You are on page 1of 15

Ang Pagiging Bayani ng Tao at ang Pagiging Tao ng Bayani:

Pagsiyasat at Pagpapalalim sa Mensahe ng Teleseryeng Hango sa Komiks na


Darna (2009)

Aila Joy F. Pradillada, Louis Rei M. Hermenegildo, Ramses S. Turaja, Cristian


Lloyd N. De Guzman, Lyrine L. Sarmiento, Krizza Joy T. Quematon, Kevin Josh
G. Friginal at Angela Emperador

School of Engineering, Aurora State College of Technology


GE – 12 DALUMATFIL

G. Heinrich Von Masa

Mayo 19, 2023


Ang Pagiging Bayani ng Tao at ang Pagiging Tao ng Bayani:
Pagsiyasat at Pagpapalalim sa Mensahe ng Teleseryeng Hango sa Komiks na
Darna (2009)
Aila Joy F. Pradillada, Louis Rei M. Hermenegildo, Ramses S. Turaja, Cristian
Lloyd N. De Guzman, Lyrine L. Sarmiento, Krizza Joy T. Quematon, Kevin Josh
G. Friginal at Angela Emperador
Introduksiyon
Kaakibat ng paglipas ng panahon ang pagbabago ng mundong
ginalagawan ng mga tao. Kasabay ng kaunlaran ang pag-usbong ng mga bagong
komunidad, lipunan, o grupo na nagiging ugat ng iba’t ibang mga tradisyon,
kultura, at pananaw sa buhay. Masasalamin ang mga ito sa malawak na panitikan
ng Pilipinas, isang anyong sining kung saan malayang inilalahad ng mga
manunulat ang mga ideyang hango sa makulay na buhay sa ating bansa at bunga
ng kanilang mapaglarong imahinasyon. (Zafra, 2008)
Ayon pa kay Zafra sa aklat na Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang
Filipino sa Disiplinang Filipino (Konteksto ng K-12) na inilimbag noong 2016.
Kasabay ng pagbabago ng daigdig ang pagbabago ng mga tao. Malaki ang
impluwensiya ng panahon sa mga katangian at pananaw ng tao na pinag-uugatan
ng iba’t ibang kultura, tradisyon, at pamantayan sa pamumuhay. Kasama nito ang
malawakang interaksyon ng mga tao sa iba’t ibang dako ng mundo na mas
pinaigting ng pag-unlad ng mga kagamitan at teknolohiyang malaki ang bahaging
ginagampanan sa buhay ng mga tao. Kung babalikan ang kasaysayan ng daigdig,
ang mga interaksyong ito ay naging daan ng mga pananakop ng mga mas
malakakas na bansa sa mga mas maliliit na bansa o ang kolonyalismo at isa ang
Pilipinas sa mga bansang nakaranas nito.
Malaking pagbabago sa ating sining lalo na ang ating panitikan na dulot
ng mga pagbabago sa lipunan dala ng kolonyalismo. Kabilang sa mga bagay na
pilit na inalis sa kaisipan ng mga katutubo ay ang kanilang mayamang panitikan.
Nawala ang mga kwentong bayan, alamat, awit, at iba pang anyo ng panitikang
pasalita. (Nibalvos, 2019)
Ang paghihiwalay sa larangan ng panitikan ay umusbong din dahil sa
pamantayan at anyo ng pagsulat na itinakda at ipinakilala ng mga dayuhang
mananakop. Ang dibisyong ito, na iminungkahi sa papel na ito, ay tinatawag na,
The Great Literary Divide, the Elite Literature vs. the Mass Literature. Binubuo
ng Elite Literature ang mga kilalang may-akda, mga akdang pampanitikan at
publikasyon sa malalaking print, mga artikulong nakasulat sa Espanyol o Ingles,
mga artikulong batay sa kolonyal na kaisipan, at may-akda, na bumubuo sa
tinatawag nilang "Pambansang Panitikan." Sa kabilang banda, ang Mass
Literature ay kinabibilangan ng mga akdang pampanitikan at mga artikulong
inilathala lamang sa mga magasin, panitikang pasalita, mga akdang pampanitikan
ng mga sinaunang Pilipino, at mga manunulat sa rehiyon. (Nagourney,1982).
Sa panahong ito ng teknolohiya at edukasyon na nakahilig sa pagiging
pandaigdigan, mahalagang balikan natin ang mga ugat ng ating pagkakakilanlang
Pilipino tulad ng sinaunang panitikan at rehiyonal, dahil ang mga ideyang
nagmumula dito ay magbibigay sa atin ng pag-unawa kung sino tayo bilang mga
Pilipino. Ang ating mga sinulat, lalo na ang mga akda sa Panitikang Pangmasa
ang pinakamalinaw na salamin ng kung sino tayo bilang isang tao. Nagsisilbi
itong ihatid ang pinakamalalim na diwa ng ating pagkakakilanlang Pilipino. Kaya
naman, kailangan nating basahin o pakinggan kung ano ang sinasabi ng mga
artikulong ito na makatutulong sa pagsubaybay sa nakaraan nating pamanang
kultura bilang mahalagang bahagi sa pagbuo ng Pambansang Panitikan.
