You are on page 1of 50

Pamagat ng Kurso: Kulturang Popular

Deskripsyon ng Kurso: Mula sa paggising sa natutulog na kamalayan ng bawat Pilipino, tinatayang ang substansya
ng kulturang popular ang siyang gumagaya sa ating buhay – paghinga, pagtibok ng pulso’t puso, pagtunay ng
pagkain at pagkagutom, pagkaantok at pagsigla, pagtawa at pag-iyak. May malaking pagtataya ang kulturang
popular sa ating katawan bilang behikulo para maisulong ang pagdanas sa lipunan, kasaysayan at (post)
modernisasyon. Bibigyang pansin sa kursong ito ang tatlong antas ng krisis na isinasaad sa panitikan ng kulturang
popular. Sinasaklaw rin ang aralin sa pag-aaral at pagsusuri ng iba’t ibang kulturang popular e.g, pelikula, musika,
komiks at pahayagan, mga programang panradyo at pantelebisyon na nakakaimpluwensya sa paghugob ng
kamalayan at kaakuhan o identidad.

Bunga ng Pagkatuto: Sa pagtatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang makamit ang mga sumusunod:

1. Naipapaliwanag ang maikling kasaysayan ng kulturang popular;


2. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang “popular” at “kultura” sa isang mabisang paraan;
3. Naikukumpara ang dalawang antas ng materyalidad sa kulturang popular;
4. Napag-iisa isa ang mga kasangkot sa kulturang popular;
5. Nailalahad ang dahilan kung bakit nakiki-uso ang mga Pilipino;
6. Nailalahad ang tatlong antas ng krisis na isinasaad sa “Panitikan ng Kulturang Popular”;
7. Nakasusuri ng mga imahen, paksa, kumbensyon at isilo ng kulturang popular.

Study Guide

The success in finishing this module lies in your hands. As Marian Angel, there is a need for you to consider this
mode of learning for it will offer new avenues of development. You are expected to accomplish the module
wholeheartedly. As you go through this module, your progress will be monitored by your assigned instructor and
feedbacks will be provided as well. For better understanding on what you should do, below are sort of reminders
for your guidance.

1. You need to have ample time in reading and understanding the thorough content of the module. If there is
a need to re-read it for better comprehension, by all means do it so.
2. There is a need for you to manage your time wisely taking into considerations your other modules from
your other subjects/courses. Be aware on your given schedules per subjects so that you will be
accomplishing your tasks on time. To avoid confusions or delays, do not ask questions which are answered
in the study guide. In short, read first the entirety of the study guide for your guidance and for better
compliance.
3. If in case you do not understand what is stated in your learning module, re-read. Spend enough time in
understanding the task/s and be resourceful. You may seek the help of your family members but do not let
them do the task/s for you. Remember, you are the enrolled student and not them.
4. What you can do today, do it today and not tomorrow or any other day. As a Marian Angel, you should
learn the value of time and learning toward the path of professionalism.
5. Always believe that you can. Read the instructions given in every task before you start answering. Do not
settle for mediocrity; aim for excellence.
6. In every task/step you do in accomplishing the assigned module per subject, you need to make sure that
you did not miss anything. You have to double-check your answers before submitting them.
7. Your answers must be based on the given instructions per tasks. Do not deviate from the instructions. You
need to follow what is stated and try to re-read the instructions if confusions arise. If in case there are
queries which you think must be put into consideration, you may put your message on the “comment box”
in our Moodle Application so that your assigned instructor will respond to you and others who do have the
same concern will be enlighten as well.
8. Lastly, always do your best and be reminded that integrity is doing the right thing even no one is watching.

Balangkas ng Kurso:

Inaasahang
Oras ng
Bunga ng
Nilalaman Layunin paglalaa Mga sanggunian
pagkatuto ng
n
mga mag-aaral
Yunit 1

A. Ang puno’t dulo 1.Natutukoy Puno’t 1.


dulo ng Kulturang Napahahalagahan
ng Kulturang
Popular
Popular ni Soledad ang ugnayan ng
Reyes 2.Nabibigyan ng Puno’t dulo ng https://www.slideshare.net/mreiafrica/ang-punot-dulo-ng-kulturang-popular

linaw ang Kulturang Popular


-Ang Kulturang Kulturang Popular Unang at
Popular Konteksto ng Ikalawa
-Konteksto ng Kulturang Popular ng
Kulturang Popular Pagbabago sa linggo https://www.academia.edu/23725241/Ano_Ang_Kulturang_Popular
-Pagbabago sa pagtuturo
2.Naipahahatid sa
pagtuturo Pamamaraan ng
mga mag-aaral
-Pamamaraan ng pagtuturo
ang katuturan ng
pagtuturo
Kulturang Popular
-Kalakasan at 3.Nakapagbibigay
Konteksto ng
kahinaan ng Kalakasan at
Kulturang Popular
-Mga kasangkot sa kahinaan
Pagbabago sa
Kulturang Popular
pagtuturo
4.Nailalarawan ang
Pamamaraan ng
 Babae at mga kasangkot sa
pagtuturo
Lakake Kulturang Popular
 Bakla’t
tomboy 5.Nakapagbabahagi
 Mayaman at
at mahirap nakapagpapahayag
 Matanda at ng mga kaisipan
bata tungkol sa
 Masa Kulturang Popular 3.Nabibigyan
B. Kulturang nang halaga ang
6.Natutukoy ang
Popular Kahulugan ng mga kasangkot sa
kultura Kulturang Popular https://www.academia.edu
-Kahulugan ng Kahulugan ng at Kalakasan at
kultura kulturang popular kahinaan nito Kulturang Popular ni: Rosalie Orito
-Kahulugan ng
kulturang popular 7.Nakakakalap ng
-Anim na dahilan at mga bagong
pinagmulan ng impormasyon
kulturang popular tungkol anim na
-Mga bakas ng dahilan at 4.Naipapahatid sa
popularisasyon pinagmulan ng mga mag-aaral
bilang aparatong kulturang popular ang kahalagahan
kolonyal/komersyal ng mga konsepto
at ang sa ilalim ng paksa
kapangyarihan ng
na siyang
komukunsumong 8.Nasusuri ang mga
magsisilbing
masa. sumusunod:
pundasyon ng https://www.academia.edu
-Mga bakas ng Mga bakas ng buong Ikatlo
kolonyalismo popularisasyon asignatura. hangga Kulturang Popular ni: Rosalie Orito
-Ang mga bilang aparatong ng ika-
tunggaliang kolonyal/komersyal limang
Ideolohikal at ang linggo
-Mga bakas ng kapangyarihan ng
komersyalismo: komukunsumong
pagpasok ng radyo masa.
at telebisyon bilang
domestikasyon at -Mga bakas ng
komodipikasyon o kolonyalismo
pakikisangkot ng -Ang mga
mass media sa tunggaliang
buhay ng Ideolohikal
komukunsumo -Mga bakas ng
nito. komersyalismo:
pagpasok ng radyo https://www.academia.edu
-Ang diskurso ng at telebisyon bilang
kulturang popular domestikasyon at Kulturang Popular ni: Rosalie Orito
sa panahon ng komodipikasyon o
komersyalismo pakikisangkot ng
-Kulturang popular: mass media sa
Isang pagsasaayos buhay ng
sa kapangyarihan komukunsumo
ng kultura at masa nito.
sa panahon ng
komersyalismo -Ang diskurso ng
-Katangian ng kulturang popular
100% Pinoy sa panahon ng
-Mga pambansang komersyalismo
sagisag -Kulturang popular:
Isang pagsasaayos
sa kapangyarihan
ng kultura at masa
sa panahon ng
komersyalismo
-Katangian ng 100%
Pinoy
-Mga pambansang
sagisag

PANIMULANG PAGSUSULIT (IKA-ANIM NA LINGGO)


Yunit 2:
1.Naipapakita ang
C. Mga dahilan 1.Natutukoy ang kahalagahan ng Pagsasagawa ng isang online sarbey na
kung bakit nakiki- iba’t ibang dahilan mga dahilan kung
uso ang mga kung bakit nakiki- bakit nakiki-uso iaapload sa group class sa pamamagitan
Pilipino uso ang mga ang mga Pilipino ng dalawang linggo
Pilipino
-shampoo 2.Naikikintal sa
-sabong panlaba 2.Nagagamit nang Ika-pito https://seanchungfil12.wordpress.com/2013/04/22/kulturang-
mga mag-aaral hangga popular/
- maayos ang iba’t
ang kahalagahan ng ika-
gadget/kagamitang ibang dahilan kung
ng mga bagay na walong
panteknolohiya bakit nakiki-uso
pinagtutuunan ng linggo
-Malls ang mga Pilipino
-Restaurant/fast pansin ng mga
food Pilipino sa pakiki-
-Street foods uso.
3.Nakapagbibigay
-Pagsusuri ng mga ng sariling opinion
3.Nabibigyan ng
patalastas sa at kuro-kuro https://bababakaba.tumblr.com/post/61211683262/noon-vs-
telebisyon at ilang tungkol sa paksa. halaga ang ngayon-part-1

mga programa. pagbibigay ng


Ilang pelikula at 4.Nakapagsusuri ng pagsusuri sa mga
mga kinagigiliwang mga patalastas sa patalastas sa https://bababakaba.tumblr.com/post/61298856486/noon-vs-
ngayon-part-2
komiks sa telebisyon at ilang telebisyon at
tinatangkilik ng mga programa. ilang mga
masa o Ilang pelikula at
programa. Ilang
nakakarami. mga kinagigiliwang
komiks sa pelikula at mga
Yunit 3: tinatangkilik ng kinagigiliwang
masa o komiks sa
D. Sa loob at labas nakakarami. tinatangkilik ng
ng Mall kong masa o Ika siyam
sawi/Kaliluha’y
nakakarami. na linggo
siyang
nangyayaring hari http://rolandotolentino.blogspot.com/2007/11/kulturang-
popular-at-pakiwaring-gitnang.html

E. Kulturang
Popular at
Ika
pakiwaring
sampung
gitnang uri
linggo

PANGGITNANG PAGSUSULIT (IKA-LABING ISANG LINGGO)


Yunit 4
1.Natutukoy ang 1.Naipapahayag
F. Ang kabuluhan ng ang natatanging
Impluwensiya ng Kulturang Popular gamit ng
Ingles sa sa iba’t ibang Kulturang Popular Ika-
Filipinong disiplina sa iba’t ibang labing
Panitikan disiplina dalawa
ng https://ednapagaduan.wordpress.com/2015/03/10/ibat-ibang-kultura-sa-
2.Nababatid ang
linggo pilipinas/
G. Ang Kulturang kahalagahan ng 2.Naipapakita sa
Popular at bawat disiplina. pagsasagawa ng https://juliaatega.weebly.com/pilipinas.html
Kurikulum gawain ang
3.Nagagamit ang pagpapahalaga sa
https://yanange07teen.blogspot.com/
H. Ang Skin iba’t ibang naging iba’t ibang
Whitener sa bayan kaalaman sa mga disiplina ng https://depedligaocity.net/FilSiningTGv3060816final.pdf
ng kayumangging pinagmulan ng Kulturang Popular https://4a2011hatid-blog.tumblr.com/post/3402271173/ang-impluwensiya-
balat Kulturang Popular ng-ingles-sa-filipinong-panitikan/amp

3.Nakapag-
I. Pagbabago: 4.Nakapagbibigay aambag sa https://walaakongmaisipnatitulo.tumblr.com/post/3498236775/mga-salik-na-
mahihinuha-mula-sa-mga-tekstong
Pagpasok o pag- ng sariling opinion pagtataguyod
usbong ng at kuro tungkol sa karagdagang Ika-labing https://gabriellegabaton.wordpress.com/2015/02/26/belo-billboards-
pamantayan-ng-kagandahan-sa-kamaynilaan/
Kulturang Popular paksa. kaalaman at tatlo
kalinawan hanggang https://mbversozablog.wordpress.com/2019/12/05/edukasyon-sa-paglipas-
J. ST o TF Sining na tungkol sa labing ng-panahon/

ba o Pornograpiya Kulturang Popular pitong


linggo https://aralingpilipinoikaapat.wordpress.com/

4.Naisasaalang-
alang ang
kabuuang
nilalaman ng
Kursong
Kulturang Popular

PANGHULING PAGSUSULIT (IKA-LABING WALONG LINGGO)

Paunang Pagtatasa

I. Panuto: Ayusin ang nakagulong mga letra sa loob ng kahon para mabuo ang salitang tinutukoy. Isulat
ang sagot sa nakalaang patlang. (10 puntos)

1. Dito nakikilala ang isang bansa at ang kanyang mga mamamayan. Ito ay mabisang kasangkapan sa
pambansang
K A pagkakaisa dahil dito naipapahayag ang tunay na diwa ng pakikipagkapwa. Ang ating
L U
T R U
mabubuting gawi, kaugalian at kinamihasang Pilipino ay nailalarawan ng ating mga kaalamang-bayan gaya
ng mga alamat, kwentong-bayan, pabula at epiko.

2. Ito ay mga paniniwala, opinyon, kostumbre o mga kuwentong naisalin mula sa mga magulang papunta sa
mga anak nila.

I Y D
O T S
A R N

3. Ito ay tinatawag ding sikat o kilala.

L O
P P U
A R

4. Ito ay ang nakasanayan na ng isang tao na palaging ginagawa o ipinapakita.

A G A I
U K A
L N N A

5. Ito ay ang paniniwalang espirituwal ng mga tao. Magkaka-iba man ito ngunit iisa lamang ang layunin nito,
ang linangin ang ating espirituwal na pagkatao.

I E Y
R I O
L H N
6. Isang dahilan kung bakit marami ng kabataan ang nakalimot sa mga tradisyunal na panitikan. Isa sa mga
dahilan kung bakit wala nang masyadong ideya ang mga bata ngayon kung ano ang ating mga nakasanayan
noon na kinalimutan na rin natin ngayon. Dahil sa mga makabagong teknolohiya ay nawala ang atensyon
natin sa mga tradisyunal na mga gawain at tila ba nakalimutan na natin lahat ng mga bagay na namana
natin sa ating mga pinagmulan.

D N E I A
R O N M
Y S S

7. Sila ay tinatawag na ganito kapag sila sa bumisita sa ating bansa. Madalas silang makaimpluwensya sa atin,
lalo na sa kanilang pananamit, pananalita at pagkain.
H A A
U D
Y N

8. Ito ay ang kasuotan ng mga sinaunang Pilipino o an gating mga ninuno.

H G
A B
A

9. Iyo ay iba’t ibang uri ng pag-likha ng biswal, nadidinig, o kaya isang pag tatanghal na pinapakita ang
kahusayan ng isang manlilikha sa kanyang imahinasyon, malikhang pag iisip, o teknikal na husay na nag-
nanais mapahalagahan dahil sa kanilang kagandahan o sa kakahayan nito mag pa antig ng damdamin.

S N
G I
N I

10. Ito ay tinatawag ding “pagkakakilanlan”.

D D T
D A E
N I I

Sagot:

1. KULTURA 6. MODERNISASYON
2. TRADISYON 7. DAYUHAN
3. POPULAR 8. BAHAG
4. KAUGALIAN 9. SINING
5. RELIHIYON 10. IDENTIDAD

II. Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang ang salitang TAMA o MALI kung ang mga sumusunod na
pahayag nan aka bold letters ay naglalarawan sa kahulugan ng Kulturang Popular. (10 puntos)

__________11. Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mgatao para maramdaman ang
pagtanggap sakanila ng nakararami.

__________12. Ito aya ang mga pinagsasama-samang gawain na itinatakda ng makakapangyarihang tao,
kumpanya at bansa.

__________13. Ginagamit ito ng mga mayayamang tao lamang para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa
isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili.
__________14. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo
dahil ang kulturang popular aykadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mgakumpanya at
modernong mga bansa.

__________15. Ang kulturang popular ay tinatawag ding kulturang kilala, kilalang kalingang, o kulturang bantog.

__________16. Ang social media kagaya ng Facebook at Instagram ang nagbibigay sa marami ng kaalaman sa kung
ano ang nauuso sa ngayon.

__________17. Nagiging isang daluyan ang kulturang popular para sa karamihan dahil hindi na kinakailangan
humanap ng mga paraan para alukin sa negosyo/produkto ang masa.

__________18. Lahat ng ating kinikilos ay nakabase sa kulturang ginagalawan natin.

__________19. Kahit may mga iba’t ibang mga pag-uuri sa lipunan at may sari-sariling paniniwala, hindi natin
maiiwasan at matataguan ang kulturang popular lalo na sa panahon ngayon kung saan tayo ay nasa teknolihiyang
era.

__________20. Sa pangkahalatang pananaw, ang kulturang popular ang realidad ng masa.

Sagot:

11. TAMA 16. TAMA


12. MALI 17. MALI
13. MALI 18. TAMA
14. TAMA 19. TAMA
15. TAMA 20. TAMA

Yunit 1

A. Ang puno’t dulo ng Kulturang Popular ni Soledad Reyes

-Ang Kulturang Popular


-Konteksto ng Kulturang Popular
-Pagbabago sa pagtuturo
-Pamamaraan ng pagtuturo
-Kalakasan at kahinaan
-Mga kasangkot sa Kulturang Popular

 Babae at Lakake
 Bakla’t tomboy
 Mayaman at mahirap
 Matanda at bata
 Masa

B. Kulturang Popular

-Kahulugan ng kultura
-Kahulugan ng kulturang popular
-Anim na dahilan at pinagmulan ng kulturang popular
-Mga bakas ng popularisasyon bilang aparatong kolonyal/komersyal at ang kapangyarihan ng komukunsumong
masa.

