You are on page 1of 4

Pangalan:_____________________ Petsa:___________

Baitang:______________________ Iskor:____________

I. PAG-UNAWA: Basahing ang seleksyon, sagutin ang mga katanungang kaugnay sa binasa. Bilugan ang
titik ng wastong kasagutan.

“ Social Media at ang Modernong Kabataan”

Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag nito sa ating
pamumuhay sa pang-araw-araw. Hindi maipagkakaila na ang mga social media ay isa sa naging produkto ng
makabagong panahon, at kasabay nito ang pagusbong ng modernong kabataan .

Ang social media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi mo nakikita. Ito ay may
malaking kontribusyon sa ating pakikipagkomunikasyon sa mga taong nasa malalayong lugar. Ano nalang ang
buhay kung walang social media? Maraming kabataan ang natutulungan at patuloy na tinutulungan ng bagong
teknolohiyang ito, tulad na lamang ng mga kabataang hindi masyadong outgoing, mga taong gustong magtipid sa
entertainment, mga gustong makahanap ng sideline income (online shop), mga naghahanap ng bagong
impormasyon at mga gustong magpasikat (Residentpatriot, October 7.2012).

Hindi kapani-paniwala ang bilis ng paglaganap ng impluwensya ng social media sa buhay ng mga kabataan.
Pinagtitibay nito ang isang aspeto ng kultura natin, ang pagpapa-halaga natin sa pakikipag-ugnayan.
Pinatunayan na natin ito dati pa sa mga naging popular na paraan ng komunikasyon gaya ng pagte-text, pagbisita
sa mga yahoo chat rooms, pakikipagtalastasan sa mga online forums at pagtatambay sa Friendster. Ngayon
naman ay laman tayo ng blogs, twitter, facebook, at iba pang social media’s,kung kaya’thindi nakapagtataka na
napakataas ngporsyento ng mga online na pinoy sa social networks (Gabnadateblog.February 2016).

Dahil sa pagkauso ng mga social media mas lalo nitong naimpluwensyahan ang nakararami tulad nalang ng
mga kabataan ngayon na lubos na nahuhumaling dito, kaya wala na yatang kabataan ngayon ang walang account
sa mga nabangit na websites o di kaya ay pamilyar dito. Ganap na sikat ang mga nabangit na websites ngunit ano
nga ba ang epekto ng social media sa paguugali natin? partikular sa mga kabataan ngayon? (Eloisa Cassandra E.
Emi).

Ang mga katanungan na nasawalat sa inyong isipan ay aking bibigyan ng kasagutan. Ang social media at ang
modernong kabataan, dahil ang mga modernong kabataan ang syang nagpausbong at mas lalo pang naging uso
sa mga mata ng mga tao sa ating mundo. Napakalaking impluwensya ng social media sa panahong ito lalong lalo
na ang facebook, siguro parte na ng ating buhay ang mag-log in araw-araw dito. Isa sa mga mabuting epekto ng
social media sa kabataan ngayon ang easy acess o madaling paraan upang makapagpalaganap o makapagbahagi
ng impormasyon. O mga balita na interesado ang lahat na malaman, kagaya ng suspension ng klase, mga balita
tungkol sa showbiz at mga babasahin na marami tayong matututunan. Ang social media ay tulay na
nagdudugtong sa atin sa kasalukuyan dahil ito ang nagbabahagi ng bagong ideya o kaisipan, at dinudugtong din
ng social media ang kasalukuyan sa hinaharap sa pamamagitan ng mga impormasyong tungkol sa makabagong
teknolohiya, mga balita tungkol sa mga pagbabagong makaka-impluwensya sa hinaharap at mga matutunang
kaalaman na makapagpapa-unlad sa ating kinabukasan.

1. Anong uri ng teksto ang ipinapakita ng seleksyong iyong binasa?


a. tekstong naratibo c. tekstong persweysib
b. tekstong impormatibo d. tekstong deskriptibo

2. Ayon sa iyong binasa,tungkol saang paksa ang ipinaphiwatig ?


a. iba’t-ibang laro c. social media
b. online selling d. kultura

3. Batay sa seleksyon, aling pahayag ang HINDI tumutukoy sa social media?


a. ginagamit sa pakikipag ugnayan
b. makakapagpalaganap ng mga impormasyon
c. nagpapayaman sa isang tao
d. tulay sa pakikipagkaibigan

4. Ano ang isang halimbawa ng social media?


a. Facebook c. Telebisyon
b. Radyo d. Dyaryo

5. Ayon sa binasa, bakit sinasabing ang Facebook ang pinakamalaking may impluwensiya sa bawat tao?
a. dahil ito ang pinakamadaling gamitin
b. dahil ang Facebook ay nakakatulong sa pang araw-araw na buhay
c. dahil ito ay naging parte na ng buhay ng tao, ang mag log in araw araw
d. dahil sa pamamagitan nito ay napapadali ang kalakalan

6. Sino ang nagpausbong at naging uso sa kanilang mga ang paggamit ng social media?
a. mga bata c. modernong kabataan
b. senior citizens d. PWD

7. Alin sa mga sumusunod ang mabuting epekto ng social media sa mga kabataan?
a. Nagiging malusog ang pangangatawan
b. Tumatalino ang isang tao
c. Nakakasagap ng mga impormasyon at mga balita
d. Nagpapataas ng confidence sa sarili

8. Saang bahagi ng pahayag binigyang diin ang impormasyong tungkol sa social media?
a. unang talata
b. pangalawang talata
c. huling talata
d. pangatlong talata

9. Ito ang naging isang produkto ng makabagong panahon at kasabay nito ang pag usbong modernong
kabataan?
a. Gadgets c. Mobile Legends
b. social media d. Sapatos