Sa artikulong “Ang kahalagahan ng araling kabanwahan sa konteksto ng
globalisasyon at pandaigdigang paglakas ng malayong kanan” ni Navarro (2021).
Sinabi niya na sa pag-iral ng mga panitikang ito, kabi-kabilang paliwanag, kuro-
kuro, at mga mungkahi ang nanggagaling sa mga kritiko. Bawat tagasipat,
tagasuri, at kritiko ay mayroong kani-kaniyang perspektiba, opinyon,
interpretasyon, at paliwanag na mga konteksto, karanasan, at naratibo ng paksang
binigyang buhay galling sa mga likhang-sining tulad ng mga libro, komiks,
pelikula, o teleserye.
Sa panitikan, binabasa ang isang tula, maikling kwento, nobela, dula at iba
pang anyo ng panitikan at teksto upang ito ay masuri. Sa pagsusuri, tinitingnan
itong mabuti o sinisipat para makitang mabuti ang hindi kaagad nakikita sa unang
tingin. Halimbawa: Binubusisi ng isang ginang ang binibiling isda o karne para
matiyak na sariwa o bago ito; Tinitimbang ng alahera ang alahas na isinasangla o
ipinagbibili upang masigurong hindi ito peke o itinubog lamang sa ginto o pilak.
Ang iba't ibang kilos na binanggit ay ang paglalapat ng salitang ‘pagsusuri’.
Sinusuri ang akda upang makapaglahad ang isang kritiko ng makabuluhan na
pananaw, kuro-kuro at pakahulugan ukol dito. (Torres-Yu, 2012)
Dulot ng kaunlaran, lumawak ang kahulugan ng mga panitikan.
Nagkaroon ng panibagong konsepto ang mga manunulat, panibago at mas
maiging paraan ng paglikha ng sining. Dahil sa teknolohiya ay mas maraming tao
ang narating ng mga likhang sining tulad ng mga panitikan, pelikula, at teleserye.
Mahalagang balikan ang pag-usbong ng panitikang Pilipino upang mas
maintindihan natin ang kahalagahan at mensahe nito. Mababatid na ang panitikan
ay sumusunod sa modernisasyon ng mundo. Gayunpaman, noon pa lamang ay
mayroon ng sariling panitikan ang mga Pilipino na may sariling mga paksa at
tema. Ang pag-ibig at bayani ay mga popular na paksa ng mga panitikang
mayroong istorya na karaniwan ay nagsasama sa iisang akda. Nabanggit sa mga
naunang talata na nagbabago ang pananaw ng mga tao sa lipunan sa paglipas ng
panahon. Samakatuwid, mayroong mga pagkakaiba ang pananaw ng mga tao
noon sa pag-ibig at ang kanilang mga bayani ay may sariling mga katangian na
naaayon sa pamantayan ng lipunang kinabibilangan ng may akda. Isa sa mga
epektibong paraan ng paghinuha ng mensahe ng isang panitikan ay ang pagtitiyak
sa panahon o henerasyon kung kalian ito nailimbag. (Importante, 2022)
Ang Komiks sa Pilipinas
Ayon kina Samson, Piquero at Banzon (1977), ang Komiks sa Pilipinas ay
umiral mula noong huling bahagi ng 1920s at naging batayan ng daan-daang
pelikulang Tagalog mula noong 1930s hanggang sa kasalukuyan. Ito ay
kasalukuyang pangunahing pinagmumulan ng mga nasa lahat ng dako ng mga
teleserye at telenovela na patuloy na nakakaakit ng milyun-milyong manonood sa
mga hapon at primetime. Sumikat ang Komiks sa Pilipinas dahil ito ay
naglalaman ng mga guhit o imahe na tumutulong sa mga mambabasa upang mas
makita at mas maintindihan ang daloy ng kwento.
Marami ang kababayan nating nahilig sa komiks sapagkat ang mga
pangunahing karakter nito ay kalimitan ay nagtataglay ng kakaibang mga
katangian o mga kapangyarihan na kanilang ginagamit sa magigiting na tunggalin
upang mailigtas ang kanilang mundo. Binubuksan nito ang pagkakataon upang
harayain ng mga mambabasa ang kanilang sarili bilang isang karakter ng komiks
kung saan sila rin ang nag-iisip ng kanilang mga kalakasan at kahinaan na
maiihalintulad nila sa totoong buhay. Dahil dito, nagkakaroon ang mga
mamamayan ng piksyonal na halimbawang nagbibigay inspirasyon sa kanila
upang magpunyagi sa kani-kaniyang mga buhay.
Ang Telebisyon sa Pamilyang Pilipino
Ayon sa datos ng AGB Nielsen Philippines noong taong 2006, 95% ang
kinokober ng kanilang National Urban Television Audience Measurement
(NUTAM) sa lahat ng mga urban area sa Pilipinas na may humigit kumulang na
34 milyong katao ang populasyon. Base rin sa tantiya ng Nielsen noong 2008, 92
– 95% Pilipino naman ang naaabot ng telebisyon. Nangangahulugan lamang na