-Mga bakas ng kolonyalismo


-Ang mga tunggaliang Ideolohikal
-Mga bakas ng komersyalismo: pagpasok ng radyo at telebisyon bilang domestikasyon at komodipikasyon o
pakikisangkot ng mass media sa buhay ng komukunsumo nito.

-Ang diskurso ng kulturang popular sa panahon ng komersyalismo


-Kulturang popular: Isang pagsasaayos sa kapangyarihan ng kultura at masa sa panahon ng komersyalismo
-Katangian ng 100% Pinoy
-Mga pambansang sagisag

Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang makamit ang mga sumusunod na layunin:

1. Natutukoy Puno’t dulo ng Kulturang Popular

2. Nabibigyan ng linaw ang Kulturang Popular


Konteksto ng Kulturang Popular
Pagbabago sa pagtuturo
Pamamaraan ng pagtuturo

3. Nakapagbibigay ng Kalakasan at kahinaan

4. Nailalarawan ang mga kasangkot sa Kulturang Popular

5. Nakapagbabahagi at nakapagpapahayag ng mga kaisipan tungkol sa Kulturang Popular

6. Natutukoy ang Kahulugan ng kultura


Kahulugan ng kulturang popular

7. Nakakakalap ng mga bagong impormasyon tungkol anim na dahilan at pinagmulan ng kulturang popular

8. Nasusuri ang mga sumusunod:

Mga bakas ng popularisasyon bilang aparatong kolonyal/komersyal at ang kapangyarihan ng komukunsumong


masa.

-Mga bakas ng kolonyalismo


-Ang mga tunggaliang Ideolohikal
-Mga bakas ng komersyalismo: pagpasok ng radyo at telebisyon bilang domestikasyon at komodipikasyon o
pakikisangkot ng mass media sa buhay ng komukunsumo nito.

-Ang diskurso ng kulturang popular sa panahon ng komersyalismo


-Kulturang popular: Isang pagsasaayos sa kapangyarihan ng kultura at masa sa panahon ng komersyalismo
-Katangian ng 100% Pinoy
-Mga pambansang sagisag
ALAMIN

Gawain 1.1

Bago simulan ang aralin, kailangan munang matasa ang inyong kaalaman tungkol sa Kulturang Popular. Ang mga
sumusunod na aytem na makikita sa ibaba ay makatutukoy kung ano na ang inyong kaalaman tungkol sa Kulturang
Popular. Kung handa na kayo, simulan na ngayon.

Panuto: Ang mga sumusunod na pahayag ay tungkol sa Kulturang Popular. Tukuyin kung alin sa mga ito ang
nagpapahayag ng katotohanan hinggil sa batayang kaalaman sa paksang nabanggit. Pindutin lamang ang bilog sa
tabi ng bawat pahayag kung ito ay kabilang sa inyong sagot. (8 puntos)

O Ang kultura ay pinaghalong mga tradisyon, paniniwala, at pamumuhay ng mga dayuhang sumakop at ang mga
katutubong Pilipino.

O Ang mga awit, sining, kasabihan, kagamitan, at mga selebrasyon ay ilan rin sa mga bagay-bagay na bumubuo ng
tinatawag natin na “kultura“.

O Ang lahat ng lugar sa mundo ay may kani-kanilang kultura. Ito ang nag sisilbing sandigan ng isang lugar.

O Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang
katanggap-tanggap.

O Ang kulturang popular ay hindi nagpapahayag ng damdamin at kaisipang popular.

O Ang kultura ng isang bansa ay binubuo ng kanyang mga katutubo at katangi-tanging kaugalian, paniniwala at
mga batas

O Mabisang aparato ng kolonyalismo at komersyalismo ang popularisasyon.

O Ang kulturang popular ay isa sa mga dahilan kung bakit maraming mga Pilipino na ang nakakalimot sa sariling
kultura.

Sagot:

1. shaded 5. Not shaded


2. shaded 6. shaded
3. Not shaded 7. shaded
4. shaded 8. shaded

TUKLASIN

Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para malaman kung
anong uso, anong sikat at ano ang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ng teknolohiya at
napakadali na para sa mga tao na makiuso at magpauso sa pamamagitan ng lahat ng uri ng media-lahat
ng nabanggit kanina at idinagdag pa ang internet. Bakit ba napakaimportante sa mga tao makasabay sa
uso? Ano nga ba talaga ang kulturang popular? Ating alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng uso o
mas pormal na kilala bilang kulturang popular.

Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman ang
pagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga tao
na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga
modernong produkto ng mga kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang
kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang
kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga
pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit
ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin
maipakilala ang kanilang sarili. Ngunit bakit nga ba may kulturang popular? San ba ito galing?

Ang depinisyon na nakatala sa itaas ay makapagbibigay sa inyo ng ideya tungkol sa paksang-aralin.


Kung kayo ay nagtataka kung ano nga ba ang mapag-aaralan sa paksang ito, maaari mong balikan ang
nakaraang gawain (Engage part), para lalong malinawan kayo sa daloy ng paksa.

Gawain 1.2

Panuto: Tignan ang mga larawan sa ibaba, ipaliwanag ang kaugnayan ng mga ito sa Kulturang Popular. Isulat ang
sagot sa ibaba, maglaan lamang ng 3-5 pangungusap. (5 puntos)

_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________.

PAGTALAKAY
Ang bahaging ito ng modyul ay magbibigay sa inyo ng ideya tungkol sa mga Paksang nabanggit sa itaas.
Basahin at unawaing mabuti ang impormasyong nakatala sa ibaba.

ANG PUNO’T DULO NG KULTURANG POPULAR

Ang Kulturang Popular

• Impluwensiya ng teknolohiya Kulturang Popular

• Kanluran (Highbrow at Lowbrow)

• “ Sa nakaraan lamang makakakuha ng mga dakilang aspekto

ng kultura.”

• Pananaw ng Kanluran Ilehitimong ekspresyon ng kultura

“-ang mga ekspresyong ito…. ay mga instrumento lamang sa

pagtakas mula sa katotohanan”

INTRODUKSYON

Ang Kulturang Popular

• Moralistiko/Didaktikong Oryentasyon

-sinusukat ang kultura sa moralidad at kamalayan ng manonood/mambabasa

• Ang pananaw na mga ito ay nakasaalang-alang lamang sa mga

nagawa na ng Kanluran (ang mga Klasiko)

Sa Pilipinas

• Oryentasyon ng Kanluran

“…itinuturing ang sariling manipestasyon ng kultura bilang ‘bakya, baduy at basura’”

• Sa pagsusuri, ang kultura sa iilan ay pareho lang ng kultura ng

nakararami.“… ang namamayaning kultura …ay ang kulturang nauunawaan ng nakararaming mamamayan.”

“…nararapat na marahil nating itiwalag ang sarili sa mga isteryutipo…”

“…panahon na upang pagtuunan natin ng pansin ang makapangyarihang impluwensiya ng mga artipak o mga
nilikha o ginawa ng kapwa-Pilipinong manlilikgha/manunulat…”

Mga Nakaugnay sa Konsepto ng Kultura

• Pagpasok ng teknolohiya

• Ugnayan ng bumibili at ng may-akda


• Pag-unawa sa karanasan

“ Sa madaling salita, anumang pagsusuri ang gagawin sa kultura ay kinakailangang nakasandig sa malawakang pag-
unawa sa konteksto ng kongkretong manipestasyon sa mga pelikula, radyo, komiks, atbp.”

KONTEKSTO NG KULTURANG POPULAR

Kulturang Popular:

• Madaling sabihin na basura ngunit mahirap patunayan.

• Mas mahalaga ang papel ng kultura sa lipunan

Nagmula sa kanluran:

1. pelikula

2. radyo

3. telebisyon

4. komiks

• Hango ito sa katutubong tradisyon

• Nagbabago lamang ito sa paraan

sarsuwela, dula, bodabil → pelikula, radyo, telebisyon

alamat, awit, korido, epiko → komiks

Papel sa lipunan:

1. ekspresyon / pagpapahayag ng saloobin

2. simplipikasyon

3. mekanismo upang kayanin ng tao na batahin ang komplikadong buhay

4. aral / leksiyon sa buhay

5. aliw

“...may partikular na ugat sa ating buhay ang mga komiks at pelikula, at iba pang bagay sa kultura.”

PAGBABAGO SA PAGTUTURO

Dahil malaking aspekto ng buhay natin ang kulturang popular, kailangan baguhin ang tradisyunal na sistema ng
pagtuturo (na binubuo ng guro, mag-aaral, at ang materyal na ginagamit)

• Tradisyunal na sistema

o Mag-aaral: Natatanggap ng impormasyon, limitado ang pagkakataon para mag-isip

o Guro: Hindi nagbabago sa kanyang estratehiya, ang "panginoon" ng mga mag-aaral


• Ipanukalang sistema

o Mag-aaral: Indibidwal na may sariling isip at idea

o Guro: Mas mabuti ang relasyon nila sa mag-aaral

§ Dapat maintindihan nila ang karanasan ng mag-aaral, o kulturang popular para magagamit ito sa kanyang
pagtuturo

§ Pagbababgo ng estratehiya = Aplikasyon ng natutunan ng mga mag-aaral sa totoong buhay

● Mga Problema

○ Mahirap baguhin ang tradisyunal na sistema

■ hindi nagbabago, ang "panginoon" ng mga mag-aaral

○ Tensyon ng kulturang popular at konserbatibong idea

■ Iba ang pananaw ng mga konserbatibong libro sa pananaw ng

kulturang popular

■ Ngunit, maaaring ikompromiso ang dalawang ito, sapagkat puwedeng gamitin ang natutunan sa libro sa mga
karanasan sa buhay ngayon para makabuo ng isang mas malaking idea

PAMAMARAAN NG PAGTUTURO

1. Magagamit ang Kulturang Popular sa pagturo ng kasaysayan ng panitikan

hal. epiko mga pelikula ni Fernando Poe

• Di pangkaraniwang tauhan

• Nagtataglay ng agimat o anting anting

• Mamamatay at mabubuhay nang muli

• Matulungin sa kapwa

• Maraming makukulay na pangyayari sa kanyang buhay

hal. tauhan sa pasyon tauhan sa pelikula

• Mariang Birhen- matiising ina (Gloria Romero, Alicia Alonzo)

• Maria Magdalena- ang babaeng makasalanang natutong magsisi o probinsiyanang pinagsamantalahan ng


masamang tao

• Kristo Hesus- bayaning inapi at sinaktan

hal. Telebisyon panitikan

tula awit “ang tradisyong didaktiko o tradisyong romantiko sa mga tula ay nagpatuloy hanggang sa kasalukuyang

panahon sa mga awitin”


hal. George Canseco, Ryan Cayabyab, Asin, Apo Hiking Society

2. Sa pagtuturo ng anyong pampanitikan, makapaghahanap ng ekspresyong kultural upang payamanin ang


pagtuturo.

hal. Katangian ng tauhan

-paggamit sa kongkretong tauhan sa pelikula upang ipaliwanag ang mga uri ng tauhan sa panitikan (flat at

realistiko)

flat- Fernando Poe, Dolphy

realistiko- Vilma Santos, Nora Aunor

hal. Katangian ng banghay

pelikulang puno ng aksiyon- tradisyonal na banghay

hal. Lito Lapid at Ramon Revilla

serebral

hal. Ishmael Bernal

3. Magagamit bilang batayan ng komposisyon na ipapagawa ng guro ang mga kursong nagtuturo ng retorika o higit
na mahusay na pagsusulat.

Kritikal na pag-iisip

hal. TV Patrol o That’s Entertainment

Bakit popular ang programa? Ano ano ang mga sangkap na nagbibigay-daan sa patuloy na popularidad ng
programa? Atbp.

4. Magagamit ang sangkap ng kulturang popular ang pagtuturo sa iba pang kurso tulad ng sosyolohiya, kasaysayan,
pilosopiya at teolohiya. Mga sistema ng paniniwala ang matatagpuan dito.

KALAKASAN KAHINAAN

Ang pagbibigay-halimbawa ng may-akda ay Hindi na tugma ang mga halimbawa na


epektibo sa mabisang pagpapaliwanag ng ginamit ng akda sa kulturang popular ngayon.
kanyang punto, mas magkakaroon ng kongkretong
imahe ang mga mambabasa.

KAHULUGAN NG KULTURA

Ang Kultura ay tumutukoy sa:

- aktibidad ng sangkatauhan
- "kaparaanan ng mga tao sa buhay", ibig sabihin ang paraan kung paano gawin ang mga bagay-bagay

- ito ang kuro o opinyon ng buong lipunan, na maaaring makita sa kanilang mga salita, aklat at mga sinulat,
relihiyon, musika, pananamit, pagluluto, at iba pa.

- Ang pagkakaroon ng matanging panlasa sa mga pinong sining at araling pantao, at tinatawag ding mataas
na kalinangan

- Isang binuong huwaran ng kaalaman, paniniwala, at ugali ng tao na nakabatay sa kakayahan para sa
masagisag na pag-iisip at pagkatutuo ng pakikipagkapwa

- Isang pangkat ng pinagsasaluhang mga ugali, pagpapahalaga, mga layunin, at mga gawain na nagbibigay
ng katangian sa isang institusyon o panimulaan, organisasyon, o pangkat.

- ANG KAHULUGAN NG KULTURA

- sinulat ni Phil Bartle, PhD

- isinalin ni Ken Poliran

- The simplest definition of culture is that it is composed of everything symbolic that we learn

- Lahat ng kultura ay natutunan, ngunit hindi lahat na bagay na natutunan ay kultura

- Kabilang dito ang lahat ng ating mga kilos at paniniwala na hindi na ipinapadala sa pamamagitan ng
genes, ngunit ipinapadala (at naka-imbak na) sa pamamagitan ng mga simbolo.

- Ang simbolo ay walang kabuluhan sa kanilang mga sarili (intrinsically) maliban na lamang kung sila ay
binibigyan ng kahulugan sa pamamagitan ng mga tao.

- Ang ating mga kahalagahan kasama ang kahit anong tingin namin ng bilang magandang laban sa masama,
karapatang laban sa mali o maganda laban pangit.

- Kabilang sila bilang isa sa anim na sukat ng kultura

- Iba't-ibang mga komunidad o lipunan ay may iba't-ibang uri ng mga halaga.

- Ang pagkakaiba nila ay ang pagsalungat sa mga kahalagahan

- Katulad nito, iba't-ibang mga komunidad ay may iba't-ibang mga sistema ng pang-ekonomiya (isa sa anim
na sukat).

- Sa libo-libong taon na tayo'y nagkaroon ng Kain-Abel conflict sa pagitan ng magsasaka (planting) at


magpapastol na lipunan.

- Sila ay gumagamit ng lupa sa magkasalungat na paraan, hindi sangayon sa isat'-isa.

- Ang magsasaka ay kailangan niya ng bakod para maprotektahan niya ang kanyang pananim at mga gulay,
habang ang magpapastol naman kailangan ng malawak at bukas na lupain.

- (Si Kain ay isang magsasaka habang si Abel ay isang magpapastol, at ang kanilang mga kuwento ay
maaaring maging isang sinaunang makahulugan na representasyon ng pagkakasalungat).
- Tayo ay maaring makahanap ng mga halimbawa sa lahat ng anim na sukat ng kultura na may pagkakaiba
kung paano ang pagpatakbo nito, at ito ay maging batayan ng pagkakasalungat ng kultura, kung saan dalawa o
higit pa ng komunidad ay maroong kaibahan at subukan na sumakop sa parehong lugar at teritoryo.

- Sa isang komunidad, na kung saan ay may isang hanay ng mga pagbabago-bago sa lahat na anim na sukat,
diyan ay maaaring umiral ang isang maliit na pangkat ng komunidad na may kaibahan mula sa mas malaking
komunidad.

- Iyon ay isang maliit na kultura. Karaniwan ang mga kuru-kuro ay nagpapahiwatig ng isang maliit na
pangkat ng mga halaga o paniniwala, habang ang kaibahan ng isang maliit na pangkat (sub kultura) ay maaaring
sa anumang ng anim na kulturang dimensyon.

- Ang salitang "pananakop" kadalasan ay naaangkop sa mga pampulitikang pananakop, kung saan ay may
nakapamamayani komunidad o lipunan, at ang isang malapit na mahinang komunidad kung saan mauwi sa
pansariling pangingibabaw ng pampulitika sa pamamagitan ng mas malakas na kapit-bahay.

- Pulitika ay isa lamang sa anim na dimensyon ng kultura, gayunpaman, at na ang impluwensiya o


impormal na dominasyon ay maaaring mag-aplay sa anumang ng mga dimensyon

- Ito ay walang katiyakan kung pwedeng gamitin sa isa lamang.

- Habang ang mga Canadians ay nakita nila ang sarili na isang malayang bansa laban sa Amerika (USA), ang
pangkalakal na relasyon ng USA ay may pangibabaw sa pang-economiya ng Canada

- Ang produksyon ng popular na panitikan, musika, sine, telebisyon, at radyo entertainment sa USA, na
kung saan ay may marami at mas malaki mas malakas kaysa sa merkado ang Canada, ay nangangahulugan na
may pananakop ng kultura (sa mga tuntunin ng aesthetics sa ang halaga ng laki) USA ng higit sa Canada.

