You are on page 1of 6

Aktiviti Blg.

KRITIK SA PELIKULANG MGA KUWENTONG BARBERO


Indibidwal na Gawain
Jairicho J. Pampanga

Matapos mapanood sagutin ang mga sumusunod na katanungan para sa pagsusuri. Sipatin ang rubrik
sa dulong pahina ng papel na ito upang makita kung papaano mamarkahan ang inyong awtput.

Mga Gabay na Tanong sa Pagki-kritik ng Pelikula:

1.) Pamagat ng Pelikula: (Ibibigay ang pamagat ng pelikulang sinuri at pagpapakahulugan sa pamagat.
Maaaring sagutin ang katanungang bakit?)

- Mga Kwentong Barbero (Barber’s Tales)


- Sa tingin ko, kaya ganito ang pamagat ng pelikula dahil ang mga barbero noon at maging sa
kasalukuyan ay kilala sa kanilang kakayahang magsalita at magbahagi ng mga kuwento
habang nagtatrabaho. Ang mga kwentong ito ay maaaring tungkol sa iba't ibang mga bagay
mula sa mga personal na karanasan hanggang sa mga kathang-isip na mga kuwento.

Sa pelikulang ito, maaaring tinutukoy ng pamagat ay ang mga nangyari sa kanilang


barbershop. Ang paggamit ng "kwentong barbero" bilang pamagat ay maaaring
nagpapahiwatig ng uri ng pag-uusap na maaari mong inaasahan mula sa pelikula - malalim,
makabuluhan, at puno ng mga kuwento mula sa iba't ibang bahagi ng buhay.

2.) Pangunahing tauhan:(Pangalan ng karakter – artistang gumanap – paglalarawan) Isang pangungusap


lamang kada karakter. Ipaliwanag din kung sino ang sinasalamin o nirerepresenta ng bawat tauhan sa
kasalukuyang panahon. Maaaring gumawa ng matrix ukol dito. Halimbawa:
Pangalan ng Tauhan Deskripsiyon Representasyon sa
Kasalukuyan

1. Marilou - Eugene Ang pangunahing karakter sa Nagpapakita si Marilou ng


Domingo pelikula. Isa siyang babae na katatagan at determinasyon
nagtatrabaho bilang habang lumalaban sa mga
parlorista at barbero sa isang tradisyonal na paniniwala at
maliit at konserbatibong pagsubok ng lipunan. Sa
bayan sa Pilipinas noong kasalukuyan, maaaring maging
dekada 1970. simbolo ng laban para sa
gender equality at
empowerment ng kababaihan si
Marilou.

2. Edmond - Nicco Manalo Pamangkin ni Marilou na Maihahalintulad ko si Edmond


kasama sa mga tinatawag sa mga aktibista sa
nilang mga rebelde. kasalukuyang panahon, siya at
ang kanyang mga kasama ay
may sariling pananaw tungkol
sa pamamalakad ng gobyerno o
ano mang organisasyon. Sa
madaling salita, lumalaban sila
para sa katotohanan.

3. Pd. Arturo - Eddie Isang pari sa bayan na isa rin Inilalarawan ng karakter ni
Garcia sa mga suki ni Jose, asawa Padre Arturo si Kardinal Sin
ni Marilou. noong panahon ng Martial Law.

3.) Tema ng Pelikula:(Ano ang paksang tinatalakay sa pelikula?)

- Ang temang ipinapakita sa pelikula ay “Feminismo”, kalakasan ng kababaihan at ang mga kaya
nilang gawin.

4.) Makatotohanan ba ang mga pangyayaring pinapapakita sa pelikula? Anu-ano ang mga isyu na
tinalakay sa pelikula na maihahalintulad sa mga isyung nagaganap sa lipunan?

