You are on page 1of 38

Modyul 7: Kampanya Tungo sa

Kamalayang Panlipunan sa Pamamagitan


ng MultiMedia
Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na
ito, inaasahang:

1. Nakasusulat ng isang malinaw na social


awareness campaign tungkol sa isang paksa
na maisasagawa sa tulong ng multimedia; at
(F8PU-IIIi-j-3)
2. Nasusuri ang mga hakbang sa pagbuo ng
isang kampanyang panlipunan ayon sa
binasang mga impormasyon. (F8PB-IIIi-j-33)
Balik-aral
Panuto: Tukuyin ang
hinihingi sa bawat bilang..
I-chat ang letra ng tamang
sagot.
1. Maraming nakaranas ng pagiging purita
sa panahon ng pandemya. Ang salitang may
salungguhit ay matutukoy na anong antas
ng wika?

A. Kolokyal C. Balbal
B. Karaniwan D. Lalawiganin
2. “Kung may uulitin ako sa buhay ko, gusto kong
ulitin yung araw na nakilala kita. Kahit ilang beses,
kahit paulit-ulit, kahit habang buhay pa.” Anong
layunin ang nangibabaw sa pangunahing tauhan
batay sa pahayag?

A. Ipadama ang pagmamahal


B. Sakripisyo sa buhay
C. Isiwalat ang galit
D. Matinding panibugho
3. Bumuo si Yorme ng programang
makatutulong sa mga mag-aaral. Aling
salita sa pangungusap ang maituturing na
wika sa multimedia?

A. Mag-aaral C. Yorme
B. Bumuo D. Programa
4. Ang teleseryeng Probinsiyano na
pinagbibidahan ni Cardo ay maituturing na
salamin ng mga usaping panlipunan sa
kasalukuyang panahon kaya patuloy itong
tinatangkilik ng mga manonood. Anong
ekspresyong hudyat ang isinasaad sa
pangungusap.

A. Dahilan-Bunga C. Paraan-Resulta
B. Gamit-Layon D. Panimula-Wakas
5. Maaari mong gamutin ang coronavirus
gamit ang mga antibayotiko o mga gamot
laban sa malaria. Ano ang ipinahihiwatig
ng pahayag?

A. Katotohanan C. Opinyon
B. Damdamin D. Hinuha
Ang panitikang popular ay maituturing na
makabago at napapanahong anyo ng panitikan
kung saan masasalamin ang tiyak na mga
pangyayaring may kaugnayan sa kasalukuyang
panahon, na isa sa mga katangian nito gayundin
ang pagiging malayang sining. Ang ilan sa mga
halimbawa ng panitikang popular ay pelikula,
komiks, radyo, hugot lines, pick up lines,
fliptop, animasyon, at iba pa.
Maituturing na naging bahagi ng panitikang
popular ang kulturang Pilipino sapagkat ito ang
naging larawan ng pamumuhay ng karaniwang
Pilipino isama pa rito ang pag-usbong ng social
media bilang katugunan sa lumalawak na
komunikasyon o pakikipagkapuwa gamit ang
teknolohiya.
Kaugnay pa nito, naging paraan ng pagtanggap sa
pagkakaroon ng modernismo na karaniwang
nagmumula na rin sa mga modernong produkto
ng bansa. Ito ay kinapapalooban ng teknolohiya,
pagkain, kasuotan, musika, at iba pa. Ginagamit
din ito upang maging bahagi ng isang samahan o
organisasyon para masabing “in” o napapanahon.
Sa gawaing ito, bumuo
ka ng hugot line at
magpahayag ka ng iyong
sarilinghugot tungkol sa
panitikang popular.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang naging impluwensiya ng dokumentaryo sa
persona?
2. Sa iyong palagay, nagkaroon ba ng malaking
impluwensiya ang dokumentaryong napanood ng persona
sa kaniyang personal na buhay? Patunayan.
3. Makatwiran ba ang ginawang komentaryo ng persona sa
kabuuan?
4. Bakit kaya nasabi ng persona ang pahayag na “Gusto
kong sumilip sa lente ng kamera, baka sakali, makita ko
ang mga bagay na hindi nakikita ng iba. Baka sakali, ang
lipunang aking ginagalawan ay higit kong makilala.”
5. Anong aral ang iyong napulot mula sa komentaryo?
Nakatutulong ba sa kamalayang
panlipunan ang mga panitikang
popular sa kasalukuyan?
Maraming
Salamat!

You might also like