- May mga relasyon na katulad ng mga pananakop sa lahat ng mga kontinente, ngunit ang mga Canadadian
mas may kamalayan sa bansang USA.

KULTURANG POPULAR

Ayon sa Moralistiko/Didaktikong Oryentasyon:

• sinusukat ang kultura sa moralidad at kamalayan ng manonood/mambabasa

•   Ang pananaw na mga ito ay nakasaalang-alang lamang sa mga nagawa na ng Kanluran (ang mga Klasiko)

Ayon sa Oryentasyon ng Kanluran:

• itinuturing ang sariling manipestasyon ng kultura bilang ‘bakya, baduy at basura’” •  Sa pagsusuri, ang
kultura sa iilan ay pareho lang ng kultura ng nakararami. “… ang namamayaning kultura …ay ang kulturang
nauunawaan ng nakararaming mamamayan.”

• nararapat na marahil nating itiwalag ang sarili sa mga isteryutipo…” “…panahon na upang pagtuunan
natin ng pansin ang makapangyarihang impluwensiya ng mga artipak o mga nilikha o ginawa ng kapwa-
Pilipinong manlilikgha/manunulat…”

Mga Nakaugnay sa Konsepto ng Kultura

•  Pagpasok ng teknolohiya
•  Ugnayan ng bumibili at ng may-akda

•  Pag-unawa sa karanasan

“ Sa madaling salita, anumang pagsusuri ang gagawin sa kultura ay kinakailangang nakasandig sa


malawakang pag-unawa sa konteksto ng kongkretong manipestasyon sa mga pelikula, radyo, komiks, atbp.”

Ano Ang Kulturang Popular?

Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para malaman kung anong uso,
anong sikat at ano ang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ng teknolohiya at napakadali na para sa
mga tao na makiuso at magpauso sa pamamagitan ng lahat ng uri ng media --lahat ng nabanggit kanina at
idinagdag pa ang internet. Bakit ba napakaimportante sa mga tao makasabay sa uso? Ano nga ba talaga ang
kulturang popular? Ating alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng uso o mas pormal na kilala bilang
kulturang popular.

Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman ang pagtanggap
sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa
modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga
kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano
ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain,
kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang
tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa
isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili.

Ngunit bakit nga ba may kulturang popular? San ba ito galing?

May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at ito ang mga:

1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante

Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng isang pangangailangan. Maaaring ito ay
pangangailangan maging maputi, maging diretso ang buhok, magkaroon ng kolorete sa mukha at iba pa para
matawag na maganda. Maaari rin namang gamitin ito ng mga negosyante sa mga teknolohiya; natatanim sa
utak ng tao na hindi na sila mabubuhay ng wala silang magagandang cellphone, camera, at iba pa. Dahil dito,
napipilitan bumili ang mga tao ng mga produktong ginagawa ng mga negosyante para lang matugunan ang
pangangailangan na ito. Ang produktong ito ay siya namang nagiging sikat at napapasama sa kulturang popular
kinalaunan.

2. Latak

Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang latak. Panghalili sa mahal at sa orihinal. Sinasabing
nangyayari ito dahil ang masa ay hindi makabili ng mga kustal at kasuotan na mamahalin kaya sila ay nagkakasya
na lamang sa pagbili ng mga damit at bag na mura hanggang sa ito na ang maging uso at gamit na ng lahat.

3. Pangmasa o komersyal na kultura

Kaugnay ng sinasabi natin kanina tungkol sa mamahaling mga gamit, ang mga mumurahing gamit ay
kadalasang sumasailalim sa maramihang produksyon o mass production. Ang kulturang popular ngayon ay ang
mga pagkakaparepareho ng mga kagamitan na nabili ng mga tao sa murang halaga.

4. Ginagawa ng tao
Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagawa ng tao --maaaring ng isang sikat na
personalidad na nais tularan ng marami. Sa pag-gaya dito ng mga tao, unti-unti itong napupunta sa mainstream.
Ito ang tinatawag na pagpapauso. Ito ay maaaring ginagawang pang hanapbuhay, pampasikat o tikis na pang-
libangan lamang.

5. Larangan ng gahum

Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensya ng mataas na tingin natin sa isang gahum
na bansa. Kung ano ang mga gamit, damit, bag o kung ano man na ginagamit sa kanilang bansa ay ating
tinatangkilik dahil ito ang maganda, nakahihigit at nakatataas para sa ating paningin. Sinasabing nakakasama ito
para sa ating sariling bansa dahil unti-unti nitong nakikitil ang ating sariling industriya dahil walang
tumatangkilik sa ating sariling mga produkto. Dahil dito, sinasabing mas napapahalagahan natin ang kalinangan
at kabihasnan ng iba kaysa sa sarili nating kultura.

6. Pagkalusaw ng mga hangganan

Sa tumitinding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga kultura at sibilisasyon sa buong mundo, hindi


na nagiging hadlang ang distansya ng mga bansa para magkaroon ng iisang kulturang popular. Nawawalan na ng
distinksyon ang mataas at mababang kultura, ang sariling kultura, comersyal at popular na kultura. Lahat ng
kultura ay nagkakasabay-sabay na ginagamit at nagiging isa.

Ang kulturang popular ay isang kulturang maaaring sabayan at sakyan ng tao. Sa kabilang banda, maaari rin
namang tayo rin ang magpa-uso at gumawa ng kulturang ito. Ngunit dapat natin isaisip na ang kulturang
popular ay hindi maiiwasang magbago kaya marapat lang na panatilihin pa rin natin at wag kalimutan ang
kulturang "unique" at sariling atin. Hindi dapat natin ito hayaang matabunan ng kulturang popular --kulturang
nagbibigay depenisyon sa kasalukuyang panahon.

Mga Bakas ng Popularisasyon Bilang Aparatong Kolonyal/Komersyal at ang Kapangyarihan ng


Komukunsumong Masa

(sipi mula sa aklat na Sangandiwa: Araling Filipino bilang Talastasang Pangkalinangan at Lapit-Pananaliksik.
Manila: UST Publishing House, 2004, nina RVNuncio at EMorales-Nuncio)

Ang kulturang popular ay kasangkapan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipang popular. Ngunit ang
pagpapahayag na ito ay hindi payak lamang sa paglilipat ng nilalaman ng isang isipan sa isipan ng iba. May
radikal na intensyon ang komunikasyon sapagkat ito ay kasangkapan ng kapangyarihan dahil bukal ang wika sa
pagnanasa ng taong abutin at manipulahin ang kanyang lugar.

—Florentino Hornedo, Kulturang Popular: Kabuluhan, Midyum, Daigdig at Paninda

Mabisang aparato ng kolonyalismo at komersyalismo ang popularisasyon. Sa panahon ng pananakop ng


Kastila ginamit ang krus, sandata at maskara. Pagdating ng mga bagong kolonyalistang Amerikano, ginamit
naman ang teknolohiya at mas midya. Sa diskursong ito ang popularisasyon ay pananakop bilang
panghihimasok sa kasarinlan ng kamalayan at katawan. Panlulupig din ito na kinukonsidera ang paggamit ng
simbulo, senyal at materyal na kumakalat dala ng mga inobasyon at istratehiyang kolonyal at komersyal sa
bansa. Ngunit sa bandang huli mayroong tensyon, kontradiksyon, kapangyarihan at resistans ng mamamayan
ang nalilikha.

Mga Bakas ng Kolonyalismo


Ang pagsusuri sa kontexto ng aparatong popularisasyon ay isang mapanuring pagtingin sa naging epekto ng
kolonyalismo sa Pilipinas. Inuunawa ang salitang kolonyalismo sa papel na ito bilang texto at kontexto ng
pananakop sa Pilipinas. Ang una ay patungkol sa imahe bilang instrumento sa pagpapalawig ng kaayusan,
pananakop at paniniil sa katawan at kaisahan ng bawat Filipino. Dito sa imahe ng kolonyalismo ipinapalabas ang
pagkakaroon ng simbulong krus, espada at maskara bilang mga natatanging simbolikong instrumentong ginamit
ng mga Kastila para sa panlulupig at pagpapayapa ng kaayusan ng mga ng mga Filipino. Ginamit ang relihiyon
upang maikalat ang Kristiyanismo sa bansa. Ginamit naman ang dahas at puwersang militar, upang
maipamukha ang katatagan at kalakasan ng mga dayuhan sa pananakop nila gamit ang istrakturang politikal at
ekonomiko. Ginamit naman ang maskara bilang pananakop sa kultural na lebel—ang paggamit ng comedia at
zarzuela upang mahubog ang mga sinakop sa kaisipan at kostumbreng dayuhan. Subalit masasabing naging
mahina ang imahe ng maskara dahil sa hindi paglaganap ng wikang Espanyol. Naging isang miskalkulasyon sa
loob ng tatlong daang taon ang hindi pag-ayon sa paglaganap ng nasabing wika.

May posibilidad na hindi sana sumiklab ang Rebolusyong 1896 kung naging malawakan sa simula pa ang
pagtuturo ng Espanyol sa mga mamamayan sa kolonya. Repormista ang kamalayan ng mga edukadong nanguna
sa kampanya para sa pagtuturo ng Espanyol. Kung may pagbabago mang ibubunsod ang pagkakamit ng wika ng
kolonyalista, iyon ay tungo marahil sa pagpapatibay pang lalo sa paghahari ng Espanya sa Pilipinas. Naganap ang
radikalisasyon ng kamalayan ng mga edukadong Filipino sa panahon ng kanilang pakikibaka para sa karapatan
ng mga Filipinong matuto ng Espanyol. Sa pagtatanggi ng mga kolonyalista na ibigay ang wika nila sa mga
Filipino, naliwanagan ang mga ilustrado na layunin ng mga kolonyalista na panatilihing mangmang ang
nasasakupan upang ang mga ito’y manatiling alipin (Lumbera 2000: 91).

Kung kaya’t ang maskara ay gumamit ng wika mismo ng mga Filipino; ito ang wikang nagbigay ng sariling
anyo sa dulang naging kasangkapan dapat sa programang kolonyal. Dito naisafilipino at naging komedya at
sarswela ang mga dulang ito.

Walang lantarang hangaring bigyan ng kasarinlan ang mga Filipino noon sa ilalim ng Espanya. Subalit ang
pagsasabansa ng lahing Filipino kabilang ang mga Muslim, Intsik at iba pang lahi ay isang implikasyon ng
pagbabago o pag-aaklas laban sa mga Kastila.

Kung kaya’t aktuwalisasyon ng kamangmangan, pantasya, kahirapan at pagkaalipin ang pananakop ng


Kastila. Ang kolonisasyon ng mga Kastila ay ang pagtatalaga ng katauhan na sila mismo ang humubog, isang
katauhan ng imahen bilang indio sa paningin nila ngunit naging tensyon at kontradiksyon na gagapi sa kanila.

Ang Mga Tunggaliang Ideolohikal

Ngunit sa pagpasok naman ng mga Amerikano, naging isang daluyan ng pag-aaklas sa panibagong
kolonisasyon ang paggamit ng drama. Halimbawa nito ay ang pagyabong ng Drama Simbolico sa Maynila at
karatig-Katagalugan (Chua 1997) at maging sa mga drama realistiko na ipinangalan ni Resil Mojares (Don
Pagusara 1997:xxi) sa Cebu. Naturete at nangamba din ang mga Amerikano sa ganitong uri ng pagsasadula
gamit ang mga dramang naisulat nina Aurelio Tolentino (Kahapon, Ngayon at Bukas), Juan Matapang Cruz (Hindi
Aco Patay), Juan Abad (Tanikalang Ginto), at Tomas Remigio (Malaya). Kung kaya’t tinurin ang mga obrang ito
bilang subersibo at mapanganib. Dahil sa ang nilalaman ng pagtatanghal ay laban sa imperyalistang Amerika,
naging palaman sa publiko ang ganitong pagbabanta (Arthur Riggs, 1981):

…[It] inculcate a spirit of hatred and enmity against the American people and the Government of the United
States in the Philippines, and…to incite the people of the Philippine Islands to open and armed resistance to the
constituted authorities, and to induce them to conspire together for the secret organization of armed forces, to
be used when the opportunity presented itself, for the purpose of overthrowing the present Government and
setting up another in its stead. (sinipi mula kay Arsenio Manuel ni Doreen Fernandez, 377).

Upang maiwasan ang ganitong pagkakataon sa unang salvo ng mga kolonyalistang Amerikano, pinalaganap
ng huli ang tunggaliang ideolohikal na hindi nakatutok sa puwersa kundi sa tinaguriang inobasyon at benevolent
assimilation. Ipinasok din ang edukasyon bilang instrumento ng kolonisasyon sa mga Pilipino. Ang ganitong
kaparaanan ng kontrol ay mabisang naisakatuparan. Sinabi ni Renato Constantino na: “American control of the
educational system made possible the distortion and suppression of information regarding Philippine resistance
to American rule and the atrocities committed by the American army to crush that resistance” (1978: 68).

Ang pangkahalatang ideolohiya ay umikot sa agenda ng pagpapayapa ng resistans bitbit ng sistemang


edukasyunal na inihain ng mga Amerikano. Bukod pa rito, bilang namamayaning pananaw, sinabi ni Priscelina
Legasto (1998: 46-47) na may dalawa pang kategorya ang ipinagmalaki ng mga Amerikano para alisin ang
pagkaatrasado ng mga Pilipino: una na rito ang sistemang pensionado at ang ikalawa ang pagtuturo ng wikang
Ingles. Dito ngayon naging masalimuot ang baybaying kaisipan at paniniwala sa isang wika at kulturang labas sa
tunay na saloobin at karanasan ng mga Filipino.

Mga Bakas ng Komersyalismo: Pagpasok ng Radyo at Telebisyon Bilang Domestikasyon at Komodipikasyon o


Pakikisangkot ng Mass Media sa Buhay ng Komukunsumo Nito

Kasama ng radyo, ang telebisyon ay bunga ng imbensyon at eksperimentasyon dala ng mapusok na edad ng
industrialisasyon hanggang di nagtagal pumasok ang mga imbentong ito sa larangan ng komersyo. Ang
teknolohiya at inobasyon ang naging sisidlan ng panibagong pagbulusok ng komidipikasyon ng pangangailangan
ng tao. Impormasyon ang naging bentahe, naging bagong tutok sa panahong itinatalaga ng kapital ang pag-
angat o pagbagsak ng isang bansang yumayakap sa ideolohiya at praktika ng imperyalistang Amerika. Dahil nga
nasa ilalim ng pamunuang Amerikano ang Pilipinas noon, madaling naipasok sa merkado ang gawang Kano.
Kasama na rito ang oportunidad sa pagpasok partikular ng radyo at telebisyon at pangkalahatan ng mas midya.
Sa katunayan sa pagdating ng radyo sa bansa ay nakitaan na ng gamit sa palitan at bilihan sa merkado at
komersyo. Ganito ang pananaw ni Clodualdo del Mundo Jr.: “So good was the response to this medium of
information and entertainment that in 1928, the local distributor of a famous American-manufactured radio set
saw it fit and without doubt, profitable to establish their own radio station…So it went from experimental to
plain business” (1986:69).

Samantala, pumasok naman ang telebisyon bilang bahagi ng mekanismong politikal upang palakasin at
pabanguhin ang imahe ng isang Pangulong nagnanais muling tumakbo. Si Judge Antonio Quirino ang gumawa
ng paraan upang gamitin ang isang midyum na kilalang-kilala at patok na patok sa Amerika noong dekada
singkwenta. Subalit naging bigo si Elpidio Quirino sa kanyang planong politikal na mahalal muli kahit na naging
tagumpay ang pagpasok sa bansa ng telebisyon sa tulong ng kanyang kapatid. Ngunit kung hindi naman
nagtagumpay sa unang sigwa ng pagpasok ng telebisyon sa larangan ng politika, kabaligtaran naman ito sa
nangyari sa pagpapaunlad ng industriya ng mas midya at ng negosyo sa bandang huli. Ganito ang paliwanag ni
Clodualdo del Mundo, Jr. (sa Patajo-Legasto, 1998) nang sa bandang huli, napunta sa mga kamay ng mga
negosyante ang mas midya. Katulad halimbawa ng isang istasyon, napilitan silang sumuung sa batam-batang
industriya ng telebisyon. “Bolinao Electronics Corporation…not only had to set up and maintain a TV station, but
also had to arrange for the distribution and sale of TV sets. Because it was directly responsible for the people
buying TV sets, it was bound to continue operations at any cost” (del Mundo, Jr. 1986: 74).

Bunga nito nakisangkot ang mas midya bilang daluyan ng impormasyon at enterteynment na kinagigiliwan
ng tao. Bawat tahanan ay nagnanais na magkaroon kung hindi man radio, tv set o ng pareho. Pumasok na ang
moda ng produksyon at distribusyon ng mas midya sa Pilipinas. Sa simula ang distribusyon ay nakatuon sa
napripribilehiyong iilan na may salapi at kapangyarihan para magmay-ari o magkaroon ng akses sa mas midya.
Sapagkat ang pamantayan ay negosyo, katulad nang nabanggit iilan lamang ang nagkakaroon ng akses dito.
Subalit babaguhin lahat ito nang ang kulturang ito na sinusustene ng iilan ay tututok sa kultura ng
komukunsumong masa.