- Sa palagay ko, isa sa mga mahalagang isyu na tinalakay sa pelikula ay ang gender
equality. Marami ang nagduda sa kakayahan ni Marilou na palitan ang kanyang asawa
na si Jose sa pag-gugupit. Sa kasalukuyan, marami pa ring mga suliranin at pagsubok
sa pagtanggap sa kababaihan sa iba't ibang aspeto ng buhay, tulad ng trabaho,
edukasyon, at liderato.

- Ang tema rin ng paglaban at pag-asa sa "Mga Kwentong Berbero” ay maaaring iugnay
sa kasalukuyang karanasan ng mga Pilipino sa pakikibaka para sa mga karapatan at
hustisya. Ang mga usaping politikal at panlipunan, tulad ng karapatang pantao,
demokrasya, at paglaban sa katiwalian, ay patuloy na may mahalagang papel sa
lipunan.

5.) Ano ang aral na nakuha mo sa pelikula?

- Gamit na gamit ang salitang “babae ka lang” sa pelikulang ito. Ipinapakita ng pelikula na kayang
ring gawin ng mga babae ang kaya gawin ng mga lalaki. Babae ka, hindi babae lang.

- Mas naramdaman ko ang paghihirap ng mga mamamayan noong panahon ng martial law, mas
magiging masuri pa ako sa mga nakikita kong mga balita tungkol sa panahon na iyon.

- Natutunan ko rin na huwag maliitin ang mga kababaihan, marami sa kanila ang mas may ibubuga
pa sa mga lalaki kaya dapat lang na bigyan sila ng pantay na pagtrato.

6.) Kabuuang Pananaw: (Paano naiiba ang pelikulang ito sa mga pelikulang napanood mo? Naangkop ba
ang pelikula sa atin? Karapat-dapat bang panoorin ang pelikula? Bakit?)

- May natatanging katangian ang pelikulang ito na wala sa iba. Una ay ang kakaibang setting at
panahon ng pelikula, isang hindi karaniwang panahon at lugar na hindi madalas na
napag-uusapan sa mga pelikula, na nagbibigay sa amin ng pagkakataon na makilala ang
kultura at mga suliraning panlipunan ng nasabing panahon. Naaangkop ang pelikulang ito sa
panahon ngayon dahil laganap pa rin ang pang mamaliit sa mga kababaihan, pati na rin ang
mga maling impormasyon tungkol sa ating kasaysayan.

- Karapat dapat nating panoorin ang pelikula ito hindi lang dahil sa istorya, sinematograpiya,
at mga cast, kundi pati na rin sa taglay nitong mga aral na pinag uusapan ang iba’t-ibang
aspeto ng lipunan na talagang nakakamanghang isipin na nasa isang pelikula lang ang mga
ito, tulad ng slice of life, social issues, at mga krisis sa lipunan.

7.) Magtala ng limang linyang nakuha mula sa pelikula at bigyan ng kahulugan batay sa
konteksto.
Mga Linyang Nakuha mula sa Pelikula Kahulugan batay sa Konteksto

“May mga bagay tayong dapat isakripisyo Sinasabi dito ni Edmond nang tanungin siya
kung gusto natin ng pagbabago.” ni Marilou kung paano na ang pag-aaral niya
dahil pumasok siya sa kilusan. Ibig sabihin ni
Edmond na kaya niyang isakripisyo ang
pag-aaral niya para sa pagbabago.

“Binubulag ng pamahalaan ang taong Sinabi ito ni Edmond habang sila ay


bayan sa mga matatamis na pangako.” naguusap ng kanilang mga kasama at
naghahanda para sa isasagawa nilang
ambush.

“Ginagawa ko lang ang alam kong tama, Sinabi ito ni Marilou dahil kalat na sa bayan
mali ba yun?” na tinutulungan niya ang mga rebelde.

“Matagal nang pinag susupetiyahan ng Ito ang kasinungalingang sinabi ni Mayor


mga militar ang pakikipag ugnayan ni Arturo, ang katotohanan ay pinatay lang nila
Father Arturo sa mga rebelde” si Padre Arturo para matakot ang mga
mamamayan na lumaban sa kanila.

