You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


The National Engineering University
Pablo Borbon Campus
Rizal Avenue Ext., Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 1124
E-mail Address: cabeihm.pb@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

College of Accountancy, Business, Economics and International Hospitality Management


Undergraduate Program
Paghahandang Pagsusulit sa Fili 102
Susi sa Pagwawasto
Pangalan: __________________________________________ Iskor: ___________
Seksyon: _________________________________________ Petsa: ___________

Pangkalahatang Panuntunan:
1. Basahin ng mabuti ang bawat panuto.
2. Lubhang ipinagbabawal ang pagbubura o alterasyon ng sagot.
3. Ang anomang bilang na walang sagot ay ituturing na maling kasagutan.

I. MAY PAGPIPILIAN
A. Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na pahayag at isulat ang titik ng wastong sagot.

1. Si Bryan ay kinilala bilang pinakatanyag na personalidad sa larangan ng negosyo. Dahil dito, napagdesisyunan niya na sumulat ng
isang aklat na naglalahad ng kanyang mga karanasan at pinagdaanan sa buhay upang makapagbigay ng inspirasyon sa iba. Batay sa
nabanggit na senaryo, anong anyo ng pagsulat sa larangan ng Humanidades batay sa layunin ang naipakita?
A. Imahinatibo B. Impormasyonal C. Pangungumbinse D. Wala sa nabanggit
2. Si Lisa ay lumaki ng may malasakit sa kanilang komunidad. Dulot nito, siya ay nagnanais na magkaroon ng malalim na kaalaman
hinggil sa kanyang bansa, politika, at sa proseso at sistema ng mga gobyerno. Anong larangan sa Agham Panlipunan ang angkop na pag-
aralan ni Lisa?
A. Agham Pampolitika B. Ekonomiks C. Kasaysayan D. Sosyolohiya
3. Lubhang apektado ang Pilipinas sa pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho at kasabay pa nito ang di maawat na pagtaas
ng presyo ng mga bilihin. Anong partikular na larangan sa Agham Panlipunan ang mainam na pag-aralan upang magkaroon ng kaalaman
sa ganitong uri ng usapin?
A. Agham Pampolitika B. Ekonomiks C. Kasaysayan D. Sosyolohiya
4. Ang mag-aaral na si Andrei ay may malalim na hilig sa pagsulat ng mga malikhaing akda tulad ng nobela, dula, maikling kwento, at
iba pa. Anong anyo ng pagsulat sa larangan ng Humanidades batay sa layunin ang kinahihiligan ni Andrei?
A. Imahinatibo B. Impormasyonal C. Pangungumbinse D. Wala sa nabanggit
5. Si Clarita ay nagnanais na magkaroon ng malalim na kaalaman hinggil sa mga tao sa iba’t ibang panahon ng pag-iral. Anong
larangan sa Agham Panlipunan ang makatutulong kay Clarita upang maisakatuparan ang kanyang layunin?
A. Arkeolohiya B. Antropolohiya C. Heograpiya D. Kasaysayan

II. TAYAHIN/IDENTIPIKASYON
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na pahayag at isulat ang wastong kasagutan sa espasyo bago ang bilang ng bawat
aytem.

6. Katangian ng pananaliksik na tumutukoy sa pagsunod sa wastong proseso ng mga hakbangin tungo sa pagtuklas ng
katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon ng pananaliksik. Sistematik
7. Itinatag ito upang magbalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa upang matiyak ang higit pang pagpapaunlad,
pagpapayaman, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang wika sa Pilipinas. Komisyon sa Wikang Filipino
8. Nakatuon ito sa mga property at interaksyon ng panahon, espasyo, enerhiya at matter. Mula ito sa Griyego na Phusike o
kaalaman sa kalikasan. Pisika
9. Ito ang taon kung kailan nilikha ni Norberto Romualdez ang Commonwealth Act No. 184 upang itatag ang Surian ng Wikang
Pambansa (SWP). 1936
10. Ito ang wika na napagkasunduang piliin ng SWP noong 1937 sa kadahilanang ito ang wika na karaniwang ginagamit ng mga
manunulat, pahayagan, publikasyon, at ng karamihan sa ating mga mamamayan. Tagalog
11. Isang sulatin na tumutukoy sa pagsasalin ng ideya ng orihinal na teksto sa mabisa at malinaw na pananalita na hindi nababago
ang tunay na kahulugan. Paraphrasing
12. Ang agham na tumatalakay sa panlabas at panloob na anyo ng terrestrial globo; ng likas na katangian ng mga materyales na
bumubuo nito at sa pagbuo nito. Earth Science/Geology
13. Isinasaad sa artikulong ito ang legal na batayan ng konsepto ng Filipino bilang wikang Pambansa at ang magkarugtong na
gampanin nito bilang wika ng opisyal na komunikasyon, at bilang wikang panturo sa Pilipinas. Artikulo XIV, Konstitusyong 1987
14. Sa yugtong ito karaniwang nagsisimula ang pagbuo ng isang pananaliksik. Pagpili ng Paksa
15. Bahagi ng IMRaD kung saan nakapaloob ang mga modelo at panukat na gagamitin, ano, kailan, saan, paano, gagamitin ang
material sa isang pagsisiyasat. Metodo
16. Ayon sa kanya, “Hindi ko nais ang Kastila o Ingles ang maging wika ng pamahalaan. Kailangang magkaroon ng sariling
wika ang Pilipinas, isang wika na nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.” Manuel L. Quezon
17. Ito ang agham na pinag-aaralan ang pinagmulan, ebolusyon at katangian ng mga nabubuhay na nilalang, pati na rin ang
kanilang mahahalagang proseso, kanilang pag-uugali at kanilang pakikipag-ugnayan sa bawat isa at sa kapaligiran. Biyolohiya
18. Ito ay nakatuon sa paglalapat ng agham upang matugunan ang pangangailangan ng sangkatauhan. Inhinyeriya