Ang pagkonsumo sa produkto ng mass media—radyo, telebisyon, pahayagan—ay nagtatakda ng


pagtangkilik sa kalakaran ng oras o panahon. Ang mass media ay kinokonsumo hindi dahil ito ay mahalaga sa
panapanahong yugto, kundi nagbibigay ito ng tuluyang pangagailangan ng tao sa lahat ng yugto ng panahon.
Sabi ni Philip Abrams: “Unique among the mass media, radio and television are given opportunities by time, by
the fact that they have the whole day, everyday, to dispose of, and that they can break up the day” (sa Casty,
1973: 90). Ang prosesong ito ay domestikasyon ng mas medya sapagkat ang bawat programa sa radyo at
palabas sa telebisyon ay tuluyang naihahatid nang walang puknat, nang walang hinto sa pandinig, sa paningin
at sa kamalayan ng tao. Dagdag pa ni Alice Guillermo: “Much of the effectivity of the TV medium as a conveyor
of values and hence of ideological content lies in its immediate accessibility: with a flick of a dial, the images
spring to life and all at once there is created the illusion that these images are within us, around us and that
they unfold in space as the world outside our domestic confines” (1989: 204).

Lahat na yata halos ng galaw, hilig, pagpapahalaga, hitsura, problema, kaalaman at iba pa ay tumatakbo
bilang mga nag-aagawang tema sa programa o produkto ng mass media. Lahat ng ito ay nakasilid ika nga sa
idiot box (TV) o talkies (radio) na mistulang nagbebenta ng tema at produkto sa pagkonsumo ng tao. Dahil dito,
ang galaw, isip at damdamin ng tao ay nakakahon sa diskurso ng mass media. Sinusuyod ito bilang praktika ng
pang-araw-araw na pamumuhay sa lipunan. Sinasang-ayunan ito ni Nick Couldry nang sabihin niyang: “We can
understand the media’s ability to become ‘obligatory passing points in the general circulation of images and
discourse, not as something superimposed on social practice from the outside; instead it endlessly reproduced
the details of social practice itself” (2000: 5).

Kung bakit ganito ang kinahihinatnan ng mga komukonsumo ng mass media ay sa dahilang hindi na ito
tinitingnan bilang repleksyon o representasyon ng realidad; bagkus, ang mass media mismo ay bumubuo na ng
realidad ng tao. Kalabisan mang sabihin, subalit ito ang nagdidikta kung ano ang kakainin, iinumin, susuotin,
aalamin, papanoorin, pakikinggan, sasabihin ayon kay Rolando Tolentino (2001). At sa kaganapang ito nagiging
mistulang normal at natural lamang ang pagkonsumo sa pangkahalatang diskurso at praktika ng mga tao.

Ang Diskurso ng Kulturang Popular sa Panahon ng Komersyalismo

Ang kulturang popular ay realidad ng tao; inaangkin ito bago ang lahat at pinapalaganap mula sa
sensibilidad ng tao dahil sa kanyang pagnanasa sa buhay patungo sa kamalayang naghahari ang makabago,
mapusok, marangya at makapangyarihan. Ang kulturang popular ay pagsasabuhay ng bagay, imahe, simbulo,
pananda, paninda at komoditi sa karanasan ng tao na namulat sa mabilisang pagbabago sa isang sibilisasyon.
Tinatangkilik ito dahil sa popular at higit sa lahat tinatangkilik ito dahil sa tao ang una at huling puntirya. Paano?
Dapat munang isaalang-alang ang kahalagahan ng teknolohiya at inobasyon sa isang bansa. Sinabi ni Tolentino
na:

Makikilala lamang ang produkto ng kulturang popular kung ito ay naipapalaganap. Kinakailangan ng mga
teknolohiya para maipaabot ito sa mga tao. Ang teknolohiyang ito ay maaaring media—print, broadcast, film,
computer at iba pa. Ito ay maaaring domestikong teknolohiya tulad ng telebisyon…Ito ay maaaring kultural na
teknolohiya—tulad ng edukasyon at sining (2001: 7).

Ang industriya, imprastraktura, telekomunikasyon at merkado ay mahahalagang sangkap sa komersyo ng


isang bansa. Napasimulan ang lahat ng ito sa pagpasok ng mga Amerikano na sila ang nagpalakad at nakinabang
sa negosyong pambansa ng Pilipinas sa panahon ng Komonwelt at Unang Republika, partikular ang pagbibigay
pantay-karapatan sa mga Amerikano sa negosyo at kalakalan sa panunungkulan ni dating pangulong Manuel
Roxas. Ang implikasyong ekonomiko nito sa usapin ng uring panlipunan ay umikot (at umiikot hanggang ngayon)
sa namumuhunan, sa mga negosyanteng may salapi. Kung kaya’t ang teknokrasya ay ginamit para mapanatili pa
lalo ang sangkalan sa pagpapaigting ng mga interes at kapritso ng mga kapitalista. Ang pagbubukas ng pinto sa
mga bagong teknolohiya ang naging dahilan kung kaya’t ang pagnanasa ng lahat sa uso at makabago ay bigla-
biglang natutugunan. At dahil na rin dito naging mahusay na kasangkapan ang teknolohiya upang lumikha ng
artipisyal na pagnanasa, hilig at fanstasya. Ikinumpol ang produksyon sa pamamagitan ng teknolohiya para sa
higit na nakakaraming tao—ang masa. Ayon kay Teresita Maceda (Lagda 1999) binaha ng mga produktong
buhat sa Amerikanong kulturang popular ang Pilipinas at dahil dito nagmistulang di makatakas sa
Amerikanisasyon ang masa kahit na hindi sila natutong lahat ng Ingles o nakapag-aral.

Kung dadalumatin ang salitang kulturang popular, dalawa ang kategoryang bumubuo ritor: ang una’y
kultura at ikalawa’y popular. Ang kultura ay isang pinagsasaluhang praktika at mentalidad ng tao. “Culture is
both the ‘arts’ and the values, norms and symbolic goods of everyday life. While culture is concerned with
tradition and social reproduction, it is also a matter of creativity and change” (Barker, 2000: 35).

Isang deskripsyon lamang ito sa terminong kultura, sapagkat walang tahasang kahulugan ito. Ang kultura ay
masasabing mayroong reflexibong kahulugan na maaaring nakabatay sa katangian, salik at deskripsyon na
sumasanga-sanga sa usapin ng politika, ekonomiya at kasaysayan. Sinasabi naman ni Tolentino (2001) na ang
kultura ay isang kamalayan na gumaganap sa cohesion o kabuuan ng isipan sa mga kilos at bagay-bagay na likha
nito o nilikha para rito. Pahayag niya: “Ito ay tumutukoy sa afinidad ng indibidwal na kaisipan sa iba pang
kolektibong kaisipan…(H)alimbawa ang hindi namang magkakakilalang mga tao ay nagkakaroon ng di-malay
(unconscious) na ugnayan dahil sa parehong balitang kanilang nabasa sa pahayagan o napakinggan sa radyo
tungkol sa mga pamabansang isyu” (2001: 4-5).

Samantala, ang salitang popular naman ayon kay Raymond Williams ay isang pang-uri na nangangahulugang
“kinagigiliwan, nagugustuhan ng nakararaming tao.” (1983: 87, salin). Numerikal din ang isang pakahulugan ng
popular. Popular ang isang bagay o tao kung maraming tumatangkilik. Ang afirmatibong aksyon na pagtangkilik
ang lumilikha ng bilang. Sa isang banda, ang salitang popular ay tuwirang tumutukoy sa tao mula sa salitang
populus (“people” sa Ingles) sa wikang Latin.

Sa ideolohikal na usapin, sa pagsasanib ng dalawang salitang ito, ang kulturang popular ay unang lumitaw at
naintindihan sa pagsapit ng modernong panahon sa Europa bilang kabaligtaran ng mataas na Kultura (may
empasis sa malaking K). Kultura ito ng namamayaning kaayusan at inaangkin ng naghaharing uri sa lipunan. Ang
produkto ng Kultura nila ay tinaguriang kanon at klasiko, samantalang ang kulturang masa ay bakya at
mababang uri (Adorno at Horkheimer, sa During 2000). Pakiwari ni Chris Baker dito: “A variant of high-low
cultural boundary, and one which reproduces the’inferiority of the popular, is that which decries commodity-
based culture as inauthentic, manipulative and unsatisfaying” (2000: 44).

Saan nanggagaling o ano ang sentrong pinagluluwalan ng kulturang popular? Sinasabing ang gumagawa o
sumusugal sa kulturang ganito ay yaong mga transnasyunal at translokal na kapitalista. Wala ng geopolitikal na
hangganan ang pagpasok ng makabagong musika, literatura, pagkain, damit, kaisipan, ideolohiya at marami
pang iba. May rasyonalisasyon ng pang-araw-araw na tunguhin ang mga tao na naiimpluwensiyahan ng mga
bagay o komoditi mula sa labas. Humahatak ito sa pangkalahatan na sumanib at makiuso at nagiging pananda
ng kasikatan sa panloob na geograpi ng kilos at gawi ng tao (Ritzer, 1990). Kay Lumbera (1997) usapin ng loob at
labas ito, ang kulturang popular ay galing sa labas na kaiba sa pambansa o folk na kulturang nasa loob ng bansa.
Nang tumagal, ang puwersang ito na mula sa labas ay pumasok na sa sensibilidad, pagpapahalaga, kaugalian ng
mga tao. Matatawag natin itong kultura ng kamalayang popular na mas matindi pa sa pisikal na pagtangkilik
lamang ng produkto. Kapag napasok na ang kamalayan, nagiging bahagi na ng kalooban ang mula sa labas.

Sa bandang huli ng spectrum, makikita ang kalagayan ng mga komukonsumong masa. Sa ganitong
sitwasyon pinaniniwalaang ang kulturang popular ay maiintindihan, hindi sa yugto ng produksyon ng mga
produkto, bagkus sa pagkonsumo nito.

Kulturang Popular: Isang Pagsasaayos sa Kapangyarihan ng Kultura at Masa sa Panahon ng


Komersyalismo

Lubhang nakakulong sa diskurso ng kawalang kapangyarihan ang papel ng masa sa kontexto ng kulturang
kanilang nililikha at lumilikha sa kanila. Sa ganitong kadahilanan, nararapat na gamitin at basahing muli ang
pagteteorya ng terminong kulturang popular.

May tatlong kategorya ang paggamit ng mga katagang ito. Ang kulturang popular ay isang pag-aangkin sa
puntodebista ng gumagamit o komukonsumo nito. Ito ay kultura ng tao, ng masa at masasabing dikta ng
komukonsumo. Paanong mangyayaring dikta ito ng masa? Ang mga produkto ng kulturang popular ay ginagawa
kasa-kasama ang masa sa isipan ng mga kapitalista. Hindi ba’t bago lumustay ng malaking puhunan sa isang
produkto ang isang negosyante, tinitingnan at sinusuri muna kung magugustuhan ba ito ng konsumer?
“Judgments about popular culture are concerned with question not of cultural or aesthetic value (good or bad
taste) but of power and the place of popular culture within the wider social formation” (Barker, 2000: 48). Ang
produksyon sa kalakaran ng kulturang popular ay nasasapawan. Ang mga kapitalista ay dapat na sumunod at
mamalagi sa paggawa ng may matataas na serbisyo at produkto. Sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan
sa produksyon at paggamit ng teknolohiya napapanatili ang kalidad at kahusayan. Ang produksyon sa kulturang
popular ay maramihan sapagkat inaabot nito ang masa. Subalit ang ganitong takbo o kalakaran ay naglalagay ng
alanganin sa mga kapitalista. Sapagkat gamit din ng nasabing teknolohiya at pananaw sa maramihang
produksyon, nasasapawan sila ng mga maliliit ngunit makapangyarihang retailer o negosyante. Dito pumapasok
ang mga imitasyon ng mga produkto sa merkado, halimbawa ang mga pekeng pantalon, damit, bag; payrited na
tape, cd, at dvd; suplus na appliances tulad ng computer, tv, radio, cd player, kotse at marami pang iba. Sa
ganitong tunggalian ang may matataas na kalidad na produkto ay binibigyan ng proteksyon ng batas. Ngunit ang
kalaban nito ay ang puwersa ng mamimili na siyang nagpapasya sa pagkonsumo kahit na ang produkto ay peke,
payrited o imiteyted. Isang kasagutan kung bakit mataas ang pagtangkilik dito ay ang presyo ng serbisyo at
produkto—lahat ito ay mura kumpara sa orihinal, awtentik at patented. Hindi rin natin masasabing labas ito sa
kalakaran ng kulturang popular. Hindi ang isyu ng legalidad ang punto rito, kundi ang tunggalian at tensyon sa
espasyo ng paggamit ng kapangyarihang pumili at bumili. Ang boses ng masa bilang konsumer ang gumagawa
sa malaking bahagdan ng pagkilos ng produkto at serbisyo sa merkado at sa lipunan sa kabuuan. Inululugar ang
kapangyarihan ng masa bilang espasyo ng tunggalian at pag-aaklas sa merkado o lipunan. Babagsak ang isang
kapitalista kung hindi patok sa masa ang kanyang produkto. Sapagkat ang pag-aangkin ng kapangyarihan ng
masa ay nakatutok sa kalayaan ng konsumer na mamili sa produkto o serbisyong kanyang bibilhin. May kalayaan
sa pagpili ang konsumer, samantalang ang kapitalista ay nakakulong sa produksyong walang katiyakan at
katatagan pagdating sa merkado.

Ang lugar ng elit, aristokrat at burgis ay yaong gamitin ang kanilang salapi para sa produksyon at wala ng iba
pa. Samantalang ang masa mismo ang tuwirang may kapangyarihan upang buhayin, ipagpatuloy at buuin ang
kulturang popular. Maling sabihin na ang kulturang popular ang namamayaning kaayusan na binuo ng mga elit.
Sa bahagdan ng pagbubuo ng kulturang ito maliit na porsyento lamang sila bilang prodyuser-konsumer. Ang
punto ng kulturang ito ay wala sa produksyon kundi nasa pagkonsumo. Ang trending kung anong palabas o
produkto ang dapat pamalagiin ay dapat na nakasunod sa kagustuhan, desisyon at pagtangkilik ng mga
komukonsumo; kung hindi, ang palabas at produktong ito ay mauuwi sa pagkalimot at pagkalugi. Kung kaya’t
nawawala sa ere ang isang palabas sa telebisyon kung hindi ito nagustuhan ng manonood. Nalalaos ang isang
usong damit kung wala nang nagsusuot. Nalalaos din ang mga artista o aktor kung lumipat sa iba ang kanilang
dating fans. Sa katapusan, nagsasara ang isang kompanya kung ang kanilang pananatili ay wala ng saysay sa mga
tao.

Ang kulturang popular ay lugar ng tensyon at kontradiksyon, kapangyarihan at resistans. Tunay ngang
nakikinabang ang mga kapitalista sa pag-ikot ng transaksyon sa negosyo, industriya at kulturang popular. Ngunit
nagiging pupugak-pugak na mithiin na ang magkamal ng malaking kita, sapagkat magastos ang kagustuhan ng
konsumer. Ang pangunahing tungkulin ng kapitalista o prodyuser ay pasayahin at gawing kuntento ang
konsumer, ngunit alam nating walang katapusan ito. Isa pa, kailangan nilang sustenahin ang kanilang lugar sa
merkado dahil sa kompetisyon. Kailangan din nilang magkaroon ng palagiang inobasyon sa serbisyo at produkto,
at bigyan ng maraming benepisyong libre at iba pang gimik ang konsumer upang manatiling tapat na
tagapagtangkilik. Hindi ba’t magastos ang ganitong kalakaran ng kulturang popular? Kung may kontrol man sila
iyon ay dulot ng kanilang salapi, subalit hindi pangmatagalan ito sa dahilang madaliang guguho ang kapital dahil
sa walang hinto at hindi matigil na kagustuhan ng mga komukonsumo. Ang kulturang popular sa mga kapitalista
ay lugar ng pakikipagbuno. Samantala sa masa ito ay isang bukas na lugar ng malayang pagpili o paghulagpos.
RVN

KATANGIAN NG 100% PINOY

Kakaiba nga daw ang lahing Pinoy kumpara sa ibang mga lahi sa buong mundo. Ito ay sapagkat meron
tayong mga ugali, kultura, mga katangian, mga ginagawa at sinasabi na sa atin lang nakikita. Kaya naman kapag
nasa ibang bansa ang mga Pinoy talaga namang masasabi mong 100% Pinoy siya makita mo lang ang isa sa mga
maraming katangiang ito. Narito ang ‘Top 50 Pinoy ka kung” ng mga pinoy.

PINOY KA KUNG…

1. Lumilingon ka kapag may sumisitsit.

2. Kaya mong magturo ng direksyon sa pamamagitan ng iyong nguso.

3. Gumagamit ka ng tabo sa paliligo.

4. Mahilig kang bumili ng “Sale” na item sa mall kahit hindi mo kailangan.

5. Nagkakamay ka kapag kumakain at hindi mo kailangan ang kutsara at tinidor.

6. “Prijider” ang tawag mo sa refrigerator.