“Madalas, para malaman natin kung sino Sinabi ito ni Padre Arturo habang binibigay
tayo, kailangan pagdaraanan natin ang niya ang libro kay Marilou bilang “tip”.
maraming pagsubok. Natutunan ko
minsan na kailangan lang pala ay
magbasa”

8.) Talakayin ang ugnayan ng wikang Filipino at pelikula sa bansa tungo sa pagbabagong
lipunan.
- Naglalarawan ang wikang Filipino ng kamalayan at pag-unlad ng lipunan sa
pamamagitan ng mga pelikulang Pilipino. Ipinapakita ng pag gamit ng wikang
pambansa ang pagmamahal sa sariling kultura at maaaring magpapalakas ng
ugnayan sa mga manonood sa pamamagitan ng mga tema at mensahe ng
pelikula. Sa pamamagitan ng wikang Filipino, nagiging mas personal at
tumatagos sa damdamin ng mga manonood ang mga isyu at suliranin ng
lipunan, na nagpapalawak ng kamalayan at nagtataguyod ng pagkakaisa at
pagbabago. Marami rin ang mas maiintindihan ang pelikula kapag ito ay nasa
wikang filipino.

9.) Paaano magagamit ang pelikula sa pagtalakay at/o pag-unawa ng disimpormasyong


lumalaganap sa Pilipinas. Magbigay ng 2 halimbawang paskil sa social media na maaaring
basagin ng pelikulang ito.

Ipinapakitang pelikulang ito ang mga realidad ng lipunan, nagbibigay ng kaalaman at


edukasyon, nagpapahayag ng iba't ibang pananaw, at nagtataguyod ng pagbabago. Sa
pamamagitan ng pelikulang “mga kwentong barbero”, mas magiging malalim ang
pag-unawa at pagtugon sa kasaysayan ng bansa, na maaaring makapaagpapalawak
ng kamalayan, makapagpabago ng pananaw, at makapagpalaganap ng kaalaman at
pag-unawa.

Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong Di-mahusay


Mahusay
Pangkalahatang Nasagot Medyo Hindi Hindi
Awtput (25%) ang lahat nasagot gaanong malinaw
ng ang lahat malinaw ang ang
katanunga ng pagkakasago pagkakasag
n. (25) katanungan t sa mga ot sa bawat
(20-24) katanunga katanungan
n. (15-19) (0-14)

Daloy ng Kompleto Karamihan Ilan lamang Ilan lamang


Pagtalakay/Pagsus ang lahat sa mga sa mga sa mga
uri (50%) ng mga elemento ay element ang element ang
elemento sa natalakay natalakay natalakay sa
pagtalakay sa awtput.. sa awtput.. awtput..
na itinala Medyo Hindi Hindi
sa kritikal ang gaanong kritikal
awtput. naging kritikal ang ang naging
Kritikal ang pagsusuri naging pagsusuri
naging at medyo pagsusuri at hindi
pagsusuri masinop at hindi rin
at na rin masinop na
masinop nagamit gaanong nagamit ang
na ang mga masinop na mga
nagamit ang natalakay nagamit ang natalakay
mga sa mga sa lektura.
natalakay lektura. sa natalakay sa
sa lektura. pagtalakay sa lektura. pagtalakay
(45-50) (40-34) sa (0-20)
pagtalakay
(30-29)
Paraan ng May higit Sapat ang Kulang ang Walang
Pagsagot (25%) na bigat bigat at bigat at bigat at
at kalinawan kalinawan kalinawan
kalinawan ang ang ang
ang mensaheng mensaheng mensaheng
mensaheng nagpapahay nagpapahaya nagpapahaya
nagpapahay a g ng g ng g ng
ag ng tunguhin tunguhin sa tunguhin sa
tunguhin sa sa pagdadaluma pagdadaluma
pagdadaluma pagdadalu t. (15-19) t. (0-14)
t. (25) ma t.
(20-24)

Dedlayn: Marso 14

You might also like