You are on page 1of 8

YUNIT III : PANITIKAN HINGGIL SA

KARAPATANG PANTAO
Balangkas sa Kurso at Sakop na Oras Inaasahang Matutunan

Paunang Pagsubok
Tingnan ang poster at sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Bakit kailangan nating malaman at


maisabuhay ang ating mga Karapatan?

Mahalagang malaman natin ang ating mga


karapatan upang maipaglaban ang ating sarili hinggil
sa mga ibang taong maaring manamantala sa ating
kahinaan at katayuan sa buhay at mahalaga rin na
malaman natin ang karapatan ng ibang tao upang
hindi tayo lumampas sa ating mga limitasyon at nang
mamuhay tayo ng tahimik, maayos at mabuting tao.

2. Alin sa mga Karapatan ang madalas


nababalewala? Bakit?

Kamalayan sa kapaligiran na kung saan hindi


na namamalayan ng mamamayan ang kahihinatnan
ng kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo.
Tulad ng pagtaas ng mga bilihin.
Mga Katanungan:

1. Bakit “Luha ng Dalamhati ng Lahi” ang pamagat ng tula?

2. Paano napasok ang isyu kaugnay ng karapatang pantao sa tulang ito?

Pangwakas na Pagtataya

3. Makikita pa ba sa kasalukuyan ang iba’t ibang senaryo o pagpapakahulugan sa tula?


Pangatwiranan ang sagot.

Repliktibong Papel

GAWAIN 2

Katanungan
1. Ano ang kahulugan ng pamagat?
DESAPARESIDOS- isang Portuges na salita na nangangahulugang “nawala”. Tinawag na
Desaparesidos dahil ang unang bahagi nito ay ang paghahanap ng magulang sa nawawalang
anak at sa ikalawang bahagi, ang paghahanap ng anak sa nawawalang magulang. Isa pang
dahilan ng pamagat na ito ay, ang “pagkawala” ng isang tao ay syang isang paraan upang
pigilan silang tumayo at gamitin ang kanilang mga karapatan at para patahimikin sila sa kanilang
mga pulitilkal na opinyon na makakapagpagising sa kamalayan ng taong bayan.
2. Ano ang teoryang pampanitikan ang pumapaloob sa akda? Ipaliwanag.
A. Eksistentiyalismo- may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kapakanan ng
madami na siyang pinakasento ng kamatayan sa mundo o pagkabuhay sa mundo.
Tiniis ni Anna ang pambababoy sa kanya ng mga sundalo kaysa sabihin niya kung nasaan ang
lungga ng iba pang NPA na tulad niya. Pinilit niyang balewalain ang lahat para sa kalagayan ng
kanyang mga kasama.

B. Naturalismo-epekto ng kapangitan ng kalagayan, katulad ng kahirapan at kawalan ng


katarungan, sa mga tauhan nito.
Ang unang bahagi ng nobela ay tumalakay sa epekto ng kawalang katarungan sa mga tao na
naging dahilan upang kalabanin nila ang gobyerno at dahil dun maraming tao ang nawalan ng
buhay. Ang mga NPA tulad nina Ka Roy at Ka Leila ay nawalan ng pamilya dahil rito. Walang
awang sinunog ng mga sundalo ang bawat barrio para lang pumatay ng isang tao.

C. Humanismo-ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao.


Labag man sa kalooban ni Karla na sabihin kay Malaya ang totoo na hindi siya ang tunay na ina
nito ay ginawa niya parin dahil ito ang tama. Noong mga panahon na nasusunog ang kanyang
tinitirhan , ipinagbubuntis niya ang kanyang anak at dala-dala niya rin si Malaya, at hindi niya
inisip ang kanyang sarili bagkus ipinagdasal niya na “kahit itong bata lang ang maligtas..."
D.Romantisismo-pagtakas sa katotohanan, nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang
kapwa, bayan, at iba pa.
Maraming beses naipakita ang romantisismo. Makalipas na ang dalawampung taon, naging
mag-asawa sina Ronildo at Anna at nagkaroon ng anak. Sa tuwing aakyat sila upang matulog
ay dalawang beses titignan ni Anna kung sarado ang lahat ng bintana, kung nakakandado lahat
at kung may kakaibang ingay na maaaring manggaling sa masamang tao. Pinilit nilang lumayo
sa nakaraan, nagpanggap na walang nangyari at nagnagtaguyod ng sariling pamilya ngunit
hindi parin mawala sa kanilang sistema na lumipas man ang maraming taon ay minumulto parin
sila ng sakit ng kahapon.