7. May picture ng “The Last Supper” sa kusina niyo. at

8. May malaking dalawang malaking kutsara at tinidor na nakasabit sa dingding ng kusina niyo.

9. Naka-laminate ang diploma ng mga nakagraduate sa inyo.

10. May nakahilerang picture frames ng buong pamilya niyo na nakasabit sa dingding sa tabi ng hagdanan.

11. May walis ting-ting at walis tambo kayo sa bahay. Ito ang ginagamit na panlinis ng carpet kahit may
vacuum cleaner.

12. Nagkakape ka habang kumakain ng tanghalian o hapunan.


13. Kumakain ka ng inihaw na dugo ng manok, adidas (paa ng manok), isaw ng manok, balun-balunan, at
ulo ng manok.

14. Mahilig ka sa tingi. Tinging asukal, suka, tuyo, asin at iba pa.

15. Mahilig kang sumingit sa pila.

16. Navivideoke ka kapag sabado at linggo, pati na rin lunes, martes, miyerkules….araw-araw.

17. Mahilig kang dumura sa kalsada at umihi kung saan-saan.

18. Di mo nakakalimutang bumili ng souvenir item kapag nagbakasyon ka sa ibang lugar.

19. Umuusyoso ka kapag may aksidente.

20. Isinasawsaw mo sa kape ang tinapay.

21. Pumapalakpak ka kapag lumalapag ang eroplano sa airport.

22. Naliligo ka sa ulan at sa baha.

23. Kinukulob ang utot at pinapaamoy sa bata.

24. Hindi ka nahihiyang mangulangot gamit ang hintuturo. Bibilutin ang kulangot at pipitikin papunta sa
kasama mo.

25. Mahilig kang mag-ipon ng mga botelya at gagamiting paglagyan ng asukal, kape, asin at iba pang gamit
sa kusina.

26. Mahilig ka sa pirated cd’s at china products.

27. Bumibili ka ng ukay-ukay.

28. Kinakalong ang mga bata sa jeep at bus para hindi singilin ng pamasahe.

29. Nag-uuwi ka ng mga gamit sa hotel.

30. Tumatawad sa department store na parang nasa palengke ka lang.

31. Nagkakamot ka ng ulo at ngumingiti pag hindi mo alam ang sagot.

32. “Cutex” ang tawag mo sa nail polish, “Colgate” naman sa toothpaste.

33. Ayaw mong tanggalin ang plastic cover ng bagong bili mong sofa o sala set.

34. May uling sa loob ng refrigerator mo.

35. Pinapakain sa alagang aso at pusa ang natirang pagkain.

36. May eletric fan kang walang takip ang elisi.

37. May nakatabing bukod na pinggan, baso, kutsara at tinidor para sa mga bisita.

38. Mahilig kang magpapicture kasama ang nakitang artista sa mall.

39. Kaya mong makipagtext ng tuloy-tuloy hanggang madaling araw.


40. Paulit-ulit ang pangalan mo tulad ng Bong-Bong, Che-Che, Ton-Ton, at Mai-Mai.

41. Ginagamit mo ang sabong panlaba na panghugas ng pinggan.

42. Lagi kang huli sa lahat ng appointment mo.

43. Ginagamit mo ang iyong mga daliri sa pagsukat ng tubig sa ricecooker.

44. Ginagawa mong sabaw ang kape sa kanin.

45. Nilalagay ang sukling bentisingko sa tenga.

46. Binibilot ang ticket sa bus at isinisiksik kung saan-saan.

47. Nagpapabalot ka ng pagkain sa birthday party para iuwi.

48. Naguuwi ka ng mga tira-tirang buto at tinik sa birthday party para ipakain sa alagang aso at pusa.

49. Ugali mong umutang sa sari-sari store.

50. Pinoy ka kung sumasang-ayon ka sa lahat ng nabasa mo.

Iba’t ibang Kultura ng mga Pilipino na Naging Popular

Mga Pambansang Sagisag ng Pilipinas

1. Pambansang Watawat : Watawat ng Pilipinas

Pangunahing simbolo ng ating bansa ang Watawat ng Pilipinas.

Tatlo ang kulay nito - bughaw, pula at puti. Ang bughaw ay para sa kapayapaan na mahalaga sa pag-
unlad ng bansa. Ang pula ay para sa kagitingan na magpapaalala sa matatag na kalooban ng mga
mamamayan. At ang puti ay para sa kalinisan ng puri at dangal ng mga Pilipino.

Ang tatlong bituin ay kumakatawan sa tatlong pangkat ng pulo ng Pilipinas – Luzon, Mindanao at
Visayas.

Ang unang bituin ay para sa Luzon na ang pangalan ay mula sa “lusong” na ginagamit sa pagtanggal ng ipa
at darak sa bigas. Ito ay sumasagisag sa kasipagan ng mga Pilipino.

Ang ikalawang bituin ay para sa Mindanao na ang pangalan ay mula sa “danaw” o lawa. Ito ay sumasagisag
sa tungkulin ng mga Pilipino na pangalagaan at ingatan ang kalikasan gaya ng yamang-tubig ng Pilipinas.

Ang ikatlong bituin ay para sa pulo ng Visayas na ang pangalan ay mula sa salitang masaya. Ito ay upang
laging kabakasan ng saya ang mga kilos at kalooban ng mga Pilipino.

Ang araw sa gitna ng tatsulok ay sumisimbolo sa kaliwanagan ng isipan. Ang walong sinag naman
kumakatawan sa mga walong lalawigan na unang naghimagsik upang ipagtanggol ang kalayaan ng bayan –
Maynila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, Batangas, at Cavite.
Ang watawat ng Pilipinas ay natatangi. Naihahayag nito kung ang bansa ay nasa digmaan. Kapag ang
pulang kulay ay nasa itaas, nangangahulugan na ang Pilipinas ay nasa digmaan.

Ang Watawat ng Pilipinas ay dinesenyo ni Emilio Aguinaldo. Ito ay unang tinahi sa loob ng limang araw sa
HongKong nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herbosa Natividad.

Iniladlad sa unang pagkakataon ang watawat ng Pilipinas sa bintana ng bahay ni Emilio Aguinaldo noong
Hunyo 12, 1898.

2. Pambansang Awit : Lupang Hinirang

Bayang Magiliw

Perlas ng Silanganan,

Alab ng puso

Sa dibdib mo'y buhay.

Lupang Hinirang,

Duyan ka ng magiting,

Sa manlulupig,

'Di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok,

Sa simoy at sa langit mong bughaw,

May dilag ang tula

At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo'y

Tagumpay na nagniningning,

Ang bituin at araw niya

Kailan pa ma'y 'di magdidilim.

Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,

Buhay ay langit sa piling mo;

Aming ligaya, na 'pag may mang-aapi

Ang mamatay nang dahil sa 'yo.

Ang himig ng Pambansang Awit ng Pilipinas ay ginawa ng pianistang si Julian Felipe ayon sa kahilingan
ni Hen. Emilio Aguinaldo nang hindi niya nagustuhan ang komposisyon ng isang Pilipinong nasa Hong Kong.
Ang orihinal na komposisyon ni Felipe ay pinamagatang “Marcha Filipina Magdalo”. Tinugtog niya ito
sa unang pagkakataon isang araw bago ang pagdeklara ng kasarinlan sa harap ng mga pinuno ng rebolusyon na
nagkaisang aprobahan rito.

Noong Hunyo 12, 1898, tinugtog ang komposisyon ni Felipe habang inilaladlad sa unang pagkakataon
ang bandila ng Pilipinas sa bintana ng mansion ni Aguinaldo.

Pinalitan nila ng “Marcha Nacional Filipina” ang titulo nito at agad na naging “National Anthem” kahit
wala pa itong liriko o titik.

Nang sumunod na taon, isang tula na may titulong “Filipinas” na bumagay sa komposisyon ni Felipe
ang isinulat ng isang batang sundalo na si Jose Palma. Ito ang ginawang opisyal na liriko ng Pambansang Awit.

Noong Panahon ng mga Amerikano, isinalin sa Ingles ang liriko ng Pambansang Awit. Ang unang
pagsasalin ay ginawa ni Paz M. Benitez ng Unibersidad ng Pilipinas. Gayunpama’y pinaka-kilalang bersyon ang
isinulat nina Mary A. Lane at Sen. Camilo Osias, na kilalang “Philippine Hymn”.

Naging opisyal ang Pambansang Awit na may lirikong Ingles sa batas ng Commonwealth Act 382 na
ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas noong Disyembre 5, 1938.

Noong mga taong 1940, nagsimulang lumabas ang bersyong Tagalog ng Pambansang Awit. Noong
1948, inaprubahan ng Departamento ng Edukasyon ang “O Sintang Lupa” bilang Pambansang Awit sa Pilipino.

Noong 1954, si Gregorio Hernandez, Jr., Kalihim ng Edukasyon na ay bumuo ng komite para baguhin
ang mga titik ng Pambansang Awit. Nagawa ang bagong bersyon na pinamagatang “Lupang Hinirang”.
Nagkaroon lang ito ng kaunting rebisyon noong 1962.

Sa bisa ng isang batas sa mga Bagong Pambansang Sagisag ng Pilipinas noong 1998, nakum-pirma ang
bersyong Filipino ng Pambansang Awit.

Ayon sa batas, tanging ang bersyong Filipino ng Pambansang Awit ang dapat gamitin ngayon. Ngunit,
ang opisyal na liriko sa Kastila ay nananatiling ang gawa ni Palma at sa Ingles naman ay ang gawa nina Lane at
Osias kahit hindi ito bahagi ng opisyal na Pambasang Awit ng Pilipinas.

Ito rin ay dapat awitin nang ayon lamang sa tugtog o komposisyon ni Julian Felipe.

Dapat awitin nang madamdamin ang Lupang Hinirang. At bilang paggalang, lahat ng uma-awit nito ay
dapat nakaharap sa nakaladlad na Pambansang Watawat ng Pilipinas (kung mayroon) at kung wala naman, ay
dapat humarap sa bandang tumutugtog o sa konduktor o tagakumpas. Bilang pagpupugay, dapat ilagay ang
kanang kamay sa tapat ng kaliwang dibdib mula sa unang nota ng awit.

3. Pambansang Wika: Filipino

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh

Ii Jj Kk Ll Mm Nn Ññ NGng

Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv
Ww Xx Yy Zz

Taong 1937, ang Instituto ng Pambansang Wika ay binuo ng Unang Pambansang Asembleya. Pumili sila
ng wikang pagbabasehan ng wikang pambansa. Pinili nito ang Tagalog . Ang Pambansang Wika ay nakilalang
Pilipino noong 1961. Pagkaraan ng ilang taon, pinalitan ang pangalan nito ng Filipino.

Sa Saligang Batas ng 1987, ang Filipino ang itinakdang pambansang wika at isang opisyal na wika ng
Pilipinas.

Nagkaroon ng mga pagbabago ang alpabetong Pilipino hanggang naging 28 ang mga letrang bumubuo
dito.

Ang Linggo ng Wika ay ipinagdiriwang sa Pilipinas sa buwan ng Agosto. Karaniwang itinatapat ito sa Agosto
18 na kaarawan ni Pangulong Manuel L Quezon, na siyang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”.

4. Pambansang Bayani: Dr. Jose Rizal

Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ay isinilang noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba,
Laguna.

Si Rizal ay pampito sa labing-isang anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo. Ang kanyang mga
kapatid ay sina Saturnina, Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad.

Ang ama ni Rizal ay isang matagumpay na negosyante at magsasaka. Ang kanyang ina, na may
tindahan sa isang bahagi ng ibaba ng kanilang bahay ay matalino at edukada na mahilig sa literature at
matematika.

Lumaki si Rizal sa isang pamilyang sagana sa mga pangangailangan dahil sa kasipagan ng mga
magulang. Itinuturing na prominente ang kanilang pamilya sa panahon ng kolonisasyon.

Mula sa kanyang kamusmusan ay sagana si Rizal sa pagkalinga at pagmamahal ng kanyang pamilya.


Matiyaga siyang bina-basahan ng kanyang ina ng mga tula at kuwento sa gabi. Sa edad na tatlo ay natuto na
siyang sumulat at magbasa.

Mula pagkabata, nasaksihan niya ang karahasan ng mga Kastila sa mga Pilipino.

Edad 10 si Rizal nang pagbintangan ang kanyang ina sa isang kasalanang hindi nito ginawa. Pinalakad si
Donya Teodora nang mahigit 20 milya papunta sa kapitolyo ng Sta. Cruz ng mga Kastilang opisyal na pinapakain
nila sa kanilang tahanan.

Sa kabila ng mga aksyong legal at mga apela sa Maynila, nakulong pa rin si Donya Teodora nang mahigit
dalawang taon.

Nang sumiklab ang pag-aalsa sa Cavite, pinagbintangang kasabwat kaya pinatay ng mga Kastila ang mga
paring sina Gomez, Burgos at Zamora. Ang kapatid ni Rizal na si Paciano ay nagtago dahil guro nito si Padre Jose
Burgos, isa sa tatlong paring martir.

Upang makaiwas sa lalo pang pag-uusig ng mga Kastila, nagpalit ng apelyido ang pamilya. Ang
Mercado ay naging Rizal.

Sa panahong iyon, pinag-iinitan ang mga Pilipinong matalino at may kakaibang kakayahan.
Ngunit hindi nila napigilan si Rizal. Siya’y nakapag-aral sa magagandang eskuwelahan, natuto, lalong
nahasa ang talino, kakayahan at talento at nakapaglakbay sa maraming panig ng mundo.

Si Rizal ay nakilala bilang isang magaling na manggagamot, pintor, arkitekto, magsasaka, orador, guro,
enhinyero, manunulat at iba pa.

Inihayag ni Rizal ang kanyang pagiging makabayan at tumulong upang buksan ang isipan ng mga
Pilipino upang ipaglaban ang kalayaan. Ito ay sa pamamagitan ng kanyang pagsusulat. Ang pinakatampok niyang
akda ay kanyang dalawang nobela na “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”.

Dahil sa kanyang mga panulat at sa adhikaing makalaya ang Pilipinas mula sa mga Kastila, si Rizal ay
pinaratangang taksil sa pamahalaan. Siya ay ipinakulong at binaril ng mga Kastila sa Luneta noong Disyembre
30, 1896.

5. Pambansang Tirahan: Bahay Kubo

Ang tipikal na Bahay Kubo ay simple at munting tirahan na yari sa mga materyal gaya ng kawayan, buho
at nipa o kogon.

Sa panahon ngayon, ang Bahay Kubo ay halos nakikita na lamang sa mga liblib na lugar ng bansa at sa
mga bukid. Karaniwan itong pahingahan ng magsasakang galing sa pagtatrabaho sa bukid.

Gayunpaman, ginagawa rin itong pang-akit sa mga turista o bakasyunista sa mga piling pasyalan o pook-
bakasyunan gaya ng mga resort.

6. Pambansang Puno: Narra

Ang Narra ay matuwid, matigas, matibay at matatag na punongkahoy. Ang mga katangiang ito ng Narra
ay maihahalintulad sa mga Pilipino.

Ang Narra ay matatagpuan sa buong bansa ngunit ang karamihan ay sa Bicol, Mindanao at sa Lambak
ng Cagayan.

Dahil sa magandang uri ng kahoy nito, mainam itong gawing mga muwebles at gamit sa pagpapatayo
ng mga bahay.

7. Pambansang Bulaklak: Sampaguita

Maputi at mabango ang Sampaguita. Simbolo ito ng kalinisan.

Ang pagtitinda ng sampagita ay karaniwan na ring hanapbuhay ng ilang mga Pilipino. Tinatalian nila ito
at ginagawang kuwintas, “corsage” o korona sa mga pagdiriwang. Ginagamit din ang mga ito sa pag-welcam ng
mga panauhin. Ang langis nito ay dini-distill at ipinagbibili.

Ang Sampaguita ay naging Pambansang Bulaklak ng Pilipinas mula noong 1934.

Ang bayan ng San Pedro, Laguna ay kilala bilang Bayan ng Sampaguita ng Laguna”. Bilang pangunahing
suplayer ng Sampaguita sa buong Laguna at Metro Manila, ang produksiyon nito ang isa sa mga
pinagkakakitaan ng maraming mamamayan sa bayang ito.

Ipinagdiriwang ang “Linggo ng Sampaguita” sa San Pedro, Laguna tuwing Pebrero 16 – 20.
8. Pambansang Prutas: Mangga

Ang Mangga ay may iba’t ibang uri ngunit halos lahat ay hugis-puso. Marahil ito ang isa sa mga
pinagbasehan kung bakit ito ang naging Pambansang Prutas ng Pilipinas. Maaari kasi itong sumagisag sa
pagiging mapagmahal ng mga Pilipino.

Ang pangalan ng prutas na ito ay hango sa salitang Tamil na “maangai” o sa salitang Malayalam na
“maanga”. Pinasikat ito ng mga Portugis pagkatapos ng kanilang eksplorasyon sa India kaya naging “manga” sa
Portugis.

Ang Mangga ay may makinis na balat. Karamihan ay dilaw ang kulay nito kapag hinog na. Berde ang
kulay nito kapag hilaw pa.

Masarap itong kainin, hilaw man o hinog.

Kapag hilaw, kadalasan itong tiniternuhan ng bagoong na alamang o asin at nilalagyan pa ng


pampaanghang. Ginagamit din itong pang-asim sa sinigang na isda.

Kapag hinog, masarap itong kainin kahit walang ibang halo. Kilala kahit sa ibang bansa ang pinatuyong
matamis at hinog na mangga.

Hilaw man o hinog, inihahalo ito sa mga inuming pampalamig, “shake”, sorbetes at maging sa “pie”.

Karaniwan na ang puno ng Mangga sa maraming bahagi ng Pilipinas. Tumataas ito hanggang 40 metro.

Pagkatapos ng pamumulaklak, ang prutas ay umaabot ng 3 hanggang anim na buwan para mahinog.