10. Ano ang ideyang gustong iparating ng pahayag na iyong nabasa?


a. ang masamang dulot ng kabataan sa lipunan
b. ang malaking kontribusyon ng social media sa buhay ng isang tao
c. ang kabataan ang pag asa ng bayan
d. ang modernong kabataan ang nagpauso ng social media

11. Anong aspeto ng ating kultura ang napapatibay batay sa binasa?


a. aspetong emosyonal c. aspetong pakikipag ugnayan
b. aspetong pangkabuhayan d. aspetong pisikal

12. Anong uri ng pagpapahayag ang ginamit sa iyong binasa?


a. paglalarawan c. pagsasalaysay
b. pagtatanong d. paglalahat

13. Saang parte ng seleksyon binanggit ang mabuting epekto ng social media?
a. unang talata c. gitnang talata
b. pangalawang talata d. huling talata

14. Ito ay maraming kahalagahan ang naiambag sa ating pamumuhay sa araw-araw?


a. social media c. Facebook
b. makabagong teknolohiya d. posts

15. Sa iyong binasa, anong salita ang iniiugnay sa salitang social media?
a. komunikasyon c. libangan
b. platform d. moderno

II. PAGPILI: Tukuyin kung ano ang isinasaad sa bawat bilang. Piliin sa kahon at isulat sa patlang ang tamang
kasagutan.

A. Wakas E. Kwentong ScienceFiction I. Kwentong Suspense M. Kakalasan

B. Maikling Kwento F. Simula J. Pabula

C. Gitna G. Kuwentong Pantasya K. Kwentong Sikolohikal

D. Kwentong Misteryo H. Edgar Allan Poe L. Kwentong Katatawanan

______1. Sa kuwentong ito, ang krimen ay ilalahad sa binabasa ngunit walang mapagkakakilanlan sa kriminal; mula
sa pangitaing ito, uusad ang kuwento pabalik hanggang sa makikita ang mga palatandaan tungo sa paglutas ng
krimen.

____2. Mga kuwentong ito ay ukol sa mahika o sa mga supernatural ngunit walang batayang maka-agham.

_____3. Ito’y isang akdang masining na ginagampanan ng mga tauhang binuo ng mayamang imahinasyon ng
manunulat. Ang mga piling tauhan dito’y may taglay na suliraning makakaharap nila sa malayong planeta o di
kaya’y sa malayong hinaharap ng daigdig ngunit may mapapanghawakang maka-agham na paniniwala.

_____4. Sa ganitong uri ng kuwento ay may kahirapang ilarawan ang pag-iisip ng isang tao. Ang kailangan ng
kuwentong ito’y maipadama sa mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari.

_____5. Ang layunin ng kuwentong ito ay magpatawa at bigyang-aliw ang mambabasa. Halimbawa ng maikling
kuwento sa uring ito ay “Sa Pula, Sa Puti” ni Francesco Soc Rodrigo.

______6. Tinaguriang “Ama ng Maikling Kwento”.

______7. Isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan. Nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

______8. Bahagi ng maikling kwento na kung saan matatagpuan ang saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.

______9. Bahagi ng mailing kwento na kung saan matatagpuan ang kakalasan at katapusan.

_____10. Dito sa bahagi ng maikling kwento ay kabilang ang mga tauhan, tagpuan at suliranin.

I. TAMA o MALI: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad sa bawat bilang at MALI kung hindi.

______1. Si Amado V. Hernandez ang sumulat ng “Kwentong ang Dalaginding”

______2. Si Ineng ay isang simpleng babae na nagtitinda ng mga bulaklak.

______3. Isang mahirap na lalaki ang umibig kay Ineng.


______4. Inilihim ni Ineng ang kanyang nararamdaman sa kanyang magulang at sa huli’y sumama si Ineng sa lalaki.

______5. Ang ina ni Ineng ay labis na natuwa nang malaman na ang kanyang anak ay umiibig na.

_______6. Sa paulit-ulit na pagpakyaw ng lalaki sa paninda ni Ineng ay nahuhulog na ang kanyang loob sa lalaki.

______7. Masasabing ang tunggalian sa kwento ay tunggalian laban sa sarili at tunggalin sa tauhan.

______8. Sumama si Ineng sa lalaki at kalaunay di na ito nagpakita sa kanyang mga magulang.

______9. Mike ang pangalan na lalaki na umibig kay Ineng.

______10. Sa isang maliit na nayon nakatira sina Ineng.

III. PAGKAKASUNOD-SUNOD: Suriin ang mga pangyayari sa maikling kwento ng “Ang Dalaginding”. Lagyan
ng bilang 1 hanggang 5 ang tamang pagkakasunod sunod ng pangyayari sa kwento. Isulat sa patlang ang
sagot.

______1. Sumama si Ineng sa mayamang lalaki.

______2. Pinakyaw ng mayamang lalaki ang paninda ni Ineng.

______3. Umiyak ang si Aling Inang noong malaman na si Ineng ay umiibig na.

______4. Nagtanong si Ineng sa kanyang ina noong itoy panahon na umiibig na.

______5. Hindi niya malaman kung anong nararamdaman niya para kay Daniel.

IV. ESSAY
Kung ikaw ang magiging may akda ng kwentong “Ang Dalaginding”, ano ang gagawing mong wakas
ng kwento? Ipaliwanag ang iyong sagot sa limang pangugusap. (10 puntos).

RUBRIKS PUNTOS
Malinaw ang kaisjpang 5 puntos
gusting ilahad
Kakikitaan ng makabuluhang 3 punntos
nilalaman
Nag-iwan ng malalim na 2 puntos
impresyon sa kaisipan ng
makakabasa.
KABUUAN 10 puntos

You might also like