ganoon karaming Pilipino ang nanunood ng telebisyon at ganoon kalawak ang
kapangyarihan ng nasabing medium. Ang telebisyon ay ang medium na may
kakayahang abutin ang napakaraming tao, ito ay nagbubunga ng malaki nitong
potensiyal na maka-impluwensiya sa mga manonood.
Dito rin natin napupulot ang ibang mga bagay na hindi natin kadalasan
nakukuha mula sa bahay o paaralan. Ang pinakamalaking benepisyo ng
telebisyon ay ang potensiyal nitong palawakin ang ating mga karanasan sa
pamamagitan ng pagpapakita at pagpapakilala sa atin sa mga lugar na hindi pa
natin napupuntahan, sa mga taong hindi nating inaakalang makikilala at sa mga
ideyang hindi bukas sa karamihan. Ang isa nga sa mga halimbawa ng
impluwensiya ng telebisyon ay ang pagsilang ng salitang ‘teleserye’ na dati ay
tinatawag na ‘soap opera’. (Sánchez, 2019)
Ang Teleserye ng Pamilyang Pilipino
Halos lahat ng Pilipino ay alam kung ano ang teleserye. Bago pa man
magkaroon ng telebisyon ang mga pamilyang Pilipino, naging libangan na ng mga
tao, particular ang mga taong naiiwan sa kani-kanilang mga bahay ang pakikinig
sa mga serye sa radio na tinawag na ‘soap opera’. Noon pa lamang ay naging
hilig na ng mga Pilipino ang sumubaybay sa mga kaganapan sa mga serye na
naglalayong malibang ang mga Pilipino na nagpapahinga matapos ang isang araw
ng trabaho o pag-aaral. (Sánchez, 2020).
Dagdag pa ni Sanchez, naging ugali na ng pamilyang Pilipimo ang
panonood ng mga inaabangang teleserye sa telebisyon. Isa ito sa mga bagay kung
saan magkakasama ang kanilang pamilyang naglilibang at nagpapahinga. Bukod
pa rito, pinapakita sa mga teleseryeng ito ang iba’t ibang tradisyon ng ating bansa,
naglalahad ng mga mahahalagang leksyon sa buhay, habang nagbibigay
kasiyahan sa buong pamilya.
Kasabay ng pagsikat ng teleserye ang pagsikat ng iba’t ibang mga dyanra.
Dumagdag sa drama ang mga teleseryeng nagtatampok ng mga bayaning may
kapangyarihan, mga pangunahing karakter na hindi bastang tao lamang at mga
teleseryeng hango sa mga aklat, tulad ng komiks at nobela. Masasabing napukaw
ng mga teleserye ang damdamin ng mga Pilipino sapagkat kinamulatan natin ang
pagiging maunawain. Mas mabilis mahumaling ang mga Pilipino sa mga teleserye
dahil sa istorya at mga karakter nito na karaniwan ay kawangis ng totoong buhay
ng Pilipino. Mas nauunawaan ng mga manonood ang mga teleseryeng inaabangan
sa telebisyon sapagkat may mga pagkakataong naranasan nila ang mga dinadanas
ng pangunahing karakter ng kwento. Sa oras na ginugugol ng mga Pilpino sa
panonood ng teleserye, habang pinapawi nila ang kanilang mga pagod matapos
ang isang buong araw ng trabaho at pag-aaral, habang naglilibang, nalulungkot,
sumasaya, natatakot at napapaisip dahil sa mga kaganapan. (Evasco, 2011).
Dahil sa lawak ng nararating na manonood ng teleserye, isa ito sa mga
bagay na nakakaapekto ng pananaw ng mga tao sa lipunan. Mayroong positibo at
negatibong epekto ang telebisyon sa isip ng mga manonood. Nakakaimpuwensiya
ito sa uso, ang nagdidikta sa mga gawi at kilos ng mga tao, lalo na ang mga
manonood na labis na nahumaling sa mga teleserye, partikular sa mga karakter
nito na kanilang iniidolo at ginagaya. (Sánchez, 2020)
Hindi maikakaila na parte na ng buhay ng mga Pilipino ang mga teleserye,
magmula noon ay may mga karakter nang hindi mawawala sa puso at isipan ng
mga Pilipino na hanggang sa ngayon ay nadala nila ang ilang mga katangian at
masasalamin sa kanilang pamumuhay. Pinapaigting ng mga teleserye ang
tradisyon at kulturang Pilipino, sa pamamamagitan ng pagiging daan nito upang
magsama-sama ang buong pamilya, sa mga leksyon na iniiwanan nito sa bawat
tahanang naglilibang, at sa mga pananaw nitong nabuksan at nabago upang mas
maging maunlad ang kanilang mga pagkatao na nagiging daan sa pag-unlad ng
kinabibilangan nilang lipunan. (Tudtod, 2020).
Paglalahad ng Suliranan
Ang pag-aaral na ito ay nagnanais matugunan ang mga sumusunod na
suliranin:
1. Ano-ano ang mga ipinakita na maaaring salik ng iba't-ibang katangian
ng isang tao na magbibigay ideya sa sambayanang Pilipino sa kahalagahan ng