Dahil sa maraming produksyon ng Mangga sa Pilipinas, ito ay dinadala at ibinebenta na sa ibang bansa.
Partikular na kilala at hinahangaan ang magandang kalidad ng mga Mangga sa isla ng Guimaras.

Isa ang Pilipinas sa nangungunang 12 na bansa sa buong mundo sa produksyon ng Mangga noong 2005.

9. Pambansang Dahon: Anahaw

Ang dahon ng Anahaw ay malapad na korteng pamaypay.

Kapag tag-ulan, ginagamit ito ng mga magsasaka na panakip sa kanilang likod. Ito ay karaniwang
tumutubo sa mga kagubatan sa maraming bahagi ng kapuluan.

Ang dahon ng Anahaw ay ginagawa ring pamaypay, banig at pambubong ng bahay.

Ang puno nito na tumataas hanggang 20 metro at may diametrong 20 centimetro ay karamihang
ginagamit sa mga palaisdaan. Ang kahoy nito ay ginagamit na haligi at sahig ng mga bahay sa kanayunan.
Maganda rin itong materyal sa paggawa ng pana, baston at iba pa.

Ang buko ng Anahaw ay puwedeng gulayin.

Inaalagaan din ang Anahaw bilang ornamental. Maganda itong pandagdag sa dekorasyon kapag may
pagdiriwang.

10. Pambansang Hayop: Kalabaw

Ang Kalabaw ay masipag, matiyaga, malakas at maamong hayop na inaalagaan ng mga magsasakang
Pilipino. Ang mga katangiang ito ay maihahalintulad sa mga katangian ng mga Pilipino.
Sadyang maasahan ang kalabaw sa maraming gawaing-bukid lalo na sa pag-aararo at paghihila ng mga
mabibigat na bagay.

Ang kalabaw ay malaking hayop at karaniwang itim ang kulay. Albinong kalabaw ang tawag sa hindi
itim.

Minsan lamang manganak sa loob ng isang taon ang kalabaw.

Likas na tahimik ang kalabaw. Bihira lamang itong mag-ingay. Kalimitan, sa umaga at sa hapon ito
nanginginain ng mga damo.

Kapag hindi nagtatrabaho, ang kalabaw ay namamahinga sa putikan o kaya ay lumalangoy sa ilog.

11. Pambansang Ibon: Agila

Ang Agila ng Pilipinas na dating kilala bilang “monkey eating eagle” ay itinuturing na isa sa mga
pinakamalaki, pinakama-kapangyarihan, at pinakatanging uri ng agila sa buong mundo.

Ang mag-asawang Agila ay magkasama habambuhay. Ang babae ay nangingitlog ng isa lang. At ang
inakay ay inaalagaan ng mag-asawang Agila sa loob ng mga 20 buwan. Dahil minsan lamang mag-prodyus sa
loob ng 2 taon, mabagal silang dumami.

Maaring mabuhay ang ibong ito sa loob ng 30 hanggang 60 taon ngunit nakakalungkot na sa
kasalukuyan, isa ito sa mga ibon na “critically endangered” o nanganganib mawala.

Kaya ang Philippine Eagle Foundation sa pakikipagtulungan sa pamahalaan ay nagsisikap


maprotektahan at maparami ang ibong ito. Ito ay sa suporta rin ng mga pribadong indibidwal na
nagmamalasakit sa Agila ng Pilipinas.

12. Pambansang Isda: Bangus

Ang Bangus ay isang uri ng isdang tabang. Inaalagaan at pinalalaki ito sa mga palaisdaan. Puti ang
kaliskis nito at malinamnam ang laman. Bagama’t matinik ang Bangus, paborito ito ng maraming Pilipino.

Karaniwang niluluto ang Bangus na inihaw, sinigang, paksiw, prito at pansahog sa mga gulay. Masarap
din itong gawing relyeno. Sa lutong ito, tinatanggalan na agad ng mga tinik ang Bangus. Karaniwan na rin sa mga
pamilihan ang “boneless Bangus”. Bukod sa masarap, wala na itong tinik at lulutuin na lang. Tinatangkilik ito ng
maraming mamimili.

13. Pambansang Kasuotang Panlalaki: Barong Tagalog

Ang Barong Tagalog ay panlalaking pormal na kasuotang na may burda.

Ang salitang “Barong Tagalog” ay may literal na kahulugang “damit o baro ng Tagalog”.

Karaniwang gawa ito sa manipis at magaang tela tulad ng piña at jusi. Tak awt ang pagsusuot nito.
Kadalasan itong ginagamit sa mga kasalan at mga pormal na pagdiriwang.

Sinasabing ang pagsusuot nito ay nagsimula pa bago ang panahon ng mga Kastila.

Ngunit may mga eksplanasyong historikal na nagsasabing nauso ang Barong Tagalog sa Panahong Kolonyal
ng mga Kastila noong 1565 hanggang 1898.
Noong nagsimula ang pamumuno ng mga Kastila sa Pilipinas, ipinatupad nila ang pagsusuot ng Barong
Tagalog ng mga kalalakihang Pilipino. Ito ay upang makilala agad ang mga Pilipino.

Isang dahilan diumano kumbakit tak awt ang pagsusuot nito at manipis ang telang ginagamit ay dahil mas
angkop sa panahong tropikal ng bansa.

Ang isa pang sinasabing dahilan kaya ipinagbawal ang pag-tak in ng barong ay dahil palatandaan daw ito
ng pagiging mas mababa ng mga katutubo. At kailangang manipis ang tela o materyal na gagamitin ay upang
hindi makapagtago ng armas na magagamit laban sa mga namumunong Kastila. Ipinagbawal din ang bulsa sa
Barong para maiwasan daw ang pagnanakaw.

Sa paglipas ng mga taon, nagkaroon ng tinatawag na “new middle class” o “principalia” sa mga Pilipino.
Sila ang mga Pilipinong naging bihasa sa mga Batas ng Kastila, umunlad ang pamumuhay dahil nagtagumpay sa
pagnenegosyo o sa pagsasaka at nagkaroon ng maraming lupa.

Nabigyan sila ng mga tanging prebilihiyo gaya ng pagtatayo malalaking bahay sa kabayanan at karapatang
bumoto. Pero kailangan pa rin nilang mag-Barong Tagalog.

Nakilala ang Barong Tagalog pagkatapos itong ideklara ng Unang Pangulo ng Pilipinas na si Manuel L.
Quezon bilang Pambansang Kasuotan. Pinaganda ang mga disenyo o burda at tela ng kasuotang sinasabing
nagmula pa sa panahon bago ang mga Kastila. At ito’y naging opisyal na simbolo ng pagtutol ng mga Pilipino sa
kolonisasyon.

Lalo pang sumikat ang Barong Tagalog nang gamitin ito ni Pangulong Ramon Magsaysay sa mga pormal
na pagtitipon lalo na sa kanyang pagkakatalaga bilang pangulo. Siya ang unang Pangulo ng Pilipinas na gumamit
ng Barong Tagalog sa kanyang “portrait”.

Noong 1975, lalo pang nakilala ang Barong Tagalog nang iproklama ni Pangulong Ferdinand Marcos ang
opisyal na “Linggo ng Barong Tagalog” (Hunyo 5 – 11). Ito ay sa layuning palawakin ang paggamit ng nasabing
kasuotan.

Ngayon, paborito pa rin ng mga Pilipino ang Barong Tagalog. Ginagamit ito sa mga pormal na
pagdiriwang at tanging okasyon. Tak awt pa rin ang pagsusuot nito. Pero ang mga disenyo at tela ay mas
pinagaganda pa.

Isang malaking pinagkakakitaan ng mga Batangueño ang industriya ng Barong Tagalog.

14. Pambansang Kasuotang Pambabae: Baro’t Saya

Ang Baro ay walang kuwelyo at manipis ang tela na kasuotang pang-itaas ng mga kababaihang Pilipino.

Ang Saya ay mahabang palda na gawa sa mas makapal na tela ng koton, sinamay at iba pang kauri ng mga
ito.

Kadalasan, ang dalawang pirasong kasuotang ito ay may kasama ring tapis na ginagamit na pampatong sa
saya at alampay na pantakip sa dibdib.

Habang lumilipas ang panahon, ang saya ay halos nananatiling simple. Ang baro naman ay nagkaroon ng
iba’t ibang disenyo. Hindi lang lalong gumanda kundi naging bongga ito dahil sa mga burda, sekwins at iba pang
palamuti na inilalagay dito.
15. Pambansang Laro: Sipa

Ang larong Sipa ay sumasagisag sa pagiging mabilis sa mga hakbanging dapat isagawa.

Ang mga manlalaro ay gumagamit ng maliit na bakal na may buntot o kumpol ng mga goma o tinastas na
sako. Sinisipa ito ng mga manlalaro.

Ang Sipa ay katumbas din ng Sepak Takraw na ang layunin ng mga manlalaro ng bawat grupo ay patagalin
ang bola sa ere.

16. Pambansang Sayaw: Cariñosa

Ang Cariñosa ay isang uri ng sayaw na kilala sa buong Pilipinas. Ang salitang Cariñosa ay salitang Kastila
na ang ibig sabihin ay mapagmahal, maganda, o palakaibigan.

Gamit ang pamaypay o panyo, ang mga mananayaw ay ay mga hakbang ng pagtataguan at panunukso
na naghahayag ng damdamin sa isa’t isa. May mga iba pang bersyon ang sayaw na Cariñosa pero ang “Taguan”
ang pinakakaraniwan sa lahat.

17. Pambansang Pagkain: Lechon (Buong Baboy na Inihaw)

Ang Lechon o buong Baboy na inihaw ay paboritong handa ng mga Pilipino sa mga pistahan at mga
tanging pagdiriwang.

Simbolo ito ng kasaganaan dahil ito ay karaniwang nakikita sa hapag at handaan ng mga Pilipinong
nakaririwasa ang pamilya.

MGA KILALANG KASUOTANG PILIPINO

1. Barong Tagalog 2. Baro’t Saya

Iba’t – ibang Uri ng Kasuotan

1. Damit Pambahay – Ito ay damit na maluwang at maginhawa sa katawan tulad ng duster, shorts, t-shirt, at
mga luma ngunit maayos pang damit. Ito ay karaniwang yari sa telang bulak o koton.

2. Damit Pantrabaho – Ito ay damit yari sa matibay na tela tulad ng maong, na hindi kaagad kinakapitan ng
dumi. Mayroon ding damit pantrabaho na ipinapatong lamang sa kasuotan upang di ito marumihan, tulad ng
epron.

3. Damit Panlaro – Ito ay magaan at maluwag upang maging malaya at maginhawa ang pagkilos ng katawan.
Ang mga halimbawa nito ay kamiseta, t-shirt, shorts, at bloomer.

4. Damit Pantulog – Ito ay kasuotang manipis, maluwang, at maginhawa tulad ng padyama at nightgown.
Ang mga luma ngunit malilinis na damit ay maaari ring gamiting pantulog. Ang mahalaga ay magpalit ng damit
bago matulog.

5. Damit Pamasok – Ito ay ang uniporme na ginagamit sa pagpasok sa paaralan. Karaniwan, ito ay blusa at
palda sa babae at polo at long pants o short sa mga lalaki. Dahil sa ginagamit ito sa araw-araw, ang uniporme ay
dapat na madaling labhan, patuyuin, at plantsahin.

6. Damit Panlakad – Ito ay magara at naiiba sa karaniwanng damit na isinusuot sa araw-araw. Ito ay
ginagamit kapag may okasyon tulad ng pista, handaan, salu-salo, o iba pang pagdiriwang na dadaluhan.
7. Damit Pantag-init – Ito ay manipis at nagbibigay ng magaan na pakiramdam sa katawan kaya isinusuot
kapag maiinit ang panahon. Yari ito sa telang bulak o koton kaya naiiwasan ang pagkatuyo ng pawis sa katawan.

8. Damit pantaglamig – Ito ay yari sa makapal na tela o kaya’y galing sa hayop tulad ng tupa. Ang damit
pantag-lamig ay nagbibigay proteksyon sa katawan upang di ito makaramdam ng ginaw. Ang mga halimbawa
nito ay dyaket at sweter.

9. Damit Pantag-ulan – Ito ay kasuotang yari sa plastik o goma. Ipinapatong ito sa damit upang di mabasa ng
ulan. Proteksyon din ito laban sa lamig. Ang mga halimbawa nito ay kapote at dyaket na pantag-ulan.

10. Damit panloob – Ito ay ginagamit upang magbigay-proteksyon sa katawan lalo na sa maseselang bahagi
nito. Kabilang sa damit- panloob ang kamison, kamiseta, sando,salawal,panty, at brief.

Kasuotan ng Iba’t Ibang Pangkat etniko sa Luzon at ang Kanilang Kultura

1. Aeta

Matatagpuan ang pangkat ng mga aeta sa halos lahat ng dako ng kapuluan. May iba't iba silang pangalan sa
iba't ibang lugar. Higit silang marami sa Luzon. Aeta o Ayta ang tawag sa kanila sa hilagang Luzon. Ibuked naman
ang tawag sa mga aetang nakatira nang malayo sa mga kapatagan. Sa Kofun, Diango, Paranan at Assao sa
Cagayan, Ugsig at Aita ang tawag sa kanila. Sa Palawan, Batak ang tawag sa kanila. Sa Silangang Quezon, Rizal at
Bulacan, Dumagat ang tawag sa mga Aeta.

Nawala na ang orihinal na wika ng mga Aeta dahil inangkin na nila ang wika ng mga tagakapatagan na
kanilang nakakasalamuha. Hindi pa rin naalis sa kanila ang kultura ng pangangaso at paghanap ng mga pagkain
mula sa mga halaman sa kapaligiran. Bihasa rin ang mga babae at batang Aeta sa tradisyunal na paraan ng
pangingisda gamit ang sima, bitag, lambat at sibat.

Pulut-pukyutan ang espesyal na pagkain para sa mga Pinatubo Aeta at Ibuked Ayta. Kumakain din ang mga
Pinatubo Aeta ng umok o maliliit na pukyutan at ng latak na nakukuha sa bahay ng pukyutan.

Pamilya ang pangunahing yunit ng lipunang Aeta. Gayunpaman, tinutulungan din ng pamilya ang
kapamilyang namatayan ng asawa. May pantay na karapatan

ang kanilang mga anak at mahigpit ang pagkakaugnay ng magulang at anak. Isa lamang ang asawa ng bawat
Aeta. Bawal sa kanila ang pag-aasawa sa malapit na kamag-anak. Ngunit pinapayagan ang ilan na magpakasal sa
pinsang buo matapos ganapin ang ritwal na “paghihiwalay ng dugo.”

Nakabatay sa paggalang sa matanda ang sistemang pulitika ng mga Aeta. Ang mga iginagalang na pangkat
ng matatanda ang nagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa pamayanan. Ang kinikilalangbatas ay yaong
nabuo mula sa tradisyon.

Naniniwala ang mga Aeta na may mga ispiritu ang lahat ng mga nasa kapaligiran tulad ng ilog, dagat,
bundok at iba pa. Ito ang dahilan kung bakit kanilang iginagalang ang kalikasan. Hindi sila pumuputol ng puno
kung hindi rin lamang kailangang-kailangan. Naniniwala silang iniinsulto ang ispiritu ng kalikasan kapag
inaaksaya ito. Panget sila.

2. Tinguian

Matatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Nagtatanim sila ng palay sa mga kapatagan at sa mga bai-baitang
na palayan. Mahilig sila sa musika, damit at personal na palmuti. Naglalagay sila ng tatu at iniitiman ang ngipin
upang akitin ang napupusuan.
Naniniwala ang mga Tinguian sa pagkakaroon ng isang asawa lamang. Itinuturing nilang krimen ang
pagtataksil sa asawa at pinapatawan ng malaking multa ang sinumang muling nagtataksil. Walang multa kung
kusa ang paghihiwalay ng mag-asawa.

3.Tagbanua

Naninirahan ang mga Tagbanwa sa baybaying dagat sa gitnang Palawan. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng
pangingisda, paghahalaman at pangangaso.

Mayroon na ring pampulikang balangkas ang mga Tagbanwa. Masakampu ang kanilang tawag sa pinuno ng
pangkat. Blusang mahahaba ang manggas at makukulay na paldang patadyong ang kasuotan ng mga babae
samantalang nagsusuot lamang ng bahag ang mga lalaki. May bahid ng Malayo-Polinesiya at Indyan ang mga
Tagbanwa.

4. Mangyan

Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain silang tribo. Kayumanggi ang
kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang tangkad.

May iba’t ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin,
sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa
Mindoro.

Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang
kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga
kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga.

Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga
kasukalan ng Mindoro sila nananahanan at kamote ang kanilang pangunahing pagkain.

5. Ifugao

Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa salitang ipugo na ang ibig sabihin
ay "mula sa mga burol" ang salitang Ifugao.

Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradong kubo na natutukuran ng
poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang mga mayaman at mga may
titulo ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang mayayaman tulad ng kasal o
libing, masagana ang handaan.

May kanya-kanyang gawaing ginagampanan ang bawat Ifugao. Iniuukol nila ang kanilang maghapon sa
paggawa. Katulad ng ibang pangkat, mayroon ding diborsyo sa mga Ifugao. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng
iisang asawa.

6. Kalinga

Matatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig sila sa makukulay na pananamit
at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mga pampalamuting alahas sa buong katawan. Ang ibinibigay na
dote para sa ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon. Maaaring magkaroon ng higit sa isang asawa ang isang
Kalinga.
Bilang mga mandirigma at mamumugot, ginagawa ng mga Kalinga ang budong, isang kasunduang
pangkapayapaan, upang maiwasan nila ang pakikidigma sa isa't isa.

