You are on page 1of 4

24

Aralin 3
Iba’t ibang kapanahunan sa Pelikula

Panahon ng Kastila

Nagpapakita ng mga kaganapan sa pelikula noong panahon ng Kastila. Ang pokus ay mga artistang
nakagayak saya o lalong kilala sa taguring Maria Clara at mga kalalakihang nasa kastilang kasuotan. Dito’y
nakahiwalay ang mga Pilipino na walang karapatang makihalubilo sa kanila
25
Panahon ng Kalayaan

Matagumpay na naibalik ang Kalayaan ng bayan sa pamamagitan ng pakikipaglaban ng mga anak


ng bayan.

Palasak na palasak banggitin sa panahong ito ang pahayag ni Mc Arthur ng mga katagang “I shall
return”. Pangako na tutulungang makaahon ang mga Pilipino sa pagkalugami.

Sa pagpapalabas ng pelikulang may ganitong uri, kadalasang ipinakikita ang mga may takip na
bayong sa ulo habang traydor na itinuturo ang kapwa Pilipino sa mga kaaway. Sa wakas ay pagdurusahin
ang nagkanulo sa pamamagitan ng marahas na pagpaparusa.

Ano ang dahilan ng kanilang pagkakanulo ng kalahi sa mga kaaway na nagtatangkang lupigin ang
bansang sinilangan? Marahil ay ang kanilang paghahangad na mailigtas ang kanilang sarili sa kapahamakan
o dili naman kaya’y ang magkaroon ng kapangyarihang ipinangangako ng mga manlulupig. Kung alin man
sa dalawa o mahigit pang kadahilanan ang siyang ipinakikita sa diwa ng pelikula.
26

Ang uring ito ng pelikula ay nauso sa pagpapakita ng panahon ng Batas Militar. Ang pinagusbungan
ng lihim na pag-aaklas ng mga kabataan laban sa pamahalaan. Karaniwang kinasusuungan ng mga mag-
aaral sa kolehiyo na isa-isang binibigyan ng doktrina upang makianib sa samahan. Sa wakas ay ang malagim
na kamatayan ang kinasasadlakan ng mga kabataang dahilan sa maling doktrina ng mga ligaw na grupo
ang kinahahantungan.

Dito’y ibinabandila ang reyna ng EDSA Revolution, si Corazon C. Aquino kung saan sinasabing
nabawi na ang Kalayaan laban sa dating naghaharing si Ferdinand E. Marcos mula sa Martial Law. Ang
tanong; Naging mabuti ba ang kinahantungan ng nasabing pagbawi? May kaunlaran nga bang naganap sa
bayan? Sa pelikula nakikita at naipahahayag ang mga kaganapan.

Pagbubuod:

Sa makabagong panahon ng pelikula ay pinalulutang ang panahon ng mga Milenyal. Sa panahong


ito ay katanggap-tanggap sa lipunan kahit ang mga itinuturing na mga taong may kakaibang kasarian, ang
LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual at transgender).
27
Ang pagsulong kung sumusulong nga ang mundo ng pelikula ay tunay na naipakikita ang bawat
panahong pinag-uukulan nito. Dito sa panahong makabago ay nakalimutan na ang tunay na ugaling
Pilipino sa paraan ng pagbati sapagkat nalukuban na ng mga kolonyal na kaisipan ang mayorya.

Gayundin ang mga pornograpiya ay tila wala nang pakundangang ipaghantaran sa publiko ang
mga aktibiting seksuwal. Tunay na nabahiran na ng mga prosesong kolonyal ang pagsasagawa ng pelikula.
At sa kasalukuyan ang mga pelikulang Korean ang pinagkakahiligan lalo na ng mga kabataan.

Marahil sa panahong tinatawag nating New Normal ay may malaking pagbabago na ring
magaganap sa pagbubuo ng pelikula. Ano kaya sa palagay mo ang gagampanan mo bilang artista dito?

You might also like