pagiging ulirang magulang, kapatid, at kapwa sa mga kabataan?
2. Paano ipinaalala at inilarawan ng karakter ni Darna ang katauhan at
kabayanihan ng mga kababaihan noon at ngayon?
3. Epekto ng pagtatangi na ipinakita sa teleseryang darna
Saklaw at Limitasyon
Ang pagsusuri na ito ay sumasaklaw sa unang sampung episode ng
teleseryeng Darna ng istasyon ng GMA noong 2009. Sa unang sampung episode
na nag papakita ng paglaki at pagiging tagapag-tanggol ng pangunahing karakter
sa nasabing teleserye, dito magmumula ang batis ng diskurso kung saan ito ay
masinsinang siniyasat para makabuo ng isang masuring pananaliksik sa
teleseryang Darna.
Metodolohiya
Ang mga nagsagawa ng pananaliksik na ito tungkol sa mga kaakibat na
pag-aaral tungkol kay Darna. Gamit ang mga nasaliksik, sinuri ng mga
mananaliksik ang katangian ni Darna, kung paano ito naging isang bayani, at mga
kakayanan bilang isang babae. Sa pagsususri na ito ay tinalakay rin ang
pinagmulan ng istoryang ito na base sa komiks na likha ni Mars Ravelo.
Nakapaloob rin sa pagsusuri na ito ang mga pinagdaanang karanasan ng
nabanggit na karakter. Sa sampung episode ng teleserye ay nasuri ng mga
mananaliksik ang pinagmulan ng nabanggit na tagapagtanggol at kung paano
naging isang bayani ang simpleng tao.
Ang pananaliksik na ito ay pagsusuri sa isang teleseryeng hango sa
komiks na nagpapakita ng mga suliranin na nangyayari sa lipunan. Upang ganap
na masuri, ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga teoryang para sa
epektibong pagdadalumat. Sikolohikal at sosyolohikal, Ang mga nabanggit na
teorya ay naging pamantayan sa pag-aaral na ito sapagkat ang mga teoryang ito ay
kumakatawan sa isang teleserye. Ang pagaaral na ito ay may kwalitatibong paraan
sa konteksto at masipat ang katangian na mayroon ang mga Filipina Superheroes
at makita dito ang mahahalagang bahagi na nakapaloob sa kwento upang
magsilbing patnubay sa magiging nilalaman ng pananaliksik. Upang
maisakatuparan ang layunin ay gumamit ang mga mananaliksik ng batayang
pananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay naglalayongmakakuha ng impormasyon
at maihambing ang mga Filipina Superheroes at mga kababaihan sa Pilipinas.
Nakabase ito sa mga relatibo at kreditong impormasyon na masusuring kinalap ng
mga mananaliksik , mga kaugnay na pag-aaral , komiks, pelikula , libro ,
kasaysayan at katayuan at gampanin ng mga Pilipinang lipinan sa mga nagdaang
taon.
Ang unang teoryang ginamit ay ang sikolohikal, ito ay nagsusuri ng
paguugali at kamalayan ng tao. Ito rin ay isang pag-aaral sa pag-iisip ng tao na
nakakaapekto sa kilos; mental na katangian o aktitud ng isang tao na sumasalamin
sa komiks na Darna. Maiuugnay natin ang teleseryeng ito sa kadahilanan na ang
pangunahing karakter dito ay nakaranas ng hindi maayos na pamumuhay mula sa
trauma na naranasan nito mula pagkabata hanggang sa maging isang ganap na
dalaga. Makikita na hindi buo ang loob ni Narda bilang tao at nagkaroon siya ng
sa sarili bilang isang bayani na mayroong malaking responsibilidad at suliraning
haharapin.
Isa pa ang teoryang sosyolohikal na naging batayan sa pagsusuri sa
nasabing teleserye. Ito ang pananaw na nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao,
tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan at ang may kontrol sa kanyang sariling
buhay. Noon pa lamang, ang katayuan ng mga kababaihan sa lipunan ay hindi
binibigyang pansin. Tinuturing na mahina at pampangalawang katayuan. Sa
makalumang Pilipinas, mayroong positibo at negatibong resulta ang trato ng
lipunan sa mga kababaihan. Pinapahalagahan nila ang mga kababaihan subalit
kasabay nito ang pagbawas sa mga pagkakataon ng mga kababaihan upang
maipakita ang kanilang mga kakayahan at ang kaugalian na ito ay makikita
hanggang sa kasalukuyan. Ito ang naging ugat ng pagkakaroon ng malaking
pagitan sa mga responsibilidad ng mga lalaki at babae. Dahil dito, magkaiba ang
inaasahan at hinihingi ng mga tao sa kalalakihan at kababaihan.
Balangkas ng Pagsusuri