7. Itawes

Matatagpuan ang mga Itawes sa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan. Ang Itawes ay nagmula sa mga
salitang I at tawid na nangangahulugang "mga tao sa kabila ng ilog". Kilala rin sila sa tawag na Itawit, Tawish,
Itawi at Itaves. Karaniwang naninirahan ang mga Itawes sa isang pamayanan kasama ang mga Ibanag kaya
Ibanag din ang ginagamit nilang wika.

Pangunahing ikinabubuhay ng mga Itawes ang pag-aalaga ng hayop, pangangaso, pangingisda, paggawa ng
alak, bulak paghahabi at pagsasaka.

8. Gaddang

Tinatawag ding Gadam, Gaddanes o Iraya ang mga pangkat-etnikong ito na matatagpuan sa Nueva Vizcaya
at Isabela. Tahimik at matulungin ang mga Gaddang bagaman handa silang makipaglaban kung kinakailangan.

Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Gaddang. Gabi, palay, sili, bawang, tubo at iba pang gulay
ang kanilang itinatanim. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda, pangangaso at
pagtitinda.

9. Kankana-ey

Ang mga Kankana-ey ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubunduking lalawigan ng hilagang
Luzon. May dalawang pangkat ang Kankana-ey sa Mankayan, Bakun, Kubungan, Buguias at sa mataas na bahagi
ng Benguet. Halos walang ipinagkaiba ang dalawang pangkat na ito ng Kankana-ey. Kapwa sila kayumanggi,
kadalasang may mga tatu, may malalaking mata at mauumbok na pisngi.

Mga magsasaka ang mga Kankana-ey. Nagsasaka sila sa pamamagitan ng kaingin sa gilid ng mga bundok.
Pangunahing pinagkukunan ng kanilang kabuhayan ang pangangaso at pangingisda. Hinuhuli nila ang usa at
baboy damo sa pamamagitan ng aso at lambat.

Walang pormal na pamunuang pulitikal ang lipunang Kankana-ey. Ang kadangyan o baknang na tradisyunal
na aristokrasya ang may malaking impluwensya sa lipunan. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Ang
pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang ama ang puno rito. Siya ang inaasahang magbibigay ng lahat ng
kabuhayan ng pamilya.

10. Ilongot

Nangangahulugan na "mula sa gubat" ang pangalang Ilongot, ang pangkat na matatagpuan sa kagubatan ng
Isabela at Nueva Vizcaya. Kung minsan, tinatawag din silang Ilongotes o Ibilao. Mahilig silang gumamit ng pana
na kanilang natutuhan sa mga Negrito. Nagsasaka ng palay, tabako, saging, kamote at gulay ang mga Ilongot.
Nanghuhuli rin sila ng baboy-ramo, usa at ibon sa gubat. Kanilang ipinagpapalit ng tela, kutsilyo at asin ang mga
produktong ito sa mga nasa kapatagan.

Sumasamba sa maraming diyos ang mga Ilongot. Bukod dito, sinasamba rin nila ang araw, kaluluwa ng mga
namatay at iba pang kaluluwa sa kalikasan.

11. Ibaloy
Ang mga Ibaloy ay matatagpuan sa mga munisipalidad ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad,
Itogon, Benguet at Tuba sa timog-silangan ng Benguet. Kasama sa wika ng mga Ibaloy ang ilang salitang Ilokano
at Pangasinense.

Ang mga Ibaloy ay kayumanggi, mababa at may matipunong pangangatawan. Nakatira ang mga Ibaloy sa
mga mabundok at mabatong lugar. Gawa sa kogon o nipa ang karaniwang bahay ng mga Ibaloy. May pintuan
itong nakaharap sa hilaga o silangan at walang bintana. Marami silang kasanayan para sa pag-aangkop sa
kapaligiran tulad ng hagdang-hagdang taniman sa gilid ng bundok at pagpapatubig sa mga ito sa tulong ng mga
tubong kawayan.

Masisipag na magsasaka ang mga Ibaloy. Nagtatanim sila ng lahat ng uri ng gulay, strawberry at mga prutas.
Mga lalaki ang naghahabi ng basket.

Dati, ang tungtong o konseho na binubuo ng baknang o mayayamang pangkat at matatalino ang
nagpapasya sa pamayanan. May mga batas sila na sumasakop sa mga kaugalian sa kasal, diborsyo, pagmamana
at mga krimen. Kinikilala rin nila ang kapangyarihan ng pambansang pamahalaan.

Sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin ang kasal ng mga Ibaloy sa simbahang Katoliko ngunit
sinusunod pa rin nila ang kasunduan ng anak na ipakakasal. Sa handaan, tradisyong Ibaloy pa rin ang
nasusunod.

12. Isneg

Kilala rin sa tawag na Apayao o Ina-gang mga Isneg na matatagpuan sa Kalinga at Apayao. Karaniwan na sa
matatarik na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog nagtatatag ng pamayanan ang mga Isneg.

Bigas ang pangunahing pagkain ng mga Isneg. Maliban sa palay, nagtatanim sila ng mais, kamote, taro at
tubo para sa paggawa ng basi. Ginagawa nila ang pagtatanim matapos ang ilang ritwal o seremonya ayon na rin
sa kanilang paniniwala na kaugnay ng lupa, gubat at ilog ang buhay. Ayon sa kanilang batas, ang pag-aari ng lupa
ay batay sa pagiging una sa paggamit nito, aktwal na paggamit at pagtira rito at kung ito ay namamana.

Naiiba ang anyo ng bahay ng mga Isneg sa mga bahay ng iba pang pangkat-etniko sa Cordillera. Hugis-
bangka ang bahay ng mga Isneg na kanilang tinatawag na binuron. Maraming pamilya ang maaaring tumira sa
binuron na may isang silid lamang.

13. Ivatan

Mga mamamayan ng Batanes ang mga Ivatan. Relihiyoso, masisipag, matitiyaga, magagalang at
mapagkakatiwalaan ang mga Ivatan.Padron:Fact Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng vakul, isang uri ng
sombrero na gawa sa hinabing dahon ng voyavoy.

Madalas na dinaraanan ng bagyo ang Batanes kaya mababang hugis-kahon ang mga bahay ng mga Ivatan.
Gawa ito sa bato, kogon at apog. Mayroon itong maliliit na bintana.

Mga halamang-ugat ang kanilang itinatanim at ito rin ang kanilang pangunahing ikinabubuhay.

Sa kasalukuyan, marami na ring mga Ivatan ang nakatapos ng kursong tulad ng inhinyeriya, medisina,
edukasyon at iba pa.

Matatagpuan ang mga Isinay sa Aritao, Bayombong at Dupax sa Nueva Vizcaya. Katulad ng mga Ivatan,
hawig ang kanilang anyo sa mga Ainu ng bansang Hapon at nahahawig ang kanilang wika sa Pangasinense.
Nabibilang ito sa mga diyalekto ng Ilokano.
Kristiyano ang malaking bahagi ng populasyon ng mga Isinay. Bukod sa pagsasaka, isa pa rin sa kanilang
pangunahing ikinabubuhay ang paghabi ng tela.

Pangkat etniko sa Mindanao

1. Maranao

Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao – Lanao del Sur, Lanao del Norte, Lungsod ng
Marawi at Lungsod ng Iligan. "Lawa" ang kahulugan ng salitang "ranao" kung saan hinango ang kanilang
pangalan.

Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw na Maranao. Sa malalaking bahay sila nakatira
na may malalawak na pasilyo ngunit walang mga silid. Tanging ang mga dugong bughaw lamang ang
pinapayagang manumit ng kulay ginto. Kadalasang makikita ang mga karaniwang Maranao na may dalang
nakatiklop na banig pandanus. Kanila itong ginagamit sa sahig ng tahanan at sa mga moske.

Buo pa rin at hindi naiimpluwensyahan ang kulturang Maranao. Nananatili pa rin ang kanilang tunay na
naiibang disenyo at kulay sa kanilang mga gawang ukit, damit at banig at sa kanilang mga kagamitang gawa sa
tanso.

2. T'boli

Sa Cotabato matatagpuan ang mga T'boli. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mga prutas sa
kagubatan na kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Gumagawa sila ng tela para sa
damit mula sa t'nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka.

Walang "pari" ang mga T'boli na gumaganap ng mga sagradong ritwal o nagsisilbing tagapamagitan sa tao
at sa mga bathala. Kadalasang iniuukol ng mga kababaihan ang kanilang panahon sa pagpapaganda sa sarili.
Nagpapahid sila ng pulot-pukyutan sa mukha, nagsusuot ng maraming hikaw, kwintas, maliliit na kampanilya at
binurdahang damit.

Nagpapalagay rng tatu o hakang ang mga babae. Maaaring mag-asawa nang marami ang lalaking T'boli.

3. Tausug

Kinikilala sa katapangan at kahusayan sa pakikidigma ang mga Tausug. Hindi sila kailanman umuurong sa
anumang labanan sapagkat para sa kanila, ang karuwagan ay batik sa karangalan ng pamilya. Likas na
mapagbigay at palakaibigan ang mga Tausug. Nalinang ang ugaling ito sa kanilang pakikipag-ugnayan at
pakikipagkalakalan sa mga tao sa Timog-silangang Asya.

May pagkakaiba ang mga Tausug na nasa mga burol na tinawag na tao giniba at nasa mga dalampasigan na
tinawag na tao higad. Mangingisda ang mga nakatira sa malapit sa dagat at magsasaka naman ang mga nasa
loobang bahagi. Naninisid ng perlas ang nasa may dalampasigan na kanilang ipinagpapalit ng seda, tanso at
bakal sa mga taga-Borneo at Sabah. Kanila ring ipinagpapalit ang mga ito ng pagkain sa mga magsasaka. Ang
kalakalang ito ang nagdala ng Islam sa Sulu.

4. Badjao
Ang pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung, Pata, Tapul,
Lugus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang Luaan, Lutaos, Bajau, Orang
Laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika.

Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang pangkat na
nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya.

Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 2-13 miyembro ang maaaring
tumira sa bangkang-bahay.

Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga vinta at mga gamit sa
pangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may iba't-ibang uri ng
makukulay na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas. Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay
Muslim. Gayunpaman, naniniwala pa rin sila sa umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno. ito ay pawang
katotohanan.

5. Subanon

Ang mga Subanon ay matatagpuan sa mga kabundukan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.
Kayumanggi sila at may makapal at maitim na buhok. Naniniwala silang sa iisang ninuno lamang sila nagmula.

6. Cuyunon

Ang mga Cuyunon ay naninirahan sa mga pulo ng Busuanga. Agutaya at Cuyo sa gitna ng Dagat Sulu sa
silangan ng Palawan at timog-kanluran ng Panay. Ayon kay Padre Luis de Jesus, isa sa mgaEspañol na nakarating
sa Cuyo at Busuanga, ang mga Cuyunon ay may dugong Tsino kaya masisipag sila at matatalino sa kalakalan.
Pagkakaingin ang kanilang paraan ng pagsasaka. Nagtatanim sila ng palay, mais, kamote, at ube. Pangalawang
pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda.

Pangkat-pangkat ang mga Cuyunon kung magsaka, mangisda at kahit sa maliliit na gawaing tulad ng
paglilinis ng bahay. Madalas na nag-uugnayan ang magkakapitbahay at nag-iinuman ang mga kalalakihan
matapos ang kanilang gawain. Sa kanila ng pagiging Kristiyano ng mga Cuyunon, laganap pa rin ang kanilang
pagsamba sa kaluluwa ng mga yumao at mga ritwal ng mga babaylan. Ang ritwal na kanilang tinatawag na
palasag ay ginaganap bago mahinog ang mga palay. Para naman sa pagpapagaling sa mga maysakit, ginaganap
ang taga-blac upang paalisin sa katawan ng maysakit ang masamang ispiritu. Ang patulod-sarot naman ang
ritwal para mapigilan ang paglaganap ng epidemya.

7. Bagobo

Matatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng gulpo ng Davao. Maputi sila, may matipunong
pangangatawan at malapad na mukha. Kulay-mais ang kanilang buhok na may natural na kulot. Itim ang
kanilang mga mata na may bahagyang pagkasingkit. Sadyang inahit nang halos guhit na lamang ang kilay ng
mga Bagobo. Makapal ang kanilang labi at bilugan ang baba.

Ang mga Bagobo ang unang pangkat na nadatnan ng mga Español sa Mindanao. Noong panahong iyon,
nagkakalakalan na ang iba't ibang tribu ng Bagobo. Pangunahing ikinabubuhay nila ang pagsasaka dahil na rin
malapit ang kanilang panahanan sa pinagkukunan ng tubig. Pinagsasalit-salit nilang itanim ang palay at mais.
Walang malinaw na pagkakaiba ang mga Gawain ng babae at lalaking Bagobo. Kapwa naghihimay ng hibla ng
abaka ang babae at lalaki gayundin ang paghabi ng basket.
Napapangkat sa tatlo ang tradisyunal na lipunan ng mga Bagobo. Ang bayani ang mandirigma at ang datu
ang pinuno ng mga ito. Minamana ang pagiging datu. Pangunahing tungkulin ng datu ang tumayong huwes,
mag-ayos ng mga gulo at ipagtanggol ang tribu. Ang mga nabalian o paring babae ang pangalawang uri sa
lipunan. Sila ang matatandang babaing mahuhusay sa paghabi.

8. Yakan

Nagtatanim sila ng palay, niyog, kamoteng kahoy, lansones at mais. May sistema ng pagpapalitan sa
pagsasaka ng Yakan. Nagagawa sa maikling panahon ang pag-aararo dahil pinagtutulung-tulungan ng mga
magkakamag-anak at magkakaibigan ito. Punong- puno ng mga tradisyunal na paniniwala at kaugalian ang
kanilang mga gawain sa pagsasaka. May paniniwala silang ang palay ay may sultan at mga pinuno kaya
kinakausap nila ang “haring” palay upang mamuno sa iba pang mga binhing palay sa pagkakaroon ng
masaganang ani. Kailangang ding tahimik sila habang nag-aani ng palay sa pangambang makatawag n gang
iangay at maaaring liparin palayo ang palay.

Patriarka ang uri ng lupaing Yakan kung saan ang amana o ama ang pinakapuno ng pamilya. Napakalapit ng
ugnayan ng magkakamag-anak kaya lapit-lapit ang kanilang mga bahay at habdang tumulong ang bawat isa sa
sinuman sa kanila na magkaroon ng kasawian o kaya kapag may kasayahan.

Maraming ipinagbabawal sa buhay ng mga Yakan. Ipinagbabawal sa kanila ang pagpapakasal sa magpinsang
makalawa ngunit maaaring magpakasal ang magpinsang buo manatili ang yaman ng angkan. Maaaring
magpakasal nang higit sa apat ang lalaking Yakan kung kaya niyang bigyan ang mga ito ng sapat na kabuhayan.
Pinapayagan din sa kanila ang diborsyo kung pumapayag dito ang lalaki.

Ang mga Yakan lamang ang tanging pangkat na kapwa nagsususot ng pantalon ang lalaki at babae. Isinusuot
ng lalaking Yakan ang maong sa kanyang ulo samantalang ipinupulupot naman ito ng mga babae sa kanilang
baywang.

MGA URI NG TAHANAN NG MGA PILIPINO

MGA URI NG TIRAHAN

Ang bahay o tahanan, sa kaniyang pinaka-pangkalahatang kamalayan, ay isang kayarian o istrukturang gawa
ng tao, at isang tirahan na napapalibutan ng mga dinding at may bubong. Nagbibigay ito ng kanlungan sa isang
nilalang laban sa presipitasyon, hangin, init, lamig, at mga tao o hayop na ibig pumasok na walang pahintulot.
Kapag ginagamit bilang isang kinagawiang tirahan para sa mga bisiro, tinatawag na tahanan ang isang bahay
(bagaman kadalasang tumitira sa loob ng bahay ang mga hayop, mga alaga man o hindi katulad ng mga dagang
naninirahan sa loob ng mga dinding). Maaaring wala sa tahanan ang mga tao, sa halos buong araw, upang
magtrabaho at maglibang, ngunit karaniwang umuuwi sila sa bahay para mamahinga, kumain at matulog.[1]

Sa pangkalahatan, sa maliit na bilang, kadalasang may isang pasukan ang isang bahay sa anyo ng isang pinto
o isang portal, at maaaring mayroong ilang bilang ng mga durungawan o wala man. Tahan ang salitang-ugat ng
tahanan, na nangangahulugang pagtigil ng pag-iyak (katulad ng pagpapatigil ng pag-iyak ng isang sanggol) o
pagpawi ng kalungkutan. Sinasabing napapawi ang lahat ng lungkot ng tao kapag nasa loob siya ng kaniyang
sariling tahanan. Sa isang metapor, pinaghihiwalay ang kahulugan ng bahay at tahanan: na tumutukoy ang
bahay sa pa
Ang mga uri ng bahay-pantao ay karaniwang ayon sa klima ng pook na kinapapamuhayan ng mga tao,mga
materyales na likas at madaling makuha sa rehiyong iyon, at sa mga peligrong karaniwangnararanasan sa lugar
na iyon (katulad ng mga bagyo, lindol, o pagbaha). Mas matipid magtayo ng bahaykung gagamitin ang
materyales na madaling makuha ayon sa pook.Ilan sa mga uri ng bahay ang mga bahay na may mga tiyakad at
mataas sa lupa kung malapit sakailugan, mga bahay na yari sa pawid ang mga nasa may sakahan at bukirin, mga
bahay na yari sa yelokung naninirahan sa Alaska, mga bahay na yari sa bato katulad ng sa mga lungsod, at
mayroon dingmga bahay na yari sa tisa, kahoy, pinatuyong putik, at maging papel man (katulad ng sabansang
Hapon). May mga bahay ding nabubuhat o natitiklop para maililipat-lipat ng lugar habangnaglalakbay sa ilang.