E.Imahismo/Pisikal-larawang-diwa o imahe, salitang kapag binanggit sa akda ay nag iiwan ng


malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.

“Manhid na ang mukha ni Anna sa maraming sampal. Putok na ang bibig niya. Tumutulo sa
ilong niya ang magkahalong sipon at dugo.”

“pangalan mo?”
“Hindi ko po alam!”
“Putang ina to, ginagago mo ba kami? Pangalan mo, hindi mo alam?”

F.Moralismo-magpahayag hindi lamang ng literal na katotohanan kundi mga pang


habangbuhay at unibersal na mga katotohananat mga di mapapawing mga pagpapahalaga at
kaasalan.
Naipakita sa nobela ang kahalagahan ng katarungan at kalayaan sa tao, epekto ng karahasan
ang pagbangong muli at pagtanaw sa mas maayos na kinabukasan. Ang mga pagbabago nina
Anna at Roy, pilit na paglimot nila sa nakaraan, pagguhit ng makabagong kinabukasan at ang
pagpuno ng pagkukulang nila sa anak na si Lorena at si Anna kay Malaya.

G.Sosyolohikal-manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura at


institusyon sa kanyang kapaligiran na kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang
panahon.
Ang pagsulat ni Lualhati Bautista sa Desaparesidos ay itinuring na boses ng kanyang panahon
dahil nabuhay siya sa panahon ng Martial law noong Setyembre 21, 1972 kung saan taong
laganap ang mga NPA na sinubukanng talunin ang kawalang katarungan at kalayaan ng tao,
ngunit nabigo. Ang mga nangyari sa Pilipinas ay isinulat niya upang malaman ng mga taong
mabub uhay pa lamang anf dinanas ng mga tao noon spara sa kalayaang natatamasa ng mga
nabubuhay ngayon.

H.Biyograpikal-manunulat ay nagsusulat ng mga bagay ba personal niyang nararanasan at


nakikita sa kanyang paligid.
Masasabing marahil ay may personal na karanasan si Lualhati Bautista sa Martial Law dahil sa
panahong it ng siya’y nasa tamng pag iisip at nakikita at nabibigyang atensyon ang lahat ng
karahasan sa paligid, sa kanyang desaperasidod, hindi man totoo o nabuhay si Anna at Roy,
maaari itong sumimbolo sa taong nakaranans nito sa panahon ng Martial Law sa pamamagitan
ng pagsulat ni Lualhati.
3. Sa papaanong paraan naipakita ang karapataong pantao sa nobela. Paano ito
nabalewala?
narito ang Desaparesidos, at kalunos-lunos ang nilalaman ng bagong nobela tungkol sa
paglasog ng mga kabuktutang militar sa pamilya ng mga rebolusyonaryong nasa kanayunan...
_
_
__ _
_
_
Paggawa ng Sariling Replekyon
Panuto: Bumuo ng sariling tula na nagpapakita kung papaano mo ilalaban ang
karaptang pantao bilang kabataan.

Lahat ng tao’y may karapatan

Tayo’y hindi dapat magpaapi na lamang


sa sinumang taong pawang mga gahaman
dapat matuto ngang sa kanila’y lumaban
pagkat mga tulad nila’y pawang iilan

lahat ng tao sa mundo’y may karapatan


na mabuhay sa mundo ng may kalayaan
‘di niya karapatang maapi ninuman
at ‘di rin karapatang mapagsamantalahan

karapatan niyang makipaglaban


at huwag mabuhay sa takot kaninuman
kaya nga maraming bayaning nagsulputan
para sa paglaya’y nakikipagpatayan

sa sama-sama’y may lakas tayo, kabayan


ipakita natin ang ating kalakasan
ating babaguhin ang bulok na lipunan
at ating dudurugin ang ating kalaban

You might also like