Teorya at Pamamaraan ng Pagsusuri ng Kulturang Popular

Sampung episodes ng teleseryeng Darna sa istasyon ng GMA


(Ang teleserye bilang kulturang popular)

Katauhan ng Bayani

Ipinakita ng balangkas ang pinakasimpleng daloy kung paano magsisimula


ang pagsusuri ng teleserye bilang isang kultura popular na naging parte na ng
pamilyang Pilipino hanggang sa kasalukuyang panahon. Ginamit ng mga
mananaliksik ang unang sampung episode ng teleseryeng hango sa komiks na
Darna na ipinalabas ng istasyong GMA noong 2009 bilang paksa ng diskurso
hinggil sa katauhan ng mga bayani noon at mga bayan isa kasalukuyang panahon.
Gamit ang mga teorya sa pagsusuri ng mga kulturang popular at
panitikang Pilipino, nahinuha ang mas malalim na kahulugan ng Darna, ang
katangian na inilalarawan ng mga tauhan nito at ang mga suliranin sa lipunan na
kaugnay sa kanila. Ang mga pamilyang Pilipino ay sanay na sa mga kwentong
tampok ang mga iba’t ibang bayani, dahil dito, naiisantabi ang mas malamin na
kahulugan ng mga palabas na ito. Sa paggamit ng mga teoryang ito ay
magkakaroon ng mas malalim na pagkakaintindi ang masa sa Darna at sa mga
teleseryeng kagaya ng tema nito. Sa pamamagitan ng paghihimay nito, sa
pamamagitan ng pagsiyasat sa mga pangunahing tauhan, sa paghinuha ng mga
suliranin sa lipunan na nangyayari sa totoong buhay, sa kabuuan, sa paraan ng
pamumuhay na ipinapakita ng teleserye.
Babae ang pangunahing tauhan sa teleseryeng ito. Isang babae na musmus
pa lamang ay nakikipagsapalaran na para sa kanyang buhay. Lumaking ang
kinagisnan ay ang mga armado at sindikato na s'yang nagpapahirap sa nasabing
tauhan. Pinagkakakitaan sa pamamaraang pag-utos na manlimos sa lansangan.
Pagpapahirap, pangaabuso at pagmamalupit ang sinapit ni Narda. Ang Darna ay
isang serye sa telebisyon na aksyong pantasya na isinahimpapawid ng GMA
Network. Ang serye ay hango sa fictional philippine superhero. Pinagbidahan ng
mga dekalibreng artista ng telebisyon at nasabing network. Noon pa lamang,
nangingibabaw at matunog na sa manonood ang teleseryeng darna sapagkat
ipinagkaloob na ito sa iba't ibang bigating artista sa magkakaibang panahon.
Patuloy na tinatangkilik ang palabas na ito dahil hindi lang sa napapanahon
bagkus sumasalamin ang bawat sitwasyon sa nangyayari sa ating lipunan.
Si Consuelo at Alisha ang ina ng mahalagang karakter sa komiks na
Darna. Sa unang episode ng palabas ay mapapanood ang dalawang magkaibigan
na hirap magkaroon ng kani kanilang mga anak. Pangarap nilang dalawa na
magkaroon ng anak kung kaya't gagawin nila ang lahat, mapabuti man o
mapasama makamit lang ang kanilang mithiin. Sa kadahilanan ng
pagkadesperada, pinili nila ang maling gawain kahit may kaakibat itong
masamang pangyayari. Pareho man ang kagustuhan nila, ngunit iba ang pananaw
sa buhay ni Alisha. Gustong gusto man magkaanak ni Alisha hindi pa din siya
nakakalimot na tumulong sa iba. May sariling kagustuhan at pangarap man sa
buhay, kabaitan at pagmamahal sa kapwa pa rin ang nangibabaw sa pagkatao
niya. Bawat tao sa mundong ito ay may pangarap at kagustuhan sa buhay. Gaya
ng ina ni Narda, hindi dapat natin makalimutan ang mga nangangailangan ng
tulong. Hindi magiging sagabal sa ating pangarap ang pagtulong sa kapwa, ang
pagpapakita ng pagtulong ay pagbuo rin ng magandang relasyon o ugnayan ng
bawat isa. Kung mayroong magandang ugnayan ang bawat isa, masasabing
makakamit na ang pagkakaisa. Maaaring sa pagtulong na ito ay may makamit na
kapalit o kung wala man dumating ay nakakatulong pa rin na makamtan ang
kanilang ninanais.
Sa panahon ngayon ay tila marami ang nawawala sa tamang landas.
Kagaya nalamang ng mga gumanap na grupo ng sindikato sa teleseryeng Darna,
na kung saan ay ikinulong nila ang mga kabataan sa kanilang mga kamay at ang
bawat galaw ng mga ito ay kanilang kontrol. Maraming kabataan ngayon ang tila
ay maiihalintulad sa karanasan ni Narda noong ito ay nasa kamay palang ng mga
sindikato. Tila walang pagpipilian kundi ang gumawa ng kasamaan tulad
nalamang ng pagnanakaw sa kapwa nang dahil sa takot.
Mayroong mga tao sa lipunan ang nagkaroon at tataglay ng labis na
kasakiman sa isang bagay. Makikita sa mga karakter na ipinapakita ni Roma o
Babaeng Impakta, Armida o Babaeng Lawin, Lucifera o Babaeng Tuod, at
Octavia Moran o Lutgarda Morales o Babaeng Linta mga karakter na nabanggit
ay gagawin ang lahat upang matamasa ang tinatanging batong mayroong
tinataglay na kapangyarihan na maihahalintulad, sa pangarap o mithiin, tulad ng
nabanggit sa mga naunang talata, sa pera, sa kapangyarihan, at sa katauyan sa
lipunan.
Hindi lingid sa ating kaalaman na mayroong mga kabataan sa lipunan na
hindi namulat sa isang buong pamilya, sa pamilyang makakapgbigay ng mga
pangangailangan at karapatan na dapat ay natatamasa ng bawat bata. Hindi
nabibigkis ng haligi at ilaw ng tahananan, kulang sa pagmamahal at sa atensyon
ng kanilang magulang kagaya nalamang sa ipinakitang karakter ni Valentina sa
teleseryeng ito kung saan ay hindi ito nabigyan ng sapat na atensyon ng kanyang
ina dahil sa pisikal na kaanyuan nito na halos itaboy at kasuklaman ng kaniyang
ina. Dahil sa karanasan nito simula sa pagkabata ay nagdulot ito ng malaking