1. Unang Uri ng Tahanan

Ang panahanan ng ating mga ninuno noong unang panahon ay mga kweba. Ang kanilang mga
labi,kagamitan at hayop na kinatay ay natagpuan ng mga arkeologo sa mga lugar na ito. Pinili nila itomarahil
upang maging ligtas sa mga malalakas na bagyo, mababangis na hayop at iba pang pangkatng tao. Halimbawa
ng mga nakatira rito ay ang mga Homo Erectus na nakatira sa Kweba sa Lambak ng Cagayan.

2. Ikalawang Uri ng Tahanan

Sa paglipat ng ating mga ninuno sa kapatagan, sila ay nagtayo na yari sa kahoy, kawayan, pawid,yantok,
sawali at iba pang uri ng halaman. Parisukat ang hugis ng mga sinaunang bahay. Ang mga itoay may apat na
dingding at may isa o dalawang silid. Ang mga dingding nito ay yari sa kahoy at pawido kawayan at pawid. Ang
haligi ay yari sa kahoy at ang bubong ay yari sa kahoy, kawayan at pawid. Ang iba naman ay ginagamitan ng
kogon sa halip na pawid. Ginamit nila ang pawid, kahoy, at kawayan dahil ito ay angkop sa mainit na klima ng
ating bansa. Malalaki rin ang mga bintanang inilagay nila sa kanilang bahay upang maging maliwanag at presko.
Ang silong ng bahay aynababakuran at nagsisilbing lalagyan ng panggatong, imbakan ng palay o kulungan ng
mga alaganghayop.Mayroong itong sala, silid-tulugan, silid-kainan, kusina at batalan. Ang batalan
angpinakabanyo, hugasan ng mga kagamitan at lalagyan ng tubig na tinatawag na tapayan. Ang ibangbahay ay
may maliit na bahagi sa bukana nito kung saan matatagpuan ang hagdanan. Ito ay nagsisilbing tanggapan ng
bisita bago pumasok ng kabahayan.

3. Ikatlong Uri ng Tirahan

Ang ibang bahay naman ay itinatayo sa taas ng malalaking punongkahoy. Ang hagdan ay nahihilapaitaas
kung gabi at naibababa sa kinaumagahan. Ginawa nila ito marahil upang hindi madalingmasalakay ng mga
kaaway. Ito ang uri ng panahanan ng mga Kalingga at Ilonggot sa Hilagang Luzonat ng mga Bagobo at Mandaya
sa Mindanao.

4. Ikaapat na Uri ng Tahanan

Ang ibang bahay naman ay itinayo sa may baybayin ng dagat. Ang mga ito ay nakaangat sa tubig.Malalaking
kahoy ang pinakaposte at may tulay na nagsisilbing daanan papunta sa mga kabahayan.Ito ay may isang palapag
at ang sahig ay hindi magkakadikit upang maging madali ang paglilinis.Marami pa ring ganitong uri ng tahanan
ang makikita sa Sulu at Zamboanga. Ito ang uri ng tirahan ng mga Badjao.

TRANSPORTASYON SA PILIPINAS

Araw-araw tayong sumasakay ng dyipni, taxi, bus, LRT at tren. Minsan sumasakay din tayo ng barko o
eroplano kung patungo sa malalayong lugar. Pero naitanong mo na ba sa iyong sarili kung paano nagsimula ang
sistema ng transportasyon sa ating bansa? Malaki ba ang pinagbago ng transportasyong Pilipino sa pagdaan ng
panahon? Masasabi nating nagsimulang umunlad ang transportasyong Pilipino sa pagdating ng mga Amerikano.
Bagamat may simple nang paraan ng paglalakbay noong panahon ng mga Espanyol, lalo pa itong dumami,
naging mabilis at sopistikado sa panahon ng mga Amerikano.

1. Mga Sasakyang Panlupa. Sa pagdating ng mga Amerikano, maraming mga daan at tulay ang nilikha upang
mapag-ugnay ang mga bayan, lalawigan at pulo ng bansa. Binago at ginawang mabilis ng mga Amerikano ang
paraan ng paglalakbay ng mga Pilipino kumpara sa panahon ng mga Espanyol. Pinalaganap ang paggamit ng
mga tren, tranvia, kotse at bus.

Noong 1917, ang Manila-Dagupan Railway na pagmamay-ari ng mga Ingles ay binili ng pamahalaang
Amerikano. Itinatag ito bilang Manila Railroad Co. na kilala ngayon bilang Philippine National Railways (PNR).
Pinahaba at pinalawak nito ang mga riles ng tren hanggang La Union sa hilaga at Albay sa timog. Nagkaroon din
ng mga linya ng tren sa Cebu at Panay. Sa kabuuan, tinatayang aabot sa 1,395 kilometrong riles ng tren ang
naitayo ng mga Amerikano sa ilalim ng kanilang pamamahala. Ang pagtatayo ng mga linya ng tren ang
nagpaunlad sa mga pook na dinaraanan nito. Ito rin ang naging dahilan ng pagdami ng mga lungsod. Gayundin
ang pag-usbong ng Maynila bilang sentrong komersyal ng bansa.

Ipinakilala naman ng Manila Electric and Railroad Co. o MERALCO ang de-kuryenteng tranvia. Ito ay kaiba sa
tranvia na hila-hila ng mga kabayo noong panahon ng mga Espanyol. Aabot sa 24 na katao ang maisasakay ng
isang tranvia. Masasabing ito ang unang mass transport system sa Kamaynilaan dahil halos lahat ng bahagi ng
lungsod ang siniserbisyuhan nito.

Dumating naman ang unang auto o kotse sa Maynila noong 1903. Isa itong benzine-fueled French-made
Brazier. Ang kotse ang nangungunang transportasyon noong panahong iyon partikular na sa mga maykaya sa
buhay.

Noong 1924, ipinakilala naman ng MERALCO sa Maynila ang mga Atlas-General Electric trackless trolley bus.
Ito ang nagpasimula ng bus transport system sa bansa.

Lumaganap naman ang mga autocalesa o mga de-metrong taxi noong mga 1930s. Maaari itong magsakay
ng apat hanggang anim na pasahero. Bagamat mahal ang pasahe rito, ito ang naging pinakamainam at
pinakamabilis na pampublikong transportasyon noong panahong iyon. Lumaganap din ang paggamit ng mga
trak at motorsiklo sa paglalakbay. Ang dyip pangmilitar naman ang sinasabing pinagmulan ng pampasaherong
dyipni na lumaganap pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Mga Uri:

1. trisikad

2. pedicab

3. Habal-habal

4. dyip

5. bus

2. Mga Sasakyang Pantubig

Umunlad din ang transportasyong pandagat noong panahon ng mga Amerikano. Ang mga mababagal na
bangka, kaskos at batel na ginagamit noong panahon ng mga Espanyol ay napalitan ng mga mabibilis na
bangkang de-motor, lantsa, steam tugboats at mga inter-island steamer. Pinasimulan din sa panahong ito ang
paglalayag ng mga international steamships sa iba’t ibang panig ng mundo. Dahil dito, dumami ang pagbukas ng
mga daungan o seaports sa bansa. Isa na rito ang Port of Manila na sinasabing pinakamalaking daungan sa Asya
noong panahong iyon.

3. Mga Sasakyang Panghimpapawid.

Ipinakilala naman sa mga Pilipino sa unang pagkakataon ang eroplano noong 1911. Ito ay pinalipad ni
‘Lucky’ Baldwin bilang bahagi ng isang palatuntunan sa Manila Carnival City. Noong 1930, sinimulan naman ng
Philippine Aerial Taxi Co. o PATCO ang unang komersyal na eroplano sa bansa. Dito unang naranasan ng mga
Pilipino na maglakbay sa pamamagitan ng himpapawid sa iba’t ibang bahagi ng ating kapuluan. Sinundan
naman ito ng pagtatag ng Iloilo-Negros Air Express Co. o INAEC noong 1933. Sinasabing ang dalawang
kompanyang ito ang naging Philippine Airlines matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang paglapag
naman ng China Clipper ng Pan-American Airways sa Maynila noong Nobyembre 29, 1935 ang itinuturing na
unang trans-Pacific air travel mula California, USA hanggang Pilipinas. Ito rin ang nagpasimula sa internasyunal
na paglalakbay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga eroplano.

Sa paglipas ng panahon, masasabi nating unti-unting nagbabago at umuunlad ang sistema ng


transportasyon sa bansa. Mula sa isang simple,ito ay naging moderno at sophistikado. Bagamat lagi itong
pabagu-bago, dapat nating tandaan na ang pagkakaroon ng isang malawak at mabilis na sistema ng
transportasyon ay isa sa mga salik na magbibigay-daan sa minimithing pag-unlad ng isang bansa.

PAGYAMANIN

Ikaw ay dadako na sa yugtong ito, upang sagutin ang panibagong gawain na tatasa sa iyong natutunan mula
sa mga paksa. Ang gawaing ito ay makapaglalaan lamang ng ilang minuto upang masagutan. Kung handa ka na,
magsimula na.

Gawain 1.3

Panuto: Itala sa loob ng kahon ang Kahulugan at Kahalagahan ng Wikang Filipino at ang kaugnayan ng Wika
at Kultura, batay sa natutuhang impormasyon kaugnay dito. (10 puntos)

Kahulugan Dahilan ng pagkakaroon ng Kulturang Popular

____________________ ____________________

____________________ ____________________

____________________ ____________________
Kulturang
____________________ Popular ____________________

____________________ ____________________
Mga dahilan ng
pinagmulan ng
Kulturang Popular
Sagot:

Kahulugan

 Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman ang pagtanggap
sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga tao na tanggap
sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto
ng mga kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng
depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang kulturang popular ay
maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura
na itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao
para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili.

Dahilan ng pagkakaroon ng Kulturang Popular

 Nagkakaroon ng Kulturang Popular dahil na din sa pabago-bagong panahon o mas kilala ngayon sa
tawag na Modernong Panahon o Panahon ng Teknolohiya. Mahilig kasing makiuso ang mga Pilipino at
madali tayong maimpluwensyahan ng kultura ng iba, tulad na lamang ng mga Koreano.

Dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at ito ang mga:

 1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante


 2. Latak
 3. Pangmasa o komersyal na kultura
 4. Ginagawa ng tao
 5. Larangan ng gahum
 6. Pagkalusaw ng mga hangganan

EBALWASYON

Pagsasanay 1

I. Panuto: Punan ang hinihingi ng bawat talahanayan. Isulat ang sagot sa loob mismo ng kahon.
(20 puntos)
Katangian ng 100% Pinoy
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Mga Pambansang Sagisag ng Pilipinas Tawag sa Pambansang Sagisag

1. Pambansang Awit
2. Pambansang Wika
3. Pambansang Tirahan
4. Pambansang Puno
5. Pambansang Bulaklak
6. Pambansang Dahon
7. Pambansang Isda
8. Pambansang Laro
9. Pambansang Sayaw
10. Pambansang Pagkain

II. Panuto: Isulat ang T kung TAMA ang tinutukoy ng bawat pahayag at M naman kung MALI. Isulat ang
sagot sa patlang bago ang bilang. (10 puntos)

Iba’t – ibang Uri ng Kasuotan

_________1. Damit Pamasok - ay magara at naiiba sa karaniwanng damit na isinusuot sa araw-araw. Ito ay
ginagamit kapag may okasyon tulad ng pista, handaan, salu-salo, o iba pang pagdiriwang na dadaluhan.

_________2. Damit Pantag-init – Ito ay manipis at nagbibigay ng magaan na pakiramdam sa katawan kaya isinusuot
kapag maiinit ang panahon. Yari ito sa telang bulak o koton kaya naiiwasan ang pagkatuyo ng pawis sa katawan.

_________3. Damit panloob – Ito ay ginagamit upang magbigay-proteksyon sa katawan lalo na sa maseselang
bahagi nito. Kabilang sa damit- panloob ang kamison, kamiseta, sando,salawal,panty, at brief.

Kasuotan ng Iba’t Ibang Pangkat etniko sa Luzon at ang Kanilang Kultura

_________4. Mangyan mahiyain silang tribo. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata
at katamtaman ang tangkad.

_________5. Kalinga Mahilig sila sa makukulay na pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mga
pampalamuting alahas sa buong katawan. Ang ibinibigay na dote para sa ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon.
_________6. Ilongot mahilig silang gumamit ng pana na kanilang natutuhan sa mga Negrito. Nagsasaka ng palay,
tabako, saging, kamote at gulay ang mga ito. Nanghuhuli rin sila ng baboy-ramo, usa at ibon sa gubat. Kanilang
ipinagpapalit ng tela, kutsilyo at asin ang mga produktong ito sa mga nasa kapatagan.

_________7. Isneg relihiyoso, masisipag, matitiyaga, magagalang at mapagkakatiwalaan ang mga ito.Padron:Fact
Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng vakul, isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng voyavoy.

_________8.Kankana-ey kilala rin sila sa tawag na Itawit, Tawish, Itawi at Itaves. Karaniwang naninirahan ang mga
ito sa isang pamayanan kasama ang mga Ibanag kaya Ibanag din ang ginagamit nilang wika.

Pangkat etniko sa Mindanao

_________9. T'boli nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mga prutas sa kagubatan na kanilang
ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t'nalak na
hinabi mula sa hibla ng abaka.

_________10. Badjao hindi sila kailanman umuurong sa anumang labanan sapagkat para sa kanila, ang karuwagan
ay batik sa karangalan ng pamilya. Likas na mapagbigay at palakaibigan ang mga ito.

Sagot:

1. M 6. T
2. T 7. M
3. T 8. M
4. T 9. T
5. T 10. M
Mga Dapat Tandaan

Ang kahalagahan ng kulturang popular ay sobrang nagdedepende sa abilidad nitong


pagrerepresenta sa ating identidad ng isang kultura sa pamamagitan ng paguunawa kung bakit nabuo ang
isang bahagi ng kultura, at kung ano ang kinakaloob nito sa kasaysayan. Ang pinakaepektibo pamamaraan
sa pagtingin nitong kulturang popular sa akademikong perspektibo ay ang pagsusuri sa kung paano ito
binigyang-pakahulugan o paguunawa ng mga tao at kung anong sinasabi nito sa isang panahon.
Halimbawa nito ay kung paano natin inuunawa at tinitingin ang mga sulat at gawa ni Dr. Jose Rizal, at kung
bakit ito ay naging isang napakaimportanteng bahagi ng Pilipinong panitikan at kung paano ito ay
kasalukuyang naging parte ng kulturang popular. Maari nating pag-aaralin ang kabuluhan ng mga
panunulat na ito sa buhay ni Rizal at nong panahon kung pano namumuhay ang mga Pilipino habang sakop
tayo ng mga Kastila. Ayon sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, kinukwento at ipinapakita ni Rizal kung
paano tayo naghihirap nong panahon ng mga Kastila. Makikita natin sa kasasayan kung paano namumuhay
ang mga Pilipino sa isang oppressed at European/white sumpremacist na lipunan. Sa panahon nong
kolonisasyon ng mga Amerikano, pwede nating pag-aaralan ang aktor na si “weng-weng” na nagiging bida
sa mga produksyong base sa mga James Bond films, makikita rin natin and pagbubuo nga isang element sa
komedya natin na ginagamit hangang ngayon, and pagtitingin ng mga midget bilang komikal na karakter.

Siguro sa pinakahinahamon na aspeto ng kulturang popular ay ang pangingiba nito sa mataas na


porma ng sining. Para sa akin ito ay subhetibo at ang mga boundary sa pagitan nila ay hindi na gaano ka
lakas. Halimbawa, sa mga talakayan natin sa klase nagbanggit tayo ng mga palabas kagaya ng “How I Met
Your Mother” at “The Walking Dead”, at tingin sa atin ay ito ay mataas na sining. Kahit na masabi natin na
ang mga palabas na ito ay nagpapakita ng mga kwentong moralidad o humanity, maraming kulturang
Western ay hindi sumasang-ayon sa ating iterpretasyon at pwede nilang makita ito bilang mababang
porma ng sining na may murang story arc at walang kwentang pagsusulat. Lumalabo ang mga hangganan
dahil sa pag-iiba ng pagtingin ng mataas na sining sa iba’t-ibang kultura. Kung ang isang tunay na gawa ng
mataas na sining ay magiging popular commercially at magiging accessible, magiging pop medya ba ito?
Mawawala ba ang artistikong halaga?

Sa kulturang Pilipino, karamihan nga mga consumer ng popular na medya ay galing sa middle at
low class. Pero ang pop medya ay ginagawa para magattract ng lahat ng audience, at madaling maunawa,
at matatawag nating adiktibo. Bakit sa higher class na lipunan ito na disdain? Para sa akin, isang attempt
ito sa paggiging elitista. Ang ating kulturang popular ay minsang nagpapakita ng mga grupo na ayaw natin

You might also like