You are on page 1of 4

Modyul 5

Gabay sa Pag-aaral ng Kulturang Popular sa Pilipinas


Inihanda ni: Prof. Eleazaar C. Cirilo

KOLEHIYO : BSED III-B Filipino


SCHEDULE : 10:00-11:00 MWF (AE-315)

DESKRIPSYON NG KURSO
Bilang ng Kurso : LTF 106
Pamagat : Kulturang Popular
Saklaw ng Kurso : Naipakikita ang kaalaman sa paglikha at paggamit ng iba’t ibang
kulturang popular, e.g. pelikula, musika, komiks at pahayagan,
mga programang panradyo, pantelebisyon na
nakaiimpluwensya sa paghubog ng kamalayan at kaakuhan o
aydentidad. Naipakikita ang kakayahan sa pagtuturo ng iba’t
ibang kulturang popular na isinasaalang-alang ang pagkakaiba-
iba ng mga mag-aaral.
Kahingian ng Kurso : Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL).
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FILDIS)
Saklaw ng Kurso : First Semester 2020-2021
Kredit : Tatlong (3) Yunit
Bilang ng Oras : 54 oras

Page | 1
Modyul 5
Gabay sa Pag-aaral ng Kulturang Popular sa Pilipinas

Ikaapat na Paksa:
Mga Subkultura Bilang Reaksyon sa Kulturang Popular

A. Inaasahang Bunga ng Pagkatuto


1. Matukoy ang pagkakaiba ng kultura sa subkultura.
2. Matukoy ang mga katangian ng isang subkultura.

B. Paksa
Mga Subkultura Bilang Reaksyon sa Kulturang Popular
Sa paksang ito titingnan ng mag-aaral ang mga subkultura bilang reaksyon sa
kulturang popular. Titignan din dito ang gampanin ng dominanteng kaayusan sa
pagbubuo/pagbubuwag ng mga ito.

C. Gawain
1. Pagsusuri ng teksto.
2. Pagsagot sa mga katanungan kaugnay sa teksto.

D. Kagamitan
Gabay sa Pag-aaral ng Kulturang Popular sa Pilipinas.
https://missingcodec.wordpress.com/. tollidBilly. 2020

E. Pagtaya
1. Ano ang subkultura? Ano ang pinag-kaiba nito sa kultura?
2. Ano ang ugnayan ng mga subkultura sa kulturang popular?
3. Paano ipinanganak ng dominanteng kaayusang panlipunan ang isang
subkultura?

Page | 2
Ikalimang Paksa:
Kulturang Popular Bilang Pamumuhay

A. Inaasahang Bunga ng Pagkatuto


1. Makilala ang manipestasyon ng kulturang popular sa mga pang-araw araw na
praktika.
2. Mapaliwanag ang pagbubuo ng mga pangalawang pangkomunidad (mga
basketball court, videoke, beauty pageant, malls) bilang mga pook ng
pakikilahok ng mamamayan sa kulturang popular.

B. Paksa
Kulturang Popular Bilang Pamumuhay
Sa paksang ito ay pag-aaralan ang mga praktikang pang-araw araw na
maaaring maituring na pakikilahok sa kulturang popular.

C. Gawain
1. Pagsusuri ng teksto.
2. Pagsagot sa mga katanungan kaugnay sa teksto.

D. Kagamitan
Gabay sa Pag-aaral ng Kulturang Popular sa Pilipinas.
https://missingcodec.wordpress.com/. tollidBilly. 2020

E. Pagtaya
1. Paano tumatagos sa pang-araw araw na buhay at praktika ang kulturang
popular?
2. Sa panlipunang pagtingin, paano nabubuo ang mga praktika sa pakikilahok sa
mga pook na nabanggit sa itaas?
3. Ano ang gampanin ng mamamamayan, komunidad, mga negosyo, estado at iba
pang makapangyarihan sa produksyon ng mga nasabing pook?

Page | 3
Ikaanim na Paksa:
Pulitika ng Kulturang Popular

A. Inaasahang Bunga ng Pagkatuto


1. Mapaliwanag ang ibig sabihin ng politika batay sa pakiwari ng access ng
pinanggalingang uri dito.
2. Matukoy ang epektong ekonomikal at politikal ng kulturang popular, at ang
epekto ng kulturang popular sa ekonomiya at politika. Gayundin ang
ugnayan sa pagitan ng dominanteng kaayusang panlipunan at mga
institusyong panlipunan sa kulturang popular.

B. Paksa
Pulitika ng Kulturang Popular
Sa paksang ito ay sisiyasatin natin ang relasyon sa pagitan ng dominanteng
kaayusan at kulturang popular. Dito bibigyang- diin ang epekto sa kultura ng
politika’t ekonomiya, at ang epekto ng politika’t ekonomiya sa kultura sa
pamamagitan ng pagtingin sa mga kongkretong manipestasyon

C. Gawain
1. Pagsusuri ng teksto.
2. Pagsagot sa mga katanungan kaugnay sa teksto.

D. Kagamitan
Gabay sa Pag-aaral ng Kulturang Popular sa Pilipinas.
https://missingcodec.wordpress.com/. tollidBilly. 2020

E. Pagtaya
1. Ano ang ugnayan ng kulturang popular sa dominanteng kaayusang panlipunan?
Sa mga institusyong panlipunan? Sa mga ritwal at tradisyon?
2. Kailan nagiging politikal ang kulturang popular?
3. Paano nagiging ganap ang ideyal na pakikilahok sa pulitika?

Page | 4

You might also like