epekto sa karakter na nabanggit. Hindi pare-pareho ang kapaligiran kung saan
nabibilang ang mga kabataan, dahil dito, iba iba ang mga bagay na kinagigisnan
ng mga bata, iba iba ang mga bagay na kung saan sila nasasanay. Ang iba’t ibang
mga sitwasyong ito ang nagiging ugat ng mga katangian na ipinapakita ng mga
tao sa isang lipunan. Malaki ang kahalagahan ng mga karanasan sa buhay sa kung
papaano mamumuhay ang isang tao sa kasalukuyan. Gayomnpaman, ang
pagkakaroon ng masamang nakaraan ay hindi nangangahulugan na magiging
masama ang kasalukuyan at ang pagkakaroon ng magandang nakaraan ay hindi
nangangahulugan na magiging maganda ang kasalukuyan. Sa madaling salita,
mainam na sundin ang mga huwaran na pamamaraan sa pagkalinga at pagbuo ng
pagkatao ng mga kabataan sa abot ng makakakaya sapagkat napakaimportante
nito sa magiging pagkatao ng mga kabataan sa hinaharap.
Si Ms. Perfecta ay isang matanda na namumuno sa isang bahay ampunan.
Siya ang nagampon sa pangunahing karakter na si Narda. Siya ang naging dahilan
kung ano ang naging pagkatao ni narda noong siya ay lumaki na. Mahigpit man sa
mga batang inampon, sa kadahilanan na mahal at pinapahalagahan niya ang mga
ito. Magandang impluwensya ang mga tulad ni Ms. Perfecta sa ating lipunan at sa
ibang tao dahil sa kanyang angking kabaitan kahit hindi niya ito kadugo. Hindi
man niya kilala ang ibat-ibang bata, pare pareho naman ang pagmamahal at
pakikitungo niya dito. Kung ating susuriin ang bansang kinatatayuan, sa bawat
lansangan ay makakakita tayo ng mga batang pagala gala, sa halip na ang mga
oras na dapat ginugugol nila sa paaralan ay nilalaan nila sa pagtatrabaho para sa
iba’t ibang dahilan. Bawat tao ay pwedeng gampanan ang katangian ni Ms.
Perfecta na mayroong malambot na puso sa mga bata at handang tumulong kahit
ano man ang mangyari.
Ang naging kapalaran at katauhan ni Marian Rivera sa Darna ang
nagbigay kahalagahan sa mga kakayanan ng isang babae. Nagiging huwaran para
sa mga mahihina ang loob, walang tiwala sa sarili, at mga nagiging sunod-sunoran
sa mga kalalakihan. Sa kabila ng mga pinagdaanan at bato ng buhay, nahubog ang
karakter na nagbigay ng isang makabuluhang pananaw at mentalidad ng isang
ordinaryong tao. Ang peminismong prinsipyo ay umiikot sa reaksiyon ng mga
kababaihan (at minsan ng mga kalalakihan) sa hindi pantay na ideolohiyang
patriyarkal na naghahari sa mayorya ng mga nakasulat sa panitikan na
masasalamin sa kabuoang pagtingin at pagtrato ng lipunan sa mga kababaihan.
Isinasabuhay ng mga peminista ang patuloy na pagkikilatis at kadalasan ay
pagsasalungat sa pakikitungo sa mga kababaihan at sa mga istiryotipikong
nilalapat sa kanila. Masalimuot ang tinahak na landas peministang pananaw.
Katulad ng maraming teorya, dumaan ito sa maraming proseso ng pag-aayos at
pagbabago. Maraming impluwensiya ang naghubog nito. Lahat ng
impluwensiyang ito ay nag ambag ng kanilang mga pananaw sa peministang
teorya.
Sa paghihimay, pagsusuri at paglalarawan ng mga karakter sa nasabing
teleserye, ipinaliwang kung ano ang mga maaaring makatulong at makaugnay ng
kanilang gampanin sa teleserye ng tunay na buhay. Bawat yugto ay nagbibigay sa
mga manonod ng kaparehas na suliranin at karanasan na kinakaharap sa lipunan.
Sa pamamamagitan nito, naging malinaw sa mga mananaliksik ang mensahe at
turo na mahihinuha sa kwento na hindi maaarok sa simpleng panonood lamang ng
paksang teleserye.
Konklusyon at Rekomendasyon
Konklusyon
Batay sa pagaaral na isinagawa ng mga mananaliksik sa pelikulang Darna ng
GMA bilang isang konseptong feminismo, nabuo ang mga sumusunod na
kongklosyon
1. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang komiks ay produkto ng partikular na
socio-historical conditions (socio-historical conditions) at dahil ang komiks ay
isang tugon sa mga sitwasyon o pagbabagong naganap, man direkta o hindi, kaya
kailangan ng higit na atensyon at paggalang, lalo na. sa larangang pang-
akademiko kung saan ang ay hanggang ngayon ay nakahilig sa Kanluraning
tradisyon. Ang komiks at mga pelikulang nagtatampok ng mga superhero ay
nagbibigay ng mga detalye tungkol sa kung ano ang reaksyon ng mga Pilipino sa
mga sitwasyong kanilang nararanasan, pangunahing nagaganap noong ika-20
siglo. Ang mga na sitwasyong ito ay iba, tulad ng mga hirap na dinanas ng mga
tao noong digmaan atna naganap noong dekada 1970.Natuklasan din ng mga
mananaliksik na ang mga bayani, sa panahon kahapon at ngayon, ay hindi
lumilitaw na nag-iisa, ngunit sa halip ay mga tugon sa seryosong mga kaganapan
na kinakaharap ng mga tao.
2. Masasabing isa sa mga dahilan ng tinatawag na women's empowerment sa
Pilipinas ay ang pagkakaroon ng na katangian na magagamit lamang ng mga
lalaki noong nakaraang na panahon. Ang Pilipinas at ang na mga dakilang
kapangyarihan na mayroon sila ay hindi magkalayo, ngunit angna ito ay magkaiba
pa rin sa usapin ng paglago. Ang minsang kababaan ng kababaihan sa kasaysayan
ng Pilipinas ay makikita sa pag-usbong ng seryeng Darna at sa mga premiere ng
serye ng na kinabibilangan ng mga karakter na ito kung ang ay nagmula sa buhay
ng kahirapan, pumasa sa puwesto. tingnan ang doon at mamuhay ng normal sa
lipunan.
