o sequential
bilingualism) tawag kapag may isa nang wikang natutuhan ang bata na nasundan ng pagkatuto ng isa pang
wika pagsapit niya ng tatlong taong gulang.

5. Pag-unlad- ang isang bilinguwal ay maaring maging napakahusay sa isang wika samantalang umuunlad pa
lamang sa isa pang wika. Pasulong ang tawag sa bilingguwalismong kasanayan sa isang wika ay paunlad nang
paunlad. Paurong kapag nababawasan nang nababawasan. Pagkawala ng kasanayan (attrition).

6. Kultura- dahil ang wika ay kambal ng kultura, hindi lamang kasanayan sa komunikasyon ang nalilinang sa
isang taong natuto ng wika kundi natutuhan din niyang yakapin ang kultura nito. 
*Monokultural- tawag sa isang taong bagama’t maalam sa maraming wika ay nananatiling sarado sa isa
lamang kultura.
*Bikultural- ang isang taong kasabay ng pagkatuto ng isa pang wika ay natutuhan ding mamuhay gaya ng
lahing nagsasalita ng wikang iyon.
*Multikultural- pag nadagdagan pa ang wika.
7. Konteksto- ang pamayanang kinabibilangan ng isang bilingguwal o multilingguwal ay maaaring maging
endoheno o eksohero. 
*Endoheno- may dalawa o higit pang wikang karaniwang gamit sa pamayanan. 
*Eksoheno- iisa lang ang wikang gamit ngunit natututo ang isang tao ng iba pang wika sa pamamagitan ng
media, internet, telepono o cell phone o presensiya ng isang taong may ibang wika na bumibisita o
nagbabakasyon sa pamayanan.
8. Paraan ng Pagkatuto- maaring malinang sa pormal na pag-aaral.

*Elektib, halimbawa ay ang pagkuha ng kurso sa dayuhang wika o matutuhan sa mga likas na pagkakataon.

*Sirkumstansyal, halimbawa ay ang pagkatuto ng ikalawang wika matapos ang matagal na pagkababad sa
ibang bayan o bansa, ang pagkatuto ay mula sa mga dayuhang araw-araw na kasama.

Modyul 9: Baryasyon ng Wika: Dimensiyong Heograpiko


2 aspekto:

1. Aspektong Heograpiya- tumutukoy sa impluwensiya ng pisikal na kapaligiran.

2. Aspektong Sosyal- tumutukoy sa personal na pinagmulan ng tao.

- Sa aklat ni George Yule na The Study of Language (2010), masusi niyang tinalakay ang mga baryasyon ng
wika dahil sa impluwesiyang heograpiko.

Estandardisadong Wika

- Ang estandardisadong wika ang gamit sa pamamahala, pagtuturo, pagbabalita, pagnenegosyo, at iba pang
malaganap na gawaing pinagsasaluhan ng mga taong nagmula sa iba’t ibang rehiyon.

Punto at Diyalekto

- Ang estandardisadong wika ang gamit sa pamamahala, pagtuturo, pagbabalita, pagnenegosyo, at iba pang
malaganap na gawaing pinagsasaluhan ng mga taong nagmula sa iba’t ibang rehiyon.

Modyul 10: Baryasyon ng Wika: Dimensiyong Sosyal


Ano ang speech community ?

- Ang speech community ay isang pangkat ng mga taong may pinagsasaluhang mga tuntunin at inaasahan
ukol sa paggamit ng wika.

Ano ang sosyolingguwistika ?

- Ang sosyolingguwistika naman ay ang pag-aaral ng mga katangiang lingguwistiko ng wika na may
halagang panlipunan sa mga taong gumagamit nito sa loob ng isang speech community.
- Ang lipunan naman ay ang anumang pangkat ng taong nagsama-sama para sa tiyak na layunin habang
ang wika naman ay ang midyum na gamit nila upang makapag-usap at magkaunawaan (Wardhaugh,
2010).