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Pablo Borbon Campus
Rizal Avenue Ext., Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 1124
E-mail Address: cabeihm.pb@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

College of Accountancy, Business, Economics and International Hospitality Management


Undergraduate Program
19. Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay sistematikong paghahanap sa mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na
paksa o suliranin. Aquino, 1994
20. Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at
teknikal lektyur, at mga report. Abstrak
21. Ito ay siyensiya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika, at ugnayan ng mga numero, pigura, anyo, espasyo, kantidad, at
estruktura na inihahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Matematika
22. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral at gamit ng telnolohiya kaugnay ng pagbibigay at paglilipat ng impormasyon, datos at
pagpoproseso. Information Technology
23. Taon kung kailan naitatag ang Komisyon sa Wikang Filipino. 1991
24. Kabilang sa prosesong ito ang pagbuo ng creative minority o significant others o ang mga intelektwal na disipulo na
magsisimulang gumamit ng mga teknikal na bokabularyo, terminolohiya at ng estilo o retorika at magpapalaganap nito sa
pamamagitan ng pagsulat, paglalathala at pagtuturo. Ekstra Lingguwistiko
25. Ito ay nakatuon sa komposisyon ng mga substance, properties at mga reaksyon at interaksyon sa enerhiya at sa sarili ng mga
ito. Kemistri
26. Ito ang partikular na taon kung kalian napasakamay ng mga Kastila ang Pilipinas. 1565
27. Ito ang antas sa pagpaplanong pangwika kung saan nakatuon sa mandatoring asignaturang Filipino sa Kolehiyo. Makro
28. Taon kung kailan naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa. 1936
29. Kabilang sa proseso ito ang pagdebelop ng isang estandardisadong anyo ng wika na magagamit naman sa pagdebelop ng
akademikong diskurso at ang pagbuo ng register ng wika o ang tangi at tiyak na gamit ng wika sa isang larang. Lingguwistiko
30. Taon kung kailan ipinoroklama ang wikang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa. 1937

III. TAMA O MALI


Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA kung wasto at MALI naman kung hindi.

31. Gumagamit ang mga nagsusulat ng panunuri sa rebyu upang magbigay linaw sa nilalaman ng akda ng sa gayon ay madaling
maunawaan ito ng mambabasa. TAMA
32. Ang panahon ng mga Hapon ang itinuring na Gintong Panahon ng Panitikan dahil sa paggamit ng wikang Tagalog o Pilipino
(Filipino ngayon) sa pagsulat at pilit na pag-aalis sa sistema ng mga Pilipino ng wikang Ingles. TAMA
33. Ang paraphrasing ay nakatutulong upang mas mapabilis ang pagbibigay kahulugan sa binasang teksto. TAMA
34. Hindi isinusulat sa abstrak ang detalyadong pagpapaliwanag ng mga datos para pahabain ito. TAMA
35. Nararapat na ang mananaliksik ay may sapat na kaalaman sa paksa. TAMA
36. Ang mga halimbawa ng sekundaryang sanggunian ay panayam, awtobiyograpiya, talaarawan, at iba pa. MALI
37. Ayon kay Savory (1968), ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa ideyang nasa likod ng
pananalita. TAMA
38. Ang analitikal na lapit ay ginagamit sa pag-oorganisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri at mga pag-
uugnay-ugnay ng mga ito sa isa’t isa. TAMA
39. Kaiba sa Humanidades, ang maga sulatin sa Agham Panlipunan ay simple, impersonal, direkta, tiyak ang tinutukoy,
argumentatibo, nanghihikayat at naglalahad. TAMA
40. Sumulat din ang mga kastila ng ilang aklat sa gramtika at bokabularyo gamit ang wikang katutubo na malaki ang naitulong sa
pag-aaral ng wika sa bansa. TAMA

IV. ANALISIS
Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na Paksa sa Pananaliksik at tukuyin ang Independent at Dependent Variable ng mga
ito. Isulat ang sagot sa likod ng pahinang ito.

41-43. Pag-aaral hinggil sa Kahalagahan ng Implementasyon ng Environmental Code sa Lungsod ng Batangas


43-44. Ang Mainstream Media at mga Negatibong Epekto nito sa mga Manunuod
45-46. Mga Teorya sa Gramatika at Wika, Salalayan sa Pagtuturo ng Filipino
47-48. Pulso ng Bayan: Reaksiyon ng mga Filipino tungkol sa mga Piling Pahayag ni Duterte kontra Kababaihan at ang Dulot
nito sa Pagpapaunlad ng Pamayanan
49-50. Ang Pagtatanghal sa Sarili at Pakikipagdate sa Internet Gamit ang Tinder

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation

You might also like