3. Ipinapakita ng konseptong ito ang pagbangon ng Pilipino mula sa dilim ng
kahapon. Ang moral na pamumuno ng mga Pilipinong superhero ay maiuugnay
din sa pulitika at pamahalaan ng bansa kung saan ilang mahahalagang posisyon sa
gobyerno ng ang hawak ng mga kababaihan. Ang ideyang na ito ay kumakatawan
sa higit sa kung ano ang nagtanim sa isipan ng mga Pilipino na ang mga trabaho
ng kababaihan sa gobyerno ay likas na "malinis"ay makatarungan, mapagbigay,
banayad, at pumipigil sa karahasan puwersa ay makikita sa mga babaeng
superhero na nabanggit. Kung susumahin ang, walang gaanong pagkakaiba ang
mga superhero ng Filipina sa nais nilang iparating tungkol sa lipunan, kasaysayan
at pag-uugali.
4. Posibleng ang lugar na pinanggalingan ng pangunahing tauhan ay may
bahaging iaambag, ang tribong katutubo ay naninirahan pa rin sa ilang lugar sa
ating bansa. Hindi maikakaila ang mga bakas ng ating mga ninuno sa kanilang
pananamit at kultura. Sa bahaging ito, binigyang-diin ang konserbatismo ng mga
matandang Pilipino na iba sa paraan ng pananamit ng mga Kanluraning bansa.
Bagama't ang ang pinaka-iconic at sikat ng Darna, natuklasan ngna mga iskolar na
ang paksa at bida mismo ng palabas na Krystala ay ang na pinakakitang imahe ng
Filipina pati na rin kung susundin natin kung paano ginagamit ang tradisyon ng
ating mga ninuno. Sa madaling sabi, naiimpluwensyahan ng ating sariling kultura
at mga makasaysayang kaganapan nang mas maunlad ang karakter ng mga
superhero na ito. Masasabi na maraming pagkakatulad ang katangiang taglay ng
mga babaeng pilipina sa mga superhero sa pagnanasa, sa pag-uugali ay
pinahahalagahan ang pamilya dahil nagiging tulay upang ipahayag ang
pagmamahal. makikinang na damdamin gustong magpatuloy kalayaan tinatamasa
at nanaig ang pagkakapantay-pantay o ang tinatawag na egalitarian society.
5. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang milarawan ang mga katangian ng
Filipina superheroes, maipabatid ang ebolusyon ng komiks sa Pilipinas at ang
pag-angat nito sa konteksto ng panahon at madetermina ang mga katangian na
mayroon ang mga Filipina superheroes. Upang maisakatuparan ang layunin ay
gumamit ang mga mananaliksik ng batayang pananaliksik.
6. Naging layunin ng palabas na de-kahong emahen o paglalarawan sa kababaihan
sa anumang uri ng panitikan. At sa katunayan, naisulong ang tunay na kalagayan
ng kababaihan sa hinaharap. Sa pamamagitan ng mga pelikula na napakita ng mga
kababaihan ang kalipunan ng kanilang paniniwala at lakas sa mundo ng
kalalakkihan.
7. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makakuha ng impormasyon at
maihambing ang mga Filipina superheroes at mga kababaihan sa Pilipinas. Ang
pag-aaral na ito ay nasa kwalitatibong paraan. Nakabase ito sa mga relatibo at
kreditong impormasyon na masusing kinalap ng mga mananaliksik; mga kaugnay
na pagaaral, komiks, pelikula, libro, kasaysayan at katayuan at gampanin ng mga
Pinay sa lipunan sa mga nagdaang taon. Isa rin itong pagalugad na pananaliksik
kung saan ito ay tumatalakay sa pagkakaiba at pagkakatulad ng mga katangian at
kapangyarihan ng mga kathang-isip ng mga Filipina superheroes.
Rekomendasyon
Iminumungkahi ng mga mananalisik ang ilang mga kaisipan batay sa nasuring
palabas:
1. Bagamat ang paksa ng teleseryeng ginawang basehan ng mga
mananaliksik, naging maganda itong lunsaran sap ag-aaral ng konsepto ng
Feminismo. Minumungkahi ng mga mananaliksik na humanap ng iba pang
mga teleserye na mayroong kamukhang tema nang sa gayon ay
magkaroon sila ng ibang pagbabasehan at maari rin nila itong ikumpara
roon.
2. Sa pag-aaral na ito ay naglalayon na magsuri at makakalap ng
mgakatangian at kapangyarihan na mayroon ang ilang piling Filipina
superheroes sa komiks at ilang fantaserye, at tuklasin ang kanilang
pagkakatulad sa mga kababaihan ng Pilipinas. Sa kadahilanang
kinakailangang matapos ang pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay
naglagay ng limitasyon sa bilang ng mga superheroes na titimbangin.
3. Pinapayuhan ng mga mananaliksik ang mga susunod na mananaliksik sa
hinaharap na palawakin ang saklaw ng pag-aaral kung sa gayon ay
makabuo pa ng karagdagang kaugnayan sa pagitann g mga kababaihan at
Filipina superheroes.
4. Maaaring magdagdag ng mas maraming superheroes na titimbangin,
maliban sa ginamit nang apat,upang maisagawa ito ng matagumpay.
Bilang karagdagan,ang pananaw na ginamit ng mga mananaliksik ay tiyak
na sosyo-kultural lamang. Inirerekomenda ng mga mananaliksikang
paggamit ng iba pang perspektibo bukod sa sosyo-kultural, bilang
pananaw sa isasagawang pag-aaral.
5. Hinihikayat ang mga susunod na mananaliksik sa hinaharap na bigyang
tuon ang mga teorya mula sa agham panlipunan bilang gabay sa pag-aaral.
Bukod pa rito ay inaanyayahan ang mga mananaliksik sa hinaharap na
buksan ang kanilang pag-aaral hindi lamang sa bahagi ng mga kababaihan,
kung hindi pati na rin sa bahagi ng kalalakihan. Ito ay sakadahilanang
upang maangkop ang mga matutuklasang impormasyon hindi lamang sa
panig ng mga babae, kung hindi pati na rin sa mga lalake. Bukod pa rito,
ang pagsusuri sa parehas na kasarian ay makakapagtibay sa mga
impormasyong matutuklasan at maibabahagi ng mga mananaliksik.