Sa aklat na The Study of Language (2010), inuri ni George Yule ang mga barayti ng wika dahil sa
impluwensiyang sosyal, gaya ng mga sumusunod:

- Idyolek o Individual Dialect - Ito ang natatanging paraan ng pagsasalita o pagsulat ng tao na nagsisilbi
niyang pagkakakilanlan; ito ang barayti ng wika na masasabing “personal” o “ekslusibo” sa bawat tao.
- Sosyolek o Social Dialect - Ito ang kolektibong wikang gamit ng partikular na pangkat ng mga tao sa
lipunan. Ayon kay Yule (2010), nakatuon ang sosyolek sa pag-aaral ng wika ng mamamayan sa isang
bayan o lungsod, di tulad ng diyalekto na mas nakatuon sa wikang gamit ng mga taga-lalawigan.

Ang sosyolek ng isang pangkat ng tao ay naiimpluwensiyahan pa ng mga sumusunod na salik:


a. Edukasyon - Hindi lamang tinutukoy ng edukasyon ang pormal na edukasyon na tinatapos sa
paaralan kundi maging ang impormal na edukasyon, gaya ng ginagawa ng isang taong nagpapayaman
ng kaalaman sa sariling pagbabasa at ang di-pormal na edukasyon, gaya ng ginagawang pagtuturo sa
pamamagitan ng radyo.
b. Propesyon - Pinayayaman ng propesyon ng isang tao ang wikang gamit niya dahil naipapasok niya
rito ang teknikal na kaalaman ng kaniyang larang.

Ilan pa sa barayti ng Wikang nabubuo sa ilalim ng sosyolek ang mga sumusunod:

1. Estilo ng Pananalita - Tinutukoy nito ang antas ng pormalidad ng paggamit ng wika. Karaniwan,
naaapektuhan ang pormalidad ng kontekstong kinaroroonan ng mga nagsasalita.
2. Rehistro - Ito ang natatanging wikang gamit sa tiyak na konteksto. Maaari itong maging sitwasyonal
kung ang rehistro ay akma sa isang sitwasyon, okupasyonal kung gamit ng mga propesyonal sa
kanilang trabaho, at topikal kung ginagamit sa pagtalakay o pag-uusap ng isang paksa.
3. Jargon - Ito ang espesyal na teknikal na bokabularyo ng isang larang. Gamit ito sa rehistro upang
makilala ang pagiging natatangi ng rehistrong iyon sa sitwasyon, okupasyon, o paksang
pinaggagamitan nito. Ito rin ang nagsisilbing paraan ng mga “tagaloob” ng isang larang upang makilala
ang isa’t isa at magkaroon ng ugnayan, at maihiwalay sa kanila ang mgaa “tagalabas.”
4. Balbal - Ito ang itinuturing na wika ng kalye na ginagamit sa karaniwang usapan. Produkto lamang
ang wikang ito ng pagkamalikhain ng taong bumubuo ng mga salitang may natatanging kahulugan
para hindi maintindihan ang kanilang usapan ng mga taong hindi kabilan g sa kanilang pangkat. Iba-
iba rin ang mga alituntunin sa pagbuo nito dahil hindi katulad ng morpolohiya sa Filipino na may mga
tiyak na batas, tinatanggap dito ang anuman basta mapapakinabangan sa usapan at tatanggapin ng
mga gumagamit.
Modyul 11
Panalangin, Pagbati, Pagtala ng Liban, Balik-aral, Katuturan at mga Katangian ng Wika
- Ang wika ang buhay ng tao. Ito ang pangunahing kasangkapan upang maipahayag ang iyong
kaisipan at saloobin.
- Ayon kay Gleason (1961) ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
- Ayon naman kay Constantino (1996), ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng
komunikasyong panlipunan; sa pamamagitan nito ay maaaring matamo ng tao ang kaniyang
instrumental at sentimental na mga pangangailangan.
- Ayon kay Salazar (1996), ang wika ang ekspresiyon, ang imbakan-hanguan at agusan ng
kultura ng isang grupo ng tao, maliit man o malaki, na may sarili at likas na katangian.
Katangian ng Wika
1. Ang wika ay tunog- unang natutuhan ang wika sa mga tunog na naririnig, hindi sa mga titik
na nababasa. Mahalaga ang nasabing tunogsa batang namumulat sa kaniyang unang wika o
sa sinumang natututo sa pangalawang wika sa anumang edad dahil narerehistro ito sa
kanyang isip, sa tinatawag na language acquisition device o LAD, na siya niyang nagagaya at
nabibigkas.
2. Ang wika ay arbitraryo- hindi magkakatulad ang tuntuning sinusunod ng mga wika sa
pagbuo ng salita at sa pagkakabit ng kahulugan sa mga salitang iyon. Maaari itong maging
iba-iba, depende sa natatanging kalikasan ng bawat wika.
3. Ang wika ay masistema- ang wika ay may tiyak na sinusunod upang makabuo ng
kauhulugan at maunawaan.
4. Ang wika ay sinasalita- ang pagsasalita ay isang mabilis na paraan upang
makapagpahayahag ng kaisipan o saloobin. Ito rin ang pinakakaraniwang paraan sa
pagsasalin ng impormasyon .
5. Ang wika ay kabuhol ng kultura- ayon kay Salazar (1996), ang wika ang “impukan-
kuhanan ng isang kultura. Dito natitipon ang pag-uugali, isip at damdamin ng isang grupo ng
tao.”
6. Ang wika ay nagbabago- dahil dinamiko ang wika, nagbabago ito dahil sa impluwesiya ng
panahon at kasaysayan.
7. Ang wika ay may kapangyarihang lumikha- Ayon kay Ferdinand de Saussure (1983), ang
isang ideya ay binubuo ng salitang kumakatawan dito at ng konseptong kaakibat nito .
8. Ang wika ay may kapangyarihang makaapekto sa kaisipan at pagkilos- ang wika ang
anyo at paraan ng kapangyarihan. Ito rin ang gamit ng mga nasa ilalim upang ipahayag ang
pagtutol o paglaban sa naghaharing-uri kapag umaabuso ito s akapangyarihan.

Modyul 12: Mga Gamit ng Wika ayon kay Halliday


Michael Alexander Kirkwood Halliday
• Ipinanganak noong ika-13 ng Abril noong 1925
• Isinilang sa Leeds, England
• Isang lingguwistang Briton na nagpa-unlad ng modelo ng wikang pang functional na
linggwistika o systematic functional linguistic (SFL) sa buong mundo.
Mga Gamit ng Wika sa Lipunan
1. Instrumental
- tumutugon sa mga pangangailangan ng tao.
- tumutulong sa tao para maisagawa ang mga gusto niyang gawin.
2. Regulatoryo
- nangangahulugang nagagamit ito sa pagkontrol sa mga ugali o asal ng ibang tao, sitwasyon o
kaganapan.
3. Interaksyunal
- ginagamit ito sa pagpapanatili ng mga relasyong sosyal, katulad ng pagbati sa iba’t ibang okasyon,
panunukso, pagbibiro, pang-iimbita, pasasalamat, pagpapalitan ng kuro-kuro tungkol sa isang
partikular na isyu.
4. Personal
- pagpapahayag ng personalidad at damdamin ng isang indibidwal.
- paglalahad ng sariling opinyon at kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.
5. Heuristiko
- kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-unawa. Maaaring gamitin ang wika para
malaman ang mga bagay sa daigdig.6. Representibo/Impormatibo
- ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon ng mga bagay-bagay sa mundo.
6. Representibo/Impormatibo
- ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon ng mga bagay-bagay sa mundo.
7. Imahinasyon
- ginagamit ang wika upang mapagana ang imahinasyon ng isang tao. 

You might also like