Sanggunian
Zafra, G. S. (2008). Sawikaan 2007: Mga Salita ng Taon. UP Press.
Zafra, G. S. (2016). Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang
Filipino (Konteksto ng K-12). Katipunan: Journal ng mga Pag-aaral sa
Wika, Panitikan, Sining at Kulturang Filipino, (1).
Nibalvos, I. M. P. (2019). Lipunan at Panitikan: Pag-uugat ng Kapilipinohan sa
Pagbubuo ng Literaturang Pambansa. Malay, 32(1).
Nagourney, P. (1982). Elite, Popular and Mass Literature: What People Really
Read. Journal of Popular Culture, 16(1), 99.
Navarro, Atoy (2021). Ang kahalagahan ng araling kabanwahan sa konteksto ng
globalisasyon at pandaigdigang paglakas ng malayong kanan. Manila:
Department of Social Sciences, University of the Philippines Manila.
Torres-Yu, R. (2012). Hagkis ng Halakhak: Ang Nagpapatuloy na Kabuluhan ng
Kritika ni Hernandez sa Pulitika sa Magkabilang Mukha ng Isang
Bagol. Social Science Diliman, 8(2).
Importante, J. (2022). Panitikang Filipino. ourSOUL Teaching-Learning
Resources.
Samson, L., Piquero, M. R., at Banzon, C. R. (1977). Mga Mukha ng
Kahirapan. Philippine Sociological Review, 25(3/4), 139-143.
Beksandthecity. (2014, May 6). teleserye – beks and the city. Beks and the City
nakuha mula sa https://beksandthecity.wordpress.com/tag/teleserye/

Sanchez, L. J. A. (2018). Ang drama ng ating buhay: Isang kasaysayang


pangkultura ng teleserye sa Filipinas hanggang 2016.
Sánchez, L. J. A. (2020). Teleserye at Kontemporanidad.

Evasco, E. Y. (2011). Pag-akda at Pagkabata: Ang Namamayaning Tunguhin at


Estetika sa Panitikang Pambata ng Pilipinas. Humanities Diliman, 8(2).

Sánchez, L. J. A. (2020). ILANG EKSPLORASYON SA PAG-AARAL NG


KULTURANG POPULAR SA FILIPINAS. Kritika Kultura.

Tudtod, A. R. (2020). BARAYTI NG WIKANG FILIPINO SA BALITA O


LATHALAING PANSHOWBIZ SA MGA PANGUNAHING
PERYODIKO. NationalEditors/Consultants, 227.

You might also like